Share

3- Faith

Penulis: ArishaBlissa
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-19 11:28:28

Faith

Hangga't naniniwala ka. Malalagpasan mo ang lahat ng mga dagok na siyang darating sa buhay mo. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundong it. Nakadepende sa'yo o sa tatahakin mong daan.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

Isa na yata ito sa pinakamasayang pasko ng buhay ko habang ako'y nandito sa Barcelona. Hindi ko inaasahan na darating ang aking pinakamamahal na si Sychelle. Nakangiti ako habang hawak niya ang kamay ko. Nilingon niya ako habang tumatakbo siya at hila-hila ako.

"Mahaaaal! Dali! Baka mahuli tayo sa fountain show!" hiyaw niya habang patuloy akong hinihila.

Ngumiti ako ng matamis at sinunod ang hiling niya.

Natatanaw ko ang napakagandang Sagrada Cathedral na siyang paborito naming spot dito sa Barcelona ni Sychelle. Malapit na kami sa may fountain na sinasabi niya sapagkat malapit lang naman iyon doon.

Napakaraming tao dahil Christmas eve. Napakasayang pamasko ito sa akin dahil nakasama ko ang aking pinamamahal.

Napahinto kami. Nagtinginan kami at napangiti muli sa isa't-isa.

Saktong nagsimula na ang fountain show kasabay ng pagsapit ng pasko.

"Woooohhh Merry Christmas!" sabay naming sigaw.

Hinila ko siya paharap sa akin. Patuloy lang sa pagtaas ang fountain.

Tinitigan ko siya.

"Mahal na mahal kita." I said then, I kissed her forehead.

"Pinakamamahal din kita..."

May kinuha ako sa bulsa ko. Alam ko, ito na ang oras.

Hawak ko ang isang maliit na kahon. Muli akong napatingin sa kanya sabay lumuhod.

"Mahal, We've been together since our highschool days. At sa paglipas ng panahon, lalo tayong tumitibay at pinakamamahal ang isa't-isa. I think this the time upang mag settle tayo... Mahal, Sychelle Dayle Fernandez...will you marry me?" wika ko ng taos puso habang nakatingala sa kanya. Hindi ko na rin naiwasan na tumulo ang luha ko.

Napatitig siya sa akin habang napatakip niya ang kamay niya sa kanyang bibig.

"Yes! Hideo! I will marry you! Yes! Yes!" tuluyan akong naluha. Pagkasuot ko ng singsing sa kanya ay niyakap ko siya sabay binuhat at inikot -ikot.

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin. Saktong nagpaputok na ng fireworks sa kalulapan na siyang lalong nagpaganda sa paskong ito.

Muli kaming nangkatitigan. Ngunit habang inilalapat ko ang aking labi sa kanya ay siyang unti-unti niyang...paglaho...

"SYCHELLE!"

Napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa paligid ko. I'm still here at my room. Nakita ko ang oras sa wallclock. It's already five in a morning.

I felt my chest crumpled. Napahawak ako doon. Hindi ko ito pwedeng sobrang kimkimin.

My tears is started to fell. "Sychelle...miss na miss na kita...mahal...miss na miss na kita..."

Tumayo ako at nagtungo sa isang painting na siya mismo ang gumawa. Napanaginipan ko siya.

Sana hindi na lang ako nagising sa isang magandang panaginip na ''yon.

Kinuha ko ang painting at niyakap. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

Napakatagal na nung mawala siya. But still it's feels like yesterday. Iyong hindi ko inaasahan na ang magiging pasyente sa emergency room ay ang babaeng mahal ko. And worst...nasaksihan ko kung paano siya binawian ng buhay.

I think that was the scar in my heart that would never heal.

"Sana nandito ka pa Synch...mahal...sana nayayakap pa kita..."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa painting.

The Christmas day is coming again. Nung pag-uwi ko nga kanina ay naka decorate na ang buong mansyon.

