Share

Kabanata 2

Author: Mahal Berries
Hindi nagtagal si Clarissa Montefalco sa Cebu.

Tatlong taon niyang ginawang compass si Joaquin—sinusundan ang bawat event niya, bawat out-of-town fun run, bawat random coffee-stop sa Colon. Akala niya noon romantic, pero ngayon nakikita niyang obsession pala. At sa araw ng kanilang graduation, habang pinapalakpakan ng buong auditorium si Joaquin at ang bagong girlfriend nitong nakapulupot sa braso niya, doon tuluyang nabaon sa hukay ang huling piraso ng pag-asa.

Nakasiksik siya sa seat 22A, nakadungaw sa kumikislap na mapa ng lungsod sa ibaba. Ang Cebu na minsang parang promise land, ngayon ay parang jewelry box na nalunod sa dagat.

“Enough, Clarissa,” bulong niya sa sarili, pilit inaalo ang pusong namanhid. “You have no business staying where you’re merely tolerated. Hindi ka narito para maging pangalawa lang, o pangatlo, sa buhay ng iba.”

Isang click lang sa mobile app ang pag-book ng ticket—overnight decision na tinapatan ng iyak habang nakayakap sa throw pillow na amoy vanilla. Walang grand farewell, walang last look sa apartment na tinirhan, ni hindi sinabihan si Joaquin na aalis siya. Anong pakialam niya kung mapansin nitong wala na siya?

Paglapag sa NAIA, sinalubong siya ng mainit, malagkit na hangin at isang pamilyar na boses.

“Riss, over here!”

Nandoon si Michelle Villarosa: childhood friend, constant ally, back-up plan kung kailan gusto niyang ngumiti. Suot nito ang beige linen suit kahit alas-diyes pa lang ng umaga—laging runway-ready, laging handang humawak ng bagahe at sikreto.

“Hindi ka na ba aalis this time?” tanong niya, maingat, para bang konting blink lang ay lilipad na naman si Clarissa pabalik sa sugat na iniwan.

“No,” sagot ni Clarissa, maiksi pero puno ng emosyon. “Hindi na ako tatakbo palabas ng gulo. Hindi na ako uuwi kung may bitbit akong pagkatalo.”

Nang kunin ni Michelle ang bag niya at inalok ang braso, napadikit siya—hindi dahil mahina siya, kundi dahil nakakapagod na maging matapang nang mag-isa.

Habang bumabaybay ang kotse sa EDSA, pinagmasdan ni Clarissa ang dancing billboards—feeling niya lahat sila tungkol sa kanya: Travel now, Love harder, Re-invent yourself.

“Alam mo, Riss,” sabi ni Michelle, nilingon siya habang nakangiti nang may lambing, “baka this time, hindi mo kailangang tumakbo para hanapin ang sarili mo. Maybe it’s about time to fight for the life you deserve dito mismo.”

Sa rear-view mirror, halos ‘di niya makilala ang sariling namumutla pero may stubborn spark pa rin sa mata.

“Okay lang ba talaga na mawala ako ng tatlong taon? Parang lahat ng nangyari… nawala rin ako sa sarili ko.”

Tahimik si Michelle. Then, “You weren’t gone. Nandoon ka lang. Natututo ka lang maging matatag, kahit ang tindi ng unos.”

Kinuwento niya kay Michelle ang buong pagkatalo—ang panghihina, ang takot, ang sakit na hindi mapaliwanag.

Tahimik si Michelle na nakikinig.

“Don’t mention bad things,” sabi ni Michelle, sinapo ang balikat niya. “Welcome home, Clarissa. Hindi lahat ng sugat kailangan pilitin na maghilom nang mag-isa.”

Kinagabihan, dinala siya ni Michelle sa pinakasosyal na club sa Makati.

“Tequila, two glasses,” utos ni Michelle sa bartender. Nang dumikit sa dila niya ang alak—unti-unting kuminang ulit ang kulay ng mundo.

“Good thing you and Joaquin broke up,” biro ni Michelle. “Girl, na-shock kami nang nalaman naming nag-library life ka for him. Like, sino ka at ano ginawa mo kay Queen of the Road? Parang ibang tao ka.”

Napahalakhak si Clarissa—buong-buhos na tawa na may kasamang luha sa gilid ng mata.

Tinapik ni Michelle ang baso niya. “So what’s next? Balik Montefalco empire? Ready ka nang i-manage ang mga luxury hotels n’yo?”

Humigop siya ulit, pinakiramdaman ang malamig na alak na bumaba hanggang sikmura.

“I’m willing to accept the loss, Mich. Pero ‘yung failure? Non-negotiable. Hindi ako puwedeng sumuko nang ganito lang.”

Bumungad sa isip ni Clarissa ang huling usapan nila ng ina sa veranda noon.

“Clarissa, a Montefalco, never begs; she bargains. Kung gusto mo si Joaquin, fine. Win him with dignity. But if the price is yourself, my darling, walk away,” paalala ng kaniyang inang si Isadora Montefalco.

