Pag-anyaya
"Isa pa, tumayo ka!"
Narinig kong mariin na sabi ng Senyora. Ang mga mata ko'y papikit na, ang mga braso't kamay ko ay nanghihina na. Maging ang aking buong katawan ay bumigay na.
Umiling ako. At kahit na nanghihina na ay nagsalita ako.
"S-Senyora... H-Hindi ko na po kaya..."
Hindi ko lang lubos maisip ang dahilan nang lahat ng ito. Wala akong ideya sa pinagmulan at kung papaano ba 'to nagsimula. Ang naalala ko lang ay biglaan ang lahat.
Akala ko ay magtataas pa muli ng boses ang Senyora at ipagpapatuloy muli namin ang ginagawa sa halip ay nilagpasan lang ako nito't lumakad pabalik sa loob ng kanyang tahanan.
Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa loob ay nagsalita si Senyora.
"Bukas ay ipagpapatuloy na'tin ang hindi natapos ngayon," aniya saka na nagpatuloy pumanhik sa loob.
Pawang may nag-alis na sa aking mabigat na dala-dala mula sa aking buong katawan. Hindi ko na alintana ang lupang kinahihigaan sapagkat ang aking buong lakas ay naubos na sa aming ginawa. Kahit na pagod na magmulat ang parehong mga mata, hindi nakatakas sa akin ang mahabang kahoy na kasing-tulad sa wangis ng isang espada.
Nagsimula ang lahat ng 'to n'ong bumisita ang lalaking taga-konseho. Dahil pagkaraan ng isang linggo, paunti-unti'y binibigyan ako ng Senyora ng hindi pang-karaniwang utos.
Noong unang linggo, inutusan niya akong sumalok ng tubig mula sa balon malapit lamang sa kwadra. Ipina-puno niya sa akin ang kasing-tangkad kong lalagyanan.
Paulit-ulit niya iyong ipinagawa, araw-araw. N'ung una ay labis akong nahirapan hanggang sa nasanay na ang aking katawan.
Ngunit ang akala ko'y tapos na, nagsisimula pa lang pala. Sumapit ang sunod na linggo. Ipina-ukit niya sa akin ang espadang gawa mula sa kahoy. Sa una ay wala pa akong nalalaman sa kung ano ang rason niyon hanggang sumapit muli ang ikatlong linggo.
Natapos kong gawin ang lahat na ipinapagawa niya. Ang tumakbo mula sa bayan hanggang sa kanyang tahanan, at ang mga iba pang pang-pisikalan.
Sa una'y inaakala kong gusto lamang akong pahirapan ng Senyora. Sa isip ko'y tinatanong ko ang sarili kung mayroon ba akong nagawang hindi akma sa kagustuhan niya.
Napagtanto ko na lamang n'ung naramdaman ko ang unang hampas mula sa espadang kahoy na hawak niya. Matiim ang mga mata ng Senyora na tumingin sa akin. Tagos hanggang sa kalooban ko ang talim at determinasyong matuto ako sa pinapagawa niya.
"Bumangon ka, Yonahara. Hindi nababagay sa mundong ito ang mahinang katulad mo. Kung patuloy kang magiging kaawa-awa, at kung pipiliin mong maging hangal katulad ng mga kagaya mong dukha, hindi ka nararapat na ikaw ay manatili pa rito."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Humigpit ang pagkakahawak ko sa espadang kahoy sa kamay ko. Lahat ng salita ng Senyora ay may punto't katotohanan.
"Pigilan mo ang iyong luha! Hindi ako nagpapatira sa tahanan ko ng isang mahina!"
Pumikit ako't pinigilan ang dapat pigilan. Nagmulat ako't tiningnan sa mata ang Senyora. Katulad ko'y ibinalik niya lang ang deretsong tingin. Mata sa mata.
Nagpapahinga na ako sa aking tulugan sa kwadra. Hinang-hina sa pagsasanay na ginawa buong araw. Sa ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang aming ginagawa. Nito ko lang nalaman na magaling sa paghawak sa espada ang Senyora.
Habang tinuturuan niya ako n'on kung paano humawak ng espada, ipinakita niya muna sa akin ang kanyang estilo. At nang napagmasdan ko ang pawang sining ng kanyang pag-galaw ay namangha ako. Sa kung papaano siya kumilos, sa pino ng kanyang bawat kumpas, at sa obra-maestrang inakala kong siya'y sumasayaw sa entablado.
Naroon ang pinong kilos, ngunit hindi papadaig ang liksi at talim. Na para bang sumasayaw sa paraan ng sining ngunit sa likod niyon ay ang makamandag na maaring makapag-kitil.