Nung nawala si Synchelle ay never na akong nag celebrate ng pasko. And for this year ay request ni Harmony. At para sa mga Doctor at Nurses na gustong dito sa mansyon ganapin ang christmas party.

Wala naman akong ibang naaalala sa araw ng pasko kundi ang araw na nag-propose ako ng kasal kay Sychelle.

Minsan nga gusto ko humanga sa sarili ko. Paano ko nga ba kinakaya ang lahat? Paano ko nasusuot ang maskara upang ipakita sa lahat na ayos at masaya ako.

Pero sa loob-loob ko ay para na akong patay. Ni hindi ko na nga alam ang patutunguhan ng lahat.

Ang iniisip ko lang ay para na ito sa kapatid ko at sa HC pati ba rin sa mga negosyong pinaghirapan ng mga magulang ko.

Kay Harmony ako humuhugot ng lakas upang magpatuloy. Dahil kung sumuko ako. Paano siya? Maiiwan siyang mag-isa. Ayokong maranasan niyang maging mag-isa dahil sobrang sakit iwanan ng mga taong pinakamamahal mo.

Marami pa akong mga buhay na dapat iligtas. Marami pa akong dapat gamutin sapagkat iyon ang tungkuling sinumpaan ko.

Pangarap ko ito na siyang pangarap din sa akin ni Sychelle. Hindi man niya naabutan na naging ganap akong Doctor. Alam ko...masaya siya na naabot ko ang pangarap naming dalawa.

Napatayo ako at muling isinabit ang painting.

Panibagong umaga. Panibagong buhay muli na ililigtas. Panibagong araw ng buhay ko na siyang dapat kong kayanin.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nagtungo na ako sa dining area. Nandoon na si Harmony.

"Good morning Kuya Adonis!" masiglang bati niya.

"Wow! Mukhang good mood ka ah. Good morning!" pabalik na bati ko, saka umupo sa upuan ko.

May mga breakfast nang nakahain. Usually ay madami talaga kaming kinakain ni Harmony every morning. Kinasanayan na at dapat naman talaga.

"Ofcourse Kuya, nalipat kasi ako ng shift sa Nursery. And I'm really excited about it."

Napakahilig niya talaga sa mga babies. Hindi naman ako ang nag-aayos ng mga shifting schedules nila even if na kami ang may-ari ng HC. Gusto ko pa rin na fair ang tingin sa lahat.

"Good for you, how about your medical school entrance exam? Naasikaso mo na ba?" tanong ko.

Biglang nawala ang ngiti niya.

It's been a 4 years simula nung gum-raduate siya ng nursing. And then naaksidente sila ni Mom at Dad. Hindi lamang ako ang may pangarap na maging Doctor din siya.

"Ah... Kuya, yes. Nakapagpasa na ako ng application. Exam day nalang ang waiting ko."

Napangiti ako.

"That's good. Don't worry tutulungan naman kita sa board exam."

Tumango-tango siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Sobrang kampante na ako ngayon para sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ako bibiguin. Pati si Mom at Dad.

--

Marikah

Sychelle Morales

"Ay putang-"

Hindi ako lumingon dahil alam kong si Clarina iyon. Kay aga-aga, napaka makasalanan ng kanyang salita.

Nagpatuloy lamang ako sa pagno-novena. Hindi ko pwedeng alisin ang siyang kinasanayan ko na sa probinsya.

Matapos kong maghuling mystery ay nag sign of the cross ako at saka tumayo.

Itinaas ko ang belo ko saka nilingon na si Clarina.

"Aatakihin ako sayo Marikah!"

"Ikaw naman, para namang hindi ka sanay mag novena at rosaryo."

Parang noon ay siya pa ang nag-aaya sa akin na magnovena.

"Syempre noon 'yon! At kasi naman! Pakahaba ng suot mong puti akala ko may multo na kanina. Nakakaloka ka!"

Nailing na lamang ako. Tuluyan na yata talaga niyang kinalimutan kung ano siya dati.

