Share

Chapter 2

“Boss, ito na po ang mga dapat mong pirmahan. Ne-review na din po ni Sir Ace ‘yan. Pirma mo na lang po ang kulang.” Nilapag niya ang makapal na papeles sa table nito. Kakarating niya pa lang pero dumeretso agad siya sa library nito nang malamang naroon ito. Mabuti na iyon para hindi na niya ipatawag sa kabilang bahay nito kung saan kasama ang asawa-asawahan nito.

“Thank you,” anito sabay kuha ng mga papeles. Sumubsob na ito doon kapagkuwan. Hindi naman ito nakipagkuwentuhan kagaya noon. 

Pitong buwan ng ganito ito sa kan'ya. Pormal na silang nag-uusap simula nang gabing halikan siya nito. Hindi niya alam ang drama nito, e ito naman ang naunang h*****k sa kan'ya noon. 'Yon lang naman ang huling tagpo nila ng boss, na medyo awkward.

Iwas na iwas ito sa kan’ya pagkatapos ng gabing iyon. As if naman, nagkasala nga ito kay Laura- este Ira. Hindi niya maiwasang mapa-iling ng mga sandaling iyon.

Dahan-dahan niyang isinara ang pinto para hindi maistorbo ang pagpirma nito. Kailangang makabalik kaagad siya ng Maynila dahil maraming trabaho pang naghihintay sa kan'ya sa loob ng opisina nito.

Lumabas siya na dala-dala ang laptop. Pumuwesto siya sa malawak na veranda ng bahay ni Thunder. May mga emails pa siyang sasagutin. Buti na lang may internet connection sa buong bahay ng boss. Hindi na niya kailang magpaload pa sa labas.

Mabilis na natapos niyang replyan ang mga emails, kaya nakahinga siya ng maluwag. Tumingin siya sa pintuan. Hindi pa lumalabas ang boss niya. Marahil, hindi pa tapos sa pinipirmahan nito.

"Good morning po, Ma'am Graziana!" Napangiti siya ng makitang kumaway sa kan'ya si Allan. Isa ito sa tauhan ng boss sa farm nito. May dala ito na pang-araro kaya napangiti siya.

"Mag-aararo ka na naman?" aniya ng lumapit dito.

"Opo. May bagong gulay na pinatatanim si Boss."

Tumango-tango siya dito. 

"Malapit lang ba dito?" tanong niya kapagkuwan.

"Opo. Doon lang po malapit sa bahay nila boss." 

"Oh... Puwedeng sumama?" 

Natawa ito sabay suyod ng kabuuhan niya. 

"Naku po, siguradong madudumihan kayo doon, Ma'am. Dadaan tayo sa palayan bago makarating doon." Napakamot pa ito sa ulo. 

"Sus. Marami akong pampalit sa loob, Allan. Sige na. Matagal pa yata matatapos si boss. Nabo-bored na ako sa kinauupuan ko." Tinuro pa niya ang inupuan kanina.

Saglit na natigilan ito bago ngumiti. 

"Sige na nga po. May tsinelas po ba kayo?" Tumingin ito sa suot niyang high heels. 

"Doon tayo nalungkot. Wala, e. Pahiram mo na lang ako." 

"Sige po, sandali."

Nilapag nito ang hawak na pang-araro at bumalik sa barn. Pinasok niya muna ang laptop sa loob at isinilid iyon sa bag nito. Pinasok niya sa bulsa niya ang telepono. Paglabas niya ay wala pa ito. Bumalik ito na may dalang bota.

Tinaas nito ang hawak at ngumiti. "Ito na lang po, Ma'am para hindi kayo maputikan. Bago pa po ito kaya ito na lang talaga. Nakakahiya naman kasi kung luma ang ipapagamit ko."  Nilapag nito sa harap niya. 

Tumango siya dito.

Napamaang siya ng lumuhod ito sa kan'ya para isuot iyon. Magaspang ang kamay nito pero hindi naman marumi. Tumayo ito at ibinigay ang hawak na high heels niya.

"S-salamat," nahihiyang sambit niya. Pilit na ngumiti siya dito kapagkuwan.

Nilagay niya sa veranda ang sapatos at humarap na kay Allan. Nasa balikat na nito ang pang-araro.

