Share

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire
Penulis: Mahal Berries

Kabanata 1

Penulis: Mahal Berries
Nang dumating si Joaquin sa selebrasyon ng kaarawan na may kasamang ibang babae, alam ni Clarissa Montefalco na talo na siya.

Tahimik siyang nakaupo sa pinakadulong bahagi ng venue—isang eksenang tila galing sa isang pelikula: ang mga ilaw ay malambot, ang ingay ay sakto lang, ngunit sa kanyang pandinig, ang bawat tawanan ay parang dagok sa dibdib.

Binuksan niya ang cellphone at nakita ang mensahe mula sa kanyang ina.

"Clarissa, natalo ka na. Tatlong taon na, pero hindi ka pa rin niya minahal. Ayon sa usapan natin, oras na para bumalik ka at tuparin ang responsibilidad mo bilang tagapagmana ng ating pamilya."

Napakagat siya sa labi, habang ang mga mata ay palihim na tumingin sa babae sa tabi ni Joaquin. Magkahawak ang mga kamay ng dalawa, at para bang sila lang ang nasa loob ng silid.

Ito ang unang pagkakataong nakita ni Clarissa ang tinatawag nilang white moonlight ni Joaquin. Si Bianca Luna. O sa kasalukuyang katauhan—si Selena Cruz.

Tahimik ang dalaga. Maputi at mahinhin ang kilos, parang walang masamang ugali sa katawan. Kahit suot niya ay simpleng damit na halatang hindi mamahalin, nangingibabaw pa rin ang karisma niya sa lahat.

“Ah, so this is the type he likes,” Naiisip ni Clarissa habang unti-unting nagiging mapait ang lasa sa kanyang bibig.

Hindi niya napigilang maalala ang isang tagpo apat na taon na ang nakalipas. Noong umamin siya sa nararamdaman niya para kay Joaquin. Nasa isang cigar lounge sila noon, at habang pinapagpag ni Joaquin ang abo ng sigarilyo niya, bahagyang lumamig ang mapupungay niyang mata.

"Sorry, Miss. I prefer someone simple and obedient."

Dalawang taon na siyang lihim na nagmamahal kay Joaquin noong mga panahong iyon. Ngunit ang kanyang ina, palaging tutol. May tensyon sa pagitan ng kanilang mga pamilya, at para sa kanyang ina, si Joaquin ay isang liability, hindi isang pag-ibig.

Pero matigas ang ulo ni Clarissa. Gumawa siya ng kasunduan—isang pustahan. Kapag napaibig niya si Joaquin, pahihintulutan siya ng ina na piliin ito. Kaya't isang gabi, pinili niyang kalimutan ang kanyang pagkatao. Mula sa pagiging kilalang tagapagmana ng Montefalco family, naging isang ordinaryong babaeng masunurin siya sa paningin ng lahat.

Simula noon, naging anino siya ni Joaquin.

May isang gabing lasing na dumating si Joaquin at bahagyang mapungay ang mga mata.

"Do you like me?" tanong nito. "Do you want to try being with me?"

Doon nagsimula ang tatlong taon niyang paninilbihan sa lalaking mahal niya—tatlong taon ng katahimikan, ng pagluluto, ng pagbabantay tuwing may sakit si Joaquin, ng pagpapanggap na sapat siya. Sabi ng lahat, mahal na mahal niya si Joaquin. Sa panlabas, tila bumuti ang buhay ng lalaki. Maraming beses din siyang binansagang asawa nito sa harap ng iba. Pero kahit kailan, hindi siya kinilala bilang partner. Hindi siya minahal.

Balak na sana ni Clarissa na aminin ang pustahan ng kaniyang ina sa kanyang kaarawan. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob para ipagtapat ito. Ngunit dumating si Selena Cruz.

May ilang nakapansin sa pananahimik ni Clarissa sa gitna ng kasayahan. May nagsabing, “Naku, Selena … ngayong nandito ka na, may masasaktan nanaman.”

“Tsk. Some people really thought they made it. But you came back—sayang ang effort.”

Naputol ang biruan nang magsalita si Selena Cruz. Mahinahon, halos pabulong ang tono.

"Miss Montefalco, I’m sorry." Tumitig ito sa kanya na may bahid ng awa. "Joaquin and I parted ways years ago for complicated reasons. I didn’t expect him to be so reckless… asking you to become his substitute. He was immature. But you were never really at a disadvantage."

Ang bawat salita ay parang kutsilyong humihiwa sa katahimikan. Parang sinasabi niyang dapat pa ngang magpasalamat si Clarissa—dahil kahit pamalit lang siya, kahit simpleng estudyante lang siya, naranasan pa rin niyang makasama si Joaquin.

Sa mata ng lahat, tila siya ang nakinabang.

How pathetic.

Napatingin si Joaquin kay Clarissa. Parang may kakaiba sa kanya ngayong gabi. Suot niya ang isang simpleng pulang dress, walang masyadong arte. Pero sa sobrang simple, siya pa ang naging pinakakapansin-pansin.

Para siyang rosas na buong tapang na namumukadkad sa gitna ng taglamig—mainit, mabagsik, at mapang-akit.