Ganito yata talaga ang nagagawa ng Maynila sa isang tao. Napapabago hindi lang ang gawi kundi pati ang ugali.

Na siyang hindi ko dapat pamarisan habang nandito ako. Kay ganda pa naman ng mga simbahan dito kaya bakit pugad ang siyudad ng mga makasalanan?

"Aalis pala ako, ngayon ako may interview at magpapasa ng requirements sa HC Medical City." Paalam ko sa kanya.

Hinagod niya ang paningin niya sa kabuuan ko.

"Seryoso ka ba suot mo Marikah? Sobrang haba baka mapagkamalan ka rin multo roon."

"Wala naman akong nakikitang masama sa suot ko. Sila naman ang magkakasala kung huhusgahan nila ako."

Napairap lang siya.

"Okay fine, ingat ka. Text ka kung ano oras ka uuwi upang makapagluto ako bago ako pumasok sa work." Paalala niya.

Nginitian ko siya. Kada gabi siya kung pumasok sa trabaho. Isa siyang modelo pagkatapos ay CCA sa mga high class na hotels.

Nang makita ko ang mga sinusuot niya doon ay napa sign of the cross na lang ako. Paano niya kinakaya ang magsuot ng gano'n?

Pero masama ang manghusga. Kaya sana pagdating ng araw ay maging mulat na siya.

Lumabas na ako sa unit ni Clarina. Dahil nakatira na rin ako sa Condo niya ay kailangan ko na magbigay sa kanya ng pang-upa.

Sumakay ako ng jeep patungo sa HC Medical City. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Lalo pa't nalimutan kong alisin ang belo ko.

Pero nasanay na akong naka belo kahit lumalabas kaya bahala na.

Nagtungo ako sa nurse station.

"Excuse po, tanungin ko lang po sana if saan po ang admin office?" tanong ko sa magandang nurse na kaharap ko. Napatingin ako sa nameplate niya. 'Mice' ang nakalagay.

Ang cute naman ng name niya.

"Hi, sakay ka elevator tas pindutin mo ang eleventh floor pakalabas mo roon, liko ka sa kanan. Makikita mo na ang Admin office." Buong giliw niyang sambit.

Napangiti ako. Ang bait ng mga nurse dito. Hindi sila nakaka intimidate kausapin. Sa general hospital kasi kung saan ako nag OJT noon at laging nakasimangot ang mga Nurses. Akala mo ay laging pinaparusahan. Tapos iyong iba ay ang susungit sa aming mga Intern.

"Maraming salamat po." Nakangiti ko ring sabi.

"Walang anuman. Kung bagong Nurse ka. Welcome dito!"

Lalo akong ngumiti ng matamis. Mukhang tama lang talaga na dito ako nagtrabaho.

Napakaganda nitong HC Medical City. Ang high-tech ng mga facilities.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang eleventh floor. Ako lamang ang nakasakay kaya isinara ko na.

Napakataas din ng Hospital na ito. Nasa 20th floor yata.

Nang nasa 5th floor na ay huminto ang elevator at bumukas iyon.

Napatingin ako sa Doctor. May hawak siyang chart. Nagtama ang aming mga mata.

Parang pamilyar siya...

Nakakunot noo lamang siyang pumasok sa loob. Pinindot niya ang 15th floor.

Umusog ako. Lalo kong ibinaba ang belo ko. Inaaalala ko kung kailan o saan ko siya nakita.

O baka, akala ko lang?

Nagtuloy-tuloy lamang ang pagtaas ng elevator. Nang huminto sa eleventh floor ay lumabas na ako. Nang nilingon ko siya muli ay sumara na ang pinto ng elevator.

Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit tila interasado ako na maalala kung saan ko siya nakita?

Hay nako. Makapagnovena nga ng mahaba mamaya.

Nagtungo ako sa admin office. Pagkapasok ko sa loob ay maganda rin ang approach sa akin ng nandoon.