"Maglinis ka at magbihis, may pupuntahan tayo," iyon lang saka pumanhik sa loob ng silid ang Senyora.
Nakakapanibago. Ngayong araw ay wala kaming ginawa maliban sa paghahanda ng kanyang kasuotan at pagkain. Nangungumilahanan man ay sumunod ako.
Naghihintay na lamang akong lumabas sa kanyang silid ang Senyora. At nang siya'y lumabas, hindi ko maitago ang pagkamangha sa kanyang kasuotan. Ngayon ko lamang siya nakitaan ng ganitong itsura.
At sa gitna ng aking pananabik ay napansin ko rin ang matalim na titig niya kaya't kaagad 'kong niyuko ang ulo sa takot dahil sa kapangahasan kong tingnan ang kaanyuan niya.
Subalit hindi nagsisinungaling aking mga mata't nakita. Higit na nakakabighani ang itsura ng Senyora. At hindi nga ako nagkamali nang nakarating na kami gamit ang sinakyang karwahe sa Kapital ng Kaharian-ang kapital ng Dayura.
Taas-noo ang kanyang paglalakad, habang ako na nasa kanyang likuran ay nakayuko. Naisin ko man tingalain ang ganda at damhin ang pagkasabik sa pinaka-unang kakaibang lugar na napuntahan ko, hindi pa rin maari sapagkat sa pagkakakilanlang taglay ko.
Ang mga katulad kong alipin ay isinimbulismong habang buhay lamang na maninilbihan. Sa mata ng lahat, wala man akong gapos na kadena sa parte ng aking katawan, para sa kanilang pananaw, ang alipin ay alipin. Wala kaming karapatan na maging ma-usisa.
Maari nilang gawin ang kanilang nais gawin sa kanilang alipin. Dahil sa simula pa lang ang buhay ng alipin ay naipagbili na. Maging ang dignidad ay nakaplano nang maging kapital.
Natigil kami sa paglalakad ng Senyora. Nahinto kami sa gilid ng kalsada. Ngayon ko lang namalayan ng sandali kong i-angat ang ulo. Maraming tao, lahat ay nagtitipon, tila may hinihintay silang kapana-panabik.
Pasimpleng nilibot ng mga mata ko ang paligid. Maraming palamuti ang nakasabit sa matatayog na gusali. Naghahalo ang mga taong nasa mataas na posisyon o istado, may nasa gitnang istado, at nasa ibabang katayuan, kasama na ang mga katulad kong alipin.
Hindi naman nakaligtas sa aking pandinig ang mga maliliit na bulungan.
"Ano ba ang ginagawa niya rito?"
"Ga'yun nga, hindi ba't siya ang dating pinunong Konseho? Ano'ng ginamit niyang kapal ng mukha upang pumunta pa rito?"
"Hindi kaya... katotohanan ang mga..."
Narinig ko pa silang nagsinghapan.
"Ano pa ba ang sagot sa ating mga katanungan? Naririto siya dahil paparito rin dito ang Kamahalan."
Muling narinig ang kanilang singhapan ng marinig ang katagang may dalang kapangyarihan.
"Mapangahas!" Mahinang bulong ng isa sa kanila.
Sumulyap ako kay Senyora. Alam kong naririnig niya ang lahat ng mga bulungan. Ngunit sa halip na bigyan niya ang mga bulungang iyon ng kanyang atensyon, itinuon lamang ni Senyora ang mga mata sa harapan. Hindi pa rin siya kakikitaan ng ekspresyon.
Maya-maya'y isang malakas na ugong ang namayani sa buong kapital ng Dayura.
Matapos ay mula sa isang kawal na nababalutan ng kulay tansong baluti, ito'y madiin at malakas na nagwika, "paparating na ang Hari ng Asyruem!Bigyang pugay!"
Matapos na sabihin iyon ay siyang sabay-sabay na pagyuko't pagluhod naming lahat. Sinabayan pa iyon ng mga trumpeta't iba pang instrumento. Mula sa pagkakayuko ay sumulyap ako sa pinanggagalingan ng mga yabag, musika, at sa pinakahihintay ng lahat.
At ilang sandali lang ay mula sa maliit na anino, hanggang sa nagkaroon ng mga bulto, dumating ang isang taong nakasakay sa magarang karwahe, napapalibutan ng mga kawal. Isang taong nakaluklok sa tuktok, nire-respeto at kinatatakutan ng lahat.
Napayuko sa presensya ng isang taong kahit pa man nasusulyapan ang pisikal na wangis, mararamdaman ang nagsusumigaw at ang mabigat nitong pagkakakilanlan.
"Mabuhay ang Hari ng Asyreum!"
