登入"Sue, naipasa mo na ba sa taas 'yong listahan na bibigyan ng financial assistance? Si Mrs. Lars?" bungad ni Jessica, tinitingnan ang chart. "Ba't nasa labas ka?"
"Tapos na saka pinalabas ako. Ayaw magsalita no'ng client eh," sagot ko at tumayo. Lumapit ako sa kanya at tiningnan 'yong chart. "Kumusta sa kabilang wing? Busy daw ngayon sa emergency room, 'no?"
"Oo, maraming sugatan, kaya sumama ka sa akin ngayon. Tutal wala ka namang ginagawa, malaki ang maitutulong mo doon, tara na!" Hinila niya ako. Gusto ko sana tumanggi para sana silipin ang anak ko sa quarters naming mga social workers, pero mukhang kailangan ng tao ang emergency room. Pwede naman akong mag-assist, basic aid lang. "Papunta na rin dito ang mga doctor sa main hospital para saklolohan tayo."
For eight years, ang daming nangyari. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa tulong ng mag-asawang kumupkop sa akin, nabuhay ko ang anak ko kahit mahirap at ngayon isa nang ganap na social worker sa isang maliit na ospital.
Tungkol naman sa ama ng anak ko, wala na akong balita sa kanya. Binaon ko na rin 'yon sa limot.
"Iyong anak mo pala, kumusta?" si Jessica. "Hindi ba siya nabo-bored sa kwarto?"
"Marami 'yon ginagawa sa laptop niya," sagot ko. "Kilala mo naman 'yon, mahilig mag-experiment ng kung anu-ano."
"You mean sobrang talino? Napapasaya nga ako no'ng dating app niya eh," natatawang sabi nito. "Paano pa kaya kung sumikat?"
Natawa ako. "Baka mas maadik 'yon sa paggawa ng app."
"Perfect match nga kami ng boyfriend ko! Salamat sa Lovelink! Salamat sa anak mo!" Kinikilig niyang sabi.
Pagdating namin sa emergency room, nagkakagulo ang mga tao. Nagsuot kami ng mask, ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok sa pinakaloob, halos sumubsob ako nang may nakabangga sa braso ko. Buti nahawakan niya ako roon.
"Sorry, I didn't see you there." Natigilan ako pagkarinig sa boses. Imposibleng nandito siya! "Ayos ka lang?"
Tumayo ako ng maayos. Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya nang hindi tumitingin sa kanya.
Nanlamig ako bigla. Iyong puso ko, ang bilis ng tib0k. Naninikip din ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
"A-Ayos lang ako," sabi ko at mabilis na lumayo nang makita kong may paparating na stretcher lulan ang isang pasyente.
"Sue! Dito! Anong ginagawa mo dyan?!" Kumakaway na tawag sa akin ni Jessica.
Saglit na nagtama ang tingin namin ng lalaki at kahit pareho kaming nakasuot ng mask, alam kong nakilala na namin ang isa't-isa. Pakiramdam ko kami lang ang nasa emergency room. Nawala lahat ang ingay.
"Sue!" Hinila na ako ni Jess at bahagyang tumingin sa lalaki. "Pasensya na po, Doc. Rogue! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaan mo?!" sermon sa akin ni Jess. "Sorry po talaga—"
"No, Jess, ako ang nakabangga sa kanya." Walang kurap na wika ni Rogue.
Napansin kong tatanggalin niya ang mask nang hatakin ko si Jess. "Tara na, Jess!"
"Pero—" hindi ko na siya pinatapos magsalita at hinila na siya kung saan. "Hoy, anong problema mo? Ba't nagmamadali ka?"
"Wala." Binitawan ko siya at tahimik na nag-assist sa mga taong sugatan.
Paminsan sumusulyap sa akin si Jess, tila nagtataka. Ramdam ko rin na may nakasunod ng tingin sa akin. Kita ko sa gilid ng mata ko kung sino 'yon, si Rogue.
"Miss, ayos ka lang? Natatakot ka bang itus0k sa akin 'yang karayom?" Napatingin ako sa lalaking inaasikaso ko. "Tulala po kayo."
"Pasensya na—" Napatingin ako sa taong umagaw sa akin ng karayom. "Kaya ko po, Doc," dugtong ko, sinubukang bawiin ang karayom pero mabilis at eksakto na niyang naitusok 'yon sa ugat ng pasyente.
Ramdam ko ang bahagyang pagdampi ng balat niya sa kamay ko. Para akong nakuryente sa simpleng interaction na 'yon.
"Ako na. You're distracted," malamig ngunit seryosong sagot ni Rogue at mabilis na inayos ang IV line ng pasyente. Hindi siya tumingin sa akin, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.
Nakahinga naman nang maluwag ang pasyente. "Salamat, Doc."
"Welcome. Rest for a bit," sagot ni Rogue bago tuluyang humarap sa akin. Sobrang lapit niya. Para akong pinipiraso sa lalim ng titig niya sa akin. "Are you—"
"Thank you, Doc Rogue," singit ni Jess na biglang sumulpot sa tabi ko, halatang kanina pa nag-o-observe. "Pasensya na po, medyo pagod lang siguro itong si Sue kaya natutulala."
