👨⚕️ HIDEO ADONIS
Kasalukuyan akong nagra-rounds sa pasilyo ng 8th floor. Ito ang ward para ss mgs senior citizens. Ang Hospital namin ay by order ang mga pasyente. Mayroong ward na para lamang sa mga bata, expectant mothers, may malalalang kondisyon sa respiratory system upang maiwasan ang hawaan, ward para mga babies, mga nasa middle ages, teenagers, at ito nang senior citizen ward.
Mayroon akong pasyente na siyang dumaan ng surgery sa akin. Nakakatuwa, he's survive that critical surgery na ginawa namin. Abo't-abot ang dasal namin ng team ko na magtagumpay kami.
At nagtagumpay nga kami sa operasyon. Nagre-recover na siya ngayon.
Pagkatapat ko sa private room kung saan siya naka admit ay kumatok muna ako. May nagbukas ng pinto para sa akin.
Nakangiti akong pumasok sa loob. Naabutan ko na siya'y pinapakain.
"Good morning Mr. Santos." Bati ko sa kanya. Kaagad siyang napatingin sa akin at napangiti.
"Dok...good morning po."
Bati naman sa akin ng mga kasama niya sa loob ng room.
"Check ko po kayo." Lumapit ako sa kanya at inilagay stethoscope ko sa taenga ko. Itinapat ko sa kanya iyon at saka nag-record sa chart. Sunod kong ginawa ay inalam ang BP niya.
Normal na ang lahat ng vitals niya.
"Mukhang pwede na kayong mag discharge bukas." Sabi ko.
Gayon na lamang rin ang tuwa niya.
"Maraming salamat po talaga Dok, salamat sa buhay ko na dinugtungan ninyo." Taos pusong sambit niya.
I tapped his shoulder.
"Mr. Santos, naging instrumento lamang po ako. Alam niyo naman po siguro kung sino ang mas dapat ninyong pasalamatan, kailangan pa kayo ng mga mahal niyo sa buhay."
Sa Hospital na ito. May lumilisan, mayroon ding nadurugtungan ang buhay at saksi ako sa lahat ng iyon. I save life. Pero minsan kapag hindi nila kinakaya ay hindi na sila nagpapatuloy.
All through years. To all may lives I cured and saved.
Pero napapatanong pa rin ako.
Bakit siya? Hindi ko man lang nailigtas ang buhay niya?
Sabi nila kapag daw nakaligtas ka sa kamatayan ay kailangan ka pa ng mga mahal mo sa buhay.
Kailangan ko pa siya sa buhay ko. She deserves to live and continue her life.
My Sychelle deserves to live...
Pero bakit pinagkait na dugtungan ang buhay niya? Bakit ganoon lang kaikli?
Bakit kailangan kong maiwan.
When my parents died. Ilang linggo rin akong halos panawan ng bait. Pero nilabanan ko kasi nandiyan pa ang kapatid ko. Nakaligtas ang kapatid ko. Nadugtungan ang buhay niya. Para sa akin.
Life is so unfair to me. Nawala ang mga taong pinakamamahal ko. Kaya hindi ko alam kung worth it pa ba na ipagpatuloy ko ang buhay ko kung lagi naman akong nabubuhay sa kalungkutan.
Pero na-realized ko all through years. Hindi madaling gumaling ang mga sugat. Pero naniniwala pa rin ako naghihilom rin ang lahat. Mas makakaya ko na ang lahat. Nabubuhay ako para sa kapatid ko at mga pasyente dito sa HC.
Kailangan nila ako.
This is my pledge. To become a descendant of the sun. I am their uncovered fire on snow.
Hinawakan ko ang kamay ni Mr. Santos.
"Live life to the fullest Mr. Santos." Sabi ko.
Napatingin siya sakin at napangiti.
"Kulang ang salitang salamat para sa lahat, Dok Canliagn. Sana lahat ng Doktor ang kagaya mo." Wika nito.
"Ginagawa ko lamang po ang aking tungkulin."
Ilang minuto pa na nagkwentuhan kami ni Mr. Santos bago ako lumabas ng room niya.
Napabugtong hininga na lamang ako. Nilulukuban na naman ako ng kalungkutan sa puso ko.
