Share

3

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-29 06:11:39

Sue's POV

Nanlamig ako nang marinig ko ang boses ng Mommy ni Sir Rogue sa sala. Sumilip ako at napakagat-labi nang sampalin niya si Sir.

"Pumatol ka ng maid, Rogue?! Ang daming inirereto sa'yo na attorney, doctor, may natapos! May magandang education background at family background tapos sa maid ka lang nahulog?!" Napapikit ako ng mariin sa sigaw nito kasabay ng malakas na sampal. "Pinag-aral kita ng medisina dahil akala ko makakahanap ka ng matinong babae tapos sa maid?! Ganun kababa ang standards mo?!"

Hindi ko na kinaya at tumakbo ako palabas ng exit ng kusina. Hindi ko napigilan mapaiyak. Ang sikip ng dibdib ko. Ang sakit ng mga narinig ko. Nanliit ako ng sobra.

Ang liit ng tingin nila sa aming mga kasambahay. Nasa estado ba ng buhay ang magmahal ng tao? Posisyon? Educational background? Family background? Oo, medyo inosente ako, pero naintindihan ko lahat ng 'yon.

"Ilang beses na kitang sinabihan na tumigil, pero anong gimawa mo, Sue? Tinuloy-tuloy mo pa rin," si Aling Lucy, ang mayordoma ng mansyon. Hinagod niya ang likod ko pagtingin ko sa kanya. "Tahan na. Mag-usap na lang kayo ni Sir mamaya."

"M-Mahal ko po si Sir Rogue," lumuluhang sabi ko. "G-Gustong-gusto ko po siya."

Malungkot itong tumingin sa akin. "Alam ko 'yon, hija. Sa ngayon, ang maipapayo ko, dumistansya muna kayo sa isa't-isa lalo na't nandito ang Mommy ni Sir," aniya. "Alalahanin mo rin kung bakit ka nandito."

Naisip ko ang kapatid ko na may leukemia sa ospital. Doble ang sahod ko rito kesa no'ng nagtatrabaho ako sa karinderya. Tumagal ako ng ilang taon sa mansyon ng mga Rocco, pero hindi ko naiwasan umibig sa aking amo at 'yon ay si Sir Rogue.

Bumalik kami sa kusina, naghanda ng pananghalian at habang naghahain, ramdam kong nakasunod ng tingin sa akin si Sir Rogue.

Nang sa kanya na ako maghahain, sa tabi niya, naramdaman ko ang paghawak niya sa hita ko. Natigilan ako at muntik ko nang matapon 'yong kape.

"Sinong nagtimpla ng kape ko?" tanong niya, nakatingin sa akin ngayon.

Nabalot ng kaba at takot ang dibdib ko. Nandito ang mommy niya at natatakot ako na baka mahalata niya kami.

Tumaas pa ang hawak niya sa hita ko. Naramdaman ko ang pagkapa niya sa p*agkababae ko hanggang sa bulatlatin niya 'yon, hinahaplos ng isang daliri niya ang aking h*wa.

"S-Sir, a-ako po ang nagtimpla," sagot ko at lumayo agad pagkatapos kong maihain ang kape at iba pang pagkain.

Iniwasan ko siya no'ng araw na 'yon, pero pinatawag niya ako sa kwarto niya. Wala akong nagawa kundi sumunod. Kasambahay lang ako rito.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto niya. Nasa balkonahe siya, hubo't-h*bad habang umiinom ng alak.

"Iniiwasan mo ba ako, Sue?" Walang lingon na tanong niya.

"H-Hindi po, S-Sir..."

"Sinungaling. Akala mo ba hindi ko napapansin? You're avoding my touch. YOU'RE AVOIDING ME, SUE! AND YOU'RE DRIVING ME CRAZY!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya.

Gusto kong lumabas. Gusto kong magtago, pero mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod ko habang umiiyak. 

"H-Huwag na po kayong magalit. Iniiwasan ko lang na pagalitan kayo ng mommy niyo." Niyakap ko siya ng mahigpit nang tangkain niyang humarap sa akin. "N-Narinig ko po kayo kanina."

Maingat niya akong kinalas sa kanya. Humarap siya sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi at pinatakan ako ng halik sa labi.

"Wala akong pakialam sa kanila, Sue, mahal kita. Kaya kong talikuran lahat huwag lang tayo maghiwalay," puno ng emosyong saad niya. "M-Magtanan tayo. Kaya kitang buhayin. Kaya kong magtrabaho para sa atin. Just be with me, baby. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, Sue. Just please, huwag kang magpa-apekto sa mga sinasabi ng iba."

Napapikit ako nang halikan niya ako. Puno 'yon ng pagmamahal at seguridad na matagal ko nang gustong maramdaman sa kanya.

Inangkin niya ako ng gabing 'yon na para bang wala ng bukas. Iyong mga yakap at at halik niya, puno ng pagmamahal. Ingat na ingat din siya sa paggalaw sa akin habang ibinubulong sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Iyong pagmamahal na inasam ko mula sa kanya, nakuha ko, pero anong kapalit?

