เข้าสู่ระบบThird Person’s Pov Lumipas ang mga araw at busy sa pag iimbestiga si Bryan at ang mga kaibigan nito tungkol sa nangyaring trahedya. Hanggang ngayon 'di pa rin nila mahanap ang taong sumasagasa kay Rhiann. Alam din nila na may taong nasalikod ng lahat ng ito. Tumulong na rin si Jake sa ginagawang pag-iimbestiga. May lead na si Jake kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito. Alam na rin niya kung sino ang taong sumasagasa kay Rhiann. Ngunit 'di niya pinaalam sa mga kaibigan lalo na kay Bryan. Dahil alam niyang huhusgahan agad nila ang taong iyon. Wala pa siyang matibay na ebidensya kaya hindi pa niya masasabi sa mga kaibigan niya ang lead ng trahedya. Matagal na ring nagdududa si Jake sa taong 'yon kaya gano'n na lang ang pagkaalam niya sa taong 'yon. Lumipas pa ang ilang araw. Nagkausap na rin si Bryan at kapatid nito. Pati mga kaibigan nila. Nagkaayos na ulit sila ngunit hindi na tulad ng dati ang trato ni Shane sa kapatid. Naintindihan naman ni Bryan ang galit ng kapatid
Third person's Pov.Nakangiti ang isang babaeng naglalakad patungo sa office ng kan’yang ama. Bakas sa kanya ang saya na animo'y nanalo sa lotto. Pagkatapos niyang masaksihan ang masaklap na nangyari kay Rhiann ay agad na itong umalis. Kinausap jito ang taong inutusan nitong sasagasa kay Rhiann. Pagkatapos niyang kausapin ang taong 'yon ay agad na siyang nagtungo sa office ng kanyang ama. Kumatok muna ito sa pinto bago pumasok sa loob.Nakita niyang nakaupo ang kanyang ama sa swivel chair. Nakatalikod ito sa kaniya at may hawak na wine glass. Agad na umupo ang babae sa sofa na nasa harap ng lamesa ng ama nito."I guess you made it." Sabi ng kanyang ama habang nakatalikod pa rin ito."Yeah, just what I've said. I told you, right?" nakangising sabi ng babae kahit na nakatalikod pa rin ang ama nito."I'm proud of you my dear daughter!" sabi ng ama nito saka humarap sa kanya ng nakangiti.Ngiting tagumpay na animo'y isang magandang bagay ang pinapagawa sa anak na nagtagumpay naman."Tha
Bryan’s Pov Habang nag-susumamo na nakatingin sa kanilang tatlo. Tinanggal nila ang gloves nila na may dugo. Napabuntong-hininga pa si Doc. Jace at seryusong tumingin sa mga magulang ng asawa ko bago nagsalita si Doc. Jane. "Grabe ang natamong pinsala sa ulo niya. At marami na ring dugo ang nawala sa kan’ya. Kahit na magaling kaming mga doctor, nahihirapan pa rin kami sa operation niya." Malungkot na sabi ni Doc. Jane. "Anong ibig mong sabihin?" nag- aalalang tanong ng papa ni Rhiann. "Dahil sa malakas na impact nang pagkakasagasa at pagtama ng ulo niya sa matigas na bagay, malaki ang damage sa ulo niya. Kaya nahihirapan kami," malungkot na sabi ni Doc Jane. "Ano ba talaga ang kalagayan ng anak ko!?" medyo galit na tanong ng Mama ni Rhiann. "Please, sabihin niyo na," nag- aalalang sabi ni Mom. Kinakabahan ako sa magiging sagot ni Doc Jane. Nanginginig na ang mga kamay ko. Gano'n din ang mga kaibigan namin. Nanginginig na naghihintay sa sagot ng Doctor. "Kahit nahihirap
Bryan’s Pov *Hospital* Pagdating namin sa hospital agad na akong tumakbo papasok saka nagmamadaling inaasikaso ng mga doctor si Rhiann. Nasa operating room siya dinala. Nakatanggap pa ako nang malakas na sampal mula sa isang doctor na babae habang umiiyak nang makita ang kalagayan ni Rhiann. Tinawagan ko na rin ang mga magulang ni Rhiann. Tinawagan naman ni Shane ang mga magulang namin. Halos kada minuto na akong nagdadasal at pabalik-balik sa praying room. Gano'n din ang mga kaibigan namin. This is my fault. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. "This is my fault!!" Galit na sigaw ko habang pinagsusuntok ang bubong. "Buti alam mong gago ka!?" galit na sabi ni Jake. Susugurin niya sana ako nang pigilan siya nina Tob at Tom. Naintindihan ko siya kung bakit galit na galit siya sa 'kin. "Tumigil nga kayo!?" Galit na sigaw ni Tob. "Hindi kayo nakakatulong!" sita pa ni Kevin. "'Yang gagong 'yan! Kasalanan niya lahat ng 'to!?" galit na sigaw
