Share

Chapter Ten

Monica

Nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa gate namin. Bahagya ko pang kinusot ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sa tabi ko na tulog na tulog pa si Geca.

Bumangon na ako para puntahan yung batang nagtitinda ng pandesal sa may gate. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Mikael na galing sa labas at may dala na siyang supot ng pandesal.

"Good morning." Malumanay na sabi niya bago isalansan ang pandesal sa isang plato. 

"Good morning." sagot ko pabalik at dumeretso sa kusina para kumuha ng palaman sa pandesal at ng kape. Saktong-sakto dahil naka-ready na ang coffee maker. 

Bumalik ako sa dining at maingat na inilapag ang mainit na kape para sa amin ni Mikael pati na rin ang palaman.

"Thanks."

"Welcome. Ang aga mo naman ata nagising?"

"Yup. Magluluto sana ako ng almusal kaya lang narinig ko naman na may tumatawag na bata. Yung nagtitinda ng pandesal? Tapos sakto rin na bumaba ka na."

"Ah, si Ced. Araw-araw yun nagtitinda. Kahit medyo maulan ay nagbebenta pa rin sya. Kaya ayun, lagi rin bumibili sila papa sa kaniya."

"Really? Ang galing nya, ano? Bata pa lang sya pero pursigido na."

"Yup. Twelve pa lang sya kung hindi ako nagkakamali."

"Good morning, guys." Halos sabay kami napatingin ni Mikael kay Geca na bumababa sa hagdan at pumupungas pa. 

"Good morning." sabay pa naming bati.

"Kuha ka na kape sa kitchen. Tapos tabi na tayo rito at ipagpapalaman na kita ng pandesal." sabi ko.

Tumango lang sya at dumeretso na nga sa kitchen. Ilang sandali lang ay bumalik na sya at umupo na sa tabi ko.

"Hindi na pala tayo nakapag-hapunan kagabi, nakatulog na tayo pare-pareho." Inaantok na sambit ni Geca.

"Dahil na siguro sa pagod at stress dahil sa research." sagot naman ni Mikael.

"Ay, speaking of. Check ko pala muna kung nagreply na ba si Ms. Yanika tungkol sa research natin. Para kung may aayusin pa, maasikaso na agad at di na tayo matambakan."

"Sana naman wala na."

Tulad ng inaasahan ko, wala na kailangan pa baguhin. Maayos na ang lahat at kung sakali ay presentation na lang ang kailangan ayusin para sa Chapter Defense. Pero hindi pa sya pinapagawa ni Ms. Yanika since hindi pa sigurado kung matutuloy ba ang Chapter Defense. 

"Ang ganda na ng ngiti mo, Best. Wala na bang aayusin?"

"Yup. Wala na. Tapos na ang paghihirap natin sa chapter three!" Masiglang sagot ko at ipinakita pa ang convo namin ni Ms. Yanika.

"Then it only means na ang kailangan na lang ayusin ay ang presentation para sa Chapter Defense?" tanong ni Mikael.

"Nope. Hindi muna pinapagawa ni Ms. Yanika dahil baka raw hindi muna matuloy ang Chapter Defense dahil marami ang aasikasuhin this month. Pero hindi pa sure. Kung sakali naman na ipapagawa niya iyon, wala na tayo problema dahil madali na lang gumawa ng presentation." 

"Sabihin ko na sa group chat natin para ma-inform si Nathan." Dinampot na ni Geca ang phone nya at nagchat na sa group chat namin.

"After mo i-chat ay kumain ka na. Mamaya nyo na tignan kung sakaling magreply sya." sambit ni Mikael habang nagpapalaman ng pandesal.

"Eto na nga eh. Sabi ko nga mamaya na lang ako mag-ce-cellphone." sabi ni Geca at ibinaba na ang cellphone nya bago magpalaman ng sarili niyang pandesal.

"Saan kaya pwede mamasyal ngayon?" 

"Really, Monica? Pasyal? Tignan mo nga yung labas oh, ang dilim-dilim ng langit." 

"Kaya nga, Bes. At saka, ang lamig ngayon. Nakakatamad lumabas."

"Kasi naman, sobrang boring dito sa bahay. Wala namang magagawa na matino. Wala ring gagawain na schoolwork."

"Alam ko may mga board games kayo, ha? Ayun na lang laruin natin." suhestyon ni Geca.

"Pwede naman. Ano, Mikael? Okay lang ba sa iyo ang board games?" pagtatanong ko.

