I just feel the need to write this kasi masyado atang nabigla ang transition ni Jessica. Haha From kind Jessica tas biglang walang paki. Baka nawala connection niyo sa character. Noooo! Hahaha
Darius Étienne Rochefort“Sir, she looks okay. She’s rarely seen going to her psychiatrist,” reported sa akin ng imbestigador na kinuha ko.“Good.”He reported to me the rest of things I wanted to know. He's very efficient. No doubt about it. Pagkatapos kong malaman ang lahat ng update kay Jessica, umalis na ang investigator sa opisina ko. Kinuha ko ang envelope na iniwan niya.I raised a brow when I saw her pictures. It was her billboard. Photoshoot. Candid pictures. She looked more beautiful now, and she looked unapproachable. Her clothes choices matched her perfectly, making her more attractive. Gone was the kind and gentle Jessica I knew.I smirked as I looked for each picture.Hindi ko maintindihan sa una kung bakit siya nang-iwan. She was so sure she would marry me. Hindi ko ipinaramdam na wala akong oras sa kanya, kahit halos hindi ko alam kung paano ko ima-manage ang oras ko sa dami ng kailangang asikasuhin. I tried to check on her even though I was so fucking tired from work
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko kay Magnus at sinisira niya ang peace of mind ko! Simula nang sinabi niyang may darating na Rochefort sa charity ball na gaganapin, kahit anong pigil ko na huwag mag-overthink, napapaisip ako. And it would then make me remember things. Things I thought I’d already dealt with.Suminghap ako nang maalala ko ang unang beses kong pagpunta sa psychiatrist ko. Hindi pa ako pupunta kung hindi ako pinilit ni Mama. She said I needed it because I was so lost.The temperature inside the office was just right. Nakaupo sa harap ko ang psychiatrist. Waiting for me to speak. Ayaw ko dito pero nasa labas si Mama. Hindi rin ako makakatakas sa kanya.Mugto ang mata ko. Masakit ang ulo ko. Nanghihina ako. All these because I lost Darius. A part of me died when I lost him. Hindi ko matanggap. Ang sakit-sakit. Ako naman ‘yong nang-iwan pero ako din ‘tong nasasaktan.“Kumusta ka, Jessica? What brought you here today?” the psychiatrist asked me. She was asking gently.Wh
I'm not a celebrity, I'm not a full-time model. I just model when I like the brand and when I think I could pull it off. When I think I could really represent the brand. Pero kahit na iilan lang ang billboard ko at hindi naman ako madalas laman ng magazine compared kay Claire at Danielle, may mga natatanggap pa rin akong hate comments sa social ko.‘Mukha siyang maldita. May nakapagsabi na hindi ‘yan namamansin.’‘Maganda lang ‘yan, masama naman ang ugali.’‘Kita naman sa vibes niya. Walang pakialam sa paligid niya. Parang ang taas ng mundo.’These are just a few mean comments I received from my socials. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako gaanong nagpo-post. Kapag kailangan lang. Para sa brand.Ngumuso ako. Hindi naman ako celebrity para pagaanin ang loob ng mga taong ‘to. I represent the brand. As much as possible I only stick to it. Walang personal na involved sa trabaho ko.Ang dali lang mag-throw ng hate comments kahit hindi ka naman kilala ng isang tao. Kung kagaya pa rin a
I continued sipping on my coffee as Danielle made fun of a girl who accidentally bumped into our table.“Ang laki ng space… huwag mong sabihing aksidente! Papansin ka lang. You want an autograph?” she said, full of mockery, with one eyebrow raised.Claire chuckled. “Use your eyes, girl.”Ibinaba ko ang coffee ko at saka nagsimulang kumain ng cake.“Hindi ko talaga nakita, Danielle. I'm sorry,” nahihiyang sabi ng babae.She's familiar. Staff siguro. I'm not sure, I'm not interested.Nasa set kami. We have a momentary break habang inaayos ng ibang staff ang set. I'm done with my part. We're shooting a commercial for a high-end clothing brand. Kaming tatlo nina Claire at Danielle ang kinuha na model.It's been years. Marami nang nagbago. I remembered almost losing myself. I couldn't eat, I couldn't function. I was fired because I could no longer do my job. I was at the lowest point of my life.“Hindi mo ba nakita, Jessica? I'm sure sinadya niyang banggain ang table natin,” inis na inis p
Halos hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Nang mag-ring ulit ang cellphone ko at nakita kong si Darius ang tumatawag, nanginig ang kamay ko. Hindi ko kayang hawakan ang cellphone ko.Kasi kapag hinawakan ko, alam kong sasagutin ko. Hihingi ako ng tawad. Sasabihin ko na nagsisinungaling ako sa kanya kasi mahal ko siya. Ayaw ko siyang mawala.It hurts. Hindi ko gusto ’tong ginagawa ko. Pero ito kasi ’yong gusto nilang gawin ko.Kaya imbes na lumapit ako sa cellphone ko, tumakbo ako palabas ng kwarto ko.“Mama…” I called my mother.I need her. She needs to help me because I’m breaking. Hindi ko na alam kung paano ako magpapatuloy.Tumakbo ako sa baba nang makita ko si Mama na nakaupo sa sofa. Sometimes I admire her for not being apologetic for what she did. I admire her for not being too kind. People break me easily because I’m just too kind.“Mama,” I called again.Ang blur ng paningin ko dahil sa luha ko. Pero nagawa kong tumakbo kay Mama.Naalarma siya nang makita ako.“Jessica, ano
You know what’s frustrating about our situation? Nagagawa namin mag-usap pero kulang pa rin. Ginawa naman niya ang sinabi ko na ayaw kong hindi niya ako kinakausap. We always talk. Kahit anong busy niya, ginagawa pa rin niya ng paraan para makausap ako.Kapag wala talaga siyang oras, he would let me know. Magte-text siya. Minsan, nagguguilty ako dahil humihingi siya ng tawad kapag hindi niya kayang tumawag dahil sa sobrang busy niya. Hindi naman niya iyon kasalanan pero humihingi pa rin siya ng tawad kasi baka umiyak na naman daw ako kung wala siyang update sa akin.He did his best, pero sa pananatili niya sa France, never akong napanatag. Dahil hindi ko na nakikita si Tita, hindi ko alam kung may kinalaman siya sa pagiging busy ni Darius. Kasi noong narito pa sila, alam kong iyong problema nila sa Cebu ay kagagawan niya.Pero despite that, I held on. Kasi nakikita kong kumakapit pa naman si Darius. Truth is…hindi ko na alam kung ang pagiging busy ni Darius ay dahil sa papa niya. Ang