/ Romance / The Estranged Kids of Mr. CEO / Chapter 2: A SMALL WORLD

공유

Chapter 2: A SMALL WORLD

작가: Bb.Taklesa
last update 최신 업데이트: 2021-11-21 21:04:32

Hindi ipinahalata ni Prim ang kaba habang kumakain ang tatlo niyang anak. Tahimik na bumalik si Thea sa tabi niya at tinapos ang kanyang kinakain.

“Who’s that man? Where did you meet him?” tanong niya pagkaupo ng anak.

“Ah, he is Mr. Matthew Aragorn, Mommy. He is sponsoring the Scholarship Program in Trinity High.” At nakikinabang ang kanyang anak sa Scholarship na iyon dahil matalino ang anak niya.

“Who’s that beside her?” tanong niya habang sumusubo ng pagkain.

“I think, that the famous model Judea Cooper. She is so pretty,” pabulong na tugon ng anak. “His wife…”

“Oh, his wife. That’s good!” Tumango-tango siya.

Tiningnan ni Prim ang mga anak. Hinaplos niya ang ulo ni Matthias at ngumiti lang ito sa kanya. Itinuloy ang pagkain niya. Unang lumabas si Thea through caesarian section, sumunod si Teo at si Matthias ang pinakahuling lumabas kaya parang ang liit niya. Nginitian rin niya si Mateo.

“Why Mommy?” tanong nito. Umiling siya at nilinis ang labi nito.

“Just eat, Anak. You like some more pepperoni?” Saka nilagyan pa ang paper plate nito.

Tumingin si Prim sa gawing kanan niya at halos paubos na rin ang pagkain ni Thea. Iniinom na lang nito ang kanyang orange juice. Pepperoni flavor lang ang madalas nilang orderin dahil iyon ang paborito nila.

Hinagod nito ang likod ng anak. Gusto sana niyang makalabas sila ng mas madalas lalo na pagkatapos ng klase at libre na rin siya sa trabaho.

Tiningnan niya ang mga ito. Ambilis nilang lumaki.

Pagkatapos kumain ay kumaway pa silang lahat sa kinauupuan ni Mr. Aragorn.

“Goodbye, Mr. Aragorn!” sabay-sabay nilang sabi at saka sila lumabas sa mas malapit na exit.

Hindi na tinapunan ng pansin ni Prim ang lalaki. Halos kaladkarin niya ang mga anak palabas kaagad ng SNR.

“Ah, that Mr.Aragorn is such an eavesdropper,” sabi ni Matthias, pagkalabas nito.

“Why did you say that? He is a good man,” pagtatanggol ni Thea.

“I wonder why he knew about the Boy with One Strand Hair?” Nagulat si Prim. Hindi niya inasahan ang sinabi ng bata. “He exactly knew what happened to the story. And we said it together,” seryosong sabi pa nito sa kausap. Takang- taka pa siya.

Nakasimangot na nagpapaliwanag si Matthias.

“By the way, who are you to talking to?”

“I’m telling it to Maia.” Nalungkot siyang bigla.

“That chubby little Maia,” sabat ni Teo.

 “Your little crush,” sabi ni Thea at hinabol silang dalawa ni Matthias ng hampas. Kinatyawan siya ng ate at kuya.

Sinaway na niya ang bunso bago pa sila magkasakitan at magkapikunan. Ginulo niya ang buhok nito.

Kontento na siya sa kanyang nakikita. Masaya ang mga bata at wala silang inaalala.

Napakaliit talaga ng mundo at nagkurus muli ang landas nila. Ang masama lang nito, ang mga anak pa niya ang una nakakita kay Mr. Aragorn. Kinalma niya ang sarili na okay lang at walang dapat mahalata ang mga bata. Alam niyang possible siyang mamukhaan ni Mr. Aragorn ngunit tiyak na malabong magkita silang muli sa hinaharap.

Sampung taon na rin ang nakalipas, nang unang makita ni Prim ang lalaking iyon. Hindi niya kilala si Mr. Aragorn. Suki siya sa Eufloria. Kung hindi online, minsan ay itinatawag ng kanyang sekretarya ang kanyang order at ipinapa-pick na lang ito sa delivery boy.

Sa loob ng mahabang panahon ay nagpapadala siya ng bulaklak para kay Judea Cooper. Tuwing may mga okasyon at may mga kliyente silang padadalhan ng bulaklak, Eufloria na ang bahala. Trusted na nila ang flower shop.

Hindi nila nakalimutang magpabook sa Eufloria para asikasuhin din ang pinakamahalagang okasyon sa kanilang dalawa sa araw ng kanilang kasal. Umorder sila ng 5’ feet tall na cherry blossom tree para lang sa enggrandeng aisle sa loob ng simbahan. Bago pa makarating ang mga order nila ay inabot talaga ng buwan ngunit tamang - tama lang sa araw ng kanilang kasal.