"Yup. But sadly, kailanagn ko na umuwi pakatapos natin mag-almusal. Baka mamaya kasi ay umulan na naman nang malakas at hindi na naman ako maka-uwi."

"Sayang naman. Paano ba iyan, Bes? Mukhang lonely talaga tayo ngayon." 

"Okay lang naman iyon. Baka kasi mamaya ay hinahanap na rin si Mikael sa kanila." sabi ko na lang.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na kami mag-almusal. Ako na ang naghugas ng mga kubyertos na ginamit namin habang si Geca na ang nalinis sa dining area.

Akmang itataob ko na ang ginamit kong mug nang kumidlat at kumulog nang napakalaks. Kasabay din 'non ang pagkawala ng kuryente. Dahil sa gulat ay nabitiwan ko ang mug at napatili.

"Oh, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Geca. Maski si Mikael ay nasa likod na niya.

"Nagulat kasi ako kaya nabitiwan ko yung mug ko. Tapos ayun, nabasag sya." sabi ko bago umupo at nagsimulang pulutin ang mga nabasag na parte ng mug ko. Bahagya akong napangiwi nang maramdaman ko na nasugatan ang hintuturo ko sa kanang kamay.

"Tumayo ka na diyan. Ako na ang maglilinis. Geca, linisin mo na lang sugat ni Monica." sambit ni Mikael bago ako alaayan na tumayo.

"Malalim pa ata yung sugat." 

"Kaya nga palinisan mo na kay Geca. Ako na ang bahala rito."

"Thank you at pasensya na."

"Wala 'yon. Mukhang hindi na naman ako maka-uuwi dahil sa lagay ng panahon. Tapos may natumba pa ata na poste sa kabilang kanto kaya nawalan ng kuryente."

"Bes, maupo ka muna sa dining o sa sala. Kukuhain ko lang first aid kit sa kwarto mo." 

Napatango na lang ako at umupo na sa sofa. Ilan sandali lang ay bumalik na si Geca dala ang maliit na medicine box.

"Bakit ba naman kasi nagtanga-tangahan ka, ayan tuloy." sermon pa niya.

"Grabe sa salita, ha? Hindi ba pwedeng aksidente lang?" 

"Hay nako, Monica Dee Saavedra." Sabi niya bago lagyan ng band-aid ang sugat ko. Pinitik nya pa ang noo ko dahil sa inis. 

"Hoy Angelica Guardino, tigilan mo ako baka makalimutan ko na bestfriend kita." 

"Aba, huwag mo ako pagbantaan niyan. Baka ikaw ang kalimutan ko." 

"Tigilan nyo nga yan. Para kayong bata." Napatingin kami kay Mikael na kalalabas lang galing kusina. Sabay pa kaming napa-irap ni Geca kaya nagkatinginan kami. Ilan sandali pa ay natawa na lang sa inasal naming dalawa, habang si Mikael ay naguguluhan na tumingin sa amin.

"Ayan, natakot na ata si Mikael sa kabaliwan natin." natatawang sabi ko kay Geca.

"Hayaan mo siya. Tara, laro na lang tayo nitong word factory." Kinuha ni Geca ang box ng Word Factory na nasa cabinet at inilapag iyon sa lamesa. 

Ako naman ay kumuha na ng bondpaper at ballpens. Si Mikael naman ay naupo na sa single sofa.

"Game na!" Lumikha nang malakas na ingay ang pag-alog ni Geca sa word factory at pagkalapag nya ay itinaob na rin nya ang  maliit na hour glass.

Kanya-kanya kami ng tingin at pagsusulat sa sari-sarili naming bondpaper. 

"Times up, pens up na guys!" 

Pagkasabi ko noon ay ibinaba na ang bondpaper ko at itinaas ang ballpen ko. Gaya ng ginawa ko ay ibinaba na rin ni Mikael ang bondpaper nya at itinaas na rin ang ballpen niya. Habang si Geca ay ayaw paawat at may isinusulat pa na words.

"Bes, stop na. Awat na." Natatawang sabi ko.

"Argh, kinulang pa ng time!" naiinis niyang ibinaba ang bondpaper niya at itinaas ang ballpen niya.

Nagpalitan kami ng papel para mag-check.

"Thirty si Monica."

"Twenty eight ka, Bes."

"Thirty two si Mikael."

"Paano yan, Bes? Ikaw ang lowest sa round na ito. Ano ba magandang gawain? Papahiran ng pulbo or liptint sa mukha o pipitikin ang noo?"

