She Ran Away with His Hidden Heir

She Ran Away with His Hidden Heir

last updateHuling Na-update : 2026-09-06
By:  SenyoritaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
11 Mga Ratings. 11 Rebyu
41Mga Kabanata
1.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Noong araw na nalaman ni Serena Valencia na buntis siya, iyon din ang araw na nakita niyang yakap ng kaniyang billionaire husband ang ibang buntis na babae. Hindi siya humingi ng paliwanag. Tahimik siyang umalis ng Isla Verde, dala ang lihim na hindi kailanman nalaman ng asawa niya, ang tunay nitong tagapagmana. Limang taon ang lumipas, bumalik siya sa isla na matagal na niyang nilayuan. At muling nagtagpo ang landas nila ng bilyonaryo niyang asawa. Sa isang isla kung saan ang kapangyarihan ay mas mahalaga kaysa pag-ibig, hindi lang ang puso niya ang gustong bawiin ng dating asawa kundi pati ang anak na hindi nito alam na mayroon siya.

view more

Kabanata 1

Prologue

"I'll protect you." Malalim ang boses ni Kael Villafuerte. "Hindi kita hahayaang harapin ito nang mag-isa."

Parang huminto ang mundo ni Serena Valencia.

Nakatayo siya sa labas ng bahagyang nakabukas na p***o ng private consultation room, naninigas ang buong katawan habang nakatitig sa eksenang nasa harapan niya.

Ang lalaking pinakasalan niya dalawang taon na ang nakalipas… Ang lalaking ipinangakong siya lang ang mamahalin habambuhay… Ay mahigpit na yakap ang isang buntis na babae.

Dahan-dahang pumatak ang isang luha sa pisngi niya. Pakiramdam niya, unti-unting nawawalan ng hangin ang mga baga niya.

Hindi niya marinig ang pintig ng sariling puso. Hindi niya maramdaman ang nanginginig niyang mga kamay.

Ang malinaw lang sa kaniya ay ang mga bisig ni Kael na mahigpit na nakapalibot sa ibang babae.

Napayuko siya.

Mahigpit niyang hinawakan ang puting envelope na kanina pa niya yakap. Isang ultrasound photo ang laman ng envelope na yon at tatlong pregnancy tests.

At isang balitang buong umaga niyang pinangarap sabihin sa asawa.

Buntis din siya sa anak ni Kael.

Napapikit siya. Kanina lamang ay iniisip pa niya kung paano niya sasabihin sa asawa ang pinakamasayang balita ng buhay nila.

Ngayon, hindi na niya alam kung may saysay pa ba iyon.

"Trust me. I'll fix everything." Marahang hinaplos nito ang buhok ng babae. "You don't have to cry anymore."

Pakiramdam ni Serena ay may humigpit na kamay sa leeg niya kaya nahihirapan siyang huminga. Sumisikip ang dibdib niya pero ayaw naman lumabas ng mga luha. At kahit gaano kasakit ang nakikita niya ngayong eksena, pero hindi niya magawang magsalita para magalit sa asawa niya.

Ang tanging naririnig niya ay ang unti-unting pagguho ng lahat ng pangarap na binuo nila.

Nakakaputangina!

Mahigpit niyang niyakap ang puting envelope na hawak. Nanginginig ang mga daliri niya.

Kanina lang ay halos hindi siya mapakali sa sobrang saya. Tatlong beses pa niyang sinigurado ang resulta. Tatlong pregnancy tests pa ang ginamit niya. At ang ultrasound request na ilang minuto pa lang niyang nakuha mula sa doktor.

Buntis siya. Magiging ama na si Kael.

Paulit-ulit niyang inisip kung paano ito sasabihin. Bibili ba siya ng maliit na sapatos? Maghahanda ba siya ng candlelight dinner? O ibibigay na lang niya ang pregnancy test habang nagkakape sila mamayang gabi?

Nakangiti pa siya habang papunta rito. Pero hindi niya akalaing sa araw ding iyon ay mamamatay ang lahat ng dahilan para ngumiti siya.

Isang mahinang hikbi ang kumawala sa kaniyang labi pero agad niya iyong tinakpan. Ayaw niyang marinig siya. Ayaw niyang malaman ni Kael na naroon siya dahil kung malinaw ang nakita ng mga mata niya, ano pa ang silbi ng paliwanag?

Unti-unti siyang umatras. Ngunit sa pagmamadali, nadulas ang envelope sa kaniyang kamay.

Kasabay ng mahinang tunog nito sa sahig ay ang pagkalaglag ng isang maliit na picture. Ang ultrasound request na laman ng envelope. Kasunod nito ang tatlong pregnancy test.

Napayuko siya. Matagal niya lang iyong tinitigan. Parang may kung anong bumabara sa lalamunan niya. Marahan niyang pinulot ang mga iyon at isa-isang inayos.

Pinunasan ang bahagyang lukot na papel. Pagkatapos ay idinikit sa kaniyang dibdib nang mahigpit.

Parang iyon na lang ang natitirang dahilan para manatili siyang matatag.

Tumalikod siya at hindi na siya lumingon. Hindi na rin niya hinintay na makita siya ng asawa.

Sa bawat hakbang palabas ng medical center, pakiramdam niya ay may naiiwang bahagi ng puso niya sa loob ng silid na iyon. Hindi niya namalayang bumubuhos na ang ulan sa labas.

Wala siyang dalang payong pero wala siyang pakialam. Hinayaan niyang mabasa ang buong katawan niya habang tahimik na naglalakad palabas ng Verde Medical Center.

Kasabay ng ulan ang walang tigil na pagpatak ng kaniyang mga luha. At sa unang pagkakataon mula nang makilala niya si Kael, gumawa siya ng desisyong babago sa buhay nilang dalawa.

Hindi niya sasabihin ang tungkol sa anak nila. Hindi na kailanman dahil kung kaya nitong yakapin ang ibang babae habang dinadala nito ang anak ng iba ay wala nang lugar sa buhay nito ang anak na dinadala niya.

Kahit pa ang batang iyon ang tunay na tagapagmana ng pamilyang Villafuerte.

Sa gabing iyon, isang babae ang nawala sa Isla Verde. Ilalayo niya ang anak niya sa islang to!

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


RebyuMore

marupok
marupok
nice. recommended
2026-09-18 14:23:32
1
0
Senyorita
Senyorita
Sep. 18, 2026 Small banner <3
2026-09-18 06:00:38
1
0
Red Angel1221
Red Angel1221
Recommended
2026-08-31 00:03:09
0
0
Athena Beatrice
Athena Beatrice
Recommended.
2026-08-15 14:27:43
0
0
jayjay
jayjay
highly recommended
2026-08-13 17:46:15
0
0
41 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status