"Mabuhay si Haring Kaan Vastrade!"
"Mabuhay!"
Tila kapwa kami ni Senyora na hindi makasabay o makabitiw ng mga salitang nagbibigay pugay sa isang Haring nire-respeto ng lahat. Para sa akin ay labis-labis na ang aking presensya sa ganitong pagtitipon at pagbati.
Ngunit hindi ko nalalaman ang isipan o kilos ng aking sinisilbihan. Tikom lamang ang bibig at taimtim ang kanyang pagyuko.
Naramdaman ko na parating ang karwaheng lulan ang Hari. Mas naging mas malakas pa ingay sa aming gawi habang dumaraan ang karwahe at ng mga kawal na nakapalibot rito.
Subalit, ilang saglit lamang ay tila pahina nang pahina ang ingay. Hanggang ang mga naririnig ko na lamang ang singhapan ng lahat.
Huli 'kong napagtanto nang masulyapan ang isang pares na mga paa sa harapan namin ni Senyora Varrella. Ako, at ang Senyora ay parehong nagulantang sa mismong presensya na nasa aming harapan!
Ang Hari! Literal na bumaba sa kanyang magarang karwahe upang harapin kami!
"Tumayo kayong dalawa."
Nangilabot ako sa utos na boses ng haring kinalulugdan ng lahat. Hindi ako makapaniwala sa mga kaganapan. Pigil-hininga ang bawat sandali.
Lahat ay hindi inaasahan ang agresibong kilos ng Haring alam ng lahat na ito'y pino at may ma-respetong kilos.
Subalit, hindi lang ang ginawang kilos ng Hari ang nagpagulat sa lahat.
Ang Hari ng Asyruem. Ang haring nakaluklok sa pinakamataas na trono ay personal at inalahad nito ang kamay sa harap ng aking Senyorang pinagsisilbihan.
"Maari ko bang anyayahan ang dating Pinuno ng Konseho?"
Ang Estranghero Ang pakiramdam ay abot-langit na kaba at halos mahinto sa paggalaw mula sa aninong bigla na lamang sumulpot sa aking likuran. At nang makabalik ako sa sariling huwisyo'y kaagad akong kumilos palayo't hinarap ang anino. Ngunit hindi anino ang aking nakita, bagkus ay isang matipunong lalaki na nababalutan ng itim na balabal ang itsura. May mga gintong ornamento ang kanyang itim din na damit na naiilaliman ng itim na balabal na suot niya. Ipinapakitang may pagkakapareho sa mga may dugong bughaw na matataas ang pagkakakilanlan subalit mayroon ding pagkakaiba. Ang kulay tsokolateng buhok na abot hanggang balikat at mga luntiang mata nito na tila ibig akong bihagin mula sa hiwagang nasa ilalim niyon.Humakbang ito paabante, kasabay naman ang paghakbang ko ng paatras. Subalit hindi ko inaasahan nang yumukod ito't nagbigay galang. "It's an honor for me to meet you here, your Majesty. I'm truly grateful to see the presence of the Koroteya's Queen in my territory," anito sa
Anino mula sa DilimMga usok at siga mula sa nag-aapoy na kahoy, mga nagkukwentuhan, nagkakatuwaan at mga nakatingin sa sumisilip na buwan ang tumambad sa aking paningin mula sa lawang pinanggalingan.Si Calla ay kaagad akong pinauna at pinaupo sa upuang kahoy katabi ng ilang niyang kasamahan. Mula sa nag-aapoy na kahoy ay naroon ang nilulutong hapunan.Sa aking mga nakikita lahat ay simple. Ang totoo'y unang beses kong maranasan ang ganitong pagtitipon. Nasa labas ng tahanan, nagtitipon sa kailaliman ng gabi, at nag-uusap habang hinihintay maluto ang pagkain.Kahit pa ang sitwasyon at lugar ay nasa gitna pa rin ng walang kasiguraduhan, hindi ko maitatangging naging pangarap ko ito noon. At hindi ko inaasahang kahit nasa gitna pa rin ako ng pagsubok at kalituhan, kahit papaano'y masayang nasaksihan ko ang sandaling ito.Ngunit gayumpaman ay kailangan ko pa ring maging mapagmatyag, mapanuri at mag-ingat. Hindi sa lahat ng oras ay ganito lamang kaluwag ang bawat sitwasyon."Nasa malayong
