Share

Chapter Five

Monica

Nakauwi na kami nila Mama sa bahay at agad akong pinaderetso sa kwarto ko para makapag bihis na. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako sa dining area at sakto naman na nakahanda na ang lunch namin.

"Wala ka bang iba pang nararamdaman? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ni mama.

"Wala naman na po Ma. Baka pagod lang po talaga ako. Matutulog na lang po siguro ako pagkatapos natin kumain." pagdadahilan ko.

"H'wag ka kaya muna pumasok bukas?" suhestiyon ni Papa.

"Hindi po pwede, Pa. Marami ang agad na kailangan habulin kung sakali na isang araw akong absent. Kaya ko naman na po pumasok bukas. Ako pa!"

"Naku, Monica Dee. Siguraduhin mo ha?" pagbabanta ni Mama. Natatawa na lang ako dahil nanlalaki talaga ang mga mata niya.

"Opo!" natatawa kong tugon.

Nang matapos kami kumain, ay agad na ako sinabihan ni Mama at Papa na matulog na. Gusto ko pa sana sila tulungan sa pagliligpit, pero hindi na nila ako pinayagan. Wala naman na akong nagawa, kung hindi ang sumunod.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad na akong humiga at niyakap ang malambot kong unan. Namalayan ko na lang na bumigat na talaga nang tuluyan ang mga talukap ko at nakatulog na.

Ilan sandali lang ay napadilat ako dahil may ilang ingay ako na naririnig. Nagtaka ako dahil pagmulat ko ng mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Sa pagkakatanda ko, natulog ako sa kwarto ko. Tinignan ko ang suot kong damit, at iyon nga ang suot ko bago ako matulog.

Pero, nasaan ako? Hindi pa ako nakapunta sa lugar na ito.

Para akong nasa isang mahabang kalsada. Ang pinagkaiba nga lang, ay walang buildings sa paligid. Parang nasa gitna ako ng kawalan sa ngayon. Maski puno ay wala akong makita. Tila takipsilim na rin dahil bahagyang madilim na ang paligid.

Nagsimula ako maglakad ngunit patuloy akong lumilingon sa paligid ko at umaasa na may kasama ako.

"Mama? Papa?" pagtawag ko.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hangin na tila humahampas sa akin.

Ilang minuto na akong naglalakad at naramdaman ko na ang pamamanhid ng mga paa ko. Ngunit wala pa ring pinagbago ang paligid. Madilim, tahimik, at nakakatakot.

Napatigil na ako sa paglalakad at sumalampak na lang sa kalsada. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko dahil tila nawawalan na ako ng pag-asa.

Hindi ko na alam kung nasaan ako.

Hindi ko ko alam kung bakit ako nandito.

Hindi ko alam kung makaka-alis pa ba ako rito.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at saka isinubsob ang mukha ko. Patuloy akong umiiyak at ang tanging naririnig ko lang sa lugar na ito ay ang mga hikbi ko.

"Monica." 

Napatigil ako nang bahagya dahil may narinig ako na tumatawag sa akin.

"Monica." 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at luminga-linga sa paligid. Ngunit, wala pa rin akong nakita. Ako pa rin mag-isa.

"Monica." 

Sa ikatlong pagkakataon ay may tumawag sa akin. Pagharap ko ay may nakita akong lalaki sa harapan ko. May suot siyang itim na hoodie at hindi ko makita ang mukha niya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tila inaalok ako na hawakan iyon. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba iyon. Pero sa huli, napagpasyahan kong tanggapin iyon.

Akmang hahawakan ko na ang kamay niya ay muli akong nakarinig ng boses. Umiiyak ito habang tinatawag ako.

"Monica, anak, please! Gumising ka!"

Bigla na lang nasira ang nasa paligid at ang lalaki kanina ay nawala na. Tuluyan na nagdilim ang paligid at pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa kwarto na ulit ako.

Pag tingin ko sa gilid ko, ay naroon si Mama at umiiyak. Katabi niya si Papa na tila pinapakalma siya.

Umupo ako at agad naman akong niyakap ni Mama at Papa.

Hindi ko alam kung bakit umiiyak sila mama. At hindi ko rin maintindihan kung bakit kusang tumulo ang mga luha ko nang yakapin nila ako.

Matapos ang ilang saglit, ay humiwalay na sa akin sila mama. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Wala pang kalahating oras mula nung umakyat ka. Mabuti na lang ay naisipan ko na puntahan ka rito sa kwarto mo. Nakita na lang kita na umiiyak. Napakaputla mo na rin." sambit ni Papa.

"Ano ba ang nangyari sa iyo, anak?" tanong ni Mama.

"Hindi ko rin po alam, Ma. Ang alam ko lang ay natulog na agad ako, pero mukhang masama ang naging panaginip ko.

"Para akong nasa kawalan. Nasa gitna ako ng kalsada. Mag-isa lang ako. Kahit anong tawag ko sa inyo, ay walang sumasagot. Kahit gaano ako katagal maglakad ay walang nagbago sa paligid. Doon na ako natakot. Natakot ako na baka wala na kayo. Natakot ako na baka kung ano na ang nangyari sa inyo dahil sa akin.” pagkukwento ko sa kanila Mama at Papa na bakas pa rin sa mukha ang labis na pag-alala sa kung anu ang nangyari sa akin.

