Share

Take 1

"Sorry sa pag-iwan ko sayo kagabi, nakalimutan ko. Ang dami kasing pinakilala ni Mr. Angeles at sinamahan pa ni Lance." Sabay upo ni Nathan sa upuang nakalaan sakanya at sinimulan na syang make up-an.

Ramdam ko naman ang pagsisisi nya kaya ngumiti nalang ako at tinignan ang sarili sa salamin. "Ayos lang, basta ba hindi mo nakalimutan mga linya mo."

"Hindi mangyayari 'yun Sel." 

Ilang sandali pagkatapos ng aking make up ay sinabihan na kaming mag warm up lalo na sa mga highlighted scenes.

Hindi naging mahirap sa akin iyon dahil kahit noong nasa amerika pa ay kabisadong kabisado ko na ang mga linya ko para rito.

Pagkatapos ng mabilisang ensayo ay naghihintay nalang kami ng cue para sumalang sa entablado.

"Grabe hindi pa nagsisimula, andami nang bulaklak," bulalas ng kadarating lang na si Pat habang punong-puno ang kamay ng mga bulaklak.

"Sa akin lahat 'to?" hindi makapaniwala sa tanong.

"'Di naman obvious 'no ma'am? Malamang po, ano ba namang pakealam ko sa mga bulaklak at regalo ng iba eh ikaw ang alaga ko," walang hiya niyang sinabi. Oo nga naman Selene. Kaso lang ay hindi ako makapaniwala sa dami nito.

"Eh ang dami," pabulong kong sinabi.

"May mga sikat na artista na nagpadala ma'am! Taray, hindi natin inaasahan na sa paguwi mo rito ganto na ka ingay ang pangalan niyo!" dagdag niya.

Is that even a good thing? Well, this is Philippines. Theater is something old for this country. Hindi ito katulad ng mga pelikulang inaabangan at pinagpipilahan sa sinehan.

At isa pa, after the chaos I made that stained lalo na't Pilipinas 'to? This is something impossible. 

But not counting on last night's event. Ang daming tao! Iniisip ko palang ulit ay parang susumpungin na ako sa kaba!

"Well, you earned your name hija. Sa mga taon ba namang pinaghirapan mo, isama mo na din ang kalat mo kagabi," pabirong saad ni Janine. Seeing her in a good mood after that night, sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong kalat? May nangyari?" pagsulpot ni Nathan sa usapin.

Bago pa makasagot si Janine ay tinawag na kami para maghanda na.

"Anong kalat? May nangyari sayo?" si Nathan habang pumupwesto na kami.

"Shh," at ngitian ko siya.

Sa bawat pag tapak ko sa entablado, damang dama ko pa rin kung ano ang pakiramdam sa unang pagkakataon. Kung gaano kalayang maglahad ng kwentong may pinagtagpi-tagping mga emosyon.

"Magaling ka naman Selene eh," pagaalo sa akin Lulu.

Makinis at mala porselanang balat, maitim at mahaba ang buhok, kulay kayumanggi at namumungay ang mga matang nakatingin sa akin.

I messed up the audition for drama club. Pangatlong beses ko na itong subok simula pa junior high at hanggang ngayon, wala pa rin.

"May mas magaling lang sa akin Lu, yung confident na humarap sa maraming tao at yung walang diperensya," pangaalo at the same time, pang iinsulto ko rin sa sarili ko habang pinupunasan ang luhang nagbabara sa mata ko.

"Don't say that!" pagalit na untag ni Lulu sa akin at tumulong sa pagpunas ng luha ko.

That's true anyway. Sa bawat estudyanteng nakikita kong maganda ang kinalabasan ng audition, mas lalo akong namamangha. Kabaliktaran nga lang sa nararamdaman para sa sarili, awa at simpatya.

"Magaling ka! Nakikita ko yun at ikaw ang number one para sa akin ano!" nginitian nya ako habang hinahagod ang likod ko.

Okay lang naman sa akin kahit sabihin na hindi talaga maganda ang naging performance ko. Eto lang talaga si Lulu, masyadong bine-baby ang nararamdaman ko, mas lalo lang tuloy ako naiiyak.

"Wala naman sigurong kapalit iyang pagpupuri mo sa akin ano?" nginitian ko siya habang nag aayos galing sa pag-iyak.

"Wala ano! Halika na't makita ka pa ng kuya mong umiiyak dyan, mapagalitan pa tayo!" pagmamadali nya sa akin.

The image of my brother with his narrowed eyes, kita ang dilim nito dahil sa nasagap na kapalpakang nagawa ng nakababatang kapatid. I imagine horror.

Iniisip ko palang ang nangyari kanina, parang gusto ko nalang magpakain sa lupa sa mga oras na ito.

