Inihahabilin ni Prim ang kanyang mga anak sa kanyang Tita Joy dahil may dadaluhan siyang Flower Arrangement Competition na isinagawa mismo ng kanyang kompanya sa ibang bansa upang i-promote ang Eufloria.
Dumiretso siya sa school ng kanyang mga anak upang sunduin ang mga ito.
Sa kabila ng pagiging abala ni Prim sa kanyang trabaho, hindi niya kinakalimutan ang kanyang responsibilidad sa mga anak. Kahit na nagkakaroon siya ng business trip sa ibang bansa, sinisikap niyang makadalo pa rin sa mga school activities ng mga ito. Mahalaga ang presensiya niya kahit minsan ay patapos na rin ang palatuntunan.
“Hindi ka ba natatakot na isang araw ay bigla kang tanungin ng mga anak mo kung sino ang tatay nila?”
Matagal na panahon na rin at iyon lang din ang paulit-ulit na inuusisa ng kanyang tita. Kinamatayan na nga ng kanyang Lola Matilda ang sama ng loob dahil sa nangyari sa kanya.
Nagtaka ang lahat ng ilang araw na itong hindi pumapasok sa flower shop. Magkagayunman ay abala itong tanggapin ang mga online orders kaya alam ni Prim na patuloy pa ring umoorder si Mr. Aragorn ng bulaklak para kay Ms. Copper.
Lahat ay nagulat ng kumpirmahin nito ang kanyang pagdadalantao. January na noon ng malaman niyang buntis kaagad siya. Hindi rin makapaniwala ni Prim. Napatanong siya kumbakit ambilis niyang nabuntis.
“Walang single-parent sa pamilya natin. Kung sakali ay ikaw ang kauna-unahan sa pamilya ng mga Rivera,” naaalala niyang sabi ng kanyang Lola Matilda.
Lalong nagngitngit ang kalooban ni Prim ng sabihin niya ang pagbubuntis sa kanyang ina. Halos gumuho ang mundo niya ng sabihing magpalaglag na lang siya dahil dugo pa naman daw ito at wala pang buhay. Kinilabutan si Prim at ibinaba kaagad ang tawag.
“No, stay with me.” Hinimas niya ang maliit na umbok ng kanyang puson. “Mommy will love and keep you,” paniniguro niya.
Simula noon ay hindi na niya kinausap ang ina. Nagpapadala na lang siya ng pera bilang suporta sa kanyang naging kalagayan. Ngunit nang manganak siya at napabiyahe ang mag-asawa pabalik ng Pilipinas upang makita ang mga apo nila. Ang kanyang ina ang siya pang tuwang – tuwa.
“Paano mo palalakihin ang mga bata? Tatlo sila?” nag-aalalang tanong ng ina. Hindi niya tinitingnan ang ina. “Alam ba ng lalaking iyon ang tungkol sa mga bata?” Umiling si Prim. Wala siyang planong sabihin.
Sabay-sabay na naglakihan ang mga bata at sila ang madalas na nakakausap nito sa video chat. Ilang taon na rin na niyayaya silang apat na magtungo sa Japan upang makapagbakasyon.
Ngunit hindi lang siya pumapayag. “Saka na lang po,” iyon ang palagi niyang sagot sa ina.
“Pasensiya ka na sa mga nasabi ko noon. Nag-alala lang ako sa iyo. Ayokong masira ang buhay mo. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari sa iyo at kumbakit ganyan ang naging desisyon mo. Sana mapatawad mo si Mama. Sorry, Prim Rose.” Mensahe ng ina sa kanya. Alam ng ina na malaki ang tampo nito dahil sa mga sinabi niya.
Hindi rin kasi siya humaharap sa ina sa matagal na panahon.
Kung tutuusin, muntik nang maging single parent ang kanyang ina ngunit nakapangasawa pa rin naman daw siya. Primo ang tunay na pangalan ng kanyang ama. Rosario naman ang kanyang ina kaya Prim Rose ang ipinangalan sa kanya.
Nakilala ng kanyang ina si Toshihiro Watanabe ng mag-exchange student ito sa Japan. Nakipaghiwalay ang ina sa kanyang tunay na ama dahil sa pagiging seloso nito kahit kasal naman sila sa simbahan. Nang sabihin ng ina ang tungkol sa kanya sa Hapon na kinakasama niya ay willing naman daw siyang ampunin nito. Kaya Watanabe ang kanyang apelyido.
Hindi naman iyon pinagsisihan ni Prim lalo na ng malaman niyang nagdadalantao siya at tatlo pa sila. Tikom pa rin ang bibig niya sa pangyayari. Wala siyang takot na hinarap ang buhay kasama ng kanyang tatlong anak.
“Hindi ka ba mag-aasawa?” Minsan ay seryoso siyang tinanong ni Fernan.
