Tulala siya habang naglalakad pauwi. Hindi katulad ng mga pumapasok na lamang sa isip niya bigla-bigla at bigla-bigla rin nawawala, ang kaninang eksena sa palengke ay hindi mawala sa isip niya. Nakakapanibago dahil ngayon lang iyon nangyari.
Inilagay niya ang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga at huminto sa karinderia na madalas niyang bilhan ng lutong ulam sa tuwing tinatamad siya magluto o gutom na siya at may gumagamit pa ng lutuan doon sa boarding house nila.
"Oh, Rica, ano sa 'yo?" nakangiting tanong ni Aling Martha, ang may-ari ng karinderia. "Wala akong adobong sitaw ngayon."
Mahina siyang natawa. Suki na suki siya nito kaya alam na nito ang paborito niya. Minsan pa nga'y kahit hindi naman kasama sa menu ang adobong sitaw, magluluto pa rin ito para sa kanya.
Itinaas niya ang bitbit na plastik na may lamang sitaw. "Magluluto na lang ho ako bukas," wika niya rito. Binuksan niya ang mga kaldero na pinaglalagyan ng mga ulam para makita kung ano ang mga luto roon. Merong sinigang, adobo, menudo, laing, bicol express, at sabaw ng pinakuluan ng baka. Hindi niya gusto ang lasa ng adobo kaya sinigang at menudo na lamang ang pinili niya. Sinamahan niya iyon ng dalawang order ng kanin.
Malapit na siya sa boarding house nila nang maramdamang may nakasunod sa kanya. Kinabahan siya at binilisan ang paglalakad. Nang lingunin niya ang likuran ay wala naman siyang nakita roon pero ramdam niyang may nakakubli.
Humigpit ang kapit niya sa bitbit na mga plastik at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad. Kasabay nang paghinto niya sa gate ng boarding house ay siya namang pagbukas nito. Nginitian siya ni Paula, ang isa sa mga ka-boardmate niya, na siyang nagbukas no'n.
"Nandito ka na pala. May pumunta ritong lalaki, kaaalis lang niya. Tinatanong niya kung dito ka raw ba nakatira," bulalas nito.
"Sinong lalaki?" mabilis niyang tanong dito.
"Naku, hindi ko kilala, e, ngayon ko lang yun nakita rito. Hindi pamilyar pero ang pogi! Ang laki ng mga bicep, tapos ang tangos ng ilong at medyo moreno."
Ang tinutukoy ba nito ay ang lalaki kanina sa café? Ang lalaking tumawag sa kanya ng Louise at yumakap?
Napatingin siya sa likuran niya at tinanaw ang kalsada kung saan siya dumaan.
"Saan siya dumaan?"
Itinuro ni Paula ang kalsada, kasalungat kung saan siya dumaan. "Diyan. Kaaalis niya nga lang, e. Baka maabutan mo pa kung hahabulin mo."
Agad siyang umiling. "Hindi, tinatanong ko lang." Muli siyang tumingin sa kalsada kung saan siya dumaan. Kung hindi ang lalaki kanina sa café ang sumusunod sa kanya, sino kung ganoon?
"Maauna na ako, ah." Paalam ni Paula at nagsimula na humakbang. "May lakad kami ni Dindo ngayon." Pagtutukoy nito sa boyfriend.
Tinanguan niya ito. Sa ikatlong pagkakataon, tumingin siya sa kalsada kung saan siya dumaan. Mangilan-ngilan lamang ang dumaan doon dahil nasa dulong parte ng barangay ang boarding house nila. Kung may dadaan man ay kadalasan mga kaboardmate niya.
Pumasok na siya sa loob at isinarado ang gate. Awtomatikong sumilay ang mga ngiti sa labi niya nang makita ang lalaking nakatayo sa pintuan ng boarding house, may hawak-hawak na bulaklak at tuwid na nakatayo. Ang lalaking iyon ang nagpapangiti sa araw niya sa loob ng mahigit isang taon—si Renzo.
Halos mamula ang kanyang pisngi nang magtama ang paningin nila. His sparkling eyes magnet her attention and his thin lips that smiling at her make her frozen in an instant.
Nakasuot si Renzo ng asul na long sleeve at tiniklop hanggang braso at naka-tock in naman sa itim nitong slacks.
Araw-araw siya binibisita ni Renzo rito at araw-araw rin itong may dala sa kanya na kung ano-ano.
Nakangiti siyang naglakad palapit dito. "Ang aga mo ata?"