"I go with the powder." sabi ni Mikael

"Same. Mahirap alisin yung liptint. Masakit naman pa pitik sa noo, wala ka pa naman patawad pag ganoon." sabi ni Geca at inilapag na ang malaking baby powder sa lamesa.

"Grabe!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Nilalantad mo talaga ako?"

"Hindi kaya. Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Game na ulit. Mikael ikaw na ang mag-shake niyang word factory dahil ikaw ang nanalo sa first round." sabi ko.

Ilan rounds din ang laro namin at umabot kami ng halos isang oras sa palalaro hanggang sa mag-sawa na kami.

"Ibang game naman. Nakakatamad na ito." nakabusangot na sambit ni Geca.

 "Ano pa ba ang ibang pwedeng malaro? Wala naman kaming ibang board game."

"How about hide and seek? Sakto, walang kuryente." suhestyon ni Mikael.

"Pwede naman. Maraming matataguan dito sa bahay."

"Game! Maiba taya na!"

Nag-maiba taya na nga kami at ang naiba ay si Geca.

Para mas may thrill ang game ay kandila ang gagamitin bilang ilaw. Maulan sa labas at madilim pa rin dahil hindi pa bumabalik ang kuryente. Kumuha na ako ng tatlong single candelabra para magsilbing taga-hawak ng kandilang gagamitin namin. Bawat isa sa amin ay may sari-sariling posporo at extra na kandila para kung sakali man na maubos na ang isa, ay may magagamit pa.

Kahit na kandila ang gagamitin, pwede naming patayin iyon para hindi agad kami mahanap ng kung sino man ang taya. May limang minuto kami para magtago, at mayroon namang dalawampung minuto si Geca para hanapin kami.

Pinayuko na namin si Geca sa lamesa at sinumulan na ang digital timer. Sa oras na tumunog iyon ay maari na niya kaming hanapin.

"Kahit saan ba ay pwede ako magtago?" tanong pa ni Mikael.

"Oo naman,"  Napahinto ako at hinarap pa siya. "Huwag lang pala sa kuwarto nila Mama." 

Tinanguan naman niya ako at naglakad na papunta sa may isa pang guest room. Ako naman ay dumeretso sa dulo ng pasilyo ng second floor. Hinila ko ang tali na bahagyang nakalawit sa tulong ng isang mahabang hook.

Dahan-dahang bumaba ang isang hagdan ang pigil ang paghinga ko dahil baka lumikha iyon ng tunog. Nang tuluyan iyong bumaba ay maingat ako na umakyat at dahan-dahang hinila pabalik ang hagdan.

Sumalubong sa akin ang isang maalikabok na attic. May mga nakatambak na gamit sa isang sulok at may hilera ng mga bookshelves. Nakatakip din ng puting tela ang study table ni Papa na nasa bandang bintana. 

Inikot ko ang attic dahil bihira lang ako makapunta dito. Bukod sa maalikabok ay wala naman akong magagawa rito. Puro gamit ni Papa ang nandito. 

Napukaw ng tingin ko ang isang libro na nasa bookshelf. Bahagyang kumislap kasi ito nang matamaan ng liwanag na nanggaling sa kidlat. 

Pinatay ko na ang kandila at saglit kong ibinaba sa lapag ang candelabra at inabot ang libro. Nakikita ko naman kung nasaan iyon dahil sa kaunting liwanag sa labas. Nakuha ko naman iyon, kaya lang ay minamalas ata ako dahil may maliit na bukbok pala sa pinagtukuran ko para makuha ang libro. At, sa kanang hintuturo ko na naman ang sumakit. Inalis ko ang band aid at nakuta na dumugo na naman ang sugat ko. Dahil sa may sugat na ako rito bago pa man ako matusok sa bukbok, ay nagdugo na naman iyon.

Napa-iling na lang ako at mas pinagtuunan ng pansin ang libro na hawak ko sa kaliwa kong kamay. Naaninag ko ang kakaibang pabalat nito na tila ginto pa ang ipinag-ukit. Naisip ko na kapain ang mga marka na nasa pabalat dahil hindi ko iyon makita nang maayos, ngunit nabitiwan ko iyon nag maliwanag iyon kasabay nang malakas na pagkulog at pagkidlat.

Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa libro sa harap ko. Hindi ako makapaniwala dahil nagliwanag ang mga marka nito at mabilis na lumipat ang mga pahina bago ito magsara at bumalik sa dati nitong itsura. Ni hindi mababakasan ng liwanag ang libro.

