Home / Romance / The Disguised Maid In The Wolf's Den / Chapter 6 - Unexpected Explicit scenes

Share

Chapter 6 - Unexpected Explicit scenes

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-09-14 09:39:52

Si Dina ang bale tumatayong kanang-kamay ni Ms. Mildred pagdating sa mga gawain sa Mansiyon. Inilibot nito si Agnes at ipinaliwanag ang mga kailangan gawin at tupdin doon.

Namangha si Agnes matapos ikutin ang kabuuan ng malaking bahay. "Ang laki pala talaga nitong mansion ng mga Villacorte no?"

"Sinabi mo pa." Natitigan ni Dina ang ayos ng agnes. "Bakit mo nga pala ginanyan ang mukha mo? Anong naisipan mo at kailangan mong mag-disguise? Ang ganda-ganda mo e."

"Um... Kase..." Nag-isip ng ida-dahilan si Agnes ngunit wala itong maisip.

Ano naman kasi ang sasabihin niya? Sasabihin ba niyang may pinagtataguan siya? Hindi kaya siya mapag-bintangan'g wanted nu'n?

Napabuntong-hininga si Agnes. Tinitigan nito si Dina. "Dina, mapagkakatiwalaan ka ba pagdating sa mga sekreto?"

Saglit na napa-maang si Dina. "O-oo naman! Alam mo ba kung bakit ako ang piniling maging kanang-kamay ni Ms. Mildred? Kasi sa lahat daw ay ako ang pinaka-mature mag-isip at maasahan. Kaya, ligtas sa 'kin ang sekreto mo maging ano pa 'yan."

"Okay." At sinabi ni Agnes na ang dahilan ng kanyang pagdi-disguise ay para hindi s'ya matipuhan ng amo na ipinagtaka na'ng husto ni Dina dahil opportunity iyon para sa iba.

Sinabi ni Agnes na pareho sila ng eskuwelahang pinang-galingan ni Aeros at hindi maganda ang mga naririnig niya tungkol sa binata kapag may natitipuhan itong babae.

Ilan din sa nakalap na bali-balita ni Agnes tungkol kay Aeros ay nang mahuli ito at ang girlfriend nito sa isang umuugang kotse, sa labas ng isang concert Venue.

Minsan din daw itong nagkaroon ng lihim at hindi kaaya-ayang relasyon sa isang mid-20's lang na magandang guro ng PGE.

May nakarating din sa kan'ya na ilang babae din ang pinagsasabay nito minsan.

Inisa-isa ni Agnes ang lahat ng nalalaman at sinabi ang mga iyon kay Dina para mas maunawaan siya nito. "Hindi ko siya sinisiraan sa 'yo, ha. Iyan kasi ang mga naririnig ko tungkol sa kanya."

Natahimik si Dina. Maya-maya ay bumuntong hininga ito. "Alam ko'ng palikero si ser Aeros, pero hindi ganu'n na to the highest level..... naunawaan kita Agnes, ituloy mo lang ang pagdi-disguise mo, hindi naman ipinagbawal ni Ms. Mildred ang pag-aayos e. Lalo na 'yung mahadera dito sa 'min. Akala mo artista, maya't-maya kung mag-retouch."

"Ha? Sino?"

Biglang may dumating na babaeng naka-dress na may dalang malaking plastic bag. Galing ito sa labas. Pulang-pula ang labi nito at naka-make-up ng medyo makapal.

Kasunod nito ang dalawang lalaki na sa tingin ni Agnes ay trabahador din ng mansiyon. May dala rin silang malalaking plastic bag. Sa gayak at asta ng babae ay para siyang amo ng mga ito.

"Ilapag n'yo na lang dito." Utos nito sa dalawa.

"Sure.... Basta ikaw Lucy." Naka-ngiting wika ng isang maitim at maliit na lalaki na mukhang nasa 40 na. Kumindat muna ito sa babae bago umalis.

"Speaking of the d*vil..... Kababanggit ko lang 'di ba?" Ani Dina.

"Sino naman siya? Para siyang amo na parang hindi naman." Tanong ni Agnes.