Bryan’s PovPakiramdam ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras. Nanlulumo akong nakatingin kay Rhiann. Para akong kinapusan ng hininga at halos 'di makagalaw sa tinatayuan ko nang makitang tumalsik siya at humarurot ang sasakyan paalis.Parang gumuho ang mundo ko nang makitang nakahandusay na siya sa kalsada. Agad akong tumakbo at lumapit sa kan’ya. Narinig ko ang mga sigaw at iyak ng mga kaibigan namin. Nakasunod na pala sila sa akin."Rhiann!!" Sigaw ko nang makalapit sa kaniya.Nanginginig ang mga kamay ko nang unti-unti ko siyang hawakan. Pakiramdam ko namanhid ang buong pagkagao ko. Ni hindi ko man lang namalayan ang sunod-sunod na pagbuhos ng mga luha ko.“Rhiann…” halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko.Tulirong-tuliro ako at hindi ako makapag isip ng tama. Hindi k oalam kung ano ang una kong gagawin. Hanggang sa niyakap ko siya, nanginginig at puno ng kaba. Patuloy na pumapatak ang mga luha ko habang yakap-yakap ko siya.Duguan siya at hindi makagalaw. I shook my head, l
Bryan's Pov.Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Parang binagsakan ako ng langit sa bawat katagang lumalabas sa bibig ng asawa ko. Simula pa lang wala pala siyang kasalanan. Bagay na lagi kong pinagtutulakan at sinisi sa kan’ya. I was such a stupid jerk for blaming and hurting her.All this time mali lahat ng inakala ko. Worst, nasaktan ko pa siya not only emotionally but also physically.Napaka-gago ko talaga. Tama ang mga kaibigan ko, tama ang kapatid ko na isa akong malaking gago. Dahil sinaktan ko ang taong nagsalba sa kompanya namin. Nasaktan ko ang taong inalagaan ako nang mabuti. Nasaktan ko ang taong totoong nagmamahal sa 'kin ng sobra.Higit sa lahat…Nasaktan ko ang taong 'di ko inakalang mamahalin ko.Oo. Mahal ko na siya. Kahit nung bago pa bumalik si Athena. Mas lalo kong naramdamang may pagtingin na ako sa kan’ya at lumalim pa magmula nang bumalik si Athena.No'ng time na binalaan kong layuan niya si Jake.At no'ng mga panahong nasa Tagaytay pa kami.Totoo l
Rhiann’s PovPasado alas-tres na ng hapon at nandito kami ngayon nila Shane at Aya sa gilid ng dagat. Naglakad-lakad lang kami habang masayang nagkwekwentuhan.May pinuntahan naman sila Bryan, Tob, Tom at Jake kaya kami naman ay namamasyal. 'Di ko alam kung bakit magkakasama ang mga 'yon. Mukhang a
Rhiann’s Pov"Akala mo ba hindi ko nakita 'yon?" anas niya, nakataas ang kilay.Ano na naman ang pinuputok ng butsi niya?"Ano naman ba ang problema mo?" tanong ko at 'di ko pinansin ang sinabi niya."Ikaw! Ikaw ang problema ko! Gusto ko lang sabihin sa'yo na 'wag kang magpakasaya na sinubuan ka ni
Rhiann's Pov.Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong nakatingin sa 'kin. Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa paligid. Napakunot ang noo ko, nagtatakang nakatingin sa paligid.Teka, ba't nandito ako sa tent ko? 'Di ba nasa labas naman ako kanina nakasandal sa puno?"Buti gising ka na,
Aya's Pov. Nagpapahinga kami ngayon dahil sa pagod namin sa paghahanap ng flags sa gubat for the first activity namin. Grabe ang hirap no'n kasi sa gubat pa talaga itinayo ang mga maliliit na flags. Pero na challenge rin naman kami kahit papa'no. Worth it din naman kasi kami ang nanalo sa unang







