Share

Chapter Eleven

Mikael

Umandar na paalis ang sasakyan na minamaneho ni Kiel at ako naman ay napahalukipkip. 

"Oh? Problemado ka ata?"

"May problema kasi."

"Ano na naman? Tungkol ba kay Satan at sa ibang prince of hell?"

"No. It's about Monica."

Saglit syang sumlyap sa akin at napakunot pa ang noo. "What is it?"

Napabuntong hinga ako at umayos ng pagkakaupo. "She found the book."

"Well, you mean the 'Angels and Demons'?"

"Yup."

"Eh di ba may seal naman yun? Hindi niya pa rin naman malalaman ang laman ng libro pag nagkataon. Ni hindi nga lilitaw ang title ng libro na iyon." 

Muntik na ako sumubsob dahil sa biglang pagpreno ni Kiel. Kung wala akong seatbelt malamang ay tumama na ang ulo ko sa dashboard ng sasakyan nya. 

Hindi sya makapaniwala na napatingin sa akin. "Wait, don't tell me that she already broke the seal?"

"Yeah. At sana naman sa susunod wag kang pe-preno bigla." Inis kong sabi.

"Sorry. Nabigla lang." 

Nagpatuloy na sya sa pagmamaneho at ilang saglit lang ay nakarating na kami ng bahay.

"Paano mo namalaman na sya mismo ang naka-sira ng seal?" tanong ni Kiel pag pasok namin ng bahay.

Humiga ako sa sofa bago napatulala sa kisame at inalala ang nangyari kanina. 

*****

Pumasok ako sa kabilang guest room at naupo sa may study table. Wala rin naman akong mapagtataguan na ibang lugar dito. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto. 

Mula sa kinauupuan ko ay makikita ang isang malawak na kalsada. Wala masyadong sasakyan dahil sa lakas ng ulan. Pinagmasdan ko lang ang bawat pagpatak ng ulan sa labas.

Ilang sadali ang lumipas ay bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at pinakiramdaman ang paligid. Nagkaroon ng malakas na pagkulog at pagkidlat kaya naman lumabas ako ng kwarto. May nakita akong liwanag sa itaas ng kisame.

Hindi ako maaring magkamali. Yung presensya na iyon, presensya iyon ni Monica.

"Mikael!" 

Napatingin ako kay Geca at tulad ko, mukhang pareho kami ng naramdaman. 

"Nasaan si Monica?" 

"May nakita ako na nagliwanag sa kisame. Malamang ay nandoon sya. Hindi rin ganoon kalayo yung presensya niya."

"May ibang presensya pa bukod sa kaniya."

Napatigil ako dahil sa sinabi ni Geca at mas pinakiramdaman ang paligid. 

Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa kaniya.

"Its my book! Angels and Demons!"

"What? Paano? Hindi ba naka-seal iyon?"

"Hindi natin malalaman kung ano ang nangyari kung hindi natin pupuntahan si Monica."

Kinuha agad ni Geca ang isang stick at sinungkit ang tali bago iyon hilahin. Lumabas ang isang hagdan at dali-dali kaming umakyat.

"Bes?"

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtatago ni Monica sa likod niya ng isang libro. 

Kung ganoon, tama nga ako. Ang libro ko ang naramdaman ko kanina. 

*****

"Its a long story. But I'm pretty sure that she broke that seal unconsiously."

"Well, its up to you kung ayaw mo i-kuwento." Dumeretso si Kiel sa kusina para magtimpla ng gatas niya. 

"Ang tanda mo na, ang hilig mo pa rin sa gatas?"

"Excuse me, sa ating dalawa sino kaya ang mas matanda? Saka isa pa, masarap kaya gatas. Lalo na ang mainit na gatas pag ganitong maulan." 

Naupo siya sa singe sofa at dumekwatro. Hawak niya ang mug niya at prenteng umiinom.

Mug.

Bigla akong may naalala at napa-upo bigla. Nagtataka naman na napatingin sa akin si Kiel.

"Ano ang mayroon?"

Sa halip na sumagot ay kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Geca.

"Hello?"

"Geca, I need you to check Monica's wound right now. Check if it's still bleeding. Update me as soon as possible."

"What? Para saan?"

"You'll know it later."

"Okay. I-te-text na lang kita. Bye."

"Bye"

Ibinababa ko na ang tawag at inilapag mukinang cellphone ko.

"Uh, care to explain?" alanganing sabi ni Kiel.

"Nasugatan kasi kanina si Monica. Hindi malayong dugo nya ang naka-sira ng seal sa libro."

"So, to put it simply, her blood alone is that powerful?"

"Yes."

Tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko iyon ay galing kay Geca.

