Charity was convicted with murder and was sent to jail for ten years. Pinalaki niya ang anak sa loob ng kulungan bago ito kinuha na lang ng basta-basta sa kanya. Ten years later, nakalabas na siya ng kulungan at sinundo ng isang matalik na kaibigan. That's where she will find the children that she once raised and the lover she once left. Simula nun ay unti-unti ng bumalik ang nakaraang ayaw na niyang balikan. Mula sa pinatay niya, sa mga anak niya, sa pamilya, at kung paano niya lahat yun nalampasan. Will the ex-convict really find her peace and start a new beginning?
View More"Pinapangako ko, Charity. Babawi ako sayo. Pagkalabas mo dito ay sisiguraduhin kong maayos na ang lahat"
"Mabuti naman. At sana masaya ka din paglabas ko rito"
Dahan-dahang nagmulat ang mata niya dahil sa panaginip na ‘yon "Inmate 041" dahan-dahan siyang bumangon at liningon ang pinto dahil sa pagkatok
"Makakalaya ka na" sabi nito kaya tumayo siya. Sampung taon din siyang nakakulong dito at halos siyam na taon na din simula ng makita niya ang kaniyang mga anak.
"Goodluck, Charity" ngumiti siya sa babaeng guard bago nito isinara ang gate.
"Charity!"
Lumingon siya sa tumawag at napangiti ng makita ang matalik na kaibigan. Binuksan niya ang mga braso upang salubungin ang yakap nito.
"Grabe, na miss kita" sabi nito at ngumiti "Kakakita palang natin kahapon, Abby" sabi niya kaya tumawa ito
"Pero hindi naman kita nayayakap dahil sa nakaharang na salamin" sabi nito kaya napailing siya bago tanguan ang asawa nito
"Ihatid ka na namin" sabi ni Flynn "Salamat" sabi niya bago pinagkrus ni Abigail ang braso nila "Mabuti talaga nakalabas ka na riyan" sabi nito
"Bakit naman?" tanong niya kaya tinaasan siya nito ng kilay "Bakit? Masaya ba sa loob ng kulungan? Hindi ko nga napapakilala yung anak ko, e" sabi nito kaya napangiti siya"Mommy!" lumingon siya sa tumawag at nakita ang isang batang babaeng naka-pigtails "Jasmine, huwag kang tumakbo" sabi nito pero tumawa lang ang bata
"Oo nga pala. Si Jasmine, anak ko" pagpapakilala nito kaya ngumiti siya "Jasmine, ito si Tita Charity. Bestfriend siya ni Mommy" sabi nito kaya tumingala sa kanya ang bata at tinaas ang maliit nitong kamay habang kumakaway"Hello po, Tita Charity. You’re so pretty po" tumawa siya sa sinabi nito at lumuhod "Ang ganda mo rin, Jasmine" sabi niya at kinurot ang pisngi nito
"Alam mo? Same tayo ng name" sabi niya kaya nagtaka ang bata "Talaga po?" tanong nito kaya tumango siya "Ang pangalan ko ay Charity Jasmine King" pagsambit niya sa buong pangalan
"Wow! Oo nga po!" namamangha nitong sabi at pinalakpak ang kamay "Go back to Daddy na, Jasmine" sabi ni Abigail sa anak
"Okay po" pagtango nito at tumakbo. Nang makitang nakalapit na ang bata ay tumayo siya sa pagkakaluhod"Hindi ko aasahan na ipapangalan mo sa’kin yung bata" sabi niya "Of course. Ng ipanganak ko yan si Jasmine ay ikaw agad ang naisip ko. Dalawang taon ka palang nakakulong noon. Hindi mo man lang naabutan ang kasal ko" sabi nito kaya mapait siyang napangiti
"Ang drama mo" pangaasar niya kaya hinampas siya nito sa braso na ikinatawa niya.