"Magpakasal tayo, Sue." Salitang nag-iwan sa isip ko, na hindi ko nasagot agad dahilan para magtampo siya.

Habang naglilinis ako sa sala, napaangat ang tingin ko sa taong tumapat sa akin, ang mommy ni Rogue.

Inabutan niya ako ng isang pirasong papel. "Dalawang milyon, hiwalayan mo ang anak ko at umalis ka sa mansyon na 'to. Alam kong nangangailan ka ng pera para sa kapatid mo."

"Ma'am..." nanginginig ang boses na usal ko.

"Marami pang pangarap si Rogue at hinahadlangan mo 'yon. He's a doctor, Sue. He's saving people. Alam mo 'yon, 'di ba? Didiretsuhin na kita, hija, ayoko sa'yo para sa anak ko. Isa ka lang kasambahay, walang pangarap, walang natapos, walang magandang background para sa pamilya namin. Anong sasabihin ng mga tao? Mga business partner namin na dating kasambahay ang girlfriend ni Rogue? No! Tanggapin mo itong cheque at umalis. Ako na bahala kay Rogue magpaliwanag."

"M-Mahal ko po ang anak niyo, Ma'am." Nangangatal na sabi ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas. "Anong magagawa ng pagmamahal mo, hija? Katawan lang naman ang habol niya sa'yo. Hindi ka niya talaga mahal at para alam mo may girlfriend na siya. Alam mo ba kung sino ang pinuntahan niya ngayon? Si Annika, long time girlfriend niya. He's just using you, Sue."

Parang sampal sa akin ang mga sinabi niya. No'ng mapansin niyang hindi pa ako kumbinsido, pinakitaan niya ako ng video kung saan nakikipaghalikan si Rogue sa isang babae.

Hindi umuwi ng ilang araw si Rogue. Tenext ko siya gamit ang cellphone ni Lira, pero wala akong natanggap na reply.

Iyak ako nang iyak. Hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin. Niloloko lang niya ako. Hindi talaga niya ako mahal. Ginamit niya lang ako. Ginawang par*usan.

Inimpake ko lahat ng gamit ko. Sinigurado kong tulog ang lahat at madaling araw nilisan ang mansyon habang umiiyak na nakasakay sa taxi.

Nang gabing 'yon, pumunta ako ng ospital para bisitahin ang kapatid ko, ngunit halos gumuho ang mundo ko nang malaman kong pumanaw na rin ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong mapuntahan hanggang sa mawalan ako ng malay sa pasilyo ng ospital.

Paggising ko, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng lalaki. "Congratulations Miss Reyes, you're two weeks pregnant."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    31

    ROCCO'S MEDICAL CENTER Nakatayo si Rogue sa harap ng lumang record's room. Hawak niya ang susi na ibinigay sa kanya ng Hospital Administrator."Project Aron's Rocco..." Si Rogue Binuksan niya ang lumang kabinet.May nakita siyang itim na folder.Sa harap nito may nakasulat.PROJECT ARON'S...CONFIDENTIAL dahan dahan niya itong binuksan.Sue Reyes Aron Reyes Silvana Rocco Roger Dr. SanchezNapa atras si Rogue."Bakit nandoon kayong lahat?May isang lumang dokumento saIlalim nang folder. Na may nakasulat-"Objective; keep the child away from the Rocco's heir."Nanlamig si Rogue."Rocco's heir?" Napahawak siya sa ulo. "Ako ba ang tinutukoy nila?"ROCCO'S MANSION,Ang pagtutuos ng mag-ina"Rogue, napasugod ka? " Naa-kunot ang noo si Rogue. Sa harapan ng mommy niya inilapag ang folder sa mesa."Project Aron's..." Natigilan si Silvana"Rogue!" Si silvana."Wala ng kasinungalingan Mom.""Rogue " nangangatal nitong sabi."Bakit may pangalan ako dito." Si Rogue."Dahil ikaw ang

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    30

    Sue's POV Sa QuartersHindi na ako nag sayang pa nang panahon pakatapos ng medical examination ni Ron, agad naming nilisan ang Ospital at umuwi na kami ng bahay. Hindi ko maalis sa aking isip ang pagbabalik ni Ma'am Silvana. suma-sariwa ulit sa aking isip ang mga pangyayari nang nakaraan sa mansyon, pitong taon na ang nakalipas.Buti nalang mabait ang anak ko, hindi na ako pinahirapan kumbinsihin siya. Halos magdamag akong hindi dalawin nang antok. Maraming naglalaro sa aking isip. Mga maaring maganap ano mang oras. Ang pagtutuos nila ng dati nitong Amo, Ang mommy ni Rogue.Alam kong handa nitong gawin ang lahat mapaglayo lang kami ni Rogue. Ang tanong, papayag pa kaya si Rogue sa gustong mangyari ng mommy niya? Kaya na kaya niyang depensahan kami mag-ina? Kaya na kaya niyang manindigan bilang asawa at ama ni Ron?Hindi naman yon imposibleng mangyari, kung tutoong mahal niya kami. Maraming beses na niya akong pinangakuan na ipag lalaban niya kami.A, basta kailangan kong manigu

