เข้าสู่ระบบNaghahalo ang emosyong narararamdaman ni Selena ng dumampi ang mainit na balat ni Don Rafael sa kanyang braso. Tila nasusunog sya sa palad nitong naghahatid ng kakaibang emosyon na kailanman hindi nya pa narararamdaman noon.
“Don,... a-ano kasi…. amm.. narininig ko kasing may nabasag na bote rito sa taas kaya di ko mapigilang tingnan.” Nahihiyang sabi ni Selena. Samantala si Don Rafael ay tila nakatutok lamang sa dalagang patuloy na nagsasalita. Tila wala syang naririnig sa sinasabi nito, bagkos pinagmamasdan lamang nito ang napakaamong mukha ng dalaga. “P-pasensya na kung naisturbo kita, b-babalik na ako sa baba.” Natatakot na sabi nito. “Stay…. please…. I need you.” Pagsusumamong sabi ni Don Rafael. Hindi makapaniwala si Selena sa kanyang narinig. Ang Don nagmamakaawa sa kanya? Napaka-imposible naman ata yon. “Just for tonight.” Tila isang batang nagmamakaawa ang lalaki kay Selena. Tutol sa isipan ng dalaga na samahan ang Don dito sa kwarto, alam nyang napakasama nito at gusto lang nito ay patayin sya. Pero basi sa kanyang nakikita, naaawa sya sa lalaki dahil alam nya mismo ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay, kaya kahit masama ito gagawin nya pa rin ang bagay na sa tingin nya ay tama. “How can I help you?” Pag-aanlinlangang sabi ng dalaga. Hindi nya kasi maintindihan ang sarili kung bakit gusto nya pa itong tulungan e dapat sana nga masiyahan sya dahil pagkakataon nya na sanang makatakas kung sakali. “Stay with me while I fall asleep.” Seryusong pahayag nito sa dalaga. Kahit malamig at seryuso ang boses nito, ramdam ng dalaga ang sakit at pangungulila ng bawat salitang lumalabas sa bibig nito. “Okay, just for tonight.” Pinilit ng Don na tumayo mag-isa at maglakad ngunit inalayan ito ng dalaga, hinayaan nya nalang ito at nagpatuloy maglakad sa kanyang higaan. Nahihirapan man si Selena maglakad dahil sa bigat ni Don Rafael ngunit kinaya nya ito hanggang sa nakalapit na sila sa higaan at bigla nalang ibinagsak ng Don ang kanyang katawan sa kama. Pinagmamasdan ni Selena ang lalaking inaakala nyang matapang at walang kinakakatakutan pero ng makita nya itong nakahandusay sa sahig, puno ng pawis at mamula-mulang pisngi at mata na tila kakagaling sa pag-iyak, napagtanto nyang may kahinaan rin pala ito. Sabagay tao lang naman ito at lahat ng tao sa mundo ay may kahinaan. Selena startled when Don Rafael started to unbutton his shirt. Kinabahan tuloy si Selena kung ano ang susunod na gagawin ng lalaki. “Why are you still standing there, hmm? Nababagot na sabi ng Don. “H-ha? A-ano kasi bak—” Naputol ang pagsasalita ni Selena ng bigla syang hilain ng lalaki sa kama at bumagsak sya sa matigas na dibdib ng Don. “I won't do anything bad to you—not yet.” Naaantok na sabi ni Don Rafael. Nabawasan ang kaba na nararamdaman ng dalaga dahil sa salitang binitawan ng Don, kahit may kaunting kaba, mas nangingibabaw parin ang payapang nararamdaman nya, hantid siguro ng mainit na katawang nakapulupot sa kanya. Nakahiga kasi sya sa matigas na kaliwang braso ng lalaki at ang kanang kamay nito ay nakayakap sa kanyang likuran. Taas baba ang paghinga nito, naamoy nya ang alak sa pagitan ng mainit na paghinga nito. Malakas ang kabog ng puso ni Selena, hindi nya maintindihan ang kanyang sarili. Bumabalot sa kanyang sistema ang mainit na hatid ng lalaking nakayakap sa kanya ngayon na nagbibigay ng kakaibang epekto sa kanyang katawan. Hindi nya maiwasang pagmasdan ang mukha nito, mula sa kulay chokolate nitong buhok, mahabang mga pilik-mata, matangos nitong ilong hanggang sa manipis at mamulang labi nito. Isa lang ang naiisip ni Selena — napakagwapo nito! Ito ang klasing kagwapuhan ang mga gusto nya, literal na mafia boss ang atake. “I never thought that I can see you in person.” Mahinang bulong ng dalaga sa sarili, lingid sa kaalaman nito na gising pa ang diwa ng Don. “Good night.” Inaantok nyang sabi nito at tuluyan ng nakatulog. …… “Iha, nakapag-breakfast kanaba?”Ani’ya ni Manang Losing sa dalaga. Nagmamadali kasi itong nagliligpit ng kanyang gamit para gagamitin sa pamamalengke mamaya sa merkado. “Wala pa po Manang Losing, hindi pa po ako nagugutom.” Kampanting saad