"Kumusta?" seryosong tanong ni kuya isang umaga ng biyernes pagkatapos ng nangyaring audition sa school. Nasa terasa kami para mag almusal.

Napaangat ang tingin ko sakanya, "Hindi mo napanood?" pagtataka ko dahil ang sabi niya ay papanoorin nya ako.

"Pinatawag ako para sa incoming activity ng council, naging busy ako," tugon nya habang nagrereview para sa quizbee nila.

"Hmm, I see," na lamang ang nasabi ko at tahimik na kumagat sa tinapay.

Huminga akong malalim. Hindi alam kung matutuwa ba o malulungkot. Matutuwa dahil buti naman at hindi nya napanood kung hindi ay ikakahiya niya lang ako o malulungkot dahil hindi niya ako nasaksihan sa entablado.

Parang mas ikakalungkot ko ang masasabi niya sa aking mga insulto kapag napanood niya ang kahihiyan ko kaya parang...'wag nalang.

"So ano nga ang nangyari?"

Napangiwi ako sa pagpilit nyang sabihin ko ang nangyari. "Ah, well—"

"Kuya Vince!" pareho kaming napatingin sa gawi ng pintuan papasok sa loob.

Sashaying Eisa, kapatid ni Mom na kasing edad ko lang.

 "I've been looking for you. Sasabay sana ako papuntang school, as in now na."

She's living with us since namatay na si Lolo and Lola at menor de edad pa kaya hindi pwede mag-isa sa bahay nila, kahit na paligiran ng gwardiya at kasambahay.

"Oh Ei, ang aga pa ah? Asan ang sasakyan mo?" tanong ni kuya. Ala sais y medya palang at naka ligo't bihis na sya.

"Well, nayupi yung hood ng car ko. Cris kase hindi nagiingat sa pag drive kaya dinala ko sa shop. Tsaka urgent yung pagpractice namin for fashion show, kailangan maaga andun na."

Binalingan ako ni kuya "Pero hindi pa nakakaligo si Selene. Hintayin nalang na'tin sya matapos para sabay-sabay na tayo."

Inunahan ko na si kuya dahil alam kong hindi sasang-ayon si Eisa.

"Hindi kuya ayos lang, mauna na kayo. Kailangan pang magrehearse ni Eisa at magrereview ka pa for quiz bee later."

Hindi pa nakakasagot si kuya ay agad na siyang hinila ni Eisa. "Great! Pumayag na siya kuya kaya sige na let's go!" at tuluyan nya ng nahila si kuya. 

Nakasalubong nila si Manang na papunta sa gawi ko. Kita ang mga linya sa kanya nang kulubot na noo.

"Ano nanamang kaartehan ng tiyahin mo." Kunot noo nyang baling sa dalawang papalayo nang nakalapit na siya at nilalapag ang mainit na tsokolate na para sa akin.

Nginitian ko siya. "Kumain na po kaya 'yun?"

"Aba ewan ko sakanya! Ang aga aga maglagay ng kolorete sa mukha!"

"Manang, may fashion show pa po kase 'yun. Pambato sya ng batch namin at alam nyo na gustong papanalunin ni Mommy 'yun." Nagkibit balikat ako.

"Kaya nga mas nauna pang umalis ang Mommy mo," and she sighed.

"Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit siya pa eh pwede namang ikaw." 

Sa sinabi niyang iyon, tipid ko siyang nginitian. Sa nakita niyang ngiti ko, alam niya na ang pinapahiwatig ko.

"Anak, natututunan naman ang kumpyansa sa sarili. Pag mataas ang confidence, everything follows. Tsaka 'di hamak na mas talentado ka kesa sa tiyahin mong ubod ng arte." pagrereklamo niya.

Little did they know, hindi lang kumpyansa sa sarili ang pilit kinakaharap ko.

"Kumusta nga pala ang audition mo?"concern was written on her face.

"As usual," nagkibit balikat ako, bahagyang natawa. Ngunit pagkalumo ang ibinalik niya sa akin.

"Anak..."

"Basta po huwag nyo nalang ibanggit kay Daddy o Mommy, mapapahiya lang po ulit ako," this time, I gave her a genuine smile.

Manang Tasing will always be my go-to person, aside from Lulu of course.

"Oo nga pala, iniwan ka na ng dalawa. 'Di ko ba alam dyan sa kuya mo kung bakit nagsusunod sunuran sa Eisang 'yan. Paano ka papasok? Umalis na ang sasakyan ng Mommy mo, yung dalawa iniwan ka tapos maaga din pumasok ang Daddy mo."

"Umalis na po pala si Daddy? Balak ko pa naman sakanya sumabay. 'Di bale po magba bike nalang po ako."

Kahit nagdadalawang isip sa magiging kahihinatnan, sinunod ko ang plano ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status