Hinatid siya nito sa villa niya kung saan siya sinalubong ni Kent "Miss Charity" pagyuko nito kaya ngumiti siya
"Ang tanda mo na, Kent" sabi niya pero masayang ngumiti ito "Masaya akong makita ka, Miss Charity" sabi nito at nagyakapan sila"Ako din, Ilang taon din tayong hindi nagkita" sabi niya at humiwalay na.Si Kent ang family butler nila, tatlong taon lang ang tanda nito sa kanya kaya mas malaki ang pinagbago nito.Nung una ay ang tatay nito ang butler niya pero nang maka-graduate siya ng college siya na ang naging butler nito at si Butler Dino ang naging mayordamo ng mansion nila.
"Si Veronica?" tanong niya nang hindi makita ang secretary "Wala pa po" pagiling nito kaya nagsalubong ang kilay niya
"Walang kwenta naman ang babaeng yun. Hindi man lang tingnan ang boss niya na kakalabas lang" reklamo niya sabay ng marahas na pagbukas ng pinto."Nandito na ako!" pagsigaw nito habang hinihingal kaya napangiti siya "You’re late, Veronica" sabi niya at awtomatikong nanubig ang mata nito
"Miss King!" sabi nito at sinalubong siya ng yakap sabay ng pagiyak nito "Hindi mo alam kung gaano ka namin na miss sa opisina, Miss King" pagiyak nito sa balikat niya.Si Veronica ang isa mga schoolmate niya nung college at tinanong niya ito kung gusto magtrabaho sa kanya pagkagraduate ni Veronica.Isa itong professional at loyal na sekretarya na importante sa loob ng mafia industry kaya wala siyang balak palitan ito.
"Wag kang dramatic. I'll start working tomorrow" sabi niya kaya umiiyak na tiningnan siya nito"Bukas agad? Hindi ba kailangan mong magpahinga?" tanong nito kaya natawa siya"Veronica, sampung taon na akong nakapahinga sa kulungan. Halos wala kaming ginagawa doon kundi magtahi" sabi niya kaya pinahid nito ang luha
"Oo nga pala" sabi niya at tiningnan si Kent "May problema bang nangyayari habang wala ako?" tanong niya kaya umiling si Kent
"Nung two years na wala ka ay may mga masamang nangyari pero may nagtulong na nagbigay samin ng impormasyon. Sinabi niyang crystal ball mo daw siya" sabi nito kaya napaisip si Charity bago ngumiti
"I know her" sabi niya kaya tumango si Kent. Hindi niya inaasahan na tutuparin niya talaga ang pangako nung mga panahon na nakakulong pa siya.
"I changed my mind, Veronica. Sa susunod na lang na araw ako papasok. May aasikasuhin ako bukas" sabi niya rito kaya tumango ito bago tumingin kay Kent
"May pupuntahan tayo bukas" sabi niya rito kaya tumango ang binata. Nagtalikod na siya at tumaas ng hagdan para maligo.Na miss niya na ang bath tub ng bahay. Hays. Hinubad niya ang jacket at kalo na binigay sa kanyang damit sa kulungan bago humiga sa kama.
Habang tumititig sa kisame ay naisip niya ang anak. Kamusta na kaya siya? Malaki na ba?
Nine years old na ‘yon ngayon at siguradong mga maganda ‘yon. Napapikit siya ng mariin dahil dito at tinakpan ang mata gamit ang braso ng maramdaman ang pagtulo ng luha niya.
Sana lang talaga nasa mabuting kamay ang mga anak niya kundi pagsisisi ang mararamdaman niya habang buhay.
Pero kahit papaano ay hindi siya nagsisisi sa naging desisyon. Kung nanatili ang anak niya na kasama siya ay baka puno ng lungkot ang buhay ng bata.
Nahihiyang sasabihin nitong ex-Convict ang nanay niya at pumatay ng tao. Ano na lang kaya ang magiging kinabukasan nila yun?
Habang sa kabilang banda ay napaangat ang tingin niya ng marinig ang pagbukas ng pinto.