ni Selena. “Kapag nagugutom ka may mga pagkain dyan sa kusina iha, at kapag may gusto kang kainin sabihan mo lang si Dina.” Dagdag nito. “Oh sya, aalis na ako iha marami pa akong bibilhin sa merkado.” Pagpapaalam nito sa dalaga. “Opo Manang Losing, mag-iingat po kayo sa byahe.” Ani’ya ng dalaga at kumaway. Nakaupo si Selena sa mahabang lamisa, dito madalas kumakain ang mga kasambahay sa hacienda. Ipinakilala pala sya ng Don na kinuha sya nito para magsilbing tagapangalaga ng hardin. Ngunit lingid sa kaalaman nila na bihag pala sya ng Don. Bumalik sa alaala nya ang nangyari kagabi, ang mga tagpo at pangyayaring hindi nya inaakalang magagawa nya iyon. Basta nalang pumasok sa kanyang isip na papayag syang samahan ang lalaki sa pagkakatulog na kailanman hindi nya pa ginagawa sa ibang tao. Ang taong pinapayagan nya lang makalapit sa kanya ng lubos ay ang kanyang ama, kahit ito naman ay napaka-istrikto pagdating sa manliligaw nya. Maraming nagkakandarapang lalaki na ligawan sya ngunit idadaan nya muna ito sa kanyang ama, at kapag pumayag ito ay susubukan nya, ngunit ni isa ay walang nagwagi sa kondisyon ng kanyang ama— at yun ay matamaan ng bala ang mga center dot na nakahandang board para tamaan ng bala. May sumubok ngunit hindi nila sapol na natamaan ang board kaya natalo sila. Kahit sya mismo ay hindi ito natatamaan sa center point kundi sa gilid lamang nito. Wala pang nakakatalo sa kanyang ama pagdating sa firing range, napakaasintado nito na kahit mismong mga heneral sa bansa ay napapabilib sa taglay na husay ng kanyang ama. Pagkagising nya kaninang umaga, naramadaman nyang may kung anong nakadagan sa kanyang katawan. Medyo mabigat ito at sobrang higpit ng pagkakayakap sa kanya, bigla syang nagulat ng maalala ang nangyari kagabi, bigla nya itong nasipa at nahulog ito sa higaan. Mabilis na bumangon si Selena at tumakbo ng mabilis palabas ng kwarto, parang mistula syang hinahabol ng aso sa tindi ng kanyang kaba at paghinga. Natatawa sya ngayon sa kanyang sarili sa katangahang ginawa nya sa Don, at ang mas malala, sinipa nya pa ito na syang ikinabagsak ng Don sa sahig. “Selena!....yari ka mamaya sa lalaking yon!” Saway nya sa kanyang sarili habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo. “Hindi ka dapat maging malambot sa lalaking yon! Patigasin mo ang iyong puso Selena, pakakatandaan mo yan.” At binalot na sya ng kahihiyan.Naghahalo ang emosyong narararamdaman ni Selena ng dumampi ang mainit na balat ni Don Rafael sa kanyang braso. Tila nasusunog sya sa palad nitong naghahatid ng kakaibang emosyon na kailanman hindi nya pa narararamdaman noon. “Don,... a-ano kasi…. amm.. narininig ko kasing may nabasag na bote rito sa taas kaya di ko mapigilang tingnan.” Nahihiyang sabi ni Selena. Samantala si Don Rafael ay tila nakatutok lamang sa dalagang patuloy na nagsasalita. Tila wala syang naririnig sa sinasabi nito, bagkos pinagmamasdan lamang nito ang napakaamong mukha ng dalaga. “P-pasensya na kung naisturbo kita, b-babalik na ako sa baba.” Natatakot na sabi nito. “Stay…. please…. I need you.” Pagsusumamong sabi ni Don Rafael. Hindi makapaniwala si Selena sa kanyang narinig. Ang Don nagmamakaawa sa kanya? Napaka-imposible naman ata yon. “Just for tonight.” Tila isang batang nagmamakaawa ang lalaki kay Selena. Tutol sa i
Sumapit ang gabi, at abala ang lahat sa pag-aayos ng mga kubyertos sa hapagkainan. Maingay ang tunog ng mga plato, kutsara, at tinidor na tila musika ng isang bahay na matagal nang sanay sa ritwal ng bawat gabi. Ngunit habang ang lahat ay may ginagawa, si Selena naman ay nanatili sa kanyang kwarto, nakakulong sa katahimikan at sa mga gumugulong na alaala ng nangyari kanina.Pagkatapos ng eksena sa hardin, pinagamot ni Rafael ang sugat na natamo niya. Malamig man ang tono, may kung anong lambing na hindi niya maipaliwanag ang kamay nito habang nililinis ang sugat. Matapos iyon, mariin siyang pinagbawalan lumabas, at tila ang boses ng Don ay may bigat na hindi niya kayang tutulan.Hindi maalis sa isip ni Selena ang mga nangyari. Paikot-ikot sa utak niya ang mga salita ni Rafael. Bakit siya nag-aalala? Bakit ganun ang mga mata niya? At bakit… bakit niya kailangang sabihin na siya lang ang dapat manakit kay Selena? Nakaramdam siya ng kilabot at pagkakagulo ng damdamin. Kung minsan, para b
