Share

Chapter 4: THAT'S JUDEA

Tahimik na nagmaneho si Matthew. Wala ring imik si Dea dahil pagod din ito at wala na siya sa mood para makipag-usap. Sa matagal na panahon ay halos kilala na niya ang ugali nito. Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya ito.

To nurture your marriage, you have to float in love several times, seventy times seven pa nga dapat sa asawa. Ngunit sa tuwing titingnan niya ang asawa, nararamdaman niyang may kulang.

“Honey, why don’t we go for a honeymoon? What do you think?” Hinawakan nito ang kamay ng asawa at hinalikan. Nakapikit pa ang asawa habang nakasandal sa front seat.

“There you are again. How many honeymoons are we going to do when we only married once in our life? Nakakita ka lang ng bata, ako na naman ang binabalingan mo. Matris lang ba ang mahal mo sa akin?” paangil na sabi nito at hinila niya ang kamay sa asawa at saka humalukipkip.

Iyon palagi ang linya ni Dea pero hindi niya naiisip na mahalaga sa mag-asawa na makita ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Hindi lang iyon naipapakita sa kanilang pagniniig sa kama kundi pagtitibayin din ito ng kanilang magiging mga anak.

Hindi na siya nagtataka ang sinasabi ng kanyang ina. Huwag padalus-dalos sa magiging desisyon. Twenty-nine years old na si Matthew that time ng mag-propose siya ng kasal kay Dea. At alam niya sa sarili na mahal naman talaga niya ang dalaga.

Did you even court her?” tanong ng ina.

I send her flowers every day,” tugon nito.

Hey, marriage is not always a bed of roses. Always remember that.” May tinik din ang mga rosas.

Ang pag-aasawa ay hindi biro at kailangang makaisandaang beses niya itong iisipin bago mag-I do. Hindi ito pansamantalang pagsasama kundi habambuhay at kamatayan lang ang maghihiwalay sa inyong dalawa.

“Modelo ‘yan. Naitanong mo ba sa kanya kung willing siyang magkaroon ng anak? O baka naman mahalaga lang ang kanyang figure at ang pagbubuntis ang makasira sa kanyang perfect body?” Iyon ang inaalala ng ina.

Matagal na ring naghihintay ng apo ang mga Aragorn. Minsan ay hindi na rin siya dumadalaw sa ina dahil ang palagi rin naman nitong uusisain ay kung buntis na ba ang asawa.

Minsan ay dinalaw sila sa kanilang tirahan at nag-suggest ang ina sa kanyang daughter-in-law na kumonsulta sa mga espesyalista. Wala namang problema sa sperm count ni Matthew at si Dea lang talaga ang hinihintay nilang pumayag na sundin ang payo nito.

“I hate kids, Matthew. I want to be at peace. Ayoko ng maingay. Gusto kong magpahinga ng walang iistorbo sa akin dahil hindi madaling maging modelo. Marami kang restrictions. Kapag nagbago ang katawan ko, wala na rin akong career.

Iyon ang malungkot na katotohanan na hindi niya mapaniwalaan. Gumuhong bigla ang mga pangarap ni Matthew ng marinig ang mga salitang iyon sa asawa.

Para kanino ang lahat ng kanyang pagsisikap kung wala silang mga anak? Para kaninong kinabukasan ang kanyang paghahandaan?  

Kaya hindi siya nagdalawang isip na lakihan ang pondo para sa Scholarship ng Trinity High. Kada taon ay nilalakihan niya ang tulong-pinansyal na ibinibigay sa mga ito. Siya rin ang nagbibigay ng mga allowance sa mga estudyante na hindi pasok sa Scholarship Program. Maaaring maliit na halaga ang limandaang piso ngunit puwedeng gawing motivation upang pagsikapan pa ang pag-aaral.

Iniwasan na lang ni Matthew na makakita ng bata para hindi siya mainggit.

Sa tagal ng panahon ng kanilang pagsasama ni Judea, siya ang naging sunud-sunuran sa asawa. Kahit si Dea ang may kasalanan, si Matthew pa rin ang nagpapakumbaba. Totoo ngang hindi mo makikilala ang isang tao hangga't hindi pa kayo nagsasama sa iisang bubong.

Hindi niya nakita ang pagiging wife materyal sa kanya. Hindi siya maasikaso sa asawa at lahat ng bagay ay inaasa niya sa mga kasambahay. Mas mahalaga sa kanya ang oras sa mga kaibigan at pakikipagsosyalan tuwing gabi kasya kumustahin ang asawa. Palagi siyang puyat at pagod tuwing umaga. Si Matthew pa ang palaging nag-aalala kapag nagigising ito sa gabi at wala pa.

