MasukSumapit ang gabi, at abala ang lahat sa pag-aayos ng mga kubyertos sa hapagkainan. Maingay ang tunog ng mga plato, kutsara, at tinidor na tila musika ng isang bahay na matagal nang sanay sa ritwal ng bawat gabi. Ngunit habang ang lahat ay may ginagawa, si Selena naman ay nanatili sa kanyang kwarto, nakakulong sa katahimikan at sa mga gumugulong na alaala ng nangyari kanina.
Pagkatapos ng eksena sa hardin, pinagamot ni Rafael ang sugat na natamo niya. Malamig man ang tono, may kung anong lambing na hindi niya maipaliwanag ang kamay nito habang nililinis ang sugat. Matapos iyon, mariin siyang pinagbawalan lumabas, at tila ang boses ng Don ay may bigat na hindi niya kayang tutulan.
Hindi maalis sa isip ni Selena ang mga nangyari. Paikot-ikot sa utak niya ang mga salita ni Rafael. Bakit siya nag-aalala? Bakit ganun ang mga mata niya? At bakit… bakit niya kailangang sabihin na siya lang ang dapat manakit kay Selena? Nakaramdam siya ng kilabot at pagkakagulo ng damdamin. Kung minsan, para bang may malasakit ang Don, ngunit sa isang iglap lamang ay nagiging malamig at mapanganib ito. Parang may dalawang mukha, ang isa’y nag-aalaga, ang isa nama’y tila nagtatago ng bagyong hindi niya maunawaan.
“Selena, tama na… sobra na ang pag-iisip mo,” bulong niya sa sarili, sinusubukang pakalmahin ang pusong naguguluhan.
Lumapit siya sa pinto at marahang sumilip. Nagbabakasakali siya na wala nang tao sa pasilyo. Maingat niyang hinawakan ang seradura, dahan-dahang nagbukas, at sumilip pababa. Kita niya si Manang Losing na patuloy sa paghalo ng nilulutong ulam, at si Dina naman ay abala sa paghuhugas ng plato.
Pamilyar ang mga tunog ng bahay, mga tunog na nakapag panatag sana ng loob, kung hindi lang sa nakakabigat na sigaw ng puso niya.
Dahil abala ang lahat sa ibaba, napagpasyahan niyang pumaslit pataas. Kanina pa siya curious sa ikatlong palapag, aang lugar na sinabing tanging Don Rafael lamang ang may akses, maliban na lang sa bihirang pagkakataong pinapapasok ang mga kasambahay upang maglinis. Sabi pa ni Dina, iyon ang pinakanatatanging bahagi ng mansyon—malawak, elegante, at punô ng mga alaala ng isang pamilyang matagal nang hindi buo.
Habang papalapit si Selena sa ikatlong palapag, may naririnig siyang kakaibang ingay. Parang may nabasag… bote? Kasabay nito’y may mahinang sigaw na parang nagmumula sa sinapupunan ng dilim. Kumabog ang dibdib niya. Hindi niya alam kung kanino nanggagaling ang tinig, ngunit sapat iyon para madama niyang may mali.
Nang makarating siya sa tuktok ng hagdan, mas lumakas ang ingay. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto. Umalingawngaw ang malamig na hangin mula sa loob. Napakadilim. Hindi niya makita ang paligid, kaya naghanap siya ng mapagtataguan, baka sakaling may ibang tao pa roon. Ngunit habang tumatagal ay mas lumilinaw sa kanya na ang ingay ay hindi gawa ng ibang tao, kundi ng isang taong nagdurusa.
Sa gilid, may nakita siyang glass door. Mula doon nanggagaling ang mga pag-ungol, mga sigaw, at ang tunog ng bagay na patuloy na nababasag. Nilapitan niya ito, marahang hinawakan ang malamig na hawakan at binuksan.
At doon siya nagulantang.
Kalat ang mga bote ng alak at baso sa sahig, mga durog, tumutulo pa ang alak na tila dugo ng isang alaala. At sa gitna nito, nakahandusay si Don Rafael. Lasing. Walang malay. Magulo ang buhok, namumula ang mga mata, at may bahid ng lungkot na hindi niya kayang ipaliwanag. Hindi niya inaasahang makikita ang Don sa ganoong estado, hindi ang lalaking palaging kontrolado, malamig, at matapang. Sa oras na iyon, mukha itong batang nawalan ng tahanan.
Dahan-dahang lumapit si Selena, natatakot ngunit naaawa. “Don… Rafael…?” mahinang tawag niya.