Masaya ako para sa mga pasyente kong makakauwi na sa kanilang bahay ngunit hindi maiwasan na sumagi sa isipan ko.
Sana nakaligtas siya.
Sana nakaligtas din ang mga magulang ko.
Sana nayayakap ko pa sila ng mahigpit at nasasabihan kung gaano ko sila kamahal.
Napasandal na lamang ako sa pader ng corridor. Napahawak ako sa dibdib ko and it's still pounded.
Please...wag ngayon...please...
Huminga ako ng malalim and I exhaled harder.
Nagtungo na ako sa may elevator at hinintay ang pababa. Siguro ay mag stay na muna ako sa clinic office ko upang i-approve ang mga bagong nag-apply na Nurses this month.
Sobrang kailangan ng mga bagong medical nurses and practitioner's kaya nag mass hiring kami. Nakakalungkot lamang isipin na karamihan sa mga nagtapos ng Nursing ay pinipili na mag-ibang bansa dahil sa hindi patas na trato ng gobyerno dito sa bansa para sa mga alagad ng medisina.
Pinipili nila na mga dayuhan ang paglingkuran kaysa sa sariling kababayan. Sobrang kailangan ng bansang ito ng mga katulad nila. Paano kung hindi maiiwasan ay magkaroon ng pandemiya?
Paano ang mga tao? Sino ang magbibigay ng medikal na atensyon sa kanila?
May mga artikulo akong nababasa patungkol sa isang virus na siyang kumakalat na ngayon sa mga karatig bansa. Mukhang reliable naman ang sources kaya sa ngayon ay isa iyon sa paghahandaan namin ng Hospital ko.
Ang Pandemya.
Ang siyang kikitil sa maraming buhay kapag hindi naagapan.
Ang virus na kumakalat ay unang tinatamaan ang nga mabababa ang Immune system. Kaya, nais ko na libreng ipa-immunization ang mga bata maging mga teenagers, middle ages lalo na ang mga seniors.
Ipapanukala ko na alagaan ang respiratory lalo na ang mga taong may sakit sa naturang sistema.
Mabuti na ang paghandaan ang lahat kaysa magkabiglaan. Po-protektahan ko rin ang aking mga Doctors and Nurses. Hindi ko hahayaan na isa sa kanila ay maapektuhan sa pandemyang darating.
Ipapa set ko ang Board Doctors meeting para sa hahagupit na pandemya pagdating ng araw.
Pero nawa, 'wag naman sana.
Ngunit, kailangan pa ring maghanda.
Napatingin ako sa elevator nang tumunog iyon. Pagkabukas ay bumungad sa akin ang isang sakay. Isang babaeng nakabelo kaya hindi ko makita ng maigi ang kanyang mukha.
Kunot-noo lamang akong pumasok sa loob ng elevator. Napatingin ako sa wrist watch ko. May pasyente pa pala akong dapat habulin na i-check kaso ay nasa second floor iyon.
Naaalala ko tuloy sa kanya iyong babae sa Cathedral. Hindi pa kasi ako muling bumalik doon dahil parang mas maiiwasan ko ang labis na kalungkutan kung hindi ko muna dadalawin ang puntod ni Sychelle.
But then, she wears a nurses uniform. Mukhang bagong trainee nurse siya na ia-approve ko ang papers. Nakita ko na sa first floor din siya lalabas.
Pagkabukas ng elevator ay sabay kaming naglakad palabas kaya nagkabanggaan ang mga balikat namin.
"So-sorry po...Dok..." hinging paumanhin niya at yumukod.
"No, it's okay. I'm so sorry too."
Pinaunlakan ko na siya na unang lumabas. Muli siyang yumukod saka tuloy-tuloy na naglakad.
Naglakad na rin ako at lumiko sa ibang pasilyo.
"Sychelle! Nurse Sychelle!"
Napahinto ako sa paghakbang nang marinig iyon.
Napalingon ako. Nakita ko ang Nurse na nakabelo na may kinawayan bago tuluyang lumiko.
Sychelle...
--
📿
Marikah Sychelle MoralesAyokong mag-isip ng kung ano pang bagay pero muli na naman akong nabigla nang makasabay ko na naman siya sa elevator.
Nalaman ko na siya si Dr. Hideo Adonis Canliagn. Ang General Surgeon at CEO nitong HC Medical City.