“I need this, Mom. If I can make him choose me, I can handle any merger.”

“Then prove it. But remember, the clock is ticking.”

Ngayon, habang tumutugtog sa club ang slow rendition ng “Fly Me to the Moon,” ramdam niya ang deadline na iyon—natapos na. Pero buhay pa siya, at buo.

Sabat ni Michelle, “Family rule pa rin ba? Marry first, then conquer the boardroom?”

“Yeah.” Bumuntong-hininga si Clarissa. “And no, wala pang chosen fiancé. Mama wanted anyone but Joaquin—business rivalry daw. Pero she never forced me. It was always my call.”

Tumawa si Michelle. “Gusto mo, introduce kita sa pinsan ko? Luis Antonio Dela Cruz. Tall, aloof, borderline intimidating, pero legit na mabait kapag sinipag.”

Nag-flash sa isip niya ang isang memory: debut ng kapatid niyang si Tricia, ilang taon na ang nakakaraan. Nakaputi si Luis, tumutugtog ng Chopin sa grand piano, parang painting na nabuhay. Hindi siya ngumit kahit isang beses.

“Sounds like a joke,” irap ni Clarissa, pero napalunok lalo na't attractive siya sa pinsan ng kaniyang kaibigan.

Habang lumalalim ang gabi, naghalo ang tawa at lungkot—parang espresso martini: sweet sa umpisa, may sipa ng alcohol sa dulo. At sa puntong medyo nahihilo na sila, nag-vibrate ang phone ni Michelle.

“My cousin’s on his way,” sabi niya, kunot-noo. “Akala ko concerned lang.”

Makalipas ang ilang minuto, lumabas sila ng club—city air na may halong yosi. Pumarada ang midnight-blue Maybach na parang black swan sa siksikang parking lot. Bumaba ang bintana, dahan-dahan, na para bang tinitesting ang suspense tolerance nila.

Lumabas si Luis Antonio Dela Cruz.

“Get in the car,” utos ni Luis.

Dumaan ang tingin niya kay Michelle—one second lang—bago tuluyang tumingin sa mga mata ni Clarissa.

Nang magtama ang mga mata nila, parang may biglaang humaplos na kuryente mula sa batok ni Clarissa, pababa sa kanyang gulugod—isang kakaibang sensasyon na hindi niya maipaliwanag. Napasinghap siya nang bahagya, at bago pa man siya makapikit o makalingon, her chest tightened and her heart began to race—wild, frantic, as if it was trying to break free from her ribcage. It was as if time stood still, at sa ilang segundong iyon, tanging ang mga mata lang ng lalaki ang mundo niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 100

    Mabilis ang lakad ni Luis palabas ng gusali. Halos hindi na siya makahinga sa tindi ng kaba sa dibdib. Hawak niya ang cellphone, nanginginig ang dulo ng mga daliri—hindi sa lamig kundi sa takot at galit na pilit niyang kinakain.Hindi puwedeng ganito lang. Hindi siya puwedeng mawala.Tumigil siya saglit sa may gilid ng curb, sabay dial ng number."Will," agad niyang sabi, bahagyang hinihingal. "I need you to check all surveillance footage sa basement parking lot ng Montefalco building. Lahat—corner to corner. Focus on the garage. Hanapin mo si Clarissa—hanapin mo agad kung saan siya dinala!"May bahid ng gulat ang boses ni Will sa kabilang linya. "Sir? Si Miss Clarissa? Anong nang—""JUST DO IT!" bulyaw ni Luis, halos mapunit ang lalamunan sa sigaw. "Now. Don’t waste a single damn second."Agad natahimik si Will, at sa halip na magtanong pa, narinig na lang niya ang sagot: "Yes, Sir. On it."Click.Pagkababa ng tawag, mabilis na binuksan ni Luis ang pinto ng sasakyan. Hinugot n

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 99

    Dahan-dahang tumingin sa paligid si Clarissa, sinusuri ang bawat sulok ng madilim at amoy-kalawang na warehouse.Walang bintana. Isang ilaw lang ang nakaalalay sa kisame, mahina, nanginginig ang liwanag. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila may dalang balak. At sa isang iglap lang, malinaw na sa kanya ang sitwasyon—kinidnap siya.Napasinghap siya, pero agad ding kinontrol ang sarili. “Kalma, Clarissa. Analyze. Think. Sino sa mga nakalaban mo ang desperado at baliw na kaya kang gawin ito?”Hindi niya kailangang maglista. Isa lang ang halatang may motibo, at hindi siya nagkamali.Bumukas ang matigas na pintuan. May tunog ng yabag, mabagal pero buo ang kumpiyansa.Pumasok si Lyle—naka-cap, naka-leather jacket, at may suot na manipis na ngiti sa labi, pero mabigat ang bawat hakbang. Parang hindi siya pumasok para makipag-usap, kundi para magparusa.Ngunit sa halip na manlumo, tumigas ang ekspresyon ni Clarissa. Nanindig ang balahibo sa katawan niya kahit nakagapos. Napatitig siya k

