Aiden POV Maaga akong umalis sa bahay nila Ciara dahil may importanteng meeting kami na pupuntahan ni Hunter halos hapon na din kami natapos pero pakiramdam ko ay ilang araw na. Ang tagal naman kasi matapos mabuti na lang at hindi na inabot ng gabi. Nagpasya muna kami ni Hunter na magkape malapit sa lugar kung saan kami nakipag meeting. Ayaw niya naman mag advance dinner dahil nagluto daw si Linnea kaya mas gusto niyang kasabay kumain ang kanyang mag ina, niyaya niya pa ako pero tumanggi naman ako. "Saan ka diretso sa kanila ni Ciara?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako. "Oo, do'n na din ako matutulog." sagot naman nito. "Bakit kasi hindi mo na lang yayain ng kasal ang girlfriend mo para tuluyan na kayong magsama na dalawa, sigurado ka naman siguro sa kanya." "Oo naman, wala na akong balak na maghanap ng iba. At isa pa nakaplano na talaga ang bagay na 'yan balak ko na talagang mag propose kay Ciara may mga ayusin lang muna ako bago gawin 'yon." saad ko. "Good to hear that, p
Ciara POV Napasalampak ako sa sahig matapos marinig at mga katagang binitawan ni Aiden, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa dahil kitang kita ko kung paano siya magpigil ng galit para lang hindi niya ako masaktan. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon, hindi pwedeng masira ang kung anong meron kami ni Aiden, hindi ko hahayaan na mawala ang taong nagpaparamdam sa akin that I am worth it to be love. Tanging iyak lang ang nagawa ko habang umaasa na panaginip lang ito, na bubukas ulit ang pinto at iluluwa nito ang nakangiting si Aiden sa harap ko. Pero sa bawat paglipas ng minuto ay ang paagsampal ng katotohanan sa akin na totoo ang mga nangyayari ngayon. Hanggang sa hindi ko na namalayan at nakatulog na ako. Kinabukasan ay nagising ako na wala siya sa tabi ko at do'n ko lang naalala ang nangyari, hangga't sa nagdaan pa ang mga araw ay hindi pa rin bumabalik si Aiden. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya ito sinasagot, ilang beses na d
Linnea POV Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaibigan ko, alam kung hindi siya okay pero pinipilit niyang ngumiti sa harap ko para hindi na ako mag alala pa. Kaya niyaya ko na lang muna siyang maglibot para kahit papaano maibsan ang pag iisip niya. Ilang araw ko na din napapansin ang pagbabago ni Aiden, madalas itong lasing kung umuwi. Hindi ko na lang ito pinapansin dahil iniisip ko na baka marami lang siyang trabaho kaya umiinom ito para makatulog ng diretso, ayaw ko naman magtanong sa asawa ko. "Kalimutan mo na muna ang problema niyo ni Aiden, mag ikot ikot muna tayo at mag shopping. At isa pa mag paayos ka nga, halata kasing wala kang tulog ng ilang araw." pang aasar ko kay Ciara. Hinampas niya naman ako sa braso. "Hoy grabe ka sakin ah, akala mo naman ang ganda ganda mo." "Ay hindi ba halata? Ang ganda ko at blooming." sagot ko naman sa kanya. "Ay ewan ko sa'yo. Tara na at mag ikot kaysa kung ano ano 'yang sinasabi mo." natawa naman ako sa kanya, ang saya lang talaga asarin
Aiden POV Pagkatapos namin mag usap ni Hunter ay umalis agad ito, inayos ko naman ang mga papeles na nasa tabi ko at isinara ang laptop ko. At dahil friday naman ngayon kaya naisipan kung mag bar muna, madalas ko naman na gawin ito simula ng mag away kami ni Ciara, alam ko din ang ginagawa niyang pagsunod sa akin. Naglakad muna ako sa mini cabinet na nandito sa opisina at kumuha ako ng damit para makapag palit, ayaw ko naman na pumunta ng bar ng naka business suit. Mabuti na lang at may ganito sa opisina ko kaya pwede akong mag iwan ng damit. Matapos kung makapili ng susuotin ay diretso na ako sa banyo para magpalit. Alas syete na ng gabi ng makaalis ako sa opisina at tamang tama lang itong oras sa pagpunta sa bar hindi masyadong maaga at hindi din masyadong gabi. Inaamin kung namimiss ko si Ciara pero nandito pa rin ang sakit dahil sa nasaksihan ko, I know she loves me pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba 'yan matapos ng makita ko. Alam kung nagkakamabutihan na sila noon