'May dugo nga ang sugat nya. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari at sabi nya ay nasabit sa bukbok sa bookshelf kaya nagdugo ulit.'

"No wonder gusto sya makuha ng mga taga-hell."

Napatingin ako kay Kiel dahil sa sinabi niya. 

"That's why you should go all out in this battle, Kuya Michael."  

*****

Monica

Dumating na ang araw ng lunes at sabay kaming pumasok ni Geca. Sa bahay pa rin sya natulog dahil wala pa rin sila Mama. Hindi ko rin alam kung kailan sila babalik at kung ano na ba ang lagay nila. 

"Good morning Monica! Good morning Geca!" masiglang bati ni Mae sa amin nang salubungin nya kami pagpasok sa room. "May transfer daw ulit, ah?"

"Huh? Eh 'di ba nung mga nakaraang week lang ay may transfer din? Parang andami naman atang tinatanggap ng school." 

"Tapos kalagitnaan pa ng sem. Paano yung grades ng transferee?" nagtatakang sabi ni Geca.

"Narinig ko kanina, natapos na raw niya yung isang sem sa pinanggalingan niyang school. Tapos for formality na lang ata kaya papasok pa sya sa remaining days ng sem."

"So it means na kahit hindi na sya gumawa ng school activities ay okay lang?"

"Hindi naman ata. Ang alam ko gagawa pa rin sya ng mga gagawain natin. Yun ang pagkakarinig ko."

"Hay nako, Mae. Ang aga-aga talaga ng mga chismis mo." Paninita ng isa naming kaklase.

"Hindi naman chismis iyon, ano. Katotohanan yon!"

"Ay nga pala!" Paalis na sana sya sa harap namin nang kinikilig na bumulong sya sa pagitan namin ni Geca. "Kiel ata ang pangalan. Tapos ang gwapo rin!" 

Nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Geca pag-alis ni Mae.

"Did she just say 'Kiel'?" 

"Uh, yeah?" Alanganin na sabi ko.

"Oh no." 

Napasalampak sya sa upuan niya at naka tulala. Nagtaka ako at tinatanong ko sya kung bakit pero hindi niya ako sinasagot. Nakatulala lang siya at walang imik. 

Napabuntong hininga ako bago siya yugyugin.

"H-ha?" 

"Ano ka ba? Kanina pa kita tinatanong kung bakit. Anong meron doon sa transferee?"

"Sorry pero hindi ko mapapaliwanag sa ngayon. Masyadong mahaba ang kuwento. Pero as of now, I really need to prepare my patience. For sure kasi ay mauubos talaga ang pasensya ko sa lalaking iyon."

"Sige sabi mo eh. "

Umupo na ako sa tabi niya at inilabas ang libro na nakita ko sa attic noong nakaraan.

"Sure ka talaga na babasahin mo iyan? Ang kapal nyan. Mahihirapan ka kung araw-araw mo dadalhin."

"Bakit naman hindi, 'di ba? Mukhang maganda."

"Hindi naman novel yan. Nakakainip yan for sure."

"Actually, para syang novel na may short stories. May mga parts ako na nakita na Tales."

"Hay nako. Bahala ka na nga."

Ilang minuto ang lumipas, nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Tulad ng nakaraniwan ay maingay sila at nagchi-chismis-an tungkol sa transfer. 

Hindi ko na namalayan na dumating na pala si Sir Raguel kasama yung transfer. Itinago ko na ang libro sa bag ko at itinuon ang atensyon sa harap. Sandali. Siya yung nagsundo kay Mikael noong sabado. Sigurado ako.

"Good morning, class. We have a new student, again." saglit na tinignan ni Sir Raguel ang binata na nasa tabi niya. "You may introduce yourself now."

Ngumiti ang bago naming kaklase at masigla na nagpakilala. "Good day, everyone! I'm Kiel Delos Reyes."

"You can take your sit. We will start our class."

Nang matapos ang klase namin kay Sir Raguel, sumunod na ang Prctical Research II kaya naman kanya-kanya ang pa-bi-bilog ng mga upuan.

"Anong mayroon?" Nagtataka na tanong ni Kiel na siyang natira na solo.

"Research na kasi. Bali ang karaniwang seating arrangement ay by group." pagpapaliwanag ko. "Nakapagtake ka na ng research sa previous school mo, hindi ba?"

"Yup. Natapos ko na. Kaya lang nakaka-hiya naman na ako lang mag-isa tuwing oras ng research. Pa-ampon naman muna ako."

"Ayoko."

Napatingin ako kay Geca nang sabihin niya iyon- which reminded me of something. Parang naiinis siya kanina nang malaman na kung sino ang transfer.

"Good morning class." bati ng Teacher namin na si Ms. Yanika. "I heard you have a new classmate again."