Nauna ito sa kan'ya ng bahagya. Hindi niya maiwasang tingnan ang mukha nito. Mukhang mabigat pa naman.

"Bakit kasi 'yan ang gamit mo? Diba, may makina si boss na pangbungkal ng lupa?"

Bumaling ito sa kan'ya at ngumiti. "Simula po noong bumalik si Ma'am Ira, hindi na niya pinagamit ang mga makabagong gamit. Hindi na po namin naitanong, sumunod na lang po kami,"

Tumangu-tango siya sa binata. Oo nga pala, silang tatlo lang pala nila Ace ang nakakaalam sa lahat, na hindi talaga si Ira, o Laura ang totoong asawa ng boss. Ang alam lang ng mga ito nagpapagaling si Ira kaya doon nakatira sa kabilang bahay.

Napangiwi siya ng makita ang palayan na sinasabi ni Allan. Maliliit ang daanan. Napakalambot pa ng lupa.

"Shit!" Hindi niya maiwasang sabihin nang muntik na siyang mahulog sa palayan. Buti na lang nahawakan ni Allan ang kamay niya. 

Nakahinga siya ng maluwag nang marating nila ang pakay. Napahawak siya sa noo ng mapagtantong likod bahay pala ito nila Thunder. 

Napansin niya si Ira na nagdidilig ng halaman. Tumingin ito saglit sa kanila. 

"Allan! Gumawa ako ng miryenda, kunin mo na lang mamaya, ha?" sigaw nito sa kasama.

"Sige po, Ate!" sagot naman ni Allan.

Naka-kunot ang noo na nilingon niya ito.

"Bakit, Ate ang tawag mo kay Ma'am?" 

"Utos po ni boss Thunder." 

"Ah, okay." 

Naupo siya sa isang malapad na dahon. Pumuwesto siya sa ilalim ng puno habang inaayos nito ang kalabaw at gamit sa pang-araro.

Malapit ng mag-aalas-diyes kaya medyo mainit na. Pero natatalo ang init ng hangin, lalo pa't nasa ilalim siya ng puno.

Pinapanood niya ang binata sa pang-araro nang lumapit si Ira sa kaniya.

"Kain ka muna." Napatingin siya sa hawak nitong nilupak na kamoteng kahoy. 

Bigla siyang natakam kaya tumayo siya. Akmang kukuha siya nang mapansin ang boss na palapit sa kanila. Hindi maipinta ang mukha nito. Tumingin ito sa ayos niya maging sa nag-aararo.

"Graziana nga pala," pakilala niya kay Ira. 

"Ira naman ang pangalan ko. Kuha ka, o. Para naman ito sa nobyo mo."

Napalunok siya ng laway dahil sa sinabi  nito. Sumulyap siya kay Allan na abala sa pag-araro.

"Magkaibigan lang po kami," aniya kay Ira.

"Ganoon ba. Okay lang ba kung tawagin kitang Grazie?" anito.

Ngumiti siya sa kausap. Mukhang mabait naman pala talaga si Laura kaya siguro nagkagusto ang boss niya. Hindi na naman niya mapigilang magselos.

"O-okay lang naman. Mahaba kasi talaga ang pangalan ko." Kumuha siya ng nilupak na nakalagay sa dahon ng saging.

Napatingin siya sa kamay ni Thunder na pumulupot sa bewyang ni Ira.

"O, akala ko ba mamaya ka pa? " Baling ni Ira sa boss. 

"Babalik na lang ako mamaya. May hindi kasi ako mahanap na tools ko, doon sa malaking bahay. Baka kako naiwan ko dito." Sumulyap saglit sa kan'ya ang boss. 

Nag-iwas siya ng tingin at kumagat kunwari ng nilupak. Kinapa niya din ang telepono at sinipat iyon. Muntik na niyang maibuga ang kinakain nang makitang 10 missed calls mula sa boss.

Napatingin siya kay Thunder na masama ang tingin. 

"Si Graziana nga pala, kaibigan daw ni Allan." pakilala ni Ira sa kanila ni Thunder. Hinimas nito ang malaking tiyan nito kapagkuwan.