Si Fernan, ang dakila niyang alalay slash replacement sa flower shop. Siya ang pansamantalang nagpupunta rito upang tingnan ang buong operasyon sa flower shop. Sina Bella at Rey ay marunong nang magdesisyon sa mga maliliit na bagay. Pagkaminsan ay tatawag pa rin kay Prim upang ikonsulta pa rin tungkol sa ilang bagay na hindi nila kayang desisyunan.
Si Fernan kasi ang nagdi-deliver ng mga pumpon ng rosas sa flower shop at kalaunan ay naisip niyang makisosyo na rin. Business partner silang dalawa. Naging matalik silang magkaibigan.
“Hay naku, Fernan. Sakit ng ulo lang ‘yan,” sabi nito.
“Hindi nga! Kailan naman ako naging sakit ng ulo?”
“Hindi naman ikaw ang sinasabi ko eh. Sabi ko, sakit lang sa ulo ang pag-aasawa. Nakikinig ka ba sa akin?”
“Why not trust me?”
At tatahimik na si Prim. Alam na niya ang kasunod noon.
Kababata niya si Ferdinand sa probinsiya. Sa sobrang pagiging loyal nito ay sinundan talaga siya sa Manila. Nang malaman niya ang naging kalagayan nito, siya na rin ang halos tumayong ama ng mga bata. Siya ang naisasama niya sa mga naging check-up nila sa pedia at madalas silang mapagkamalang mag-asawa.
“Alam mo, wala talaga akong balak mag-asawa. Pero balak ko lang magkaroon ng anak.”
“Bakit naman? May magmamahal pa naman sa iyo kahit ganyan ang naging kalagayan mo. Tulad ko.”
“Well, no man has even caught my interest. Siguro, ganoon lang talaga!” Kumibit-balikat ang dalaga.
“So, ibig sabihin, hindi mo pa talaga siya nakikita? Hindi mo ba nakikita na ako ang destiny mo?” Nagpa-cute pa ang binata sa harap niya.
“Alam mo, Fernan…” At tinitigan siya ng binata. Tinapik pa niya ito sa balikat.
“Yes, Prim Rose my love! Listen to me first. Huwag kang magsalita ng tapos. Minsan, dumarating ang tunay na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. Tandaan mo, walang aksidente sa mundo. May dahilan ang mga bagay-bagay.”
That’s a very classic saying and it is always proven and tested.
Inilapit ni Prim ang kanyang mukha sa lalaki. Hindi ito kumilos ngunit halatang abut-abot ang kaba nito at bigla siyang napalunok. “Maging writer ka na lang kaya baka kumita ka pa,” lakas ng tawa ni Prim. Fernan is expecting something else. Napakamot na lang siya ng ulo kasi wala siyang mapapala sa pangungulit kay Prim.
Matalas din ang dila nito at may pagkataklesa pa. May point naman ngunit minsan ay baluktot pa rin ang katwiran. Parang maraming hugot sa buhay.
Malaking biyaya sa kanya ang tatlong bata. Sa katunayan, para sa kanya, ang triplets ang nagdala ng malaking suwerte sa buhay niya.
Education ang tinapos ni Prim ngunit dahil nahilig sa kanyang paghahalaman at sa pag-aayos ng bulaklak ay naengganyo siya ng lola na kumuha ng Certificate in Floriculture Technology.
Nagdalawang -isip pa siya noong una kung itutuloy ba ang plano sa Flower shop dahil hindi naman ugali ng mga kalalakihang Pilipino ang mamigay ng bulaklak. Gumamela lang ng kapitbahay ay okay na. Walang flower arrangement iyon at freshly picked pa. Paulit-ulit din ang kuwento ng kanyang lola.
Ngunit mabilis magbago ang panahon upang maimpluwensiyahan ang mga tao. Marami ng puwedeng magpakilig sa mga kababaihan ngayon kasama na dito ang pagbibigay ng bulaklak.
Lahat naman ng ideya ni Prim ay galing din sa kanyang mga gusto sanang mangyari sa buhay. Idinadaan nila sa creativity ang lahat. Nagmi-meeting sila kung paano pa mapapahanga ang kanilang mga customers.
Pagod na rin ang mga bata pagdating nila sa bahay. Sinalubong sila ng kasambahay at nilapitan sila ng kanyang tita. Nagmano ang tatlong bata kahit medyo lulugu-lugo na ang mga ito.
“Brush your teeth and change your clothes." Kanya-kanyang pasok sa kuwarto ang tatlo. Iniakyat din ng kasambahay ang mga gamit nila.
Matatalino naman ang mga anak ni Prim. Mababait at masunurin silang lahat. Hindi siya nagkaroon ng anumang problema sa school. Marami ang pumupuri sa kanilang academic achievements. Curious din sila kumbakit wala siyang asawa. Ang akala nga ng iba ay nabiyuda siya ng maaga.