Hindi ko maiwasang mamangha sa kahiwagahan ng tadhana. Akalain mo, ang may-ari nitong Hospital na pagtatrabahuan ko ay ang lalaking binigyan ko ng payong.
Iba talaga kumilos nag Panginoon. Sobrang nakakamangha at nakakabilib.
Pero kinakabahan pa rin ako dahil balita ko ay ngayon siya mag-approve ng mga bagong apply na nurses. Siya rin ang mag-aasign sa amin kung kaninong Doctor kami mapupunta upang mag assist.
Kaya pagkabigay nitong Nurse uniform ay kaagad kong sinuot para maging presentable na haharap mamaya kay Doc Canliagn.
Pero, nakasabay ko na sa elevator.
"Sychelle! Nurse Sychelle!" tawag sa akin ni Nurse Mice.
Napangiti ako ng malapad at kinawayan siya. Iniangat ko ang belo ko mula sa pagkakatakip ng mukha ko. Saka lumapit sa kanya. Nakakatuwa na nagiging super close kami kahit ilang araw palang akong nagte-training.
"Nice! Bagay na bagay sayo ang uniform!"
"Salamat Nurse Mice..." nahihiyang sambit ko.
"Basta mamaya, smile ka lang kay Dok. Mabait 'yon. Sobra." Paalala niya.
"Talaga? Pero nakikita ko naman na tama ka. Kasi masayahin ang mga empleyado rito. Mukhang maganda ang pamamalakad."
"Yes, you're right! Kaya nga nasa tamang Hospital ka na paglilingkuran. Kasi dito, never kaming natrato ng hindi maganda. Masayang maglikod lalo na kung masaya ka sa propesyon mo." Masayang sambit niya.
"Tama ka, nurse Mice. Nasasabik na akong maglingkod sa Hospital na ito. Napakapalad ko. "
Napangiti siya. "Ala eh, siya, sige na. Magtungo ka na sa office ni Dok. Ayaw pa naman no'n sa nale- late."
Muli ko siyang kinawayan bago ako maglakad muli at lumikod patungo sa opisina ni Doktor Canliagn.
Nakakaramdam na tuloy ako ng labis na kaba. Sana naman ay pumasa ako sa final evaluation na ito. Pasado naman ako sa lahat pero mukhang ito ang basehan kung saan o kanino ka maa-assigned.
Nakita kong may pumasok sa opisina ni Dok Canliagn kaya sumunod lang din ako. May anim na nurse na siyang nakaupo sa couch na nasa opisina. Mukhang sila ang mga kasabayan ko na i-evaluate.
At mukhang pito nga lang kami. Naupo ako sa dulo ng couch. Kita sa mga mukla nila ang labis na kaba.
Kinuha ko ang rosary ko at sinimulang mag sign of the cross at magdasal. Napanatag naman ako kahit papaano.
Sabay-sabay kaming lumingon nang bumukas ang pinto ng opisina. Lahat kami ay nagsitayo.
Seryosong nakatingin sa amin si Doktor Canliagn.
Nagsiyukod kaming lahat.
"Good morning po Dok..." sabay-sabay naming bati.
Tumango lang siya at nagtungo sa table niya.
"You may all be seated." Utos niya.
Nagsi-upo kami at nagtinginan. Kinuha niya ang mga folders namin at isa-isang binuksan.
"I already approved all your requirements. Iyong ID card at cash card niyo ay on-process na rin. May mga finger print access na rin naman kayo 'diba?" He asked.
"Yes Dok..." Sabay-sabay naming sagot muli.
May binuksan siya na projector at nag appear iyon sa wall.
"You may all stand up for your pledge. Raise you right hand and put your left hand to your left chest." Utos niya.
Nagsinod kami. May lumabas na pledge letter sa projector at lahat kami ay doon napatuon.
"Repeat after me, let's start." Sabi ni Doc.
"I... say your name." Panimula niya.
"I Marikah Sychelle Morales."
Pagkasambit ko non ay napatingin siya sa'kin.
"I promise pledge...to do my duty right with integrity." Muling sabi niya.
Sumunod lang kami.
"I will keep my service with a heart for my future patients as a life saver." Tuloy na sambit ni Doc.
"Here at at HC Medical City, our service serves with a heart." Sambit niya muli.