Eufloria rin ang nag-asikaso sa flower arrangement ng reception ng kasal ni Judea at Matthew. Nasaksihan ng lahat ang live coverage ng magarbong kasal ng kilalang modelo na si Judea at ang bilyonaryong Aragorn.

Three months pregnant na rin noon si Prim. Simula ng malaman niyang buntis siya ay hindi na siya pumasok. Sina Bella at Rey na lang ang tumatao sa Flowershop pero work-from-home ang dalaga. Madalas silang puntahan ni Fernan.

Napakabilis ng mga pangyayari, hindi na siya dinatnan ng buwanang dalaw.  Nang malaman niyang ang lalaking naulanan na kumuha ng mga bulaklak ay walang iba kundi si Matthew Aragorn, naisip niyang isunod ang pangalan ng mga bata sa kanya. Si Ma. Thea, Mateo at Matthias ang triplet. Hindi na niyang ginawang Matthew Jr ang bunso dahil Watanabe naman ang apelyido nila.

Si Mr. Matthew Aragorn ang madalas nilang pag-usapan sa Flowershop. Walang palya kasi siyang nagpapadala ng bulaklak kay Judea. Palagi silang nakaabang sa dalawa kung kukumpirmahin na ba nila ang kanilang relasyon.

“This guy must be crazy in love with Judea Cooper,” minsang nasabi ni Prim habang nag-i-spray ng tubig sa mga bulaklak.

“Masyado lang talaga siguro siyang in-love. You know, ganyan ang mga mayayaman. Bilmoko noon, Bilmoko niyan.”

“How does it feel to receive flowers even if I own a flower shop?” Nabigla si Bella sa narinig.

“Di nga! As in…” Tumango-tango naman si Prim.

Humugot si Rey ng long - stemmed Tulips at iniabot kay Prim. Hinawi niya ito at itinuro ang mapupulang rosas.

“I like that!” nagboses – bata ito at itinuro ang gusto. Sabay-sabay silang nagkatawanan sa kalokohan nila.

Gusto rin niyang makatanggap ng bulaklak at maranasang padalhan ng isang masugid na manliligaw na katulad ni Mr. Aragorn.

Doon siya naging curious sa pagkatao ni Mr. Aragorn. At nang makita niya ito sa telebisyon, walang duda. They are perfect match. Pogi, owner ng isang winery, richy rich lang. Saan ka pa?

Bigating customer si Mr. Aragorn. Pinakamahal na bulaklak para sa kanyang pinakamamahal na si Judea ang order niya. She can tell because she often arranges flowers for her.

Flower arrangement in Eufloria is done with full-effort and creativity. Hinding hindi mapapahiya ang customer at maging ang pagpapadalhan nito.

Tulad ng dati, Mr Aragorn ordered a special bouquet of flowers for his loving Judea, pipick-apin daw ng kanyang secretary. Napakaespesyal ng bouquet dahil sampung dosenang bulaklak ang binili niya. May halong inggit ang tingin niya sa bulaklak. Halos yakapin na ito ng kanyang sekretarya at mabuting nagkasya ito sa pinto.

Iyon ang mga panahon na pinangarap din niyang makahanap ng kanyang Mr. Aragorn na magpapadala ng bulaklak araw  -  araw kahit walang okasyon. Parang ayaw niyang pakawalan ang bonggang-bonggang bouquet na iyon.

“Feel na feel mo ang pagiging babae kapag nagkaroon ka ng boyfriend na mayaman," nangangarap na sabi ni Isabela. 

“Angsarap naman niyang magmahal,” sabi naman ni Prim.

Pareho silang kumaway at nagpaalam sa malaking bungkos ng Tulips.

Sa mga order na bulaklak ni Mr. Aragorn para kay Miss Cooper, tiyak na makakapagpatayo na rin ito ng sariling Flower shop.

Hanggang pangarap lang naman ang lahat. Hindi naman ganoon kahalaga ang bulaklak kung sa basurahan lang din naman mapupunta. Sayang!

Para kay Prim, pinakamahalaga sa lahat bukod sa bulaklak ay ang intensyon ng nagbigay at kung ano ang mga prinsipyo nito sa buhay. Mahirap mabulag sa mga materyal na bagay dahil baka sa bandang huli , ikaw ay magkamali ng pagpili.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Estranged Kids of Mr. CEO   Chapter 133: FAMILIA ARAGORN

    Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu

  • The Estranged Kids of Mr. CEO   Chapter 132: A NEW BEGINNING

    “I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan

  • The Estranged Kids of Mr. CEO   Chapter 131: NEW ARAGORN

    Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak

  • The Estranged Kids of Mr. CEO   Chapter 13O: WEDDINGS AND HONEYMOONS

    Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu

  • The Estranged Kids of Mr. CEO   Chapter 129: HOMECOMING

    Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau

  • The Estranged Kids of Mr. CEO   Chapter 128: THE DEVIL INSIDE HIM

    Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status