Matapos akong i-final interview ay ibinigay ko ang mga requirements ko. Sinabi na rin sa akin kung ano ang schedules ng trainings ko. Ang uniforms ay ibibigay sa mismong training day.

Kaya hindi mawala ang ngiti ko. Hanggang sa madaanan ko mini chapel ng hospital na ito.

Sakto dahil lubos akong magpapasalamat sapagkat opisyal na akong maglilingkod sa hospital na ito. Nang papasok ako ng chapel ay napahinto ako.

Naalala ko na!

Ang lalaking nakasabay ko kanina sa elevator! Siya yung lalaki sa Cathedral na pinahiram ko ng payong ko.

Ang liit nga naman ng mundo.

Nakakatuwa naman.

--

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   105- FINAL CHAPTER

    Final ChapterParis, FranceTahimik kaming nakatayo ni Marikah sa loob ng Musée d'Orsay, sa gitna ng sining at katahimikan ng Paris, habang pinagmamasdan ang isang obra na minsang isinilang mula sa pangarap at pagdurusa.Heal the World—ang pamagat ng painting ni Sychelle. Ang kanyang huling obra. Ilang taon ko itong iningatan, hanggang sa ibalik ko ito sa kanyang mga magulang, upang maibahagi sa mundo, dahil ito ang isa sa kanyang pangarap na mapabilang sa kasaysayan ng sining.Sa mata ng marami, isa itong obra maestra. Sa akin, isa itong paalala ng isang pag-ibig na minsang naging lahat, at isang pagkawala na muntik nang sirain ang kabuuan ko.Pinagmasdan ko ang bawat hagod ng brush na banayad, masuyo, at buhay. Naririnig ko pa rin ang tawa niya noon habang ginagawa ito, habang binubuo niya ang mundong nais niyang paghilumin.“She would’ve loved this,” mahina kong bulong, halos kinakausap ko ang alaala.Tumingin sa akin si Marikah, pinisil ang kamay ko, at ngumiti."And now, the wor

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   104- New Life

    New LifeSa dulo ng panalangin, ikaw ang sagot,Pag-ibig na sa sugat ay naging gamot.Mula sa abo ng kahapon, tayo'y bumangon,Bagong buhay, sa puso'y muling ibinangon.Sa hakbang ng pag-ibig, tayo'y magkasabay,Sa mata ng Maylikha, ito'y isang tunay.Marikah at Hideo, kwento ng paghilom—Pag-asang sumibol sa pusong pagod at buo.🌻 MARIKAH SYCHELLE Present...Napapikit ako nang bahagya habang sinasagap ang malamig na simoy ng hangin. May kakaibang katahimikan sa paligid na hindi malamig sa loob, kundi payapa. Ramdam ko ang banayad na haplos ni Hideo sa aking umbok na tiyan, na para bang pinaparamdam niya sa anak naming nasa sinapupunan ang init ng kanyang pagmamahal.Buong puso ang pasasalamat ko sa sandaling ito at buo kami. Magkasama kaming dumalaw sa mga mahal namin sa buhay na pumanaw na. At kahit may kirot pa ring naiiwan, dama ko ang kanilang kapayapaan. Nakamit na ni Lola Perla ang hustisya para kina Mama at Papa, at kung nasaan man silang lahat ngayon, alam kong hindi sila k

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   103

    Ang masasabi ko lang... napakasarap palang maging isang ama.Sa bawat araw na lumilipas habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa operasyon, kasabay rin nito ang patuloy na pag-usad ng kaso laban kay Hera. Habang ang hustisya ay dahan-dahang lumalapit, isang bagong yugto naman ang buong-buo nang humalili sa puso ko ay itong pagiging ama.Isang buwang gulang na ang anak namin ngayon.At sa umagang ito, heto kami sa hardin ng mansyon. Nakahilig siya sa aking dibdib habang maingat kong iniaalay ang kanyang balat sa malambot na sinag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at pagaspas ng hangin sa dahon ang maririnig.Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si Lolo Pedro. Itinutulak ni Lola Perla ang kanyang wheelchair habang paikut-ikot sila sa paligid, tila ba tinatanaw ang bagong pag-asa na isinilang sa gitna ng unos.Kanina'y nilapitan nila kami. Hindi mapigilan ni Lolo Pedro ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanilang apo sa tuhod. Halatang labis silang natutuwa.Siguro'y m

