Share

The Unexpected Lover - Chapter 11

The Unexpected Lover - Chapter 11

TULUYANG nasira ang gabing iyon nang hilingin ni Marco na magpunta sila sa tinitirhan nina Laurie, matapos ang tamilmil na pagsasalo nila sa masarap na hapunan.

Hinayang na hinayang siya sa masasayang na mga pagkain kaya kahit na nahihiya ay hiniling niyang ipabalot na lang ang mga natira. Mas importante ang mga kapatid niya kaysa sa kanyang kahihiyan.

Mabilis ang pagpayag ng lalaki pero may kondisyon pala.

"Ihahatid na natin ang mga 'yan sa inyo ngayon," wika nito.

Mabilis rin ang naging pagtanggi niya. Walang gatol ang pagtutol na lumabas sa bibig.

"Hindi," tutol ni Laurie, sabay iling.

Ano'ng iisipin ni Junior? Paano niya ipapaliwanag ang presensiya ni Marco?

Magdududa na naman ang kapatid niya. Mawawalan na ito ng pagtitiwala sa kanya. Pati paggalang na siguro. Kapag nagkagayon, maliligaw na ito ng landas.

"I'm sorry, Marco," pahayag niya, halos pabulong. Gusto niyang palis

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status