Kapag gusto ni Matthew na maka-round one, pahirapan pa. Ngunit kapag gusto ni Dea kahit pagod si Matthew sa trabaho sa opisina, kailangang todo-bigay pa siya. Hindi siya puwedeng tanggihan kung siya ang may gusto dahil nag-aaway sila.

“Kailangan mo pa bang maghanap ng trabaho? Kaya naman kitang buhayin.”

Maluho si Judea at iyon ang isa malaking issue sa kanya. Tutunog lang ang cellphone ni Matthew tuwing makakatanggap ng bank notification sa mga bills and payments ni Dea. Hindi naman mauubos ni Dea ang yaman ni Matthew kung sakali ngunit ang walang habas nitong paggastos sa mga materyal na bagay ay talagang hindi niya nagugustuhan lalo pa’t hindi niya pinaghihirapan.

Kapag walang lakad si Dea ay nagkukulong lang ito sa kuwarto. Hindi mo makausap ng matino dahil palaging galit at masungit. Hindi naman siya tatawag ng kusa upang kumusta siya sa opisina. Hindi rin mag-uusisa tungkol sa trabaho ng asawa.

Pag-uwi nito sa bahay ay wala namang sasalubong sa kanya. “Mukhang malungkot ang aking asawa.” Siya pa ang mag-aalala. Idinampi ang labi sa pisngi ni Dea pagpasok nito sa kuwarto.

Matt, I am tired. Please, let me sleep in peace,” sabi nito at iniwan niya ang asawa samantalang sabi ng kasambahay ay buong maghapon lang ito sa kuwarto at nakahilata sa kama. Busy sa kanyang cellphone at matagal na may kausap.

Dumiretso si Matthew sa kanilang bar. Kumuha ng wineglass at naglagay ng Classic Aragorn dito. Wala na siyang ibang hiling kundi ang araw na may sasalubong sa kanyang mga bata at pagkakaguluhan siya.

Inikot niya ang tingin sa buong kabahayan. Munting mansion ang hitsura ng kanilang bahay dahil umaasa siyang magkakaroon ito ng buhay kapag nag-asawa na siya. Ito ang kanilang lumang bahay na minana niya sa kanyang magulang. Ang ina ay tumira na lang sa kanyang condo unit.

Pinindot niya ang pamilyar na numero.

"Kumusta ka na? 'Di ka masyadong nagpaparamdam ha!" sabi niya sa kabilang linya.

"Inuman tayo," aya pa nito ngunit mukhang maraming pinagkakaabalahan ngayon ang kausap.

"Give me a ring, anytime." And he hang up.

Talaga sigurong dumarating sa punto kapag ganitong nagkakaedad na, may pagkakataong nagiging sentimental siya sa mga bagay-bagay. Marami siyang napapalampas na pagkakataon sa kanyang buhay.

Gusto rin niyang tawaging Daddy tulad ng ibang mga ama. Gusto rin niyang maranasan kung paano magpuyat para sa kanila, hindi lang pagpapakapagod sa trabaho. Gusto niyang punuin ng tawanan ang buong bahay. Gusto niyang makitang may naghahabulan sa kanilang garden o kaya ay may nag-aaway o nagsusumbungnan kapag mayroong hindi napagkasunduan ang magkakapatid.

Siguro magiging lubos na ang kanyang kasiyahan kapag nagkaroon sila ng mga anak.

Lumabas si Matthew upang makasagap ng sariwang hangin sa kanilang hardin. Dala niya ang kanyang baso at unti-unting sumisip ng alak.

Napailing siyang bigla. Naalala niya ang mga batang nakilala niya sa Trinity High. Magaan ang kalooban niya sa batang si Thea at maging sa batang storyteller tungkol kay Boy with One Strand Hair.

“I am with my mom and my siblings.” Naalala niyang sabi ni Thea sa kanya dahil lumapit pa ito sa kanila ni Dea. Mukhang nag-pizza rin sila.

Hindi niya inaasahang makikitang muli ang babae. Tama! Si Miss PRW ang kanyang nakita. Iyon lang ang naaalala niyang nasa name plate nito noong magkita sila ng gabing iyon. Ilang beses siyang bumalik sa Eufloria pero hindi na niya nakita ang babae.

At sa tagal ng panahon, what a coincidence na nagkita silang muli. 

Sampung taon na rin iyon at may mga anak na siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status