Share

Kabanata 11

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2025-05-14 11:50:30

Andy's Point Of View.

Sinundan ko siya ng tingin, sinubukan ko pang pigilan siyang umalis pero hindi niya ako pinapansin at tuloy-tuloy lang siyang naglakakad.

"Hoy, kumag ka talaga! Bakit aalis ka?!" sigaw ko habang pinapanood na hinarurut niya ang kaniyang sasakyan.

Tangina? Hindi man lang ako pinansin! Napakahayop niya talaga. Bakit ba siya biglang umalis?

"Kupal talaga," inis kong sabi habang naglalakad pabalik sa villa, nakapaa pa ako dahil lintik siya! Bigla-bigla na lang magpapaalam na aalis, baka hindi siya aware na under witness protection siya ngayon? At ang mas malala, hindi pa nahuhuli ang suspect! At binantaan pa ang mga witness ang isusunod patayin, tsk. Kapag talaga katawan niya na lang ang nakabalik dito, bahala siya sa buhay niya.

Nakasimangot ako habang naglalakad pabalik, pakiramdam ko talaga ay hindi kami magkakasundo ng kumag na 'yon. Pagdating ko sa sala ay napansin ko ang charger ng laptop niya, inis kong kinuha iyon bago maglakad papunta sa second floor.

Dala n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 13

    Andy's Point Of View.Napairap ako bago umupo sa sofa na nasa harapan niya. "Ang kapal ng mukha mo, hindi rin naman ako mahuhulog sa'yo!" sabi ko. "Why? You're still not over with your ex? What's his name again? Liam?"Napairap ako muli, hindi ko naman sinasabi sa kaniya kung sino si Liam pero sinasabi niya ng ex ko 'yon. Totoo namang ex ko, pero wala naman ng dahilan para pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na 'yon."Hindi ko na mahal ang ex ko, gagaya mo pa ako sa'yo," sambit ko.Nakita ko naman ang pagngisi niya. "So his really your ex?""Oo nga! Daming tanong!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Magaling sa kama ang lalaking 'yon, kaya siguraduhin mong maayos ka... Nakakahiya naman kung madidissapoint mo ako, diba?"Nakita ko ang paglawak lalo ng ngisi niya. "I'm sure I'm better than him."Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Tuparin mo 'yong 50k na sinasabi mo ha? Sayang din 'yon eh, kahit na ayoko mang magmukhang binibenta ko ang katawan ko. Malaking tulong iyon kay Aemie. Pero

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 12

    Andy's Point Of View.Mabilis pa sa alas kwatro ang pagkilos ng kamay ko at malakas siyang sinuntok sa mukha, narinig ko ang malakas niyang pag-aray."Tangina ina mo! Bakit ka nanghahalik?!" malakas kong sigaw sa kaniya, mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit! Pero panigurado akong dahil ito sa matinding galit!Napatingin siya sa akin, hawak niya ang kaniyang paa at mukhang natauhan na ang gago."S-Shit... Andy... I'm sorry."Sinubukan niya akong hawakan ngunit mabilis akong umiwas. "Huwag kang lumapit!""Let me explain!" sigaw niya.Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Hindi ako nakikipag-usap sa mga lasing," inis kong sabi bago siya tinalikuran at umakyat sa aking kwarto, ni-lock ko pa 'yon. Sumandal ako sa pintuan at napahawak sa aking labi.Tangina! Hinalikan ako ng hayop!Mabilis lang naman 'yon at bago pa gumalaw ang labi niya sa akin mabilis ko na siyang nasapak. Pero bwisit, hindi pa rin ako makapaniwalang ninakawan ako ng halik ng kumag na 'yon.At tinawag pa