Tila gusto kong maluha sa ganda ng pledge na sinasambit ko. Totoo na ito. Maglilingkod na ako.
After naming magsambit ng pledge ay lumapit sa amin si Dok Canliagn at kinabitan niya ng nurse pins ang collar at ibibigay ang name plate.
Inuna niyang kabitan ang mga naunang pumasok kanina. Ako ang nasa dulo.
Nang sa akin na siya humarap ay nagkatitigan kami.
"Thank you for choosing HC Medical City...Nurse...Sychelle..." wika niya. Kita ko sa mag mata niya na tila maluluha na siya.
Ikinabit niya ang pin sa collab ng nurse uniform ko at ibinigay sakin ang name plate ko. Ikinabit ko iyon sa left chest ko.
Ayan. Complete uniform na talaga ako.
Sunod na nag-announce si Doc kung saan kami maa-assigned.
May mga inilagay sa OPD, Pharmacy, Emergency, at Nursery. May nga na-assigned din na maging assintant ng Doctor.
Hinihintay ko na banggitin ang pangalan ko.
"Nurse Sychelle, ikaw ay ia-aasigned ko na maging assistant Nurse ko." Banggit ni Dok.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Sa lahat ng nurse na nandito ay ako lang ang na-assign niya na maging Assistant nurse.
"Dok?" Napalunok ako. Nabigla ako.
"Yes, you're my assistant Nurse. You may star tomorrow." Muling sabi niya.
At heto na nga, ang kakaibang pagrigodon ng puso ko.
Panginoon ko... ano ito?
--
Final ChapterParis, FranceTahimik kaming nakatayo ni Marikah sa loob ng Musée d'Orsay, sa gitna ng sining at katahimikan ng Paris, habang pinagmamasdan ang isang obra na minsang isinilang mula sa pangarap at pagdurusa.Heal the World—ang pamagat ng painting ni Sychelle. Ang kanyang huling obra. Ilang taon ko itong iningatan, hanggang sa ibalik ko ito sa kanyang mga magulang, upang maibahagi sa mundo, dahil ito ang isa sa kanyang pangarap na mapabilang sa kasaysayan ng sining.Sa mata ng marami, isa itong obra maestra. Sa akin, isa itong paalala ng isang pag-ibig na minsang naging lahat, at isang pagkawala na muntik nang sirain ang kabuuan ko.Pinagmasdan ko ang bawat hagod ng brush na banayad, masuyo, at buhay. Naririnig ko pa rin ang tawa niya noon habang ginagawa ito, habang binubuo niya ang mundong nais niyang paghilumin.“She would’ve loved this,” mahina kong bulong, halos kinakausap ko ang alaala.Tumingin sa akin si Marikah, pinisil ang kamay ko, at ngumiti."And now, the wor
New LifeSa dulo ng panalangin, ikaw ang sagot,Pag-ibig na sa sugat ay naging gamot.Mula sa abo ng kahapon, tayo'y bumangon,Bagong buhay, sa puso'y muling ibinangon.Sa hakbang ng pag-ibig, tayo'y magkasabay,Sa mata ng Maylikha, ito'y isang tunay.Marikah at Hideo, kwento ng paghilom—Pag-asang sumibol sa pusong pagod at buo.🌻 MARIKAH SYCHELLE Present...Napapikit ako nang bahagya habang sinasagap ang malamig na simoy ng hangin. May kakaibang katahimikan sa paligid na hindi malamig sa loob, kundi payapa. Ramdam ko ang banayad na haplos ni Hideo sa aking umbok na tiyan, na para bang pinaparamdam niya sa anak naming nasa sinapupunan ang init ng kanyang pagmamahal.Buong puso ang pasasalamat ko sa sandaling ito at buo kami. Magkasama kaming dumalaw sa mga mahal namin sa buhay na pumanaw na. At kahit may kirot pa ring naiiwan, dama ko ang kanilang kapayapaan. Nakamit na ni Lola Perla ang hustisya para kina Mama at Papa, at kung nasaan man silang lahat ngayon, alam kong hindi sila k