Inubos niya ang pagkain bago nagsalita. "H-hello po!" medyo alanganing sabi niya sa boss.

"Thunder, asawa ni Ira." Naglahad ito ng kamay. Saglit lang na naghinang ang palad nila. 

Alam ko! parang gusto niyang isagot.   

Mayamaya ay nagpaalam na ito kaya nakahinga siya ng maluwag.

Hindi pa man siya nakaka-upo nang tumunog ang telepono niya. Napatingin siya sa gawi ng bahay ng boss bago sinagot.

"Bumalik ka ngayon din, Grazie! Kanina pa kita hinahanap!" pasigaw na bungad ng boss kaya inilayo niya ang telepono. 

"Okay po," tanging nasambit niya dito bago pinatay ang linya.

Dali-daling nagpaalam siya kay Allan at Ira kapagkuwan. Nag-alok pa si Allan na ihatid siya pero tumanggi siya. 

Pumasok na rin sa loob ng bahay nito si Ira. 

Nasa kalagitnaan na siya ng palayan nang bigla siyang nadulas. Kasabay niyon ang malakas na sigaw kaya napatakbo si Allan sa kan'ya.

Matagal bago siya naka-ahon dahil masyadong malalim ang bahaging iyon. Natumba ang ilang palay na nadaganan niya. Napuno din ng putik ang puwetan niya hanggang underwear niya ay b**a.

"Okay ka lang, Ma'am?"

"Sa tingin mo?" aniyang naiinis.

Natawa ito ng mahina. Napatingin siya sa kamay nito ng maglahad ito. Madumi din ang kamay nito kaya inabot niya iyon at kumapit doon para makatayo ng tuluyan.

Naunang umakyat ito at muling naglahad para maka-akyat siya pero biglang tumapilok ang paa niya ng subukang umakyat. Tumunog iyon kaya napadaing siya. Napaangat siya ng tingin kay Allan. Mukhang hindi niya kayang umakyat doon dahil sa paa niyang natapilok. 

"Masakit ang paa ko, Allan. Mukhang Hindi ko yata kayang maglakad."

"Ganoon ba?" Bumaba itong muli.

Napasigaw siya ng pangkuin siya nito na pa-bridal-style. Mahigpit na kumapit siya sa leeg nito habang naglalakad ito. Naghanap ito ng mas mababa at doon umakyat dahil mabigat siya. 

Lukot ang mukha ng boss ng salubungin sila sa gate. Nakabalik na pala ito mula sa kabilang bahay.

"What happened?" anito na nakapameywang.

Dahan-dahan siyang binaba ni Allan kapagkuwan sa tapat ng bench. 

"Nadulas po si Ma'am doon sa palayan at aksidenteng natapilok."

Hindi pa rin maalis ang lukot ng mukha nito. Naupo siya sa bench na nasa tapat ng veranda nito.

"Intrimitida kasi," dinig niyang sabi ng boss. 

"May sinabi ka boss?"

"Wala," tanggi nito. "Iwan mo na kami Allan." Baling nito sa trabahador nito.

"Sige po. Pagaling ka po, Ma'am," ani ni Allan sa kan'ya.

Ngumiti siya ng matamis sa binata. "Salamat ng marami sa tulong, Allan."

"Walang anuman po." Yumuko muna ito sa boss bago tumalikod.

"'Yan ang napapala ng gala! Gusto mo lang yata makipaglandian kay Allan!"

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ni Thunder.

"Wow. Ako? Makikipag-landian kay Allan? Huh! Hindi ba puwedeng nagpahangin lang dahil bored na bored ako dito sa bahay mo boss? Huh?!"

"Ang daming pupuntahan sa farm! Bakit doon pa banda? E, puno ng putik doon!"

"E sa doon po kasi ang gusto ko boss, e! Magagawa niyo ba?" 

Napapikit ito sa sinabi niya. Halata ang inis nito dahil sa litid nito sa leeg, kaya pilit na pinakalma niya ang sarili. Hindi pa sila umaabot sa sigawan ng boss, ayaw niyang dumating sa puntong iyon kaya hindi na siya umimik ng magsalita ito ulit. 