Sabay silang naglakad papasok sa loob. Ang mga kaboardmate niyang nakakasalubong nila ay napapangiti dahil talaga naman gwapo si Renzo at matipuno pa. Bukod pa roon, isa rin itong engineer.
"Maagang natapos sa site," saad nito. Inabot nito ang bulaklak sa kanya at agad naman niya iyong tinanggap.
"Uy, Rica, kailan mo ba sasagutin yan si Engineer? Kulang na lang ang matamis mong 'oo', e," kinikilig na tanong ng isa sa ka-boardmate niya na nadaanan nila.
Natawa siya nang mahina. "Hindi pa naman niya ako minamadali, Rosie."
Ang totoo, almost there na ang relasyon nila. Label na lang talaga ang kulang para matawag na official. Napapangiti at napapasaya siya nito. Kahit wala siyang maalala ay tanggap siya nito sa kung sino siya. Pero sa loob-loob niya, may hindi siya madama rito at hindi niya masabi kung ano iyon. Gusto niya si Renzo pero tila hindi ito ang lalaki na sumasagi sa isip niya na makakasama habang buhay. Ewan ba niya. . .Parang may hinahanap siya. Hindi niya lang alam kung ano o sino.
Ayaw niyang magkamali sa kanyang desisyon dahil importante si Renzo sa kanya. Ayaw niya ito masaktan kaya bago siya sumagot dito ay gusto niya muna tiyakin sa sarili ang nararamdaman para rito.
Inihain niya ang biniling ulam at pinagsaluhan nila iyon habang nagkukwentuhan.
"May gagawin ka ba bukas?"
Umangat siya ng tingin kay Renzo. "Bukas? Gabi?"
"Gabi."
"Wala naman. Bakit mo natanong?"
"Gusto mo bang lumabas?" nakangiti nitong tanong. Pagdaka'y pinagmasdan siya. Gumapang ang kamay nito at hinawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa. "Dadating ang mga magulang ko galing States. Gusto sana kita ipakilala."
Hindi siya agad nakasagot. Hindi ba masyadong maaga para ipakilala siya sa mga magulang nito? Lalo pa't hindi pa naman niya ito sinasagot. Hindi pa naman sila.
Napansin ni Renzo ang pagkatigil niya. Mahina itong nagbuntong-hininga at saka siya nginitian. "Hindi kita pipilitin."
Hinawakan niya rin ang kamay nito. "Salamat."
"Handa akong maghintay hanggang sa maging handa ka na. Lagi mong tandaan na narito lang ako parati, para sa 'yo," nangangakong sambit nito.
Nagpatuloy sila sa pagkain. Bandang alas otso ay nagpaalam na ito sa kanya na uuwi na. Maaga pa raw kasi itong pupunta ng site bukas ng umaga.
"Mag-iingat ka," bilin niya kay Renzo habang nakatayo sa tabi ng gate.
Nakangiting tumango si Renzo sa kanya, bago binuksan ang pintuan ng driver seat ng sasakyan nito at pumasok doon. Kumaway pa siya rito at pinanuod itong makalayo roon sa boarding house nila.
Napahinto siya at napakurap-kurap nang mapatingin sa gilid, malapit sa poste ng ilaw na sira. Ilang metro lamang ang layo ng poste na iyon sa kanya. Katabi ng poste ay may isang anino ng lalaki na nakatayo roon. At kahit hindi niya nakikita ang kabuohan ng lalaki ay alam niyang nakatingin ito sa kanya.
"Rica, lalabas ka ba?"
Napatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ng may-ari ng boarding house na tinutuluyan niya. Pumihit siya paharap dito. "Hindi ho. Bakit?"
"Akala ko'y lalabas ka pa, isasarado ko na ang gate."
"Hindi na ho," sagot niya rito. Inanggulo niya ang ulo niya para masulyapan ang poste para tingnan ang nandoon, pero wala na ito.
Naglakad na siya papasok sa loob at iniwan si Aling Vicky, ang may-ari ng boarding house, na nagsasarado ng gate. Inipon niya ang mga labahan niya at tumungo sa pinaglalabahan para maglaba. Hindi niya iyon nagagawa sa umaga kaya nakasanayan na niyang sa gabi maglaba. Wala siyang oras sa umaga. Lunes hanggang Biyernes ay nagtatrabaho siya sa café simula alas otso ng umaga hanggang alas sinko ng hapon. Kapag Sabado't Linggo naman ay nagpapa-order siya ng mga tsinelas at mga damit. Kinakailangan niya ng pera para mabayaran si Ara at ang boarding house na tinutuluyan niya ngayon. Bukod pa roon, kailangan niya rin i-maintain ang pag-iinom ng gamot niya. Sa loob ng isang buwan ay dalawang beses din siya bumabalik sa doktor dahil sa ulo niya.
