Share

Chapter 3

Nagkunwari siyang seryoso pagbalik ng boss. Hindi niya ito tinawag pero parang tantiyado nito ang oras kung kailan siya matatapos. May dala itong pagkain pagbalik. Nilapag nito sa side table. May kinuha itong foldable na mesa at inilatag nito sa gilid ng kama. Sinundan lang niya ito ng tingin nang kunin nito ang pagkain sa mesa at inilipat sa nilatag nitong mesa.

"Sit here," utos nito sa kan'ya. Umusog siya pero nang mahirapan bigla na lang siya nitong binuhat palapit. Hindi niya maiwasang lumunok ng laway. 

Ang bango kasi ng boss. Nakaka-tempt. Parang ang sarap halikan.

"What?" untag nito nang mapansing titig na titig siya.

"Kakain na po," wala sa sariling sambit niya.

Pumasok ang mga paa niya sa mesa. Akmang kukunin niya ang kutsara nang unahan siya ng boss.

"Ako na ang magsusubo." Hinigit din nito ang tinidor. 

Hindi niya maiwasang mapaangat ng kilay. Ano ba ang nasaktan sa kan'ya? Kamay, o paa? 'Yong totoo, may gusto na rin sa kan'ya ang boss?

Sana, aniya sa isipan. Baka magpapansit siya kapag nagkataon.

Napalunok siya ng iamba na nito sa bibig niya ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Adobong manok ang ulam nila at may gulay din na gata.

"B-boss, paa ko lang po ang may sakit hindi ang kamay ko," aniya dito. Natigilan ito sa sinabi niya.

"Oh, I'm sorry. Nawala sa isip ko." Binaba nito ang kutsara na may laman saka tumayo ito. Deretso itong lumabas ng silid.

"Sayang," naisatinig niya nang lumabas na ito ng tuluyan.

Napadami ang kain niya dahil masarap ang pagkakaluto ng ulam. 'Yong manok kasi native kaya ganado siyang kumain. Plus pa ang langka na masarap ang pagka-gata.

Itinaas niya ang damit dahil sa kabusugan. Litaw na litaw ang tiyan niya ng mga sandaling ‘yon. Pakiramdam niya sasabog na ang tiyan niya sa kabusugan. Nakatukod pa ang magkabilaang kamay niya sa kama habang nakausli ang tiyan. Hindi niya maiwasang mapapikit ng mga sandaling iyon.

“Holy f*ck, Grazie! Ibaba mo nga ang damit mo!” Bigla siyang napamulat ng marinig ang sigaw ng boss. Magkasalubong ang kilay nito na nakatingin sa kan’ya. Nagbaba pa ito ng tingin ulit.

Ang OA naman, tiyan lang naman ang kita. Gusto niya sanang isatinig.

Binaba niya ang damit at naupo ng maayos. “Tapos na ako, boss,” imporma niya dito.

“Nakita ko,” anito sa naiinis na himig.

Wala sa sariling pinaikot niya ang mga mata. Sungit naman ng boss niya. Kanina pa ito. Mukhang may regla yata.

Pagkatapos nitong ligpitin ang mga ginamit ay bumaba na ito. Walang kapaguran ang boss niya sa pag-akyat baba para sa kan’ya. Malapit na siyang maniwala na may gusto ito sa kan’ya. Napangiwi siya mayamaya nang maalala si Ira.

Hindi ba puwedeng siya na lang talaga?

Ngapatihulog na lang siya sa kama kapakuwan. Dahil siguro sa sobrang kabusugan, nakatulog siya sa malaking kama ni Thunder. Niyakap pa niya ng mahigpit ang unan nito dahil may naiiwang amoy nito doon.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Basta napansin niyang medyo madilim na sa labas. Gayon na lang ang pagkagulat niya nang mapansing nababalot pala ang kalangitan ng maiitim na ulap. Mukhang uulan ng malakas. 

Hindi nga siya nagkamali. Ilang sandali pa ay bumuhos na nga ang malakas na ulan. Kaagad na sinara niya ang sliding door ng silid ni Thunder at binuksan ang ilaw. Ika-ikang naglakad siya pababa ng hagdan. Hinanap niya ang katulong pero mukhang walang tao dahil ilang beses na niyang tinawag ito pero walang sumasagot.

Dumeretso siya ng kusina at nagtimpla na lang ng kape. Napahawak siya sa ulo nang maalala ang cellphone.

Saan na ba niya iyon nalagay?

Hinalughog na yata niya ang sala, veranda at kuwarto ni Thunder pero hindi pa rin niya iyon makita.

Bumalik na lang siya sa silid ni Thunder na bitbit ang kape. Hindi pa man siya nakaka-upo sa kama nang biglang nawalan ng kuryente. Bigla pa siyang napasigaw dahil sa gulat. Nabitawan niyan din ang tasa na may lamang kape.

“Thunder, nasaan ka?” bigla niyang usal.

Dahil madilim ang paligid, hinila niya ang kumot at ibinalot ang sarili. Hindi niya maiwasang kagatin ang labi. Pakiramdam niya may bagyo. Ang lakas ng hangin, maging ang mga dahon ay ay h*******k sa bahay ni Thunder.