Sa Ilalim ng LawaMga puno'y kay luntian. Bagay na kabaliktaran sa aking unang pagpasok ko rito sa bundok. Tubig na kay linaw, lumalagaslas kasabay ng iilang mga bulaklak at dahon na nahulog mula sa mga punong pinagmulan. At ang repleksyon ng buwan sa malinaw na lawa ay nagdaragdag ganda at nagbigay ng kalmadong pakiramdam sa gitna ng gabing walang kasiguraduhan.Hindi ko na mabilang ang ginawang pagbuntong-hininga habang nakatingala at nakatanaw sa kalangitang may pinta ng itim at ang buwan na may naghahalong kulay abo at puti na siyang sentro ng sining.Pumikit ako ng taimtim habang dinaramdam ang lamig na bumabalot sa aking kahubdan. Hanggang sa unti-unting linubog ko ang sarili sa ilalim. Hindi ko mapunto ang nararamdaman sapagkat hindi naman inaasahang ganito ang magiging sitwasyon ko.Nagsimula lang naman ang lahat ng ito sa usapan ng Hari at ng Senyora. Sunod ay mga pagsubok na kailangan kong magawa at makompleto. At habang nasa kalagitnaan ng pagsubok, hindi lang pangalan ng b
Natatago sa Huwad at KatotohananHindi ko masabi kung gaano katagal na akong naririto. Simula nang gabing iyon ay hindi lamang ang babaeng iyon ang bumisita sa mahiwagang tahanang tinutuluyan ko. May mga kadalagahan at mga kabataang sumisilip mula sa pintuan.Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang araw ang lumipas. Gamit ang hindi ko kilalang gamot at orasyong binibigkas nila sa tuwing ginagamot nila ang aking natamong malalim na sugat. Unti-unti na nga at ngayon nga'y nakaya ko nang tumayo at maglakad ng mag-isa.Hindi pa rin ako sanay sa bago kong pagkakakilanlan. Naninibago pa rin ang aking pandinig sa tuwing binabati nila ako o kapag tinatawag nila ang estadong kailanman ay hindi ko inasam. At higit sa lahat ay naguguluhan pa rin ako sa lahat nang nangyayari.Ano nga ba ang Bundok Nilayen? Ano ang mga nakatagong lihim na nakapaloob dito? Ang mga sinabi ng Senyora Valleri ay mga katotohanan nga ba o mayroon pa itong hindi nalalaman?Kung ang bundok na ito'y pinangalanan dahil
Ang Babae at Ang PagbatiMga bulong. Mahihina at tila nag-uusap ang unang nadinig. Agad akong bumangon at agad na kirot ang naramdaman mula sa aking binti. At mas kaya ng indahin kumpara kanina. Mula sa mariin na pagkakapikit ay dahan-dahang iminulat ko ang mga mata. Saka dumako sa binting kanina ay nagdurugo na ngayo'y malinis at maayos na ginamot at natatakpan ng malinis na tela.Napalingon ako sa paligid. Wala namang ibang tao kundi ako lang. Mukhang luma at abandonado na rin ang bahay na kinaroroonan ko. Gayumpaman, malinis at katulad ngayo'y maaring tirahan din ito."Hindi," agad na pigil ko sa sarili. "Hindi kaya isa na naman itong ilusyon?"Nakailang kurap ako at kinurot ko ng ilang ulit ang sarili sa pag-aakalang isa na naman ito sa ilusyon ng bundok. Napaigik na lang ako matapos sampalin ang sariling mukha. Naalala kong kahit sa ilusyon ay may nararamdaman pa rin ako kaya't kahit gawin ko pa ito'y wala rin iyong saysay. Lahat sa loob ng ilusyon ay pawang nasa katotohanan kahi
Pagbabalik sa ReyalidadKung katulad sa ilusyong pinanggalingan ay sakit ang naging katapusan. Hindi lamang niyon maihahalintulad ang pagbabalik sa reyalidad kung saan hindi lang salita ng sakit ang makakakapagpaliwanag sa mismong nararamdaman.Mula sa isang ungol ng paghihirap ang umalpas sa aking mga labi, kahirapan ng paghinga dahil sa iniindang hapdi o hindi matukoy na kung doon lamang ba sa parte ng aking katawan ang may sugat o talagang kumalat sa aking buong sistema.Malalalim at mabibigat na paghinga ang ginawa bago ako naglakas-loob na gumalaw mula sa kinasadlakan. Hindi ko na matukoy kung saan at ano ang eksaktong nararamdaman dahil sa pananakit ng buong katawan. Naipikit muli ang mga mata at tumulo ang mga luha nang kahit kaunting galaw ko'y naramdaman ko pa rin ang matinding sakit sa aking binti.Napasandal ako sa nagsasangang punong kahoy. At natanaw ko ang kadiliman. Sa gitna ng walang kasiguraduhang landas sa loob ng kagubatan. Maliban sa liwanag ng buwan na pilit sumis