Hindi ito ang dati niyang nakikilalang Clarissa. Dati ay laging masunurin at laging maamo. Ngayon ay may nagbabagang alab sa likod ng malamig na tingin nito.

Hindi niya gusto ito.

Sa tingin niya, ang isang babae ay dapat modest at pleasing. Hindi dapat may sariling isip.

Nagtaas ng kilay si Joaquin at inilabas ang isang tseke. "Since Selena is back, let's end this. Here's one million. Consider it… compensation."

Isang milyong piso. Iyon lang ang halaga ng tatlong taon nila?

Tinignan lamang ni Clarissa ang tseke at marahang ngumiti. May halong sakit at pagkamuhi ang ngiting iyon.

"Keep your money. You're bad at love, and honestly, I'm tired of pretending."

Walang alinlangang kinuha niya ang baso ng red wine at ibinuhos ito sa mukha ni Joaquin.

Tumigil ang lahat ng pag-uusap. Ang musika, ang tawanan—tila napindot ang mute button ng buong silid.

Pinunasan ni Clarissa ang kanyang kamay ng tissue, at sa kanyang mapupulang labi, unti-unting sumibol ang isang mapait na ngiti.

"This drink is for me. Sa pagiging bulag ko sa pag-ibig sa loob ng tatlong taon."

At saka siya tumalikod.

Hindi na siya lumingon. Hindi na siya nagdalawang-isip. Lumabas siya mula sa silid na parang hindi siya ang babaeng nangangarap lamang noon na mahalin ni Joaquin.

Tahimik ang mga tao sa loob. Walang gustong sumunod. Maraming nagtatanong sa kanilang isipan.

“Baliw ba si Clarissa Montefalco? Isang milyon ‘yun! Something she will never earn in her entire life!”

Pero si Joaquin, nakangising pilit.

"Let her go," aniya habang nagngangalit ang bagang. "As long as she doesn’t bother me and Selena, then it’s fine. Someone like her—someone like that—we won’t even cross paths again."

Hindi niya pa rin kilala si Clarissa Montefalco. Hindi niya pa rin naiintindihan.

Napagtanto ni Clarissa, hindi na niya kailangan ng pag-ibig na may kondisyon.

Ang hindi alam ni Joaquin, ang babaeng tinalikuran niya ay hindi lang basta-basta. Sa oras na ito, habang nilalakad ni Clarissa ang palabas ng pinto, buo na ang kanyang desisyon.

Hindi na siya babalik pa kay Joaquin.

Tatanggapin na niya ang totoong pagkatao.

Talagang aalis na siya. She was really going to leave everything behind—lahat ng pinagsamahan nila, lahat ng alaala, just so she could go back to the life she tried so hard to escape. Doon sa mundong puno ng yaman, ng expectations, ng pangalan. A fortune worth hundreds of billions was waiting for her, like a throne she was born to claim. At kahit hindi niya ginusto noon, ngayon—wala na siyang choice kundi harapin 'yon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
darchel carbos
nice ... good job
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
highly recommended 🩷
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 100

    Mabilis ang lakad ni Luis palabas ng gusali. Halos hindi na siya makahinga sa tindi ng kaba sa dibdib. Hawak niya ang cellphone, nanginginig ang dulo ng mga daliri—hindi sa lamig kundi sa takot at galit na pilit niyang kinakain.Hindi puwedeng ganito lang. Hindi siya puwedeng mawala.Tumigil siya saglit sa may gilid ng curb, sabay dial ng number."Will," agad niyang sabi, bahagyang hinihingal. "I need you to check all surveillance footage sa basement parking lot ng Montefalco building. Lahat—corner to corner. Focus on the garage. Hanapin mo si Clarissa—hanapin mo agad kung saan siya dinala!"May bahid ng gulat ang boses ni Will sa kabilang linya. "Sir? Si Miss Clarissa? Anong nang—""JUST DO IT!" bulyaw ni Luis, halos mapunit ang lalamunan sa sigaw. "Now. Don’t waste a single damn second."Agad natahimik si Will, at sa halip na magtanong pa, narinig na lang niya ang sagot: "Yes, Sir. On it."Click.Pagkababa ng tawag, mabilis na binuksan ni Luis ang pinto ng sasakyan. Hinugot n

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 99

    Dahan-dahang tumingin sa paligid si Clarissa, sinusuri ang bawat sulok ng madilim at amoy-kalawang na warehouse.Walang bintana. Isang ilaw lang ang nakaalalay sa kisame, mahina, nanginginig ang liwanag. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila may dalang balak. At sa isang iglap lang, malinaw na sa kanya ang sitwasyon—kinidnap siya.Napasinghap siya, pero agad ding kinontrol ang sarili. “Kalma, Clarissa. Analyze. Think. Sino sa mga nakalaban mo ang desperado at baliw na kaya kang gawin ito?”Hindi niya kailangang maglista. Isa lang ang halatang may motibo, at hindi siya nagkamali.Bumukas ang matigas na pintuan. May tunog ng yabag, mabagal pero buo ang kumpiyansa.Pumasok si Lyle—naka-cap, naka-leather jacket, at may suot na manipis na ngiti sa labi, pero mabigat ang bawat hakbang. Parang hindi siya pumasok para makipag-usap, kundi para magparusa.Ngunit sa halip na manlumo, tumigas ang ekspresyon ni Clarissa. Nanindig ang balahibo sa katawan niya kahit nakagapos. Napatitig siya k