Hindi niya mapigilang mapasinghap ng bigla siyang buhatin nito. Nag-aalangan pa siyang kumapit sa leeg nito.

Parang gusto niyang pagalitan ang puso ng tumibok ito ng napakabilis. Napapikit siya.

Sana hindi niya marinig, aniya sa isip.

Nasa hagdan na sila nang hindi siya nakatiis, na hindi pagmasadan ang mukha nito. Napalabi pa siya kapagkuwan ng lumunok ito. Umalon kasi bigla ang adams apple nito.

"It's rude to stare like that, Grazie," anang baritonong tinig nito.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin. 

"Boss sa guest room na lang po!" aniya nang baybayin nito ang daan papunta sa kuwarto nito.

"Walang gamit doon dahil under renovation iyon. Gagawing silid ng magiging anak namin ni Ira. Gusto ko siyang dalhin dito paminsan-minsan," sagot nito na ikinalungkot niya.

"Open the door, please," untag nito kapagkuwan.

Kaagad na pinihit niya ang seradura ng pintuan ng silid nito. Dumeretso ito sa banyo at dahan-dahan siyang ibinaba sa tapat ng shower.

Hindi niya maiwasang titigan ito habang tinuturo ang towel, shampoo na pambabae at iba pa. Napatigil ito nang mapansing titig na titig siya dito.

"What?" masungit na tanong nito.

"Wala po, boss." 

Umiling-iling muna ito bago hinayon ang sarili palabas ng banyo. Ini-lock na nito kaya napangiti siya. 

"At least nabuhat niya ako," wala sa sariling naisatinig niya. Humagikhik pa siya kapagkuwan. Pero napalis din ng maalalang pinapagawa nito ang dating guestroom na tinutuluyan niya para sa magiging anak nito kuno kay Ira.

Para na namang pinipiga ang puso niya ng mga sandaling iyon.

Kailan kaya siya mamahalin ng boss? Wala na naman sa sariling tanong niya.

Pagkatapos maligo ay nilabhan niya ang mga naputikang damit. Hinigit niya ang tuwalya para punasan ang sarili. May extra roba din kaya sinuot niya iyon. Nang masigurong nakatali na ang roba sa beywang niya ay ika-ika siyang lumapit sa pintuan ng banyo. Sumilip muna siya. Wala ang boss kaya nakahinga siya ng maluwag. 

Kakasara lang niya ng pintuan ng banyo nang bigla itong pumasok. Lumukot na naman ang mukha nito kaya napalunok siya. 

Problema na naman ng boss niya?

"Dapat tinawag mo ako na tapos ka ng maligo! Paano kung mamaga 'yang paa mo?" Palapit ito sa kan'ya ng mga sandaling iyon.

"Ayy!" sigaw niya nang bigla siyang nitong pangkuin at pinaupo sa kama nito.

"Stay!" anito at iminuwestra pa ang kamay para ituro ang kama.

Fine, I'll stay! aniya sa isip kapagkuwan.

Kung alam lang nito na kinikilig siya sa mga ikinikilos nito. Sana magtuloy-tuloy na ang ginagawa nito sa kan’ya.

Pumasok ito sa walk-in closet kapagkuwan. May dala itong damit, shorts, bra, at underwear. Napalunok siya dahil hawak-hawak nito sa kaliwang kamay ang underwear. Hindi man lang nito pinatong sa T-shirt, o kaya sa shorts. 

“Ito na muna ang gamitin mo. Sa tingin ko kasya naman sa’yo ito. ‘Wag kang mag-alala bagong bili ang mga iyan,” imporma nito. Hindi na nito hinintay ang sagot niya dahil humakbang na ito palapit sa pinto. Hindi pa man ito nakakalabas ng balingan siya nito. “Tawagin mo ako kapag tapos ka na,” anito sabay labas ng silid nito.

Hindi niya maiwasang mapangiti. Ibig sabihin pagsisilbihan siya nito dahil naaksidente siya? Bigla siyang kinilig sa isiping iyon.

Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Kinikilig ka Naman Grazie sa simpleng pag aalala Sayo ni Thunder.. thank you Author..
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha kaya wag ka muna magpagaling haha
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
naku Grazie wag masyadong umasa lalo ka lang masasaktan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status