Akala ko matapos nang pagbisita ng mga Ortega sa penthouse ay hindi ko na sila makakasalamuha. Minsan ay sumasagi pa rin naman sa isip ko kung ano na ang nangyari kasi hindi na namin pinag-usapan pa ni Darius ang tungkol sa kanila. He was just not interested in the topic. Kaya nagulat ako ngayon na tinawagan ulit ako ng front desk. Nasa baba raw si Daphne Ortega at gusto niya akong makausap. Wala si Darius dahil pumasok siya. I was alone. Hindi naman nagpumilit si Daphne na tumaas siya, she just wanted to talk to me. “Uhm… did she tell you what she wanted to tell me?” tanong ko sa receptionist. “No, Ma’am. She just told me she’ll wait for you here in the lobby. She’s now sitting on one of the couches, ma’am.” Napabuga ako ng malalim na hininga. Anong kailangan niya sa akin? Is there anything she needs to tell me?“Okay,” sagot ko bago ko ibinaba ang tawag. Kahit nagdadalawang isip ako ay bumaba ako. Ano naman ang magagawa niya sa akin sa baba? This is a high-end building, marami
Tulala ako nang lumabas ang mga bisita. Hindi ako makapaniwala na si Daphne pala ‘yong babae na dapat ay ka-engage ni Darius. Akala ko ay kamag-anak niya lang. “Jessica,” marahang tawag sa akin ni Darius. My eyes lingered at the door kahit kanina pa wala ang mga bisita. “Look at me,” he said. Napilitan akong lumingon sa kanya kaya nakita kong mariin ang titig niya sa akin — nananantya ang mata niya. “What are you thinking?” tanong niya. Umiling ako. I’m not thinking about anything. I’m just bothered. Sabi kasi ni Mrs. Ortega na maapektuhan si Tita Vivienne sa naging reaksyon ni Darius. Sa bait sa akin ni Tita, I don’t want to hurt her. She’s too kind to be hurt. “Kaano-ano niyo sila?” baling ko kay Darius. My voice was laced with guilt. Darius sighed. “Mrs. Ortega is a friend of mama. But don't worry about it. Hindi kana dapat nadadamay dito.” Bahagya akong tumango pero deep inside, I’m still bothered. “Jessica, even though you are not my fiancée, I would still refuse my enga
I was bothered by what I was hearing. Mas lalo dahil nagpatuloy sa paglalakad ang anak ni Mrs. Ortega. Hindi ko naman penthouse to pero hindi ko alam kung bakit nabo-bother ako. Kahit noong nasa San Pedro kami ni Darius at pinapapasok niya ako sa bahay niya, hindi ko magawa ang ginagawa ng babae ngayon. She was opening some of the drawer and was inspecting what was inside. “Hija, bigyan mo nga ako ng tubig,” biglang utos ni Mrs. Ortega sa akin.My lip pursed. Tumayo ako para gawin ang utos niya. I then carefully handed it to her. “Pakihanda narin ang dala naming cake. Baka malapit na si Darius,” utos niya ulit. “Sige po.” Nagpawala ako ng malalim na hininga nang lumalapit ako sa countertop. Kumuha ako ng mga maliliit na plato at saka naghanap ng pwedeng gamitin pang slice ng cake. I was carefully slicing the cake when I heard the door open. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko si Darius. Bumaling siya sa mga bisita bago siya naglakad palapit sa akin. “Tapos na ang me
Kinabukasan ay maagang umalis si Darius para sa trabaho. I was still on the bed as I watched him roam around the room as he changed. “Call me if you need anything,” sabi niya habang nilalagay niya sa kamay ang mamahalin niyang relo. “Yes.” Halos tapos na siyang magbihis. Ang suit na lang niya ang kulang. “Maganda sigurong kumuha ng in-house housekeeper para may nakakasama ka,” sabi niya.Yong naglilinis kasi ng penthouse niya, umaalis din matapos gawin ang trabaho. He didn't want them to stay for his privacy but now, for me, he is considering it.“I'm fine alone, Darius. Kung nabo-bored na ako, pwede namang pumunta sayo, diba?”“Yeah.” He chuckled. Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin. He swiftly kissed me on my lips before he put his suit on.“I'll go ahead. Remember to call.” Nang makaalis siya ay bumalik ako sa pagtulog. Gumising lang ulit ako nang satisfied na ako sa tulog ko. I took my time in the bathroom. Wala rin naman akong gagawin. Kapag nagsawa ulit ako ay baka
Halos hindi makapaniwala sina Tita nang sabihin kong CEO naman pala si Darius. Buong akala nila ay fisherman siya. Pero ganon din naman ang tingin ko sa kanya nong una. Until that day when he needed to go back to France. Doon ko lang nalaman. And just like them, I was so shocked. I almost couldn't believe it. I was with him in San Pedro, and I never saw him buy things that would make me suspect he was rich. Pero kung pagbabasihan mo rin sa itsura, hindi rin mahirap tanggapin. “His being a CEO is more believable than his being a fisherman, Ate Jessy. Hindi ko makitang fisherman siya. There's finesse in his move,” mapanuring sabi ni Scarlet. Pinanliliitan niya ng mata si Darius habang pinagmamasdan ang mga galaw. “Look, the simple glass looked expensive by the way he held it.”“Stop it, Scarlet,” suway ni Seraphina. Pero umiling si Scarlet, mas lalo pang nanitig kay Darius. “Seriously, I'm telling you. He doesn't look like a fisherman, even if you're seeing him for the first time. H
Matapos akong tanungin ni papa tungkol kay Darius ay pumasok ulit ako sa kwarto ko para tignan kung may reply na siya. Nang makita kong meron ay sinubukan ko siyang tawagan. Isang ring lang nang sagutin niya.“Jessica,” tawag niya. “What’s wrong?” “Gusto ka raw makausap ni papa. Nakita niya kasi ang singsing kaya sinabi ko,” diretso kong sinabi. I heard him chuckle on his line. “Okay. I’ll just have a quick meeting. Tell your dad I am coming.” Hindi na namin pinatagal ang usapan dahil may meeting na siya matapos nang tawag namin. Sinabi niya na matapos ng meeting na yon ay mag-a-out na siya. Kaya sinabi ko kay papa na darating si Darius. Doon ko rin nalaman na bibisita rin sina Tita dahil nalaman nilang bumalik na ako. Noong kinausap ni Papa si Tito Axel ay nasabi niya pala. Kaya busy si mama sa paghahanda para sa mga bisita. Ngayong narito si papa, medyo hindi na awkward sa pagitan namin ni mama. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng awkward o pati si mama. I hel