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 98

    Nagkataon talaga na matagal nang pinapahanap ni Joaquin Mendoza ng butas si Lyle para durugin si Clarissa. Ilang linggo na siyang tahimik na nagmamatyag, nangangapa ng kahit anong kahinaan para atakehin ito. Pero ngayon? Para bang itinakda ng pagkakataon—ibinigay sa kaniya ang perpektong sandali.Habang si Leah ay patuloy na umiiyak, kunwari ay sugatang damdamin ang bumalot sa kanya, marahang lumapit si Lyle at pinunasan ang luha nito gamit ang hinlalaki niya."Shhh… okay na, Leah. Ako ang bahala sa iyo. Hindi ka nag-iisa," mahinang bulong ni Lyle sa tainga ng babae, puno ng lambing—pero peke. Walang init at walang puso.Pilit ang pagkukunwari. Ang totoo, wala siyang pake. Hindi ito tungkol kay Leah. Hindi rin ito tungkol sa pag-ibig. Ang totoo: ito ay laban ng pride. Laban ng ego. At si Clarissa ang hadlang sa daan niya.Matapos ang ilang minutong drama, nang humupa na ang paghikbi ni Leah, agad umatras si Lyle palayo. Naglakad siya sa dulo ng hallway, kung saan walang tao. Mabili

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 97

    Right at the front lobby, si Leah ay literal na ibinagsak palabas ng kompanya.Walang pasabi. Binuksan ng guard ang glass door at parang basura siyang itinulak sa labas.“Agh!” Napasigaw siya sa gulat, napaluhod sa malamig na tiles. Masakit ang tuhod, mas masakit ang pride.Sunod-sunod na lumipad palabas ang mga gamit niya—isang kahon na puno ng personal belongings: mga folder, make-up pouch, sirang ID lanyard, at ang mug niyang may nakasulat pang “Boss Babe”—ngayon ay basag na sa isang sulok.“You can go now,” malamig at walang emosyon ang boses ng senior guard. “At huwag na huwag kang lalapit dito uli kung wala kang matinong dahilan. Manager’s orders.”Pagtalikod nila, nagpagpag pa ng kamay ang guard na para bang nadumihan lang.Tahimik muna ang paligid… hanggang may mga bulungan at huni ng notification tones sa loob ng glass lobby. Receptionists. Admin staff. Iba pang empleyado na may hawak-hawak nang cellphone—nagbibidyu, nagtsi-check ng group chats, nag-aabang ng chismis.“

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 96

    “Please, forgive me, Miss Clarissa… I was really wrong… I won’t do it again next time, I swear…” Hikbi ni Leah habang nakaluhod sa malamig na sahig ng conference room.Ang kanyang palad ay nakadikit sa tuhod ni Clarissa, at ang luha’t sipon niya ay parang ulan sa tag-ulan—walang patid, walang hiya, puro desperasyon.Bahagyang umirap si Clarissa, saka marahang tumikhim.Lumuhod siya bahagya, sapat para mapantayan ang antas ng pagkakaupo ni Leah, at dahan-dahang nagsalita:“There will be a next time?” Ang boses ni Clarissa ay hindi sigaw—pero mas nakakabingi sa katahimikan. “So you're already imagining the next time you'll do this? You're not sorry. You're just scared you got caught.”Nakatitig siya kay Leah, pero hindi galit ang nasa mukha niya—kundi pagkamuhi at pagkadismaya.Clarissa is not perfect. But she is fair.At higit sa lahat, hindi siya tanga.Kung hindi siya nag-ingat… kung hindi niya trinabaho ang sarili niyang proposal hanggang madaling araw—wala siyang laban. Maaar

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 95

    “She’s just bluffing.” Umiling si Leah, sabay kindat pa sa katabi. “Sige nga, Clarissa. Pakita mo kung ano’ng meron ka. Let’s see if you can really back up your drama.”Pero hindi siya pinansin ni Clarissa.Hindi siya tinapunan kahit ng isang tingin.Tahimik lang siyang naglakad patungo sa projector. Walang pag-aalinlangan at takot. Parang queen na alam niyang mananalo na siya bago pa magsimula ang laro.Binuksan niya ang bag, marahang kinuha ang USB drive, kinabit, at nag-double click sa file.Nagbago ang atmosphere ng buong conference room.Isang brand new plan ang bumungad sa malaking screen. Mas kumpleto, mas visual, mas matatag. May actual layout ng resort site, budget timeline, CSR strategies, at—pinakanakakagulat—confirmed names of celebrity endorsers with attached endorsement contracts and brand mock-ups.May mga logo ng international brands. May mga screenshot ng email threads. May initial media schedules.Tumahimik ang lahat.Ang mata ng bawat isa? Nakatutok lang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status