Hindi kumilos ang lalaki. Napilitan siyang igalaw ito, dahan-dahang iniangat ang ulo at inalalayan palabas sa gulo. Mahirap dahil mabigat ang katawan nito, ngunit pinilit niya hanggang maibaba niya sa couch.
Nang makahiga na ang Don, huminga si Selena nang malalim at marahang hinaplos ang malamig nitong noo. Para siyang humahawak ng isang bagay na maaaring mabasag sa kaunting galaw.
“Okay ka lang… gising ka na, Don…” bulong niya, ngunit hindi nito sinagot.
Kumuha siya ng kumot at marahang itinakip sa katawan nito, para bang inaalagaan niya ang isang taong matagal nang hindi inaalagaan ng kahit sino. Naramdaman niyang kumirot ang puso niya hindi dahil sa takot, kundi dahil sa lungkot at pagkalito.
Habang papaalis siya, hindi niya napansin ang nakakalat na basag na picture frame. Nadikitan ang paa niya ng matalim na piraso at napasigaw siya ng mahina. Yumuko siya upang pulutin ito at doon niya napansin ang larawan.
Isang masayang pamilya.
Si Don Rafael, nakangiti, isang ngiti na hindi niya pa kailanman nakita. Nandoon ang maganda nitong asawa, at ang batang lalaki sa kanilang gitna nakangiting parang araw. Mabilis sumiksik sa isip niya ang eksenang nakita niya nang minsang aksidenteng pumasok siya sa isang silid ng mansyon ang mga laruan, ang kwarto ng bata, ang lungkot sa mata ni Rafael.
Napahinto siya. May butil ng luha na tumulo sa gilid ng mata niya.
At sa mismong sandaling iyon
isang malamig na kamay ang biglang humawak sa braso niya.
Napasinghap siya. Lumingon.
At nakita niya si Rafael, bahagyang nakadilat ang mga mata, puno ng sakit, galit, at isang uri ng paghahanap na hindi niya maipaliwanag.
“Don…?” mahina niyang bulong.
Sa dilim, ang tinig nito ay halos pabulong, ngunit sapat para yumanig sa puso niya..
“Bakit… nandito ka… Selena?”
Sa bawat patak ng ulan kulog at kidlat, naroon si Selena sa may sulok ng kwarto. Hating gabi pero di parin sya makatulog sa tindi ng kanyang hinanakit at pagkalungkot dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman.Nakapulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang binti. Mahinang humahagulgol sa pag-iyak, sinabayan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan sa labas.Nang mahimasmasan na sya, naisipan nya ang mga posibleng sitwasyon nangyari sa Don kung bakit nga ba sya nagkakaganito. Napag-aralan nya kasi dati noon sa subject nilang psychology na ang behavior ng isang tao sa kasalukuyan ay posibleng impluwensya ito ng trauma sa nakaraan.Ano ba talaga ang nangyari sa kanyang kapatid? Naguguluhang isip ni Selena.“Kailangan kong makatakas dito. Hindi pwedeng manatili ako sa lugar na ito.” Sa pagkakataong ito, nabuhayan ang loob ni Selena sa planong gusto nyang makatakas sa puder ni Don Rafael.Tumayo sya, pinunasan ang namamasa nyang luha sa pisngi. Wala na syang panangga ngayon o pang prote
“Yan ang inaakala mo. Hindi mo pa lubos na kilala ang tinuturing mong ama, Selena.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon ni Don Rafael. Para silang matatalas na patalim na unti-unting hinihiwa ang loob ko, iniwan akong sugatan sa gitna ng katahimikan ng kwartong iyon. Bakit ganun ang tono niya? Bakit parang mas kilala pa niya si Dad kaysa sa akin, sariling anak? At… bakit parang may galit siyang pilit ikinukubli kapag binabanggit ang pangalan ng ama ko?Humigpit ang hawak ko sa bedsheet. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng mukha ni Daddy—ang tawa, ang mga pangaral niya, ang pag-aalaga niya sa akin na kahit papaano ay nagpatatag sa akin pagkatapos mamatay si Mom noong bata pa ako.“Daddy… may dapat ba akong malaman tungkol sa’yo?”Parang nanunukso ang katahimikan, tinatanong ako kung handa ba akong harapin ang posibilidad na ang taong kinapitan ko noon pa man ay may tinatago palang lihim na hindi ko kakayaning tanggapin.Humigop ako ng hangin, pero parang mas