"It's fine. Just make sure your staff is fit to work, Jess. Delikado ang magkamali sa ER. Buhay ng tao ang nakasalalay dito," sabi ni Rogue. Bago siya tumalikod, sandali siyang tumigil at tumingin nang diretso sa ID badge ko na nakasabit sa may dibdib ko. "Sue... right?"
Imbes na sumagot nakipagtitigan ako sa kanya. Alam kong nakilala na niya ako, he's just pretending. "Yes, doc."
"Small world."
Buong shift, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, bawat kilos ko binabantayan niya. Ilang beses ko siyang nakitang kausap ang mga chief doctors ng ospital namin, at doon ko lang nalaman mula sa bulungan ng mga nurse na isa pala siya sa mga head ng main hospital na tumutulong sa amin ngayon.
Rich, successful, at sikat na doktor, malayo na talaga ang narating niya.
"Hoy, Sue," tawag sa akin ni Jess nang medyo kumonti na ang mga tao sa ER. "Ano 'yong kanina? Tsaka grabe ka makahila sa akin ah!"
"Wala 'yon, Jess. Nabigla lang ako kasi ang seryoso ng mukha niya, nakakatakot," palusot ko habang nag-aayos ng mga ginamit na supplies.
"Sus, kunwari ka pa. Pero aminin mo, ang gwapo niya kahit naka-mask, 'di ba? Balita ko single siya. Sayang, hindi yata gumagamit ng Lovelink 'yon, kundi nahanap ko na ang profile no'n," biro pa ni Jess.
Natawa na lang ako nang pilit. Kung alam mo lang, Jess.
Nang matapos ang pinakabusy na parte ng gabi, nagpaalam muna ako kay Jess para tingnan ang anak ko sa quarters. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Ron, ang pitong taong gulang kong anak, na seryosong-seryoso sa harap ng laptop niya habang nakasalpak ang headphones sa tenga.
"Anak," tawag ko habang nilalapitan siya.
Agad niyang tinanggal ang headphones at ngumiti sa akin. "Mommy! Kumusta po? I heard a lot of sirens earlier."
"Okay na, anak. Kumain ka na ba ng hapunan?" tanong ko sabay haplos sa buhok niya.
"Yes, Mommy," sagot niya sabay pakita ng screen ng laptop niya. "Look, Mommy! May nag-register na naman sa Lovelink. Ang dami na nating active users ngayon! Unti-untiin ko na po tatanggalin 'yong mga bot."
Ngumiti ako at tiningnan ang interface ng app na ginawa niya. Proud na proud ako sa kanya dahil sa murang edad marami na siyang nagagawa na hindi kayang gawin ng iba.
Binuksan ko ang sarili kong phone at tiningnan ang notification mula sa Lovelink app ko.
May isang bagong message doon mula sa account na nakakausap ko nitong mga nakaraang araw. Ang nakasulat lang sa profile name niya ay isang letra: R.
R: "Are you still busy at work? I heard there was a big accident near your area. Mag-iingat ka."
Napalunok ako. Bot ba 'tong nakakausap ko o totoong tao na?
Bago pa ako makasagot, pumasok na siya sa scrub room para maghugas ng kamay. Nauwi kami ni Jess at Ron sa observation gallery na nasa ikalawang palapag, kung saan may malaking glass window na nakadungaw mismo sa loob ng Operating Room 2.Umupo si Ron sa pinakaharap, ang dalawang kamay niya nakatukod sa salamin habang nakadungaw sa ibaba. Kasama namin ang ilang medical students at interns na mukhang manonood din ng operasyon ng isang batikang surgeon."Wow..." bulong ni Ron, bakas ang pagkamangha sa boses. "Mommy, look! Parang sa mga movies!"Lumapit ako at tumayo sa likod niya, ipinatong ang mga kamay ko sa balikat ng anak ko. Sa ibaba, nakita kong pumasok si Rogue. Sandali siyang nag-angat ng tingin sa amin at kumindat kay Ron.As soon as the operation started, everything went smoothly. Namangha ako sa bilis ng mga galaw niya, lalo na sa paraan ng paghiw4 niya sa balat gamit ang scalpel. It was like he carried an authority that everyone followed without hesitation. Saludo rin ako sa
Sue's POVWalang nakasagot sa amin ni Jess. Nakatingin sa akin si Rogue, na para bang nanonood ng teleserye. Alam kong nag-e-enjoy siya sa nangyayari ngayon! He wanted to piss me off, bwisit siya!Bago ko pa man maibuka ang bibig ko para sumagot, biglang may nagsalita sa intercom, na connected lahat sa facility."Dr. Rocco, to the ER immediately for an emergency operation. The OR is ready."Nawala iyong kaba ko no'ng mabaling lahat ng atensyon kay Rogue. Akala ko iiwan na niya sa akin si Ron, ngunit nagkamali ako."You told me you wanted to watch me operate, right?" tanong ni Rogue kay Ron. Nabalot na naman ng matinding kaba ang dibdib ko. Rogue looked at me for a split second then turned to Ron again. "Now is the time.""Please Rogue," pigil na pigil kong sabi sa kanya. "Can't you understand the situation now? Isasama mo ang anak ko? Ano na lang ang sasabihin ng makakakita sa inyo?"Tumayo ng maayos si Rogue at namulsa. "Why? May problema ba doon? We're friends, right, Ron?"Tumingin