Bigla siyang nakaramdam ng takot nang may bumagsak sa terrace ng silid ni Thunder. Inilibot niya ang tingin. Napakadilim na ng mga sandaling iyon. Ibig sabihin matagal siyang nakatulog.

Wala si Thunder malaking bahay nito. Ibig sabihin, nasa kabila ito, kay Laura- este kay Ira. Hindi niya maiwasang makaramdam ng habag sa sarili. Dapat kasi umuwi na siya kanina pa kahit na may injury. Hayan tuloy, nasasaktan na naman siya. Pero nag-usal siya ng panalangin kapagkuwan, na sana dumating si Thunder. Sana lang...

Ilang sandali pa siyang nakabaluktot sa kama bago naisipang maupo. Nawala sa isip niya na may nabasag nga pala siyang baso sa tapat kinauupuan niyang gilid ng kama. Nasugatan tuloy ang paa niya. Doon pa mismo sa bahaging natapilok. 

Kinapa niya ang paa at pilit na tinanggal ang bubog. Hindi pa man niya nahihila ang nakapang bubog nang biglang bumukas ang pinto. Bulto pa lang alam na niya kung sino iyon. Nakahinga siya ng maluwag. 

“Grazie! Okay ka lang? God! Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo. Akala ko kung napaano ka na.” Mabilis na lumapit si Thunder sa kan’ya. May dala itong flashlight.

“F*ck!” bulalas nito nang makita ang paa niyang may bubog. Inilawan din nito ang tapat niya na mag mga basag na baso. “Masakit ba? Kaya pa? Bababa lang ako para paandarin ang generator.”

Tumango siya dito. May binigay itong maliit na flashlight. “Here. Gamitin mo muna ‘to para may ilaw ka rito. Babalik din ako kaagad. ‘Wag kang baba sa kinauupuan mo, maliwanag?" ‘Yon lang at tumalikod na. 

Maliwanag pa sa flashlight, boss! sagot niya sa isipan.

Sinundan niya ito ng tingin. Masyado talagang pa-fall ang boss niya na ito. Malapit na talaga siyang umasa ng bongga. Wala sa sariling nag-usal siya ng panalangin, na sana bumalik na ang ala-ala ni Laura, at para makabalik na ito sa pamilya nito. 

Hindi rin nagtagal ay umilaw ang buong kabahayan. Dinig na dinig niya ang tunog ng generator. Pamilyar naman kasi siya sa tunog ng generator.

Ilang sandali pa ay muling pumasok si Thunder. Bahagyang basa ang damit nito kaya dumertso ito sa closet at kumuha ng damit. Lumabas ito mula sa walk-in closet nito na bitbit ang damit. Nakalimutan yata nito na naroon siya, at nakaupo sa kama.

“B-boss,” anas niya.

Natigilan si Thunder at napatingin sa kan’ya na titig na titig sa h***d nitong itaas. “What?”

“W-wala.” Yumuko na lang siya at tiningnan ang mga bubog. Sinipa niya ang magkakadikit na bubog kapagkuwan para magkahiwa-hiwalay. 

Napapitlag siya nang may tumamplas sa binti. “Kailan pa pinaglalaruian ang bubog, Grazie?” pagalit na sabi ni Thunder sa kan’ya. 

Marahas na itinaas nito ang mga paa niya sa kama. “Para kang bata! Kita ng bubog, paglalaruan? Ano bang pag-iisip meron ka, huh, Grazie?” ani na naman nito.

Napataas ang isang kilay niya. Lagi na lang pagalit ang tono nito. Nahahalata na niya. Naging masungit na rin ito sa kan’ya. Nami-miss niya tuloy ang dating boss. ‘Yong boss niya, na kakatok ng wala sa oras sa apartment, o di kaya, papupuntahin siya nito sa bahay nito para lamang may kausap. Napabuntong-hininga na lang siya. Kung ayaw na siya nitong makita. E ‘di aalis na lang siya. Madali naman siyang kausap, o ‘di kaya sa opisina na lang siya maglalagi.

Napatingin ito sa kan’ya ng biglang humaba ang nguso niya. Kumibot lang ang labi nito. Mabuti at hindi nag-react. Baka kung ano na naman lumabas sa bibig nito.

Umalis ito sa harap niya at pumasok ng banyo. Paglabas nito ay dala na itong medicine kit at naupo sa kama, dulong bahagi kung saan naroon ang paa niya. Ipinatong nito sa kandungan nito at sinipat pagkuway nilinis.

Malapit na talaga siyang mahulog sa bangin dahil sa ginagawa nito. Simpleng gestures lang nito minsan, binibigyan pa naman niya ng meaning. Ito pa kayang ginagamot nito ang sugat niya?

“Aray!” d***g niya ng bunutin nito ang isa pang bubog.

Napasinghap siya ng hinipan nito. Ramdam niya ang maiiniti nitong hininga sa paa niya nagdulot ng kakaibang pakiramdam. 

“Boss,” anas niya sa mahinang tinig.

“Masakit pa ba?” masuyo nitong tanong. 