Aiden POV Ng makasigurado akong si Ciara nga ang nakita kung babae na nasa counter ay hindi ko na inalis ang mga mata ko sa kanya, halos hindi ko na din maintindihan ang sinasabi nitong kasama ko dahil nakafocus lang ang atensyon ko sa isang tao. Kahit na galit ako sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag alala dahil alam kung hindi niya kaya kapag sobra siyang nalasing. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiinom, hinayaan ko lang siya muna dahil wala naman itong kinakausap na iba. Wala na din sa kandungan ko ang babaeng kasama ko. "Hey Aiden nakikinig ka ba?" pagkuha ng atensyon ng kasama ko. "Ah yes, what it is again?" tanong ko dito. "Kanina ka pa wala sa focus, are you sure you are okay? Ang sinasabi ko ay kung pwede na umalis na tayo ngayon tutal masyado na din namang gabi." "Oh about that, we can reschedule it. May kailangan pa kasi akong puntahan." anas ko. "Ano ba 'yan, kung kailan sabik na sabik na ako but I understand. Here's my calling card you can call me
Ciara POV Halos manlabo na ang mga mata ko sa pagdadrive dahil sa pag iyak, mabuti na lang at nasa tapat na ako ng bahay. Hindi ko alam na nakaramdam ako ng ganito ka sakit ng dahil sa taong mahal ko. I never expected that Aiden will say that things in front of me. Ipinark ko lang ng maayos ang kotse at saka dali dali akong pumasok sa loob at dumiretso na sa kwarto, pagpasok ko ay agad akong dumapa sa kama at ibinaon ang mukha ko sa unan habang umiiyak. I know I don't deserve this pain dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan na nagawa kay Aiden dahil siya lang naman ang mahal ko. Hindi ko din siya masisisi kung galit siya ngayon dahil alam ko din ang mga pinagdaanan niya at alam ko naman na nasaktan lang din siya sa nangyayari sa amin pero sana naman matuto siyang makinig sa paliwanag dahil hindi naman lahat ng tao ay lolokohin siya. Hindi ko na alam tuloy kung worth it pa ba ang pagmamahal ko sa kanya o mahal niya pa ba ako kasi parang ang dali lang sa kanya bitawan ang
Isang linggo na ang nakalipas no'ng nagpunta si Ciara sa bahay ng mga Silvestre, pagkatapos no'n ay ginugol niya muna ang oras niya sa kanyang botique para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila niya kay Aiden, minsan ay nakikita niya pa rin ito pero takot siyang lapitan ang binata dahil baka masaktan na naman siya. Kasalukuyang nasa banyo si Ciara na halos nakasalampak na sa sahig habang hawak hawak ang isang bagay na nagpapatunay sa kanyang hinala. Halos isang linggo na din kasi ng magsimulang sumama ang pakiramdam niya tuwing umaga at bumabaliktad ang kanyang sikmura at isa pa ay hindi niya din namamalayan na buwan na pala siyang delayed, kaya nagpunta siya sa malapit na drug store para bumili ng pregnancy test. At ngayon ay sumasampal na nga sa mukha niya ang katotohanan na siya ay buntis dahil sa dalawang guhit na naroroon sa pt na hawak niya. Tatlo ang kanyang binili at iba't ibang brand ito para makasigurado siya at lahat ng ito ay positive ang lumabas. Unti unti ng tumulo
Ciara POV Maaga akong nagising dahil nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko at isa pa ay maaga na naman akong sumuka, ganito siguro talaga kapag buntis kaya kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa ganitong routine. Hindi ko man lang napansin na may dinadala na pala ako dahil busy ako sa pag iisip ng mga bagay bagay at pagsunod kay Aiden. Nakapag isip isip na din ako, pupuntahan ko si Aiden para kausapin at sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin. Sana naman ay makaya ko sa kung ano man ang magiging kahihitnan ng pag uusap namin at kung ano man 'yon ay pilit kung tatanggapin. Tumayo na ako at lumabas papunta sa kusina para kumain ng almusal. Nagluto na lang ako ng hotdog at bacon para mas madali. Kumuha na din ako ng tinapay at nilagay sa plato kasabay ay nagtimpla na ako ng gatas. Ng maayos ko na ang lahat ay umupo na ako para kumain. Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako at inayos ang sarili ko, sana lang ay makausap ko ng maayos si Aiden ngayon kahit sa huling pagkakataon