“O, Monica, anak.” ang tanging naging tugon ni Mama sa akin, samantalang si Papa ay tahimik na nakikinig.

Napasinghap na lang si Mama at hinawakan ako sa aking kamay. Ramdam ko ang kakaibang aura na namumuo sa paligid kasabay nang di maipaliwanag na tibok ng aking puso, para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila Mama at Papa at patuloy sa pagkukwento.

"Tapos biglang may tumawag sa akin. May lalaki na nakasuot ng itim na hoodie. Inaabot niya yung kamay ko na parang gusto niya akong tulungan. Nag alinlangan ako pero noong aabutin ko na sana, narinig ko yung boses niyo. Doon na nasira yung paligid. Nawala na rin yung lalaki. Tapos pagdilat ko, nandito na ulit ako." pagpapatuloy ko.

Nagkatinginan sila Mama at Papa matapos ko sabihin iyon. Nakita ko ang takot sa mata ni Mama.Pero napalitan iyon ng galit. Binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Naikuyom niya ang kamao niya at nakita ko rin na humahaba na ang mga kuko niya.

"Mama." pagtawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Gayundin si Papa na niyakap siya.

"Dear, kumalma ka." mahinahon na sabi ni papa.

Bumuntong hininga si Mama at niyakap pabalik si Papa. Bumalik na sa normal ang kuko niya at huminahon na siya.

"Gusto mo bang matulog ulit o sa garden ka muna?" tanong ni Mama.

"Hmm, sa garden na lang po muna. Mauna na po kayo ni papa roon. Susunod na lang po ako."

"Sigurado ka?" paninigurado pa ni Papa.

Nginitian ko sila bago tumango. Wala naman na silang nagawa kaya naman lumabas na sila sa kwarto ko.

Ako naman ay tumayo na mula sa kama ko at sinuklay ang mahaba kong buhok. Itinali ko iyon bago tuluyang lumabas ng kwarto para pumunta sa garden.

Humampas sa akin ang malamig na simoy ng hangin at tila bumalik sa isipan ko ang napanaginipan ko kanina.

Bumuntong hininga na lang ako at itinuon na lang ang pansin sa mga tanim na bulaklak ni Mama.

*****

Nathan

Nasipa ko ang upuan na nasa harapan ko dahil sa inis.

"Damn!"

"Hoy! Ano bang problema mo?" tanong ni Leviathan na ngayon ay busy sa pag checheck ng mga papel ng estudyante.

"I almost had her! Fuck!" gigil ko pa ring sabi.

Inirapan niya ako bago bumuntong hininga.

"Eh, kung ipaliwanag mo kaya?" tila naasar niyang sabi.

"You see, I used a little bit of my ability to track down that little bitch. What I mean is, that half-breed demon. I tried to bring her soul to hell. But, damn!" nanggigigil na saabi ko bago sipain muli ang upuan.

"Can you fucking calm down? How did that happen? Don't tell me you are becoming weak now?"

"Me? Weak? Ha, fuck yourself Leviathan. That thing will never happen- if only I used a stronger spell. I didn't expect that she could destroy that place just because she heard the traitor's voice." sabi ko bago sumandal sa pader.

"Well, in the first place, hindi naman talaga natin alam ang kaya niyang gawain. Hindi natin alam ang limitation ng kakayahan niya. But one thing's for sure. She will be powerful." sabi niya at ipinagpatuloy na ang pagche-check ng mga papel.

Palabas na sana ako nang may lumabas na itim na pentagram sa pagitan namin ni Leviathan. Napangisi pa ako dahil alam kong hindi basta-bastang demon ang lalabas mula sa pentagram.

"Welcome to Earth, mother-fucker." Bati ko sa bagong dating.

Tulad ni Leviathan, nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Maayos ang buhok nito gayundin ang postura. Kung ako ay nagpapanggap na estudyante sa mundong ito, si Leviathan naman ay nagpapanggap bilang isang guro.

"Wow, coming from you huh?" sabi nito bago pagpagan ng bahagya ang suot na suit.

"Are you here for a vacation or to redeem some stupid souls?" Wika ni Leviathan pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa ginagawa.

"Both? But, things might change sooner or later, you know? Anyways, I need to go somewhere. Goodbye, idiots." sabi nito bago balutan ng itim na usok at nang humupa na iyon, ay wala na rin ang lalaking nakatayo roon kanina.

Napangisi na lang ako bago tuluyang lumabas ng pinto. Lumawak lalo ang ngisi na nakapaskil sa labi ko nang makita na makakasalubong ko ang mortal kong kaaway.

May kausap siya sa telepono at paniguradong sila Demenise iyon.

"Having a little problem?" Sabi ko nang mapadaan siya sa gilid ko.

Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad.

"You really think so? Do you think that a stupid dream will make us worried?" sabi nito.

Humarap ako sa kanya at gayun din siya sa akin.

"I don't think so." dagdag pa niya.

"Really? Then what's with the hurry? Mind if we have a game?"

"I have no time for your stupid games, Satan. And another thing, you play dirty." sagot nito.

"I'm a demon. What do you expect?" 

Tumalikod na siya at muling naglakad papalayo.

"Guess the only game we can play is a race. The first one who gets her, wins." sabi ko.

Napatigil siya saglit ngunit naglakad na lang muli at hindi na ako pinansin.

Let’s see who will win this game.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status