“M-medyo,” tipid na sagot niya. 

Nilagyan nito ng benda pagkatapos lagyan ng gamot. Hindi na rin siya nito pinababa. Ito na rin ang naglinis ng bubog at natapong kape.

"Sorry, boss. Napalinis tuloy kita.”

“Excuse me, Grazie. Pagtatrabahuhan mo ito ng maayos bilang kabayaran. Kuha mo?”

Napaawang siya ng labi. So, hindi sincere sa ginagawa nito? Nagngitngit ang kalooban niya. 

“Okay.” 

Maymaya ay nagpaalam ito na babalik sa kabilang bahay. 

“Paki ko?” kunway sabi niya. Alam niyang hindi nito narinig dahil pasara na ang pintuan.

Napatingin siya sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. 

May payong kaya ito? Tanong niya sa sarili kapagkuwan

Sadyang pina-ilaw lang nita ang buong bahay. Hindi na kasi bumalik makalipas ang isang oras.

Nakaramdam siya ng gutom kaya napilitan siyang bumaba. Dahan-dahan lang ang naging kilos niya dahil nadagdagan ang sakit dahil sa bubog na naapakan.

Pasalamat siya kasi may tirang ulam nila kaninang tanghali. Ininit niya iyon habang nagsalang naman siya sa kabilang kalan ng kanin. Nahirpan pa siyang hanapin ang lagayan ng bigas kaniana. Lahat na yata hinalughog niya. Buti nagpakita ito sa kan’ya. Malapit na siyang mainis ng mga sandaling iyon.

Mabilis ang mga naging subo niya kapagkuwan dahil sa sobrang gutom. Nagkamay na nga lang siya para mafeel ang sarap ng pagkain. Nakataas pa ang isang paang walang sugat.

Napatigil siya sa pagkain nang mapansin si Thunder sa hambaan ng kusina. “Tigas talaga ng ulo mo, no? Bumaba kang may injury at sugat ang paa mo? Paano ka gagaling niyan?”

“Anong gagawin ko sa kuwarto mo? Ngumanga habang naghihintay ng pagkain? Kumukulo na po ang tiyan ko kaya bumaba ako. Matigas na ba ‘yon? E paano kung manigas na lang ako doon dahil sa gutom?” aniyang naiinis na.

Marahas na buntong hininga ang pinakawalan nito dahil sa sinabi niya. “Dapat kasi hinintay mo ako,”

Mapakla siyang ngumit. “May sinabi ba kayo boss na hintayin ko ang pagbabalik mo? Diba, wala?”

Natigilan ito sa sinabi niya. 

Bigla siyang nawalan ng gana kumain kaya niligpit na lang niya iyon. Hindi naman ganoon kalayo ang sink kaya hindi siya nahirapan maglakad. Hinugasan niya iyon kapagkuwan. Alam niyang nakamasid lang ito sa kan’ya.

Nang matapos siya ay humakbang na siya palapit dito. Doon lang banda sa gawi nito ang pinakamalapait na daan palabas kaya dinaanan niya lang ito.

“Oh my!” bulalas niya nang bigla siyang umangat sa ere. 

Napatingin siya sa boss niyang seryosong habang pangko siya nito. Hindi man lang alintana sa mukha nito na nabibigatan sa kan’ya.

Siya ang nagbukas ng silid nito nang makarating sila. Nakakapit siya sa leeg nito kaya hindi niya maiwasang pagmasadan ito.

“Ayyy!” sigaw niya nang bigla siya nitong ihiga sa kama dahilan para mahila niya rin ito padapan sa kan’ya.

Nagtama ang paningin nila nang mag-angat siya ng tingin. Napatingin siya sa labi nitong mapupula. Bahagya ring nakaawang kaya amoy niya ang mabangong hininga nito. Wala sa sariling idiniin ang labi niya rito. Masuyo niya itong hinalikan. Wala man lang siyang tugong natanggap kaya huminto siya.

Akmang itutulak niya ito paalis sa ibabaw niya nang idiin nito ang labi sa kan’ya dahilan para mapasingahp siya. Naging mapusok ang mga naging kilos nito, maging ang h***k. Kaagad din namang tinugon niya iyon. Kasabay ng palitan nila ng h***k ay ang kamay nitong nasa d****b niya at minamasahe iyon sa loob ng saplot niya.

“Thunder...” ungol niya sa pangalan nito nang magkaroon ng tsansang huminga.

Bigla naman itong napatigil sa ginagawa nang marinig ang boses niya. Mabilis na tumayo ito sabay sabunot ng buhok. Tumingin pa ito sa kan’ya na natigilan din.

Inayos nito ang sarili kapagkuwan at walang sabi-sabing lumabas ng silid nito.

Naiwan siya sa ganoong posisyon. Naka-anagat ang kaliwang bahagi ng damit niya habang nakatitig sa kawalan. 

Mga Comments (19)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
paasa ka thunder
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Ano ba Thunder may gusto kana ba Kay Grazie ..wag mo nman syang pinapaasa sa wla kung Hindi mo Rin nman sya mahal... thank you Author
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Hala nagkaka gusto na sya sayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status