Share

The Substitute Bride - Chapter 5

The Substitute Bride - Chapter 5

Napalis ang iba pang alalahanin sa utak ni Zoe nang mapag-isa na sila ni Jamiro. Dinala siya nito sa isang malaking silid-tulugan na napakarangya ng mga kagamitan at dekorasyon sa palibot nito.

Gusto na niyang malula. Gusto na niyang isipin na isang panaginip lamang ang lahat ng mga nangyayari sa kanya.

Pinigil ni Zoe ang matinding antok na nararamdaman. Puyat siya kagabi sa pagbabantay sa Tiya Pura niya.

Kaya parang liyo ang utak niya. Hindi siya makapag-isip ng malinaw. Hindi niya alam kung paano ang gagawin para makaiwas sa nalalapit na kulminasyon ng kasal nila ng lalaking napangasawa.

Nakatanaw siya sa malawak na tanawin ng mangasul-ngasul na langit at dagat habang nakatayo sa harap ng bintanang salamin na animo higanteng kuwadro sa disenyo.

Makapigil-hininga ang nasaksihan niya.

Isa pang dibersyon para maligaw ang mga isiping dapat ukilkilin habang may kaunti pang panahon na natitira bago sumapit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status