Nang walang makuhang sagot si Louise galing kay David ay bumitaw siya mula sa pagkakayakap. Umalis siya sa likuran nito at lumipat sa harapan, para harapin ito.Seryoso pa rin hanggang ngayon ang mga tingin na ibinibigay sa kanya ni David. Hindi niya iyon gusto. . .Pinagapang niya pataas ang kanyang kamay sa dibdib nito nang dahan-dahan papunta sa mukha nito. Hindi pa rin ito nagsasasalita o kumikibo. Tangging ang pagbagsak ng tubig sa sahig mula sa shower ang ingay sa paligid nilang dalawa.Marahan niyang hinaplos ang mukha nito at pinaglaruan ang labi gamit ang kanyang hintuturo.“Bumalik ka na sa kwarto mo,” walang emosyong sabi nito at iniwas ang mukha sa kanya. Muli nitong hinarap ang shower at hinayaan ang sarili na daluyan ng tubig.Hindi iyon pinakinggan ni Louise at sa halip ay hinila ang braso ni David parahap sa kanya. Tumingkayad siya para magpantay ang mga mukha nila at hinalikan ito sa labi. Hindi siya itinulak ni David pero hindi rin ito nagresponde sa halik niya.Hind
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Olga nang makapasok siya sa loob ng kwarto niya. She's not happy anymore. Hindi na siya masaya sa buhay na meron siya ngayon. Kung noon ay parang langit niya kung ituring ang Denmark, gusto niya nasa kanya lahat parati ang atensyon ng mga tao, at gustong maging Reyna—Pero ngayon ay iba na...Simula pagkabata, ang maging Reyna ng Denmark lang ang pangarap niya. Iyon din ang gusto ng mga magulang niya para sa kanya. Pero isang araw, nagising na lang siya na gusto niyang lumayo. . . Sa malayong-malayo, roon sa lugar na hindi pamilyar sa kanya, sa lugar na walang nakakakilala sa kanya. . . sa lugar na magiging malaya siya. At handa siyang bitawan at iwan ang lahat ng meron siya ngayon para roon.Mabilis siyang napatayo nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Hindi pa man niya naibubukas ang kanyang bibig para magsalita at papasukin ang kung sino man ang kumakatok ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang kanyang ama.Yumuko siya rito at
“Kailangan mo muna magpalamig sa mga mata ni Octavio. . . Ngayong alam na niya na bumalik na ang ala-ala mo at nandito ka na sa Denmark ay hindi ka niya titigilan. Alam mo yan. Pati si Jonas ay ipinapahanap ka na rin.”Inalis ni Louise ang tingin sa mga halaman sa hardin ng rest house kung saan sila namamalagi ngayon. Binalingan niya si Joseph sa kanyang tabi at kinuha rito ang blue print ng palasyo ng Amalienborg na nasa loob ng brown na envelope.Natutulog pa siya nang gisingin siya ng kanyang ina dahil sa pagdating dito si Joseph. Inutusan ito ni Olga para sabihin ang personal nitong mensahe para sa kanya. Gusto ni Olga na gawin niya ang pagtakas kay Yasmin at sa Lolo nila sa araw ng state visit dito sa bansa dahil iyon lang ang tamang pagkakataon para sa kanila.Limang araw bago ngayon ay ang petsa ng state visit. Tamang-tama lamang iyon para pagplanuhan niya nang mabuti ang mga dapat gawin. Malaki rin tulong ang blue print na ipinadala ni Olga sa kanya para alam niya kung saan si
Isinuot ni Louise ang kanyang jacket pagkatapos ay nagsuot ng sombrero. Muli niyang tiningnan ang kanyang baril para makatiyak na puno iyon ng mga bala. Isinuksok niya iyon sa kanyang bawang, malapit sa tagiliran at tinakpan ng jacket.Paglabas niya ng kwarto ay agad niyang nakita si David na nakasandal sa pintuan, halatang naghihintay sa kanya.Dumeritso siya sa kanyang Ina at humalik sa pisngi nito. “Babalik kami bago magdilim,” aniya.Tumango naman ang kanyang Ina at niyakap siya nang mahigpit. “Mag-iingat kayo.”Sinulyapan niya si Lin na naroon sa harapan ng computer. Nag-thumbs up ito sa kanya para sabihing naka-connect na ang gagamitin nilang sasakyan sa computer.Inihatid sila ng kanyang Ina sa ibaba. Ibang sasakyan ang ginamit nila ngayon. Napakaraming sasakyan sa garahe at hindi niya alam kung kanino ang mga iyon. Sa tuwing may umaalis ay iba-iba parati ang ginamit na sasakyan para matiyak ang kaligtasan nila. Pinagbuksan siya ni David ng pintuan sa shotgun seat bago ito nau