Inihiwalay niya ang puti sa de kolor at nagsimula nang maglaba. May mantsa ang paborito niyang puti at hindi niya alam kung saan ito nakuha.
Nagpunas siya ng kamay sa damit para matanggal ang mga bula at tumayo mula sa pagkaka-upo. Binuksan niya ang kabinet sa taas na naglalaman ng mga gamit niya sa paglalaba. Mataas iyon kaya kinailangan niya pa tumingkayad para maabot.
Kumuha siya ng isang bote ng zonrox. Medyo basa pa ang kamay niya kaya madulas iyon, dahilan kung bakit kumalpos sa kamay niya ang zonrox at nahulog sa mismong ulo niya.
Napapikit siya at napahawak sa ulo para himasin iyon. Dinampot niya ang zonrox na nahulog at bumalik sa paglalaba.
"Anong. . .ginagawa mo?"
"Naglalaba ng mga damit mo."
"Lumabas ka na. Ako na ang magbabanlaw nito."
"Ako na lang ang magsasampay—"
"Ako na rin."
Nabitawan niya ang brush at napahawak sa ulo niya nang bigla na lamang iyon sumakit. Napakasakit no'n at para bang unti-unting binibiyak.
Hindi napigilan kumawala ng ungol sa bibig niya sa sobrang sakit. Napasandal pa siya sa dingding ng labahan nila at doon huminto para pahupain ang sakit ng ulo.
Parati iyon nangyayari sa kanya sa tuwing nauuntog o tumatama ang ulo niya sa kung anong matigas na bagay. Kaya naman, mahigpit ibinibilin sa kanya ng doktor niya na ingatan niya ang ulo. Masyadong malala ang nangyari sa ulo niya dahil sa tama ng bala ng baril dahil smokeless powder daw ang ginamit na pulbora sa bala ng baril. At kapag hindi niya iningatan ang ulo niya ay baka dumugo ito at hindi na huminto pa, na siyang magiging dahilan para ikamatay niya.
Hindi tuloy maiwasang sumagi sa isip niya kung anong klase ba talaga siyang tao. Bakit kinailangan pa gumamit ng mas delikadong pulbora sa bala ng baril para sa kanya. Masama ba siyang tao kaya may gustong pumatay sa kanya? May naagrabiyado ba siyang tao at ginanhitan siya ng mga kapamilya nito? Ano ba siya?
Kalahating minuto ang lumipas nang unti-unti nang mawala ang sakit na nararamdaman sa ulo niya. Kaya ipinagpatuloy niya na ang paglalaba.
Isinampay niya ang mga damit na nilabhan sa terrace ng boarding house, pagkatapos ay naligo. Pinatuyo niya ang buhok niya at uminom ng gamot.
Hindi siya nanaginip ng gabing iyon. Dalisay ang tulog niya kaya maaga siyang pumasok sa café. Mabuti na lamang at hindi siya tinanggal sa trabaho ng kanilang boss dahil sa nangyari kahapon, dahil si Ara ang nagpaliwanag para sa kanya ng nangyari. At sana lamang ay wag na bumalik pa ang lalaki kahapon.
Kinuha niya ang uniporme niya at isinuot iyon. Bitbit ang ballpen at listahan, tinungo niya ang lamesa sa bandang gitna sa gilid para kunin ang order ng isang babae.
"Hi, Good morning, Ma'am. Can I take your order?" magiliw niyang saad at nginitian ang babae. Napakaganda nito, mukha itong latina na sumasali sa mga beauty pageant. Tuwid na tuwid ang itim na itim nitong buhok na siyang bumagay sa mga mata nitong itim din.
The girl stared at her for a few minutes. Kinailangan niya pa kumaway sa mismong harapan ng mukha nito para kunin ang atensyon nito.
"Oh, I-I'm sorry. Give me one. . ." the girl trailed off and stared at her again. Kumunot ang noo niya dahil sa inasta nito. "One black coffee and a slice of strawberry cake."
Isinulat niya ang order nito. Ramdam niya ang mga titig ng babae sa kanya habang nagsusulat. "One black coffee and a slice of strawberry cake for Miss. . .”
"Faith," mabilis na sagot ng babae, at tumitig na naman sa kanya.