“Sa t’wing umaakto ka ng ganito, Selena… mas tumitindi ang pagnanasa ko sa’yo,” bulong ko, mababa ang tono, halos punit sa pagpipigil. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko—hindi sa kaba, kundi sa apoy na kanina ko pa sinusubukang kontrolin.Nanatili siyang nakatingin sa akin, hindi gumagalaw, parang isang hayop na naipit sa sulok. Nagbukas ang kanyang labi, tila may gustong sabihin, ngunit agad niya itong binawi—parang natakot sa sariling sasabihin.“Bakit hindi ka makapagsalita?” ngumiti akong matalim, mabagal, parang sinasadyang iparamdam sa kanya ang panganib. “Natatakot ka ba, hm?”“Hindi ako natatakot sa demonyong katulad mo!” singhal niya, kahit nanginginig ang kanyang mga kamay. Kitang-kita ko ang paglalaban ng takot at tapang sa kanyang mga mata.“M-may masama ka bang binabalak sa akin, ha?” dagdag niya, nanginginig ang boses kahit pinipilit niyang maging matapang.“Ako dapat ang magtanong n’yan sa’yo, Selena,” sagot ko, nanlalam
Hindi maiwasan ni Selena’ na kabahan sa masamang balita na nanggaling sa tauhan ng Don. Batid nyang may nangyayaring hindi maganda sa loob ng hacienda, pero hindi panaman kompermado kung anong sanhi ng pagkasunog sa mga palay at kubo, marahil aksente lang ang mga ito.“Bakit po ba nasunog ang mga palayan ‘tatay Berto?” tanong ni Dina sa isa sa mga tauhan sa mansyon. “Ewan ko nga rin Dina, bigla nalang umusok ang palayan kaninang tanghali, may isang magsasakang kunaripas ng takbo papunta sa tauhan ni ng Don at nagsumbong.” pagpapaliwanag ni ‘tatay Berto kay Dina.“Tay may sasabihin ako pero wag ninyong ikalat ha!” Halos pabulong na sabi ni Dina.“Oo naman no! Mapagkakatiwalaan mo naman ako Dina.” Paniniguro ng ma'ma.“Eh kasi naman Tay, sabi ng ibang mga kasambahay dito, mayroon daw silang nakitang mesteryusong tao sa hacienda noong nakaraang araw ngunit binaliwala lang raw nila ito dahil baka bisita ng Don.” Ani'ya ni Dina.“Oh tapos?” nacu-curious na sabi ni Tay Berto. “Baka raw k
Isang panibagong umaga na naman ang bumungad kay Selena. Banayad ang haplos ng hangin, at ang mga ibong nagkakantahan ay tila bumubuo ng isang simponiyang nakakapawi ng bigat sa dibdib. Sa unang pagkakataong hindi siya nakakulong sa silid ni Don Rafael, dama niya ang kakaibang kagaanan—parang saglit na nakakalaya.Nagtatanim siya ng mga bulaklak sa gilid ng malaking hardin, dinidiligan ang mga rosas na itinanim kahapon. Pinupunasan niya ang dumi sa gilid ng paso at inaabot ang abono upang masigurong mabubuhay ang mga hinaharap niyang alaga.“Alam kong mabubuhay kayong lahat… hindi ko kayo pababayaan,” mahina ngunit masayang bulong niya.Habang inaayos ang lupa, ngumiti siyang muli. “And last but not the least, kailangan ko kayong diligan…” Ngunit agad na naputol ang kanyang ngiti. Naalala niyang wala pala siyang dalang tubig. Mabilis niyang iniikot ang paningin, naghahanap ng posibleng mapagtanungan. Naisip niya ang mga hardinerong nakita niya noong nakaraan—dahil ang mga ito’y laging
Ang halik ni Rafael ay parang apoy na dumaloy sa buong katawan ni Selena, pinapawi ang lahat ng pagtutol niya. Ang mga kamay niya ay sumampa sa likod ng leeg ni Rafael, hinila siya palapit, na para bang sinusubukan niyang lunurin ang sarili sa init na iyon. “Augh! Hmp…. aahhhh….” Bawat halinghing ni Selena ay dumadagdag ng kakaibang tensyon na pagnanasa sa loob ni Rafael.“Damn! You taste so fucking good,” Sinunggaban nya ulit ang mga labi nito — mapusok at nanggigigil na halik.Ang pader ay malamig sa likod niya, pero ang katawan ni Rafael ay nag-aapoy tila nasusunog sya sa init na hatid nito.Ang mga labi nila ay naghiwalay sandali, kapwa humihinga nang mabigat."Hindi ka dapat nandito," ulit ni Rafael, pero ang boses niya ay may bakas ng pagkalito, parang isang tao na nawawala sa sarili. Ang mga mata niya ay naglalagablab, hindi na ito malamig, kundi may apoy na gustong lumabas.Selena felt a rush of power, mixed with fear. "Hindi ako aalis," bulong niya, ang mga salita ay parang