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 11

    Andy's Point Of View.Sinundan ko siya ng tingin, sinubukan ko pang pigilan siyang umalis pero hindi niya ako pinapansin at tuloy-tuloy lang siyang naglakakad."Hoy, kumag ka talaga! Bakit aalis ka?!" sigaw ko habang pinapanood na hinarurut niya ang kaniyang sasakyan.Tangina? Hindi man lang ako pinansin! Napakahayop niya talaga. Bakit ba siya biglang umalis?"Kupal talaga," inis kong sabi habang naglalakad pabalik sa villa, nakapaa pa ako dahil lintik siya! Bigla-bigla na lang magpapaalam na aalis, baka hindi siya aware na under witness protection siya ngayon? At ang mas malala, hindi pa nahuhuli ang suspect! At binantaan pa ang mga witness ang isusunod patayin, tsk. Kapag talaga katawan niya na lang ang nakabalik dito, bahala siya sa buhay niya.Nakasimangot ako habang naglalakad pabalik, pakiramdam ko talaga ay hindi kami magkakasundo ng kumag na 'yon. Pagdating ko sa sala ay napansin ko ang charger ng laptop niya, inis kong kinuha iyon bago maglakad papunta sa second floor.Dala n

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 10

    Andy's Point Of View.Nakita kong napakunot ang noo niya, tumawa ako noong hindi na siya nagsalita pa. "Ayos na siguro 'yon," sabi ko. "Hindi mo na rin naman ako makikita ulit pagkatapos nitong kalokohang 'to.""Why?""Malamang magkaibang mundo tayo, alangan namang bigla mo akong makita sa opisina mo? Baka possible... Mag-apply bilang cleaner pero impossible, ayokong maging Boss kita," sabi ko habang nakatingin sa tilapia, nagugutom na ako pero ang tagal naman nitong maluto. "Pero sana lang matagal-tagal din tayong mabulok dito—""For what? Para makasama mo ako ng matagal?"Sinamaan ko siya ng tingin. "Malamang para makaipon ako! Malaki-laki na para sa akin ang 30k a month 'no, kung tatlong buwan ako nandito, edi mayroon akong 90k. Malaki-laki na 'yon para makapagcollege si Aemie.""You're really hardworking."Tumango ako. "Kailangan eh."Ilang minuto pa kaming nag-usap hanggang sa maluto na ang niluluto namin, dito na rin kami kumain at mukhang hindi pa marunong magkamay ang gago."

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 9

    Andy's Point Of View.Tahimik lang ako habang naglalakad kami pabalik sa villa, nang makabalik ay napansin ko ngang namumula ang daliri ko. Mukhang napaso, hindi ko man lang napansin."Here, idikit mo ang kamay mo riyan," saad niya at binigay sa akin ang isang cold compress. Tinanggap ko naman iyon at ginawa ang sinabi niya.Nilingon ko siya muli. "Paano tayo kakain niyan? Sira ang stove.""I checked the basement, may mga nakita akong kahoy do'n. May lighter ka namang dala, so makakabuo tayo ng apoy."Mahina akong natawa. "Makaluma ah, parang sa bundok tayo nakatira.""We have no choice.""Oo na, alam ko," sabi ko. "Sorry talaga nasira ko, hindi ko naman sinasadya eh. Pero ha? Huwag mo na akong sumpungan ulit dahil baka sa susunod na kausap mo ulit ako ng ganoon, hindi na talaga ako makapagpigil at masuntok ka."Napailang lang siya sa akin. "Kukunin ko lang iyong mga kahoy sa basement."Pinanood ko lang siyang umalis, nagpokus naman ako sa pagdidikit ng daliri ko sa cold compress na b

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 8

    Andy's Point Of View.Mahilig akong magluto, palaging sinasabi ni Aemie na masarap ang luto ko. Pati ang mga kapitbahay namin, madalas akong inaarkila na magluto kapag may okasyon o kaya naman birthday, masarap daw kasi akong magluto.Kay Mama ako natuto, may karinderya kasi kami noon, sikat iyon at pati ibang bayan ay dumadayo pa sa amin para lang makabili at makatikim ng luto niya. Palagi akong nanonood noon kay Mama sa tuwing nagluluto siya kaya nama kalaunan ay natuto ako. Noong nawala si Mama, siyempre nagsara ang karinderya. Ang sabi ng iba ay bakit hindi ko raw subukang buksan ulit dahil masarap din naman akong magluto.Pero kasi wala akong confidence... At isa pa, masyadong masakit sa akin ang pagkawala ni Mama na kahit anong mga bagay na nagpapaalala sa kaniya ay sinusubukan kong kalimutan para kahit papaano... Mawala sa isipin kong patay na siya. Pero hindi. Hindi nawawala ang sakit.Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang kusina, kompleto lahat ng gamit, may o

