LOGINAndy's Point Of View.Hindi ko alam kung bakit pero nawala ang kabang nararamdaman ko nang makita ang mukha ng kumag na 'to, na para bang hindi ko siya gustong patayin sa inis kanina. Mabuti naman dahil buhay siya, wala nang magbibigay sa'kin ng sahod kapag namatay ka."Akala ko nabaril ka na sa loob eh," sarkastikong sabi ko, nandoon pa rin ang inis sa boses ko. Tiningnan niya ako bago lumingon sa katabi ko."Who is this guy?"Ngumiti si Bryan. "Hello, bro. I'm Bryan, kaibigan ni Andy."Tumaas ang kilay ko, wala pa ngang isang araw na nakikilala ko siya, bigla niya nang sasabihin na magkaibigan kami."I don't care about your name," sagot ni kumag bago ako lingunin. "Let's go."Nilingon ako ni Bryan, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Hindi man lang ba siya na offend sa sinabi ng hayop na 'to?"Totoo nga ang sinasabi mo, Andy. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ko."Mukhang nalaman niya kaagad na ang lalaking kanina ko pa kinukwento sa kaniya ay kaharap na namin ngayon. Ma
Andy's Point Of View.Malalaki ang hakbang ko papalayo sa kumag na 'yon, wala naman akong high blood pero pakiramdam ko ay tumataas ang altra presyon ko dahil sa inis. At mas kinaiinis ko na hindi man lang niya ako hinabol."Walang kwenta talaga," galit kong sabi habang naglalakad paalis sa kumpol na mga tao. Kung dala ko lang ang motor ko rito, iiwan ko talaga siya.Napakahayop! Siya itong nagpumilit sa akin na sumama sa lugar na 'to, pero siya pa 'tong ginagalit ako.Para kumalma ang init ng ulo ko, umakyat ako sa rooftop nitong bar kung saan wala gaanong tao. Malakas akong bumuntong hininga habang nakahawak sa railings.Hindi na talaga kami magkakasundo ng lalaking 'yon kahit kailan... Dahil sa nangyari ay hindi na talaga ako makapaghintay na matapos ang kung anong kalokohang pinasok ko na 'to. Kung hindi lang ako gipit na gipit, matagal ko na siyang nilayasan dahil sa bulok niyang ugali. Walang makakatagal sa lalaking 'yon."Hey. . . ."Napatingin ako sa nagsalita sa aking tabi,
Andy's Point Of View."She's my maid, I can't believe she's your type."Napahigpit ang kapit ko sa boteng hawak ko dahil sa narinig. Nakatingin lang ako sa kaniya, umaasang babawiin niya ang sinabi niya ngunit wala. . .Putangina niya talaga."She's a maid?" gulat na sabi ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan pero pinaupo ko sa couch, lumingon siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "You don't look like a maid to me. Nagbibiro lang si Andres, hindi ba, Miss?"Umismid ako, wala ng pakialam pa. "Tama siya, katulong niya nga ako."Napansin ko ang pag-ngiwi niya dahil sa sinabi ko, maya-maya ay nagpaalam siyang umalis. Nang maiwan kaming dalawa ng kumag na 'to ay parang gusto kong ihampas sa ulo niya ang hawak kong bote."Tangina mo talaga 'no?!" malakas kong sigaw sa kaniya, tuluyan nang naubos ang maiksi kong pasensya. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin ngayon, nagagalit talaga ako. "Ikaw ang nagyaya sa aking pumunta rito, tapos anong gagawin mo?! Ipapahiya m
Andy's Point Of View.Sa mga sumunod na araw naging mapayapa naman ang buhay ko—at least. Dahil abala si kumag sa kung anong ginagawa niya sa laptop niya, isang linggo kaming halos walang kibuan dahil nakatutuk lang siya sa trabaho niya.Para palang ako lang ang nagbabakasyon dito. . . Pero sobrang boring na rin talaga habang tumatagal dahil wala akong ibang makausap man lang bukod sa kumag.Kung pwede ko lang kausapin ang mga isda at iba pang lamang dapat para hindi ako maburyo, gagawin ko na. Pero baka bigla akong ipadala ng kumag na 'to sa mental hospital kapag ginawa ko iyon.At isa pa, dahil nga busy siya. Wala pang nangyayari sa amin. Hindi naman sa gusto ko, sadyang hindi ko lang talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit nahihirapan akong tumanggi kapag hinalikan niya na ako."Hello, ate? Kamusta ka na riyan?" tanong sa akin ni Aemie mula sa kabilang linya. "Mabuti naman, mukhang mas mamamatay pa ako sa buryo kaysa sa inis sa kasama ko rito."Tumawa siya. "Bakit ba naiinis k
Andy's Point Of View.Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago humawak sa kaniyang kwelyo."Huh? May dugo?" tanong niya at tumango ako. "Nakuha ko lang 'yan sa nadaan kong kinakatay na baboy. Nagtanong kasi ako kung saan ang CR."Napailang na lamang ako. "Bakit ba bigla ka na lang kasing nawawala? Hindi ka ba marunong magpaalam? Wala akong ideya kung namatay ka na bang kumag ka."Nakita ko ang pag-irap niya. "I'm fine. Abala ka sa pamimili, susungitan mo lang ako kung magtanong ako sa'yo."Malakas na lamang akong napabuntong hininga, sandali ko pang tiningnan ang dugo sa kaniyang kwelyo ngunit napansin kong hinawaka niya iyon at bahagyang tinago.Andres's Point Of View.Nagpatuloy sa pamimili si Andy pagkatapos ng nangyari, nanatili lang akong nakasunod sa kaniya ngunit pinagurado kong pinagmamasdan ko ang paligid.I really don't get this girl. . . Bakit ba gusto niya pang sa ganitong klaseng lugar mamalengke? Hindi niya ba alam na delikado rito? Napakaraming tao. . . Mahirap na.Flash
Andy's Point of View.Hindi ko talaga mapaliwanag ang relasyon namin ni kumag, hindi ko naman masasabing kaibigan ko siya dahil nakakairita siya masyado—may mga pagkakataon na nabwibwisit ako sa kaniya dahil magkaiba kami ng opinyon, gets ko naman na dahil mayaman siyang tao kaya hinding-hindi niya ako maiitindihan."Why do you want to come?" inis niyang tanong habang irita ang mga matang nakatingin sa akin, hindi naman ako nagpatalo sa kaniya at nagpamewang bago samaan siya ng tingin.Akala niya ba madadala niya ako sa kakaganyan niya? Pwes! Nahanap niya na ang katapat niya."Ano? Ikaw lang ang pwedeng makalabas?" sabi ko, nakakunot ang noo. "Sawang-sawa na ako sa mukha mo, kumag! Hayaan mo naman akong makakita ng ibang tao!"Muli siyang umilang. "But I told you, it's dangerous! Mamimili lang naman ako ng stock natin dahil hindi ko gusto ang mga pagkain na pinapadala ni Lolo, hindi mo kailangang sumama.""Kung ayaw mo akong pasakayin sa mamahalin mong sasakyan, wala akong pakialam. M