Nakarinig ako ng mga kaluskos at nakita ko na may liwanag na nanggaling sa may hagdan kaya naman mabilis kong pinulot ang libro at itinago iyon sa likod ko. 

"Bes?"

Nakita ko si Geca na umaakyat na ng hagdan kaya naman pinulot kona ang candelabra ko.

"Bes, ayos ka lang ba? Napalabas si Mikael sa pinagtataguan niya at nagmadali kaming umakyat dito dahil prang may nakita kami. May nangyari ba?" bakas ang pag-aalala sa kanya at tinitignan pa niya kung may galos ba ako.

"Huh? W-wala naman. Baka naman yung kidlat lang ang nakita niyo?" 

"Sigurado ka ba?" tanong ni Mikael na nasa likod lang ni Geca.

"Oo naman."

"Ano iyang nasa likod mo? Bakit parang itinatago mo?" tanong ni Geca at pilit na sinisilip ang nasa likod ko.

"Ah, libro lang ito. Oo, libro. Nakita ko lang sa bookshelf ni Papa." mabilis kong paliwanag.

Hindi ko alam kung nililinlang ako ng mga mata ko dahil sa dilim o talagang dumaan ang gulat sa mata nila Mikael at Geca. Saglit lamang iyon at napatingin sila agad sa akin.

"Babasahin mo?"

"Yup."

"Tungkol saan? Pwede ba makita?" inilahad ni Mikael ang kamay nya at hinihintay na iabot ko sa kaniya ang libro. Para hindi sila magtaka ay ibinigay ko na lang ang libro.

"Angels and Demons, huh. The title is interesting." Ibinalik niya sa akin ang libro at ngumiti. "Baba na tayo. Maalikabok masyado rito, baka mangati kayo."Sumunod na kami agad kay Mikael. Pagbaba namin ng hagdan ay may liwanag na mula sa sala.

"May kuryente na! Tara, nood na lang tayo ng movie!" nasasabikna sabi ko at hinila si Geca.

"Sandali lang. Ayaw mo ba na ilagay muna sa kwarto iyang libro?"

"H'wag na. Bibitbitin ko na lang sa sala. Ganoon din naman."

Pagdating sa sala ay nagsalang na kami ng movie. Magsisimula pa lang iyon nang tumayo si Mikael habang nakatingin sa cellphone niya.

"Looks like kailangan ko na umuwi. Nagtext sa akin ang kaibigan ko at nagsabi na masusundo niya ako."

"Sayang naman."

"Maybe, next time?" kinuha na niya ang mga gamit niya at inilapag na iyon sa sofa.

"Sure. Pag natapos ang research at defense natin, mag hang-out tayo rito sa bahay." 

"No problem. Ako na bahala sa fries and drinks."

"Sabi mo iyan, ha?" natatawang sabi ni Geca."Kasi hindi namin tatanggihan iyan.'

Hindi pa man nakasasagot si Mikael ay may bumusina na sa harap.

"Ayan na ata sundo mo. Ihatid na kita sa labas at umuulan pa rin."

"Hindi na. Konting ulan lang naman."

"I insist." Kinuha ko na ang payong at binuksan ang pinto. 

"Thanks."

Pagbukas ko ng gate ay nasa labas ang isang gray Wigo. 

"Thank you ulit." nakangiti na sabi ni Mikael bago pumasok ng sasakyan.

"You're welcome."

Pagkasara ng pinto ay bumaba ang salamin noon at dumungaw ang driver. Nakangiti siya sa akin at kumaway.

"Hello! Thank you sa pag-aalaga sa kaibigan ko." 

Nginitian ko na lang siya at kumaway pabalik. "Wala yun. Hindi naman alagain kaibigan mo, ano."

"Well, I guess I'll see you at school on Monday. Bye!"

Bago pa man ako sumagot ay isinara na nito ang bintana at umalis na.

"What?" 

Naguguluhan ako na pumasok ng bahay. Sinalubong pa ako ni Geca at nagtanong.

"Baki parang gulong-gulo kana sa buhay mo? Ano nangyari?"

"Sabi kasi nung sundo ni Mikael ay 'See you at school on Monday'. Ano ang ibg niyang sabihin?"

Nakita ko lang na nanlaki ang mata ni Geca. 'Its like she's saying, Oh my God! I'm doomed.'

"Anything wrong?" ako naman ang nagtanong.

Umiling lang siya at napangiti nang alanganin. "Nothing. I just hope na hindi mangyari ang naiisip ko."

Nagtataka man ay sumunod na lang ako sa kaniya pabalik sa sala at nagpatuloy sa panonood. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status