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 98

    Nagkataon talaga na matagal nang pinapahanap ni Joaquin Mendoza ng butas si Lyle para durugin si Clarissa. Ilang linggo na siyang tahimik na nagmamatyag, nangangapa ng kahit anong kahinaan para atakehin ito. Pero ngayon? Para bang itinakda ng pagkakataon—ibinigay sa kaniya ang perpektong sandali.Habang si Leah ay patuloy na umiiyak, kunwari ay sugatang damdamin ang bumalot sa kanya, marahang lumapit si Lyle at pinunasan ang luha nito gamit ang hinlalaki niya."Shhh… okay na, Leah. Ako ang bahala sa iyo. Hindi ka nag-iisa," mahinang bulong ni Lyle sa tainga ng babae, puno ng lambing—pero peke. Walang init at walang puso.Pilit ang pagkukunwari. Ang totoo, wala siyang pake. Hindi ito tungkol kay Leah. Hindi rin ito tungkol sa pag-ibig. Ang totoo: ito ay laban ng pride. Laban ng ego. At si Clarissa ang hadlang sa daan niya.Matapos ang ilang minutong drama, nang humupa na ang paghikbi ni Leah, agad umatras si Lyle palayo. Naglakad siya sa dulo ng hallway, kung saan walang tao. Mabili

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 97

    Right at the front lobby, si Leah ay literal na ibinagsak palabas ng kompanya.Walang pasabi. Binuksan ng guard ang glass door at parang basura siyang itinulak sa labas.“Agh!” Napasigaw siya sa gulat, napaluhod sa malamig na tiles. Masakit ang tuhod, mas masakit ang pride.Sunod-sunod na lumipad palabas ang mga gamit niya—isang kahon na puno ng personal belongings: mga folder, make-up pouch, sirang ID lanyard, at ang mug niyang may nakasulat pang “Boss Babe”—ngayon ay basag na sa isang sulok.“You can go now,” malamig at walang emosyon ang boses ng senior guard. “At huwag na huwag kang lalapit dito uli kung wala kang matinong dahilan. Manager’s orders.”Pagtalikod nila, nagpagpag pa ng kamay ang guard na para bang nadumihan lang.Tahimik muna ang paligid… hanggang may mga bulungan at huni ng notification tones sa loob ng glass lobby. Receptionists. Admin staff. Iba pang empleyado na may hawak-hawak nang cellphone—nagbibidyu, nagtsi-check ng group chats, nag-aabang ng chismis.“

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 96

    “Please, forgive me, Miss Clarissa… I was really wrong… I won’t do it again next time, I swear…” Hikbi ni Leah habang nakaluhod sa malamig na sahig ng conference room.Ang kanyang palad ay nakadikit sa tuhod ni Clarissa, at ang luha’t sipon niya ay parang ulan sa tag-ulan—walang patid, walang hiya, puro desperasyon.Bahagyang umirap si Clarissa, saka marahang tumikhim.Lumuhod siya bahagya, sapat para mapantayan ang antas ng pagkakaupo ni Leah, at dahan-dahang nagsalita:“There will be a next time?” Ang boses ni Clarissa ay hindi sigaw—pero mas nakakabingi sa katahimikan. “So you're already imagining the next time you'll do this? You're not sorry. You're just scared you got caught.”Nakatitig siya kay Leah, pero hindi galit ang nasa mukha niya—kundi pagkamuhi at pagkadismaya.Clarissa is not perfect. But she is fair.At higit sa lahat, hindi siya tanga.Kung hindi siya nag-ingat… kung hindi niya trinabaho ang sarili niyang proposal hanggang madaling araw—wala siyang laban. Maaar

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 95

    “She’s just bluffing.” Umiling si Leah, sabay kindat pa sa katabi. “Sige nga, Clarissa. Pakita mo kung ano’ng meron ka. Let’s see if you can really back up your drama.”Pero hindi siya pinansin ni Clarissa.Hindi siya tinapunan kahit ng isang tingin.Tahimik lang siyang naglakad patungo sa projector. Walang pag-aalinlangan at takot. Parang queen na alam niyang mananalo na siya bago pa magsimula ang laro.Binuksan niya ang bag, marahang kinuha ang USB drive, kinabit, at nag-double click sa file.Nagbago ang atmosphere ng buong conference room.Isang brand new plan ang bumungad sa malaking screen. Mas kumpleto, mas visual, mas matatag. May actual layout ng resort site, budget timeline, CSR strategies, at—pinakanakakagulat—confirmed names of celebrity endorsers with attached endorsement contracts and brand mock-ups.May mga logo ng international brands. May mga screenshot ng email threads. May initial media schedules.Tumahimik ang lahat.Ang mata ng bawat isa? Nakatutok lang sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status