Tumawa si Dina. "Pansin mo rin? 'yan si Lucy, ang pinaka mahadera dito. Parang amo talaga umasta 'yan lalo kapag wala si Ms. Mildred. Siya ang sinasabi kong maya't-maya kung mag-retouch."

"Ha?!" May bakas ng pagtataka sa tono ni Agnes. "Katulong din pala siya, e bakit hindi siya naka-uniporme?"

"Hay nako, hindi ba nga, feeling amo 'yan? Kapag inutusan 'yan sa labas ni Ms. Mildred, nagbi-bihis 'yan."

.

.

Hindi naman masyadong napagod sa trabaho si Agnes matapos ang araw na 'yon.

Nang rating-an ni Ms. Mildred ang trabaho nito ay naiiling na lang ang matanda. "Hindi bale. Bago ka pa lang naman, matututo ka pa. Pag-igihan mo na lang ang trabaho sa susunod."

Napayuko si Agnes. Tila napahiya ito. "O-opo. Paghuhusayan ko pa po bukas."

Ang hindi nila alam ay hindi naman marunong at sanay sa gawaing bahay ang dalaga, dahil mula maliit ay may katulong na sila. Meron pa s'yang yaya noon.

.......

Kinabukasan ay itinuloy ni dina ang pagtuturo kay Agnes ng mga gawain sa mansyon.

Mula nu'ng araw na iyon ay naka-makeup na na'ng makapal ang dalaga, kaya hindi malaman ang totong hitsura nito.

"Dahil araw ng laba ngayon, kailangan natin'g kunin ang labahin ng mga amo. Halika." Pumasok sila dina at Agnes sa kuwarto ni Aeros.

"Tsk..." palatak ni Dina. "Kapag lalaki talaga, makalat sa kuwarto.... Hayy. Ka-aayos ko lang nito kahapon e."

"O Agnes, ikaw naman ngayon ang kumuha ng labahin sa ibang kuwarto ha, kaya mo na 'yan." Ani dina sa palinga-linga'ng si Agnes. Minamasdan nito ang kuwarto ng amo'ng lalaki.

Hinila na ito ni Dina at dinala sa isa pang silid. "Bababa na 'ko ha, kapag nakuha mo na ang mga labahin, ibaba mo sa 'kin sa laundry area."

"Sige." At pumasok si Agnes sa sumunod na silid.

Pagpasok ay nakita niya ang ilang luma na'ng larawan na isang magandang babae. Meron din'g larawan na matandang babae doon. Naunawaan ni Agnes na marahil iyon ang donya ng mga villacorte–si Esmeralda Narzolez Villacorte. Kinuha n'ya ang mga maruruming damit nito at lumabas na.

Ngunit habang pagtungo sa laundry area ay nasalubong ni Agnes si Lucy na may dalang tomato juice. Nagse-cellphone ito habang naglalakad. Tila amo ang hitsura nito.

Dahil may dalang malaking laundry basket ay hindi agad nagawang umiwas ni Agnes kaya nagka-banggaan ang dalawa.

"Aray!..... Hindi ka naman kasi tumitingin sa dinadaan mo e!" Masungit na Singhal ni Lucy.

"S-sorry...... Hindi ka rin naman kasi tumitingin e." Katwiran ni Agnes at dinampot nito ang mga damit sa sahig.

"Anong sabi mo? At kasalanan ko pa ngayon? Kabago-bago mo dito pero may attitude ka na ha!"

Hindi na nagawa pang pansinin ni agnes ang pagtatalak ni Lucy na'ng makitang natapunan pala ng tomato juice ang isang puting satin na damit ng matandang villacorte.

Nang makita iyon ni Lucy ay tumigil na ito. Nginisian nito si Agnes. "Lagot ka! Mukhang kay donya esmie 'yan a!..... Mabuti nga sa 'yo." At umalis itong tumatawa.

Biglang namorob'lema si Agnes. 'Naku, paano ba 'to?' Dali-dali siyang nagtungo sa laundry area.

"Uy, Agnes. Nasaan na 'yung mga laba–"

Hindi pinansin ni Agnes si Lilibeth, diri-diretso ito sa lababo ng laundry area at natatarantang nilabhan ang puting damit.