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    29

    SA OPISINA NI DOC ROGUE UMAGA:Abala ang mga doktor at nurse sa hallway. May mga bagong doktor at nurse na papunta sa opisina."Good morning dok, nasa conference room na po ang department head." Magalang na sabi ng isang nurse.Si doktor Sanchez ang tinutukoy nito."Thank you!" Malumanay kong sagot sa kanya.Pagliko n'ya sa hallway, May babaeng paparating. Si Jess"Jess! " Mahinahon nitong tawag, lumapit si jess saakin. " kumusta ang trabaho mo". "Ayos naman po dok, medyo mahirap , pero ok lang ako, keri ko naman." "A,Okey, may mga papers kang kailangang matapos ngayong araw idaan mo sa opisina ko mamaya bago mag lunch." "Yes po dok."SAMANTALA-SA LOOB NG OPISINA habang abala ako sa babasa ng record ng mga pasyente. "Rogue? " Pamilyar saakin ang boses, napatingin ako agad sa pinto kumabog ang dibdib ko sa nakita ko. "M-mom?! " Kaylan kapa dumating, "well.." bahagyang ngumiti at inayos ang buhok sa may balikat. "bakit wala ka man lang pasabi kung ..." Hindi pa nga ako tapo

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    28

    Rocco's Hospital Nag submit ako nang excuse letter sa school ni Ron para sa pansamantala niyang pagliban sa klase, I suggest her na maging Online Class muna si Ron habang nagpapagaling.Samantala _ habang kumakain si Ron nang dinner, may kumatok sa pinto. Marahan itong bumukas. Isang lalaking nakangiti ang bumungad sa amin."dok! " Napasigaw si Ron sa tuwa, seguro kung nakakalakad pa ito. patakbo na itong sumalubong. Ang kaso may binda ang dalawang tuhod niya. "Boddy! Hi! How are you? " Siya nalang ang lumapit at humalik sa Anak niya. "Tama yan kumain ka para mabilis kang gumaling." Napatingin siya sa akin,at bahagya lang na ngumiti. Naroon ang tuwa sa kanyang mga mata nang makita niya kami, kahit ako, bumibilis ang tibok nang aking puso pag tinititigan niya ako. May kung anong kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Naroon kasi ang takot ko na malaman nang Mommy ni Rogue, baka hindi niya kami kayang panindigan at paghiwalayin kami ng anak ko."dok Rogue, my mom

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    27

    " Miss Reyes!" Tawag nito saakin habang naglalakad papalapit saakin.hinila ako sa walang taong lugar, nanginginig s'ya at ang init nang kamay niya, napatingin ako sa mga mata niya, nangungusap ang mga nito, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, basta natatakot ako. nagsi selos ba siya? Bakit ganyan ang tingin n'ya saakin. "Aray ko Rogue nasasaktan ako, ano ba problema mo?"" Sue, bakit hanggang ngayon kaya mo akong saktan , ganon ganon mo nalang ba ako kayang kalimutan? Paano naman ako kong may Stephen ka, paano na anak natin? Hindi na ba pweding tayo nalang.? Mahal na mahal kita Sue."Confirm! Nagsiselos nga., eh ano naman ngayon kung may Stephen ako. Naks naman, may chance pa akong magpakipot..masaya to..Sa loob-loob ko lang, Pa emê pa ako." Ang tagal mong nawala, hindi ko alam kong bakit, pero pinag-tagpo tayong muli.." muntik na Sue, muntik nang mawala saatin ang anak natin. Kung nagkataon, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko, ngayon ko lang narealize na masakit

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    26

    26Nasa lobby palang ako, tanaw na tanaw ko na ang anak ko. Kasunod ko lang si Rogue, hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita niya sa bata. Lalo na Ngayon na alam na niya na Anak niya ito. Sumalubong agad sa amin si Stephen nu'ng makita n'ya ako, kinabahan ako dahil naroon ang pagpapanggap namin na may relasyon kami ni Stephen. Umiba ang mukha ni Rogue nu'ng makita n'ya na lumapit sa akin si Stephen "Sue," sabay abot sa kamay nito. Tumalim ang tingin nito sa akin. "It's okey! Thanks God hindi kayo napanu." Kumusta si Ron?" napatingin ako sa gawi ni Ron. Si Rogue Yakap na n'ya ang kanyang Anak. Kitang kita ko sa mukha niya ang Matinding Pananabik. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nu'ng tawagin ako ni Ron "Mommy! " Lumapit narin ako at yumakap sa Anak ko, muntik na, na hindi nya makilala na si Doc Rogue ang kanyang Biological Daddy . "Yes baby, don't be scared narito na ako at si Doc Rogue."Habang si Stephen ay masayang nanonood sa kanila, "nakakatuwa naman silang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status