"For Faith."
Tumalikod na siya rito at naglakad paunta kay Ara na nasa counter. Ibinigay niya rito ang order ni Faith na agad naman nitong inihanda.
"Dadating pala ngayon ang mga magulang ni Renzo? Ipapakilala ka raw sana, ah? Bakit hindi ka pumayag?"
Dinampot niya ang tray na may lamang order ni Faith at binuhat iyon. "Ara, hindi pa naman kami."
"Ano naman ngayon kung hindi pa kayo, di ba? Doon din naman kayo pupunta. Alam mo, bihira na lang sa mga lalaki ngayon iyong hindi pa kayo pero ipapakilala ka na agad sa mga magulang niya. Napakaswerte mo kay Renzo, Rica."
Alam niya iyon. Maraming nagsasabi sa kanya na sagutin na ito dahil package na raw ito. Nakay Renzo na ang lahat-lahat. . .Pero gusto niya muna talaga makasigurado bago magpasya.
Dinala na niya ang order ni Faith. Napahinto ito sa pagta-type sa cellphone nito nang ilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang order nito.
"Wala ka nga talagang maalala."
Natigilan siya at tumingin dito dahil sa sinabi nito.
"Kahit konti, hindi mo ba ako maalala?"
Kumunot ang noo niya rito.
"Kahit konti?"
At saka pa lang niya napagtanto na kilala siya nito.
"Remember us, Louise," paki-usap nito sa mahinang boses.
Napalunok siya nang muling marinig ang pangalan na Louise. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan na naman siya. Para bang, sa halip na matuwa siya dahil may nakakakilala sa kanya dahil malalaman na niya kung sino ba talaga siya, kabaliktaran no'n ang nararamdaman niya. Natatakot siya. Natatakot na siya.
"Sana kasi ay hinayaan mo na lang kami na samahan ka noong araw na iyon," malungkot na wika ni Faith, pati ang mga mata nito ay puno rin ng lungkot. "Hindi sana nangyari ito."
Mabilis siyang tumalikod dito at naglakad pabalik sa counter. Inilapag niya roon ang tray na tinungo ang banyo. Napatitig siya sa harapan ng salamin at tiningnan ang sarili roon.
Kasunod si Sergeant Precilla Williams ay naglakad si Louise palabas ng Christian IX's Palace, sa opisina ng kanyang Lolo. Ang dahilan ng biglaang pag-uwi ng Lolo niya ay tungkol sa kanya. Ipapakilala na raw siya nito mamayang gabi sa publiko.Hindi niya iyon inaasahan. Alam naman niya na mangyayari iyon pero hindi niya inaasahan mapapaaga. Ang alam niya kasi ay pag-uwi pa ng kanyang Ina rito sa Denmark magaganap ang pagpapakilala na isa rin siyang Prinsesa—at hindi pa ngayon.Pagkababa niya ng hagdan ay agad niyang nilakad ang pasilyo papunta sa kanyang silid. Naroon ang Lieutenant Commander, tuwid na tuwid na nakatayo. His eyes bore into her, pagkatapos ay yumuko. His masculine scent reached her nose nang tumapat siya rito."Tingnan mo kasi siya as a David, iyong ordinary David, and not David as your Body Guard."Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Faith kahapon."Do you need anything, Your Highness?" Lieutenant Commander asked her softly.She quickly composed herself. "Nothing
"Your body guard is a whole snack, Louise! Isn't he an eye candy?" Yella giggled, and sat down beside her."Hindi ko alam." Louise thought were converged on Lieutenant Commander David Nielsen and his attitude towards her. Mabait sa kanya ang Lieutenant Commander. Bukod kay Marco, Alec at Charlie, komportable rin siya sa Lieutenant Commander. Hindi siya naiilang dito at magaan ang pakiramdam. Dahil siguro may dugo rin itong Pilipino? Basta hindi niya alam."Tingnan mo kasi siya as a David, iyong ordinary David, and not David as your Body Guard." Tawa ni Faith sa harapan ng lababo, naghuhugas ng kinainan nila. "Ewan ko na lang kung hindi ka ma-fall sa kanya."David as an ordinary, and not David as the Lieutenant Commander who works for them. . .An unknown reason sent an inner warmth spreading through Louise, igniting across every part of her body. It felt simultaneously, peculiar and wonderful, a feeling so dated and unfamiliar she haven't even known.Napalunok siya nang may kung ano'n