"Daddy, may ginagawa ka pa po?" tanong nito kaya ngumiti siya "Bakit? May gusto ka ba gawin?" tanong niya kaya tumango ito
"Gusto kong kumain ng japanese food at mag-buy ng new book" sabi nito kaya natawa siya"Sige. Tatapusin ko lang ‘to at lalabas na tayo" sabi niya kaya masayang tumango ito at tumakbo palabas ng office. Napailing siya at tumingin ulit sa pipirmahan.Margo Esteban, a thirty years old business man that handles real estate.One of the most popular people inside the Esteban brothers. All men and no girls so don’t wonder why their all fuckboys.Margo got engaged for five times pero hindi naman napupunta sa kasalan.Reason? He found a new girl to play with. Such a fuck up reason, huh? Pero kahit na may pagkagago at walang hiya ang isang ‘yon ay magaling ‘yan kapag ang pinaguusapan ay negosyo.That’s the only thing he won’t joke about because he is thirsty for money even though he is damn rich already.Madali lang naman siyang lokohin kung tutuusin kaso ang prob
Ng makarating si Charity sa covered court ng school ay nakita niyang na announce na si Kath bilang Miss Little Angel.Parang may hinahanap ito sa audience ng biglang tumigil ang tingin nito sa kanya. Ang kaninang nagaalalang ekspresyon kanina ay napalitan ng lungkot.Ng matapos ang pageant at naghahanda na ang mga contestants ay naghintay lang si Charity sa labas.Napalingon si Charity sa direksyon kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses."Abby" pagtawag niya sa kaibigan na nginitian siya "Ayan na si Tita Charity, o" tumingin siya kay Kath na nakatitig lang sa kanya."I'm sorry. May inasikaso kasi ako kaya hindi ako–""But you promised, Tita. You're just m
Ng makabalik si Charity sa bahay ng mga Falcon ay sinalubong agad siya ni Jasmine.“Hello po, Tita!” masaya nitong bati kaya lumuhod siya at ngumiti dito “Hello, Jasmine” bati niya pabalik at tiningnan ang kabuohan nito.Ang mukha nito ay manang-mana kay Abigail pwera na lang sa mga mata nitong kulay blue na halatang nagmana kay Flynn.Mas naging cute pa ito sa paningin niya ng makita ang baby blue na dress na suot nito na ibinagay pa sa maikli at kulot nitong buhok.“Your pretty today” sabi niya na ikinangiti nito ng malawak bago siya hinalikan sa pisngi“I love you, Tita” paglalambing nito
TWELVE YEARS AGO“Wala ba dito yung mga kuya mo?” tanong ni Charity pagkapasok nila ng bahay“Wala, e. Nag-bonding ata ang mga ‘yon sa Boracay” sabi nito habang umiiling “Si Vanessa ba at Saint pupunta dito?” tanong niya“May pupuntahan daw si Vanessa ngayon kaya hindi makakarating habang may pinapabantay daw kay Saint” sabi nito na ikinatango niya“Abby, kailangan ko na talaga ng tubig” sabi niya kaya natawa si Abigail “Pumunta ka na ‘don sa kusina” sabi nito kaya tinakbo na niya ang daan patungong kusina“Charity, kukunin ko lang yung reviewers ko s
Napatitig siya sa laptop na linapag nito sa harap niya “Para saan ‘to?” tanong ni Clinton sa kakambal“Nakita ko ‘to sa police station. Mabuting nandon pa ang files ten years ago” sabi nito at umupo sa tabi niya“Ano ba yung natuklasan mo?” tanong niya “Yung police interview ng makita si Charity sa harap ng krimen. You won’t believe what she said to the police” pagiling nito at plinay ang video kaya lumipat ang atensyon niya dito.Unang makikita ang isang interrogation room at ang isang police at babae ang magkaharap sa lamesa.Sa harap ng police ay may camera at laptop, pati mga tambak ng documents sa gilid nito.
TWELVE YEARS AGO“Magtra-trabaho ka habang nagaaral? Charity, hindi ka sanay sa ganyan” pagiling niya“Than starving myself to death” sabi niya at bumuntong hininga “Kai, kaya ko na ang sarili ko” sabi niya at halos mawala na ang puso niya ng bigla itong prumeno at gumilid.“What are you doing? Bakit ka tumigil?” kunot noong tanong niya“Kaya mo na? Nagbibiro ka ba? You are raised with a silver spoon on your mouth at sasabihin mo saking kaya mo? Baka nga hindi ka nila payagan dahil dala mo ang pangalang King” sabi nito“Wala akong pake, Kai. Ayokong umuwi kaya ‘yon ang
Comments