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   102- Justice

    JusticeAng tunay na katarungan ay hindi lamang paghihiganti, kundi ang pagbibigay ng nararapat sa bawat isa—pantay, makatao, at makatarungan.👨‍⚕️HIDEO ADONIS5 Years Ago...At ako'y tuluyang nagising.Matapos ang matagumpay na open-heart surgery na isinagawa ni Dok Ivo sa akin, hindi lamang siya asawa ng aking kapatid— kundi siyang pinaka pinagkakatiwalaan kong doktor sa puso ko s aking cardiac health. Sa bawat tahi at bawat tibok na muling naibalik, alam kong isa itong panibagong simula ng buhay ko. Inilipat ako mula ICU patungong Recovery Room matapos maging stable ang mga vital signs ko. Tatlong araw pa akong nanatili roon para sa masusing monitoring. Ngunit ang tunay na hamon ng paggaling ko ay hindi pisikal. Ang pinaka mahirap ay ang hindi sila mayakap.Labis ko nang hinahanap ang mag-ina ko. Araw-araw ay tinitiis kong makita lamang sila sa video calls. Walang kasingsakit ang makitang nilalambing ako ni Marikah habang inaalagaan ang aming bagong silang na anak, mabuti na lang

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   101- Restore

    Restore Sa gitna ng pagkalugmok, may liwanag na muling magpapanumbalik ng pag-asa👨‍⚕️HIDEO ADONISFive years ago...Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pigilan ang muling pag-ahon ng galit sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga patunay at saksi, pinakawalan pa rin siya. Hindi ko maunawaan kung sinong may kapangyarihan ang nag-utos na siya'y ilipat sa International Criminal Court.Kaagad kong dinial ang numero ni Dok Ivo. Sa kabutihang palad, papunta na rin daw sila ni Athena sa Annex nang oras na iyon. Ngunit hindi ako tumigil doon sapagkat tinawagan ko rin si Dok Flynn. Alam kong may mas malalim itong nalalaman lalo na’t isa si Hera sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Dok Iesu. Hindi ito basta-basta at hindi rin ito aksidente lamang.Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinungo ang isang secure tracking app. Saglit akong napangisi. Doon ay muling nagpakita ang aktibong signal ng nano-tracker na itinanim namin kay Hera.Ang tracker na iyon… matagal

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   100- Legacy

    LegacyKung ako man ay maglaho bukas, ang nais kong iwan ay hindi pangalan, kundi alaala ng kabutihan sa bawat buhay na aking nadampian🌻MARIKAH SYCHELLE Makalipas ang limang taon...Pagkatapos kong magsulat sa whiteboard, muli akong humarap sa aking mga estudyante sa kolehiyo. Ako ang kanilang guro sa asignaturang Philosophy sa semester na ito, tinalakay na namin ang etika at moralidad sa pinakamasalimuot nitong anyo.“Is it ethically right to take the life of someone you love if it means saving a hundred others?” tanong ko sa kanila habang tinitigan ko isa-isa ang mga mata nilang sabik sa diskurso.Agad na natahimik sa loob ng silid, kasabay ng sabayang pagtaas ng mga kamay nila. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko sa kanila, ang pagiging aktibo nila tuwing oral recitation. Siguro dahil alam nilang mataas akong magbigay ng puntos sa mga makabuluhang sagot.Napatingin ako sa unang nagtaas ng kamay.“Yes, you may Miss Alano.”Sabay-sabay silang nagsibaba ng kamay nang tumayo ito. Kita k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status