Alam niya na magtatanong ang mga ito sa kanilang ama. Balang araw, tiyak na hindi nito maiiwasan na sabihin ang totoo.
Ngunit ang sasabihin lang niya ay ganito... “One night, there was a boy who is standing inside my flower shop, all wet and accidentally met a girl like me.” Kahit na ang totoo ay wala naman talagang aksidente sa mundo. Hindi aksidente ang pagtatagpo nila ng gabing iyon. Hindi aksidente na nagkaroon siya ng anak na triplets.
Marami lang talagang kababalaghan ang mundo na hindi mauunawaan ng kahit na sino. May mga bagay na kailangang manatiling misteryo ngunit hindi ang tungkol sa kanilang ama.
Ang triplets ang inspirasyon niya sa buhay at ang dahilan kumbakit kailangan niyang mag-triple-kayod. Kontento na siyang kasama ang mga bata ng hindi niya inisip na may magiging kulang sa kanila pagdating ng araw dahil hindi nila kilala ang tunay na ama.
Ang tatlong bata ay sapat na.
Tahimik na nagmaneho si Matthew. Wala ring imik si Dea dahil pagod din ito at wala na siya sa mood para makipag-usap. Sa matagal na panahon ay halos kilala na niya ang ugali nito. Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya ito. To nurture your marriage, you have to float in love several times, seventy times seven pa nga dapat sa asawa. Ngunit sa tuwing titingnan niya ang asawa, nararamdaman niyang may kulang. “Honey, why don’t we go for a honeymoon? What do you think?” Hinawakan nito ang kamay ng asawa at hinalikan. Nakapikit pa ang asawa habang nakasandal sa front seat. “There you are again. How many honeymoons are we going to do when we only married once in our life? Nakakita ka lang ng bata, ako na naman ang binabalingan mo. Matris lang ba ang mahal mo sa akin?” paangil na sabi nito at hinila niya ang kamay sa asawa at saka humalukipkip. Iyon palagi ang linya ni Dea pero hindi niya naiisip na
Maagang gumising si Matthew upang pumasok sa opisina. Tulog na tulog pa ang kanyang asawa. Hinalikan niya ito at binulungan ngunit wala itong reaksyon. Kontento pa rin naman siya sa kanyang nakikita. Maraming lalaki ang inggit na inggit sa kanya dahil siya ang pinalad na mapangasawa ang isang tulad ni Judea ngunit iyon ang akala nila. Hindi nila alam kung gaano sumasakit ang ulo niya dahil sa ginagawa ng asawa. Tumunog ang kanyang cellphone. "Hello, kumusta? About tonight? Sige, I’ll meet you there,” tugon nito kay Noah Madrigal na isa ring successful businessman. Nakakatuwa ang kanyang kaibigan dahil napangasawa nito ang caregiver ng kanyang Lola Natalia. Malapit silang magkaibigan ni Noah. Sa kanya humingi ng payo ang lalaki kung ano ang gagawin. Napasubo kasi sa isang arranged marriage ang kaibigan dahil sa huling kahilingan ng kanyang lola na mamamatay na. Walang masama dahil dalaga naman
Hindi na nakapagpigil si Matthew sa kanilang sitwasyon ni Dea. Madaling araw na itong dumating. Madilim sa sala ng pumasok siya sa loob ng kabahayan. Kitang kita ni Matthew kung paano tinanggal ng asawa ang kanyang mataas na takong habang humawak ng mabuti sa knob ng pinto dahil sa kanyang kalasingan. Pagbukas ng ilaw ay gulat na gulat siya ng makita si Matthew na nakaupo sa single sopa chair at nakasalumbaba. Mulat na mulat ang mata at titig na titig sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang baso ng alak. “Lasing na lasing ka ah!” Halatang pasuray-suray itong maglakad ng lumapit sa kanya. Yumuko ang babae. “Sweetheart!” Hahalik pa sana ang babae ngunit umiwas si Matthew. ”Adelle and the rest of the company went to Manila Yacht Club. We have never been there. Can we stay there for a weekend vacation, Honey?” Hinila niya ang babae at pinaupo sa long sopa. “Ouch! Ano ba?” “I don’t care where yo