Mabilis na kinuha ni Louise ang cellphone ni David. Hinanap niya ang number ni Olga sa contact nito at tinawagan ang pinsan niya. She have to save her cousins and her Aunt.Nag-drive na si David paalis habang kino-contact ni Louise si Olga. Nag-ring ang cellphone ni Olga sa unang beses pero walang sumagot doon. Sinubukan ulit iyon ni Louise sa pangalawang beses pero wala pa rin sumagot.“Si Aamir ang tawagan mo,” wika ni David habang nasa daan ang atensyon nito. “Nasa palasyo pa sila ngayon, hindi pa nakakaalis.”At si Aamir nga ang tinawagan ang sinubukan niyang tawagan. Isang ring pa lang ay sumagot na ito at narinig na niya ang boses nito sa mula sa kabilang linya. Maging ang boses ni Thyra ay narinig din niya na kinakausap ang asawa.“David,” ani Aamir.“It's Louise,” she corrected him. “I need to talk to Olga. Where is she?”“Hmm. . . Louise, you only call when you need something from me. I feel used.” Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Aamir ay alam niyang nakangisi ito ngay
Umaga na pero wala pa ring tulog si Louise at ang kanyang mga kasamahan. Wala pa ring nagpapakita na Oliver kahit anino nito. Hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin sa mga sandaling iyon. Hindi niya pwede hayaan na hindi nila kasama si Oliver.“Magkape muna kayo.” Umangat si Louise ng tingin sa kanyang ina, may dala-dala itong tray na puno ng mga tasa ng kape. Inilapag nito ang tray sa lamesita sa kanilang harapan at inabutan sila ng tig-iisang tasa ng kape.Nasaan ba si Oliver?Sabay-sabay silang natigilan at napatingin kay David nang mag-ring ang cellphone nito.Mabilis tumayo si David para sagutin ang tawag. At dahil ni-loudspeaker nito ang cellphone ay narinig nila ang boses mula sa kabilang linya. It was Olga.Inabot sa kanya ni David ang cellphone at agad naman niyang kinausap si Olga.“Olga. . .”“I'm sorry about last night. I can't make a phone call—”“Yes, I understand, Olga. I was there,” wika niya.“Really? You came here?” mas humina ang boses ni Olga ng itanong iyon.
Doble sa normal na takbo ng sasakyan ang takbo ng dina-drive na kotse ni Louise. Kailangan niya agad makarating sa yacht party. Baka may makuha siya roon na impormasyon na magtuturo kung nasaan si Lieutenant Evans.Napatingin siya sa baril na nasa kanyang bewang. Tanging iyon lamang ang meron siya ngayon at ang isang natitirang kutsilyo na naroon sa kanyang boots.Matapos ang mahigit isang oras, maya-maya pa ay natatanaw na niya ang mga naglalakihang barko roon sa pantalan, senyales na malapit na siya. Naririnig na rin niya ang hampas ng mga alon. Sa halip na dumeritso sa mismong pantalan ay lumiko siya sa mas makikitid at lubak na kalsada patungo sa tabing dagat. Huminto siya ilang metro ang layo mula sa dalampasigan.May apat na speedboat na nakahanay sa tabi ng malaking bato. Gagamitin niya ang isa sa mga ito. Sana lamang ay kayanin iyon ang malalaking alon.Pinili niya ang pangalawang speedboat at buong lakas na itinulak iyon papunta sa tubig. Sumampa na siya rito at nagsagwan pap
Hindi na si Louise muling lumaban pa sa kampo nila Jonas. Pero hindi ibig sabihin no'n ay sumusuko na siya sa mga ito o tinatanggap na niya ang pagkabigo niya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nahanap niya si Lieutenant Evans at napatakas niya ito rito.Napapikit siya at huminga nang malalim. Sinasabayan ng pagkirot ng kanyang ulo ang mga tama niya ng baril sa binti at braso. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang baril sa lapag ng yate upang ipabatid na hindi na siya lalaban. Ngisi-ngisi naman si Jonas na naglakad papunta sa kanya. Yumuko ito sa harapan niya at hinawakan siya nang mahigpit sa panga. Ramdam niya sa hawak niya ang gigil. Hindi pa ito nakontento at malakas pa siya nitong sinampal, sa sobrang lakas no'n ay dumugo ang gilid ng kanyang labi. Nalasahan niya ang dugo mula roon. Akala nia ay iyon lang ang gagawin sa kanya pero nang-aasar itong tumawa at hinampas siya sa batok, dahilan para mawalan siya ng malay at bumagsak sa sahig ng yate.Hindi niya alam kung ilang minuto o