Nakakabingi ang katahimikan sa buong paligid. Nasa pwesto na ang lahat. Ang hudyad na pagsabog na lang doon sa likod ang hinihintay nila para sumugod mula rito sa harapan at pasukin ang loob.Napatingin si Louise sa babaeng nasa kabila ni Lieutenant Commande. May hawak-hawak itong shotgun. Bilog na bilog ang buwan ngayon at ito rin ang nagbibigay ilaw sa kanila para makita ang isa't-isa. Natatakpan man ang ilong at bibig ng babae ng itim na tela, at tanging mga mata at mahahabang mga pilik lang ang nakikita niya ay alam niyang si Yella iyon.Kung wala ang Lieutenant Commander na siyang nagiging harang sa pagitan nilang dalawa, at kung sakaling lumingon si Yella sa kanya, kahit na may takip din ang ilong at bibig niya ay makikilala siya ng kaibigan niya dahil sa grupo nila, siya lamang ang may asul na mga mata.Louise sighted heavily as she prepared herself to explain to her best friend after this mission."David," she whispered, tentatively stepping towards the Lieutenant Commander. "
"Prinsesa ka," Marco said.Louise couldn't tell if it was a statement or a question, it sounded like a bit of both.Tumango si Louise.Sinabi niya ang lahat kay Marco. Simula roon sa umuwi siya ng bahay nila noong araw na malaman nila na wala na si Lorenzo, ang narinig niya ng araw din na iyon sa kanyang Ina at sa Hari, ang pag-amin ng kanyang Ina ng katotohanan, ang pag-alis nila pagkatapos pumunta ng grupo nila sa Laguna, at ang pagdating nila roon sa Denmark."Prinsesa ka," Marco said, again. He sounded dazed, like he had just woken up from a rather strange dream and he wasn't quite sure what to make of it.Muli, tumango si Louise.Marco was quiet for a few as he was in his own thoughts. "E, yang kasama mo, ano yan, Prinsipe?" Inginuso nito ang Lieutenant Commander na nakaupo sa mahabang couch, nakatingin sa kanila rito sa ibaba ng hagdan."Hindi. Lieutenant Commander yan ng Danish Navy at Navy SEAL. Bantay ko," sagot niya."Isa lang ang bantay mo?"Kung puwede nga na isang lang an
"Your Highness. . ."Nilingon ni Louise ang Lieutenant Commander sa likod. Kapapasok lang nila rito sa bahay na inuupuahan nila noon. Ang bahay na ito ay binili na ng kanyang Lolo sa may-ari nito bago sila umalis. Dito siya lumaki kaya gusto ng Lolo niya na kapag uuwi siya rito ay makikita niya pa rin ang bahay na kinalakihan."Louise," she immediately corrected him. Ayaw niyang maging pormal ito ngayon. Wala sila Denmark. Ayos lang naman iyon, di ba? "Just Louise."Lieutenant Commander David Nielsen stared at her for a moment, and then nodded. "Anong oras tayo pupunta sa boyfriend mo?"She blinked at him. "Ha?" Of course she heart it clearly, hindi niya lang alam ang isasagot. She was pretty sure na bantay sarado siya nito dahil iyon ang ibinilin ni Yasmin sa Lieutenant Commander kahapon. Hindi raw siya puwede umalis nang hindi ito kasama.Dapat ba niya sabihin dito ang totoong dahilan kung bakit silang dalawa narito?Hindi puwede. Nasa rule iyon ng samahan nila. Kailan man ay hindi
"Danish royals don't reveal a new baby's name until her or his christening ceremony. Danish are also traditional baby naming ceremonies."Kailangan niya umuwi ng Pilipinas. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Louise bahang nandito siya sa kanyang Etiquette Class kay Miss Anna.Hindi niya magawang mag-focus sa mga itinuturo ng kanyang guro dahil sa kaiisip sa mga kaibigan niya na sasabak sa misyon. Hindi niya hahayaan na pumunta sa misyon ang mga iyon na wala siya. Kailangan niyang umuwi."When Prince Octavio and Princess Victoria of Denmark welcomed a baby daughter in 1990, they followed this protocol and announced her name to be Olga Marguerite Francoise Marie during her christening service," pagpapatuloy ni Miss Anna.Alam ni Louise sa sarili niyang nangako siya sa kanyang Ina na hindi na babalik pa sa samahan nila. Oo, gagawin niya iyon. Pero hindi niya basta puwede pabayaan na lang ang mga kaibigan. Kailangan niya umuwi ng Pilipinas. Kailangan siya ng mga kaibigan niya.