Bandang alas diyes ng umaga gumising si Dea. Balewala sa kanya ang nangyari ng nagdaang gabi. Hindi niya kailangang ma-guilty. Alam niya kung paano mapapaamo ang lalaki. Kaya niya itong paglaruan sa kanyang mga palad. Alam niyang si Matthew pa rin ang magso-sorry at hahabol sa kanya. Hindi niya kailangang mag-alala. “Anong oras umalis ang Sir Matthew mo?” “Maaga po, tulad ng dati,” nangingiming sagot ni Madame Paulita, siya ang cook sa bahay na iyon. “Heto na po ang almusal.” Steemed rice and sunny side up ngunit nakasimangot siyang tumingin sa matanda. “Almusal ba ito? Pakakainin mo ako ng ganito? Ipagluto mo ako ng iba. Allergic ako sa eggs.” Mabilis na kumilos ang mga kasambahay. Maging ang matanda at nataranta. Hindi naman kasi nito ugaling mag-almusal. More on bread and fruits lang siya. Moody rin siyang mag-almusal. Picky sa pagkain kaya hindi madaling tandaan kun
Late nang nakauwi si Prim sa bahay nila. Nagmamadali pa siya. Tulog na ang mga bata pagdating niya. Nagising ang kanyang Tita Joy na nagbukas ng pinto para sa kanya. “Mano po!” “Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka na ba, Prim?” “Yes, Tita. Kumusta po ang mga bata? Pasensiya na po kasi hindi kaagad ako nakaalis sa store kanina.” Maraming customer sa Hallyu Tower Mall. Dito palaging nagkakaroon ng mahabang pila sa labas. “Okay naman sila. Sabihan mo pala ang anak mo, si Matthias. Medyo napagsabihan yata ni Fernan kanina dahil nadatnan niya ito na may kausap habang naghihintay ng sundo. Masyado kasing palakaibigan itong anak mo sa mga may edad.” “Thank you po, Tita. Bukas na lang po.” Dahan-dahang umakyat ng pangalawang palapag si Prim. Kulay pink na pinto ang kanyang binuksan, ang kuwarto ni Thea. Natutuwa siya dahil napaka-active
Matagal na panahong sinusuyo si Prim ng lalaki ngunit hindi niya alam kumbakit walang spark pagdating kay Fernan. Guwapong lalaki si Fernan kahit magsuot siya ng pang magsasaka sa kanyang bukid, lulutang pa rin ang kanyang kakisigan. Kahit ipagtulakan siya ng kanyang tita Joy ay hindi niya magawang sumunod. Kung lola Matilda nga niya ay walang nagawa, ngayon pa kaya na okay naman siya sa loob ng sampung taon. Naalala niyang tanong ni Fernan. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Madalas niyang palipad-hangin. Lahat naman ay idinadaan ni Prim sa biro. Ayaw lang niyang masaktan ang binata kaya sinasakyan niya ang trip nito. Gaano man katotoo ang mga ito sa loob niya. “Ano bang tanong mo?” “Kailan mo nga ako sasagutin?” “Nang ano ba? Sasagutin ng ano?” “Anglabo mo kasing kausap…” &nb
Sa katapat lang na kainan ay hindi nila pansin ang mga matang kanina pang inggit na inggit sa kanilang kasiyahan. Matamang nagmamatyag, seryosong nakatingin sa gawi nila at saka nilagok ang alak na nasa baso. Napailing siya habang nakikita ang tatlong bata. Tinitigang mabuti si Prim sa di-kalayuan. Nilaro ng kanyang daliri ang baso ngunit ini-imagine na labi ng babae ang pinaglalaruan nito. Bigla siyang napayuko at itinago ang pagngiti nito ng mag-isa. Bakit niya muling nakita ang babaeng iyon? Napayukong muli si Matthew at umiling, basta’t ang alam lang niya, ang ngiting iyon… ang ngiti ng babaing nakasama niya ng isang gabi. Sigurado siya na si Miss PRW iyon. “Miss PRW, you are making me crazy! Just tell me who you are,” sabi niya sa sarili. “You are making me look like a fool!” Mahigpit niyang hinawakan ang baso. “You can’t escape from me this t
Walang nagawa si Prim. Pinagbigyan niya si Fernan na lumabas silang dalawa. Pinaghandaan naman niya ang kanyang pakikipag-date rito kahit medyo hindi palagay ang kanyang kalooban. Mabilis na dumating ang araw ng Linggo at ipinaalala ni Fernan ang date nila. “I’ll fetch you at around 6PM,” text message nito kay Prim, habang tumitingin ng isusuot para sa kanyang pag-alis. “Balita ko ay may date kayo ni Fernan,” usisa ng tita habang nasa kuwarto nito at dala ang hamper ng mga bagong labang damit. “Nai-chika po ba sa inyo ng mga bata?” Madalas si Matthias lang naman ang madaldal sa kanila at dakilang storyteller talaga. “Alam mo naman si Matthias. May maitatago ka pa ba sa bibig ng anak mo?” “Ewan ko po ba doon at kung anong naisip. Nagpapasamang kumain sa labas.” Maagang naghanda sa sarili si Prim. Ayaw niyang paghintayin si F