"Natameme ka yata, Sue? Don't tell me tatayo ka lang dito? Kasi ako nagugutom na talaga ako. Kakain ako. Bahala ka dyan—""Sandali lang," pigil ko sa kanya. Hindi ko magawang humakbang. Pakiramdam ko nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. I was trying to calm myself while looking at Rogue. Halos umasim na nga ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Napapangiti lang ng pilit kasi nakatingin din sa akin ang anak ko. "Kapag ako inatake ulit ng anxiety, hindi na talaga tayo makakakain." I warned her.Napahilamos siya ng mukha. "Fine," sagot niya at ilang beses napairap. "Naiintriga na talaga ako sa nakaraan niyo ni Rogue.""Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig sa 'yo," saway ko sa kanya. "Pumila muna tayo para makakuha ng pagkain."Bumungisngis siya. "Tatabi tayo sa kanila?""No," mabilis kong sagot. "Kapag tumabi tayo sa kanila siguraodong pagchi-chismisan tayo. Aware ka naman siguro na nasa canteen tayo 'di ba? Saka isa pa, hindi alam ni Ron na si Rogue ang tatay niya. Jus
"Gising na ba siya?" Pumikit ako nang marinig ko ang boses ni Rogue.Nakita ko ang pigura niya sa telang nakapalibot sa akin. He's here to check on me? For what? Dahil nakonsensya siya sa nangyari sa akin?Naramdaman ko ang pagpisil ni Jess sa ilalim ng kumot ko.Nagpanggap akong wala pa ring malay. Bahala siya makonsensya ngayon."Hindi pa, doc. Baka mamaya pa siya magising," sagot naman ni Jess. "I'll let you know doc if gising na siya.""Please do," wika ni Rogue sa malumanay na boses. "I'm really worried. Can I see her?"Mas ginalingan ko na lang ang pagpapanggap ko nang makita kong i-awang niya ang telang nakaharang sa amin.Ito na naman at nagwala ang puso ko. Hindi ba pwedeng umalis na lang siya? May pa-worried-worried pa siyang nalalaman, eh konsensya lang naman ang kumakain sa kanya ngayon.Tingin ko alam na niya tungkol sa anxiety ko, mas malala kesa inaasahan niya."Jess, ganito ba kalala kapag inaatake siya ng anxiety?" tanong ni Rogue. I felt his hand under mine. Naramdam
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Huwag ka ngang maingay, Jess," saway ko sa kanya habang hinahatak ko siya palayo sa mga naglalakad na staff. Mas lalo lang akong kinabahan sa naging reaksyon niya. "Wala kaming nakaraan. Minsan napaka-assumera mo. Mainit lang ang ulo niya sa akin kasi nagdisagree ako sa gusto niya. Isa pa, walang kinalaman ang anak ko sa kanya. Mag-impake na lang tayo.""Sabi mo eh," pabulong na sagot ni Jess at sumunod sa akin pabalik sa opisina.Pagdating namin sa lumang kwarto ng Medical Social Work, kumuha agad ako ng mga bakanteng kahon. Halos i-subsob ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga Social Case Study Reports, logbooks, at mga personal kong gamit para lang hindi mapansin ni Jess na iniiwasan kong pag-usapan si Rogue.Kung dati, may peace of mind ako dito, ngayon parang wala na. It's like every time I see Rogue, my body automatically goes cold, and my anxiety kicks in."Ang tahimik mo naman," puna ni Jessa. "Nagugutom na ako. Hindi ba tayo kakain?"Nagki
Huminga ako nang malalim bago tumayo. Sinalubong ko ang tingin ni Rogue habang ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin mula sa iba't ibang sulok ng hall.I won't back down, even if it means going against him.Hindi ako makakapayag na kontrolin niya ang lahat, kahit siya pa ang nagmamay-ari ng ospital na ito.I have the right to speak up."I don't think I can agree with that, Sir," matapang kong sagot, dahilan para magsinghapan ang ilan."Masyado pong maraming files sa opisina namin ngayon. The transfer alone will take a considerable amount of time. Imbes na maasikaso agad namin ang mga pasyente, baka mauwi lang kami sa pag-aayos at paglilipat ng mga dokumento," kalmado kong paliwanag."Saka pamilyar na rin po ang mga pasyente kung nasaan kami ngayon. Bukod pa roon, napakahalaga rin po ng confidentiality ng patient records at confidential client information. Bilang Medical Social Workers, araw-araw po kaming humahawak ng sensitibong impormasyon gaya ng Social Case Study Reports, fin







