With A Smile

With A Smile

last update최신 업데이트 : 2025-07-15
에:  Nhenggggg방금 업데이트되었습니다.
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
9챕터
8조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

"Ang kabayaran sa utang ng Daddy mo, ay ang pakasalan ako at maging asawa kita" Napakurap kurap ako sa sinabi niya "Ano?!" Di makapaniwala sa narinig "Are you crazy?" Tumawa siyang muli "Daddy mo ang baliw Samantha, dahil ikaw ang ginawa niyang pambayad para sa utang niya"

더 보기

1화

Chapter One

Simula

Naalimpungatan ako sa sigaw ni Mommy

Kasunod non ang aligawngaw ng tatlong putok na baril

Kaya napabalikwas ako sa aking higaan

Patakbo ako lumabas ng kwarto at halos madapa ako pababa ng hagdanan namin

Nakita ko ang Ama kong nakahandusay sa sahig sa tabi niya ang aking Ina na panay ang sigaw at iyak

"Samuel!!!" Sigaw ni Mommy habang yakap yakap ang wala nang buhay kong Ama

"Daddy!!" Patakbo akong tumungo sa kinaroroonan nila

"Mommy!! a-anong nangyare?! sino ang mga iyon" Tanong ko kay Mommy

Iyak lang ng iyak ang Mommy ko tumingin lang siya sa akin at muling niyakap ang Daddy ko

Hindi ko alam bakit humantong sa ganito

Napakabait ng Daddy ko at wala kaming alam na may kaaway siya o ano man

Dahil sobrang napakabuti ni Daddy

Walang masabi ang pulis kung sino ang mga pumatay sa Ama ko.

Sa tuwing pupunta sila sa burol ng Daddy ko ang palagi lang nilang sagot sa amin ay... hindi pa din nila nahahanap ang mga suspek sa pagpaslang ng Daddy

Ang Mommy ko naman walang araw na hindi siya umiiyak

Hanggang sa ilibing si Daddy grabe ang paghihinagpis niya

Maging ako gusto ko man maglupasay dahil sa pagkawala ni Daddy

Pinilit kong maging matatag para kay Mommy dahil kaming dalawa na lang ang naiwan

"I'm sorry Mrs. Dela torre wala na po kayong pera sa bangko" Our lawyer told us

Even our house ay hindi na din sa amin

May nakabili na daw dito

Isang negosyante at alam daw at kilala ng Daddy ko kung sino ito

"P-paanong N-nangyare yon?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa abogado namin

Wala na kaming pera?

At ang bahay namin iba na ang may ari?

Paano??

"Samuel!! Bakit mo naman ginawa sa amin ito" Sabi ni Mommy as if Dad was in front of her

Napapikit ako ng mariin

I was trying to process everything at hindi ko mapigilan ang umiyak

Because what's happening right now... is too much!

"Ang tinira na lang ho ng asawa ninyo ay 50,000.. at ang sabi niya ay para sa anak niya daw ito" Tumingin sa akin ang abogado

I stared blankly to him

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon

Bakit ginawa sa amin ito ni Daddy?

Bakit hindi man lang niya kami sinabihan?

Ano ba talaga ang atraso niya bakit bigla na lang siyang pinatay

Wala man lang akong napansin kay Daddy dahil palagi itong masaya

Lagi niya akong sinusuportahan sa ginagawa ko

Palagi niyang binibigay lahat ng bagay kahit na hindi ko hingiin sa kaniya

Tapos ngayon wala na kaming kahit ano.

Ang sabi ng abogado namin meron daw kukuha ng bahay namin yun ang nakabili nito.

Kahit ang kompanya namin matagal na din naibenta ng Daddy ko dahil sa dami daw ng utang

Bakit hindi man lang siya nagsabi sa amin

Sana natulungan namin siya

Laki man ako sa marangyang buhay pero hindi ibig sabihin non wala na akong magagawa para sa pamilya ko

Nang araw na yon pumunta ako sa sementeryo kung saan nakalibing si Daddy

Tinitigan ko ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan niya at may litarto din niya

"Daddy sabihin mo sa akin kung sino ang pumatay sayo" Sabi ko habang nakatingin sa lapida

"Bisitahin mo naman ako sa panaginip"

Dahan dahan kong hinawakan ang lapida niya at walang tigil sa pag iyak

Sa isang iglap lang nagbago lahat.

