Andy's Point Of View."Napakahaba na ng utang mo sa akin, Andy. Hihintayin mo pa bang bumalik ang Diyos dito sa lupa bago ka magbayad?"Malakas na lamang akong napabuntong hininga ng marinig iyon kay Aling Fe, parang sampal ng realidad ang sinabi niya sa akin dahil pinamukha talaga sa akin ng mundo kung gaano ako kahirap. "S-Sa sabado pa ang sahod ko, Ate. Promise, magbabayad na ako," sagot ko at noong nakita ko ang pangisi niya sa inis ay alam kong sawang-sawa na siyang marinig ang rason kong iyon.Tangina naman kasi, kung mayaman lang ako, binayaran ko na siya. At hindi ko na sana kailangan pang mangutang sa kaniya."Puro ka naman pangako, Andy. Pasalamat ka nga at mayroon pa akong awa sa inyo ng kapatid mo dahil parehas kayong ulila," giit niya, mariin ang tingin sa akin. "Mauubos na ang laman ng tindahan ko ng dahil sa inyo, mahiya ka naman sana. . . pero sige, pagbibigyan kita sa sabado. Kapag hindi ka pa makabayad ay magkita na lang tayo sa baranggay."Noong umalis siya sa hara
Last Updated : 2025-05-03 Read more