Tiyempong dumating si Ms. Mildred para inspeksyunin ang mga kasambahay na naglalaba. Nakita nito ang aligagang si Agnes. Nagtaka ito sa nilalabhan ng dalaga kaya lumapit ito at tiningnan ang ginagawa nito.

"Ano 'to?!" Inagaw ni Ms. Mildred ang may sabon'g damit sa dalaga. "Agnes, anong nangyari? Kay donya Esmeralda ito a? bakit nagka-mantsa 'to?"

Napayuko ang dalaga at sinabi ang nangyari.

Nagalit si Ms. Mildred at pinatawan ng parusa si Agnes. Sa kanya ipinagawa ang lahat ng naroon sa laundry, kaya gabi na nang matapos ng dalaga ang mga labahin. "Hay.... Ang sakit sa balakang." Nag-inat nito.

Matapos mailigpit ang kanyang mga ginamit ay pumasok na sa loob ng mansyon ni Agnes.

Hindi naman n'ya kailangang magdaan sa malaki at engrandeng sala ng mansyon, ngunit naisip na rin iyon niyang mag-check.

Ngunit hindi n'ya akalaing makikita niya ang sinasabing genius ng mga Villacorte sa business world–si Frederick Villacorte na naroon'g may ka-meeting na lalaki sa sala.

Bahagyang nagulat ang lalaki nang makita si Agnes dahil sa make-up disguised nito. "Hi, are you new here? puwede mo ba kaming ikuha ng wine sa wine cellar?"

"Y-yes sir..." Dali-daling sumunod si Agnes. Ngunit bago pa man makalayo ay narinig niya ang sinabi ni Frederick sa kasama.

"Pasensya na, ang alam ko rin ay nandito si aeros e. Siguro nasa kung saang sulok lang 'yon."

Nagtaka si Agnes. Nasa mansyon daw ang sinasabing maselan at maarte'ng amo, ngunit ni anino nito ay hindi naman n'ya nakita. Ipinagkibit-balikat na lang iyon ng Agnes.

Hinanap ng dalaga ang wine cellar at nagawi ito sa basement. Nang walang makitang palatandaan ng wine cellar ay aalis na sana ito nang makarinig ng kaluskos mula sa loob basement.

Kahit medyo natatakot, dala ng kuryosidad ay pinuntahan iyon ni Agnes. 'Hindi naman siguro yon magnanakaw?'

Nang naroon na sa basement ay nakakita siya ng mga anino sa gawing sulok. Matatakot na sana ang dalaga at nakahanda na sana'ng tumakbo palayo nang makarinig siya ng boses ng isang babae doon.

"Puwede bang sa kuwarto mo na lang tayo? Bakit kailangan mo pa akong ibitin?"

Nagitla si Agnes, ngunit ang mas lalong nagpagulat dito ay nang marinig ang boses ng isang lalaki.

"Dito na, para mas exciting..... Nakakasawa na kasi kung lagi sa kama natin gagawin e...... Ummm~"

Hindi maaring magkamali si Agnes, ang lalaki ay ang tinawag na señorito ni Ms. Mildred. Lalong na-curious ang dalaga sa kung ano ang ginagawa ng dalawa doon, hanggang sa marinig ni Agnes ang pagdaing ng dalawa. Sinilip niya ang mga ito.

Ganu'n na lamang ang gulat at panlalaki ng mata mata ni Agnes nang makita ang kapwa hubad na katawan ng isang babae't lalaki, ang mas malala pa ay nakagapos at nakabitin pabukaka ang babae habang nasa pagitan ng mga hita nito ang lalaki, habang dahan-dahan itong umiindayog sa kanyang kinatatayuan.

Kinalibutan ang dalaga at napaatras. Ngunit hindi sinasadyang nasagi nito ang nakasandal na painting sa kanyang tabi. Natumba iyon at lumikha ng ingay na ikinahinto ng mga pagdaing at pag-ungol sa loob ng basement.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
M.E Rodavlas
Salamat....... wait lang po. Papagaling po muna ako......
goodnovel comment avatar
Jill Lian
update na please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 120 – The End

    Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 119 – Bachelor's Party And Bridal Shower

    Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 118 – Wedding Plan

    Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 117 – The Wedding

    "Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 116 – Reconcilation (2)

    Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 115 – Reconciliation

    Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status