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 7

    Andy's Point Of View.Tulad ng inaasahan ko, maganda rin ang loob ng villa na titirahan namin. Mawalak ang paligid, ito ang unang beses na makakatira ako sa ganitong klaseng lugar... Iyong halatang pang mayaman. Iyong bahay kasi namin ni Aemie, maliit lang, kasyang-kasya na para sa aming dalawa lang."Ang ganda," bulong ko habang nililibot pa rin ang tingin sa paligid. Dahil malawak ang kabuoan ng villa, malaki rin ang sala at maging ang kusina... Kompleto sa gamit lahat. "Tara sa second floor, tuturo ko ang kwarto mo," narinig kong saad ni kumag."Maayos ba ang lock ng pintuan ng kwarto ko?" tanong ko sa kaniya habang umaakyat kami ng hagdan, napahinto naman ako bigla sa paglalakad dahil bigla siyang huminto at nilingon ako."Why are you asking? Sa tingin mo papasukin kita sa loob?" tanong niya at sinamaan ko naman siya ng tingin."Aba! Ewan ko sa'yo!" sabi ko. "Naniniguro lang, baka bigla mo akong gapangin 'pag gabi eh."Nakita ko naman ang pag-awang ng kaniyang labi na para bang h

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 6

    Andy's Point Of View."Mag-iingat ka rito, Aemie. Palagi akong magcha-chat sa'yo. Iyong mga paalala ko sa'yo, ha? Huwag mong kalimutan palagi," wika ko sa kaniya, nakita ko naman ang pag-ilang niya na para bang napapagod na siya sa mga sinasabi ko."Kagabi mo pa 'yan sinasabi, Ate. Ikaw nga dapat ang mag-ingat dahil titira ka sa isang mybahay kasama ang isang lalaki na hindi mo naman ganoon kakilala," sagot niya ngunit ngumiti lang ako."Nag-aalala ka pa talaga sa'kin? Para namang hindi mo alam na marunong akong sumuntok?" natatawang sabi ko.Umaga na ngayon at maaga talaga akong bumangon para mag-impake, hindi ko alam kung ilang buwan kami na nandoon kaya naman medyo marami akong dinala."Baka naman pagbalik mo rito may pamangkin na ako ha?" Kaagad ko siyang sinamaan sa narinig. "Wala sa plano ko ang pagkakaroon ng anak, diba? Wala nga akong planong magpakasal.""Pero kasal ka na ngayon," ngumisi siya."Fake marriage lang, Aemie."Sasagot pa sana siya pero nakarinig kami ng busina n

  • The Delivery Girl Billionaire's Husband    Kabanata 5

    Andy's Point Of View."Paano pag nalaman ng Lolo mo na hindi naman talaga ako isang former secret service agent?" tanong ko sa kaniya, nandito ako sa passenger seat at siya ang nagmamaneho ng sasakyan.Hindi ako makapaniwalang kailangan ko pang makilala ang Lolo niya, ang sabi niya ay kanina niya lang din malaman iyon. Hindi ko alam, pero hindi ko maiwasang kabahan."Naisip ko na rin 'yan, matalino si Lolo kaya hindi na ako magtataka kung imbestigahan ka niya," narinig kong sagot niya, sandali ko siyang nilingon bago tumingin sa bintana."Oh? Anong gagawin mo pag nalaman niyang delivery rider pala talaga ako?""Nagbayad ako para ipeke ang documents mo, kaya lalabas sa system na dati kang secret agent. Nagpagawa rin ako ng pekeng ID mo," wika niya. "Kaya kung sakali mang mag-imbestiga si Lolo, malalaman niyang nakapagtapos ka ng pag-aaral, at nakapagtrabaho sa mga kompanya."Hindi na ako nagulat noong marinig iyon, tunog malabong mangyari iyong sinasabi niya pero sa yaman niya, impossi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status