Ang masasabi ko lang... napakasarap palang maging isang ama.Sa bawat araw na lumilipas habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa operasyon, kasabay rin nito ang patuloy na pag-usad ng kaso laban kay Hera. Habang ang hustisya ay dahan-dahang lumalapit, isang bagong yugto naman ang buong-buo nang humalili sa puso ko ay itong pagiging ama.Isang buwang gulang na ang anak namin ngayon.At sa umagang ito, heto kami sa hardin ng mansyon. Nakahilig siya sa aking dibdib habang maingat kong iniaalay ang kanyang balat sa malambot na sinag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at pagaspas ng hangin sa dahon ang maririnig.Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si Lolo Pedro. Itinutulak ni Lola Perla ang kanyang wheelchair habang paikut-ikot sila sa paligid, tila ba tinatanaw ang bagong pag-asa na isinilang sa gitna ng unos.Kanina'y nilapitan nila kami. Hindi mapigilan ni Lolo Pedro ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanilang apo sa tuhod. Halatang labis silang natutuwa.Siguro'y m
JusticeAng tunay na katarungan ay hindi lamang paghihiganti, kundi ang pagbibigay ng nararapat sa bawat isa—pantay, makatao, at makatarungan.👨⚕️HIDEO ADONIS5 Years Ago...At ako'y tuluyang nagising.Matapos ang matagumpay na open-heart surgery na isinagawa ni Dok Ivo sa akin, hindi lamang siya asawa ng aking kapatid— kundi siyang pinaka pinagkakatiwalaan kong doktor sa puso ko s aking cardiac health. Sa bawat tahi at bawat tibok na muling naibalik, alam kong isa itong panibagong simula ng buhay ko. Inilipat ako mula ICU patungong Recovery Room matapos maging stable ang mga vital signs ko. Tatlong araw pa akong nanatili roon para sa masusing monitoring. Ngunit ang tunay na hamon ng paggaling ko ay hindi pisikal. Ang pinaka mahirap ay ang hindi sila mayakap.Labis ko nang hinahanap ang mag-ina ko. Araw-araw ay tinitiis kong makita lamang sila sa video calls. Walang kasingsakit ang makitang nilalambing ako ni Marikah habang inaalagaan ang aming bagong silang na anak, mabuti na lang
Restore Sa gitna ng pagkalugmok, may liwanag na muling magpapanumbalik ng pag-asa👨⚕️HIDEO ADONISFive years ago...Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pigilan ang muling pag-ahon ng galit sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga patunay at saksi, pinakawalan pa rin siya. Hindi ko maunawaan kung sinong may kapangyarihan ang nag-utos na siya'y ilipat sa International Criminal Court.Kaagad kong dinial ang numero ni Dok Ivo. Sa kabutihang palad, papunta na rin daw sila ni Athena sa Annex nang oras na iyon. Ngunit hindi ako tumigil doon sapagkat tinawagan ko rin si Dok Flynn. Alam kong may mas malalim itong nalalaman lalo na’t isa si Hera sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Dok Iesu. Hindi ito basta-basta at hindi rin ito aksidente lamang.Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinungo ang isang secure tracking app. Saglit akong napangisi. Doon ay muling nagpakita ang aktibong signal ng nano-tracker na itinanim namin kay Hera.Ang tracker na iyon… matagal
LegacyKung ako man ay maglaho bukas, ang nais kong iwan ay hindi pangalan, kundi alaala ng kabutihan sa bawat buhay na aking nadampian🌻MARIKAH SYCHELLE Makalipas ang limang taon...Pagkatapos kong magsulat sa whiteboard, muli akong humarap sa aking mga estudyante sa kolehiyo. Ako ang kanilang guro sa asignaturang Philosophy sa semester na ito, tinalakay na namin ang etika at moralidad sa pinakamasalimuot nitong anyo.“Is it ethically right to take the life of someone you love if it means saving a hundred others?” tanong ko sa kanila habang tinitigan ko isa-isa ang mga mata nilang sabik sa diskurso.Agad na natahimik sa loob ng silid, kasabay ng sabayang pagtaas ng mga kamay nila. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko sa kanila, ang pagiging aktibo nila tuwing oral recitation. Siguro dahil alam nilang mataas akong magbigay ng puntos sa mga makabuluhang sagot.Napatingin ako sa unang nagtaas ng kamay.“Yes, you may Miss Alano.”Sabay-sabay silang nagsibaba ng kamay nang tumayo ito. Kita k