Sa isamg iglap lang nawala ang lahat

Hindi ko alam kung paano at saan ako mag uumpisa

Si Mommy hanggang ngayon hindi ko pa din nakakausap.

Palagi siyang nagkukulong sa kwarto at paglumalabas naman siya maga ang mata niya.

Sobrang nalulungkot ako sa mga nangyayare sa amin.

But i need to be strong, kasi kung magiging mahina ako paano na lang si Mommy.

Dahil sa iba na ang may ari ng bahay namin, kinailangan namin lumipat ng bahay

Gusto ko man malaman kung sino ang bumili ng bahay namin ay hindi ko muna pinansin.

Gusto ko na sa paglipat namin maging maayos ang lahat.

Mabuti na lang talaga at may itinira pang pera si Daddy para sa amin kaya nakabili kami ng bahay kahit maliit lang ito.

Hindi ako sanay sa mga ganito kaya lang wala naman akong magagawa kundi ang magtiis.

Huminto na din ako sa college dahil wala kaming pera pang tuition,

At kailangan ko na ding humanap ng trabaho para sa amin ni Mommy.

Si Mommy? ayon laging tahimik

Laging tulala,

Gusto ko man magalit sa kaniya at sabihing may anak pa siya pero mas pinili kong intindihin siya,

Pinili kong intindihin ang sitwasyon na meron kami.

Kasi kung mahirap sa akin, mas mahirap sa kaniya ng mga nangyare.

Nasaksihan niya kung paano barilin si Daddy sa harap niya at unti unting mawalan ng buhay.

Ipinangako ko sa sarili ko na ibabalik ko sa dati ang lahat kahit na kami na lang dalawa.

'Kaya mo yan Samantha, pinalaki kang matapang'

Unang araw namin dito sa maliit na bahay

Medyo naninibago pa ko pero masasanay din naman ako

May dalawang kwarto ang bahay na nabili namin

Maliit lang ang kitchen then may laundry area din naman

Maliit din ang sala

Naghahanda ako ng agahan namin kahit papaano marunong naman ako magluto dahil tinuruan ako ni Mommy

Nagtungo ako sa kwarto kung saan si Mommy natutulog

"Mom the breakfast is ready.. kain na po tayo"

Tumayo lang si Mommy ng hindi ako tinitingnan

Huminga ako ng malalim

Tahimik kaming kumakain

Ako naman ay nakamasid lang sa kaniya.

"Uh Mommy, aalis po ako mamaya. Mag aapply po ako ng trabaho"

Doon ay unti unti siyang tumingin sa akin ngunit blanko ang mukha

Tumango lang siya

Gusto kong maiyak,

Nahirapan din naman ako sa pagkawala ng Daddy pero pinili kong maging matatag, sana ganon din sya

Nang matapos kaming kumain iniligpit ko lang ang lahat at nag asikaso na.

Ang totoo niyan ay makikipag kita muna ako sa abogado namin

Pero hindi ko na sinabi kay Mommy para hindi na makadagdag pa sa alalahanin niya

May sasabihin daw siya sa akin para makatulong sa paghahanap ko ng trabaho.

Formal attire ang sinuot ko para just incase na maka apply agad ay presentable naman ako sa harapan ng mapag aaplayan ko

"Attorney, What is the important thing you want to say?" Tanong sa kaniya

Tumikhim muna siya

"You're Dad wants me to tell you this, ang sabi niya kung sakaling mawala siya sabihin ko daw ito sayo"

Kumunot ang noo ko

"Ano ba yon, Attorney?"

"Pumunta ka sa Fuentabella company doon mo daw malalaman ang lahat, yan lang ang sinabi ng Daddy mo sa akin, Maari kitang ihatid doon" Seryosong sabi ng abogado namin

Bigla akong kinabahan

Bakit gusto ni Daddy na pumunta ako doon?

Anong meron doon?

Nandoon ba ang kasagutan kung sino ang pumatay sa kaniya?

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

댓글 없음
9 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status