Nag-taas ng kamay si Kiel. "Ako po."

"Oh, ang sabi sa akin ay natapos mo na ang Practical Research II sa previous school mo. It means yoou just need to stay behave in my class."

"Ms. Yanika, kung pwede po sana ay magpapa-ampon po ako sa isang group. Para po sana hindi ako mg-isa durin your time."

"Sure. But is that alright with you? Hindi na kita mabibigyan ng grade since may grade ka na."

"Ayos lang naman po. Para na rin po may makasama ako kahit papaano."

"Sige. Kaninong grupo mo ba gustong magpa-ampon?"

"Sa group po nila Guardino."

Napa-tingin ako kay Geca at ilang beses na siyang umirap.

Bumaling ang atensyon ni Ms. Yanika sa amin bago nagtanong.

"Is that alright with you guys?" 

"Yes po." sabay-sabay naming sagot.

"Then thats it. Shall we start our class?"

Sumama na sa group namin si Kiel at ako naman ay nag-double check na ng ipapasang papel.

"May magpapa-check ba ng papers?"

Kanya-kanya ang pagsi-sitayuan ng ilang grupo kay naman tumayo na rin ako at inilapag ang paper namin sa table ni Ms. Yanika bago bumalik sa upuan ko. 

"Oo nga pala class, by October 18 ay chapter defense. You need to prepare, pero kung gusto niyo naman na maaga ang defense niyo, pwede rin."

"Paanong maaga po?" tanong ng isa.

"Halimbawa ay by the next two weeks ay ayos na ang lahat, wala na kailangang baguhin, pwede na kayo madefense. Yung matitirang araw para sa class natin ay vacant na. I heard na may performance kayo sa klase ni Sir Levi. Pwede niyo gamitin ang oras sa subject ko para magpractice."

"Pano po pag may pinabago pa ang panel?"

"Don't worry that defense will be your last defense. Kung tatanungin niyo kung bakit hanggang chapter three lang tayo ay dahil hanggang don lang ang nasa syllabus na na-recieve namin. Po kung gusto niyo naman ituloy hanggang chapter five ay puwede."

"Ay Ms. Yanika okay na po kami sa Chapter Three."

"I know. Anyway, next sem huwag kayong mag-alala. Five chapters na gagawin niyo. Hindi naman sa tinatakot ko kayo pero mas madugo ang labanan sa susunod na semester. Sige na, magsimula na kayo gumawa."

Kanya-kanya na ulit ang nangyari sa loob ng classroom. May mga kausap si Ms. Yanika na group sa harap at may iba rin na gumagawa pa lang.

"Sa group ba natin may gagawain pa?" tanong ni Kiel.

"Wala na. Kung sakali ay yung powerpoint na lang." sagot ni Mikael.

"Ako na gagawa. Pahingi na lang ako ng softcopy ng research natin. Chapter Three ang gagawaan ng Powerpoint, tama?"

"Yup."

"Sure ka?" tanong ko.

"Oo naman."

"Hayaan mo sya, para naman may ambag." Nang-aasar na sabi ni Nathan kaya naman hinampas ko sya sa braso para sawayin. Tinignan niya ako nang masama habang hinihimas ang braso niya kaya naman pinandilatan ko sya ng mata. Wala na syang nagawa at napa-irap na lang.

"Excuse me, kahit hindi ko gawain yan, may grades naman na ako. Ayaw ko lang ma-bored."

"Pag may mali sa gagawain mo, masasapak kita." 

"Grabe ka naman sa akin, Geca. Sapak talaga agad? Ayaw mo ba talaga sa akin?"

Nagtuloy-tuloy ang sagutan nila Geca at Kiel at ako naman ay naguguluhan na tinitignan sila.

"Magka ano-ano ba kayo?" 

Napatingin sila sa akin at saglit na natahimik.

"We're comrades." sabi ni Geca.

"Oh really? I think its more than that." nakangisi na banat ni Kiel kaya naman napa-kunot ang noo ko.

Asar na tumingin si Geca kay Kiel. Halata sa kanya na nanggagalaiti na sya sa isa. "What?"

"Nevermind." Umupo na lang si Kiel at ganoon din si Geca.

Kinalabit ako ni Mikael bago bulungan. "Hayaan mo na lang sila. Matagal ata hindi nagkita kaya ganyan."  

"So alam mo magkakilala sila?"

"Nope. Halata naman sa sagutan nila na magkakilala sila."

Magtatanong pa sana ako kay Mikael nang tawagin na ako ni Ms. Yanika. Tumayo na ako at gulong-gulo pa rin. Pakiramdam ko ay parang may itinatago sila sa akin.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status