Alas sais ng umaga ng magising si Don Rafael, medyo mapasarap ang kanyang tulog. Ginawa nya ang kanyang morning routine yon ay ang mag ehersesyo at tumakbo ng ilang kilometro sa hacienda Cortez. Pagkatapos nyang gawin ito ay dadaan muna ito sa kanyang paboritong lugar sa kanyang buong hacienda at yon ay ang hardin ng mga espina. Ito ang ang paborito nyang tambayan sa t’wing gusto nyang mapagisa at magmuni-muni, marami syang natatandaan ditong magagandang alala mula nong bata pa lamang sya, dito sila naglalaro ng kanyang kapatid hanggang sa pagalitan sil ng kanilang Ina dahil napakadungis ng mga ito. “ I missed you guys” Nakapikit at nakatingalang sabi no Don Rafael, dinadama nya ang ang simoy ng hangin na pakiramdam nya ay mga haplos ng yumao nyang pamilya. Habang dinadama ni Don Rafael ang simoy ng hangin, biglang pumasok sa isipan nya ang pagmumukha ng dalaga, napaka-amo ng mukha nito, at hindi nya kayang manatili sa harap nito ng matagal dahil nahihirapan sya sa pagpipigil ng kan
Alas otso ng umaga akong nagising, malakas na ang sikat ng araw sa labas kaya naalimpungatan ako. Kaninang madaling araw pagkatapos kong maligo hindi ko alintana na makakatulog ako pagkatapos, basa pa ang aking buhok at kitang-kita pa ang mga pasa sa aking mukha at braso. Bumangon ako at sinimulan ng magligpit, ng may biglang kumatok. “ Iha gising ka na ba? Gusto mo bang dalhin ko muna ang pagkain mo dito sa kwarto ng saganon makakain ka na?” “Busog pa po ako manang,” Pagdadahilan ko pero ang totoo, nagugutom na talaga ako. “ Iha alam kong nagugutom ka na, mula nong pumunta ka rito hindi kapa nakakain.” Dagdag pa niya, sa huli nagparaya nalang ako at lumabas nalang sa kwarto. Habang ako ay papababa na ng hagdan, napapansin kong tila abala ang mga kasambahay sa kusina— naghuhugas ng plato, nagluluto at ang iba naman ay nag-aarange ng mga plato.“Dina, handa na ba ang pagkain?” Biglang napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa at napadako ang kanilang mga mata kay manang at agad namang
DRUGS. GUNS. PROSTITUTION. SMUGGLING. Ito ang mga iligal na mga negosyong pinamumunuan ni Don Rafael Cortez. Sa murang edad na labing anim, sya na ang namamalakad ng mga iligal na negosyo mula nong namayapa ang kanyang ama. Si Rafael ang nagpatuloy sa tagumpay na sinimulan ng kanyang ama at ginawang Don na siyang kinikilala bilang boss sa tinatawag nilang underworld.Ang hacienda Cortez ang sikat at ang pinagkukunan ng mga produkto sa pilipinas na syang iniexport rin sa ibang bansa. Hacienda Cortez known as the most successful and progressive farm sources in the Philippines especially in Luzon, but little did they know that the hacienda hides dark secrets. Dito nakatago ang mga iligal na produktong malakas na pinagkakakitaan ng Don. He managed it expertly, ngunit sa hindi nya inaasahan ay may ahas palang nakapasok sa kanyang terituryo na syang ikinabagsak nitong nakalipas na limang taon. At ngayon na bumalik na siya, sisiguraduhin nyang mananagot ang sinumang taong may atraso sa kany
I’ve been here in the grave of my beloved father for a couple of hours now. It's been five years since my dad passed away but until now it still lingered in my mind how he died in his operation. I missed him so much — the way he took care of me, loved me and calmed me every time I'm having a hard time in my studies. He was my night and shining armor not until that incident happened, everything has fallen down.“Dad, sobrang miss na kita.” Hindi ko mapigilang mapaluha sa tuwing naaalala ko ang kahapon, kahit limang taon na ang nakalipas, presko pa rin ang sakit na aking nararamdaman sa sinapit ng aking ama.“ Kung sana nga lang nandito kapa, makakapag- bonding pa sana tayo sa firing range.” pinupunasan ko ang luhang patuloy na pumapatak sa aking pisngi, hanggang sa tuluyan ng gumaan ang aking loob. “ Dad, I have to go mukha kasing hindi lang luha ko ang papatak ng tubig pati narin siguro ang ulap, umaambon na kasi,” natatawa kong sambit. Nagmumukha narin kasi akong sira ulo dito, uma







