The Estranged Kids of Mr. CEO

The Estranged Kids of Mr. CEO

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-03-03
Oleh:  Bb.TaklesaTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
30 Peringkat. 30 Ulasan-ulasan
133Bab
22.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Matthew wanted to successfully propose to Judea Copper. He wanted the world to know how lucky he was to marry her and finally he did. This time, no unfortunate event or unexpected natural calamities could stop him. But that rainy day of December 25th, something happened to him with the woman in the flower shop whom he laid down on the bed of roses. She suddenly disappeared and could never be found. But destiny has something else far more exciting for the one he is truly fated to be with. Matthew still married Dea and wanted to have kids but for unknown reason, she still couldn’t get pregnant. Thus, making his married life on the brink of chaos. After ten years, Matthew crossed paths and he saw that woman with the triplet he just met. Wanting to know her whereabouts and what happened to her, Matthew finally discovered his estranged kids, the heirs of the Aragorn. As his life begins to entangle with his children, all of them are tested. Their reputation was put into a blurr situation. Their business was almost in a big loss. And their life is also put to risk. . When Primo comes to see Matthew, a great collision takes place between them. An intense conflict rises as Matthew tries to cut his ties with him. The corporation will be put in a bad situation that will almost shut down the whole operation in the winery. Another mystery of the new generation of Aragorn and Watanabe’s connection with each other is about to unfold. See how each of them stand up every time they fall and the fight they set is for the good of all. Find out how Matthew and Prim lead their life to the final destination.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: THE UNKNOWN

Natanggap ni Matthew ang imbitasyon na iyon sa Trinity High. Sa totoo lang, sapat na sa kanya na nagpapadala ng tulong ang Aragorn Winery Corporation. Hindi siya masyadong nagpapaunlak sa mga imbitasyon lalo na kung karamihan ay bata.

Alumni kasi siya ng paaralang iyon at sa matagal na panahon ay palagi rin niyang tinatanggihan ang paanyaya ng mga ito. Ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Mahalaga ang okasyon dahil ika-isandaang taong anibersaryo ng Trinity High.

“Good morning, Mr. Aragorn. I am Ma. Thea Watanabe, a grade4 - Ambassador. Welcome to Trinity High. Let me accompany you to the event area,” masiglang bati ng batang babae habang naka-uniform at may kulay-maroon na sash, mahaba ang buhok at nakatirintas, may braces at nagniningning naman ang mga mata sa tuwa sa likod ng mga salaming iyon. 

Hawak nito ang isang tablet kung saan nakalagay ang impormasyon ng taong kanyang dapat salubungin. Kaya parang kilala siya nito. Matipid siyang ngumiti at nagpatuloy siya sa paglalakad habang kasama niya si Naomi. 

Dinig niya ang malakas na tugtugan sa loob ng event area ng huminto si Thea at saka bumaling sa kasama. Napahinto rin si Matthew. “I wanted to personally thank you, Sir for your benevolent generosity and continued support to the Scholarship Program of the school. I promise you, Sir. I will graduate in two-years’ time as a Valedictorian and your money will not go into waste.”

Hinawakan niya ang ulo ng batang babae. Magaan ang pakiramdam niya dito.

“Your parents will be proud of you too because of that grateful attitude. Thank God first. I am just doing my job,” tugon niya at hindi niya inaasahan ang pagyakap ng bata sa kanya.

Hinayaan niya ito at sinenyasan si Naomi na huwag siyang sawayin. At masaya nitong itinuro ang upuan na nakalaan para sa kanya.

“I hope you enjoy this event, Sir.” Tumango lang siya at umupo.

Matamang kinuha ni Matthew ang kanyang cellphone. Nakailang beses na niya itong binubuksan ngunit wala siyang natatanggap na tawag  mula kay Dea simula pa kaninang umaga. 

“Maia, have you heard the story about the Boy in One-Strand Hair?”

“One Strand? You mean, one strand of hair?” 

“Yeah!” seryoso siyang nakinig sa usapan ng dalawang bata sa kanyang likuran.

“One Strand?” Napangiti si Matthew. May tao bang nakakaalam ng kuwento ni One Strand bukod sa kanya? 

“This boy has a one strand hair. One day, he was sad while looking at the mirror…” Napalingon na si Matthew. Kumaway ang batang lalaki sa kanya. Napakunot ang noo niya, parang nakita na kasi niya ito kanina. Pamilyar ang kanyang mukha.

Tuloy lang ang kuwento ng bata. Dinig niya ang hagikhik ng batang babaeng kausap nito. Napatingin din si Naomi na kasalukuyang curious din sa kuwento ng bata.

“Will the boy find happiness?” seryosong tanong ng batang babae. Hindi na siguro nakatiis ang bata kasi palaging malungkot si One Strand. Kung kani-kaninong buhok na ang kanyang hiniram magkaroon lang siya ng malago at magandang buhok.

“When the boy went home, he looked at the mirror again…” then stopped.

“Then, what?” naiinip na sabi ng batang babae.

Natahimik silang pareho, “He looked at the mirror again…  and smiled,” patuloy na kuwento nito at humintong muli ang batang lalaki.

“What? Tell me…” pangungulit ng batang babae sa kausap. Tumingin na ng masama si Naomi. Nakukulitan siguro sa ingay ng dalawa at sa lakas ng kuwentuhan nila.

Hindi na nakatiis si Matthew. Lumingon siya sa dalawa. “It’s okay. I have a single strand hair and it fits me anyway.” Namilog ang mga mata ng batang lalaki. Nabigla si Matthew. Pareho nilang sinabi ang katapusan ng kuwento na sa buong akala niya ay hindi nito alam.

“Hey, Mister! That’s my story!” Tumayo ang batang lalaki at pinameywangan pa siya.

“Oh, sorry. I didn’t mean to.”

“It’s rude to listen to someone else story,” pagalit na sabi niya at nagmaktol na ito sa likuran nila. Lumingon siyang muli at nag-peace sign. Napahiyang bigla si Matthew.

Nagsimula ang palatuntunan sa isang martsa ng mga Boy Scouts, dala ng flagbearer ang watawat ng Pilipinas at ang banner ng paaralan. Umakyat ang batang lalaki at napalingon si Matthew. Hindi niya sigurado kung tama ba ang tingin niya.

“Kamukha ba noong batang nasa taas ng stage ‘yong batang nasa likuran natin?” tanong nito sa sekretarya. Tinitigan din ni Naomi ang bata at lumingon sa likuran.

“Exactly, Sir. I think they are twins.” Napailing na lang si Matthew.

“I also loved to have twins or even triplet,” tugon nito. 

Natapos ang speech ni Matthew. Bago bumaba ay kinamayan siya ng Presidente ng paaralan at maging ang iba pang miyembro ng Board of Trustees na kasalukuyang dumalo sa okasyon. 

“Join us, Mr. Aragorn.” Isasama sana siya sa reception area kung saan mayroong simpleng salu-salo para sa mga bisita.

“I think I have to go, Sir. I still have to fetch my wife,” sabi lang niya. Ngunit ang totoo, ayaw niyang makihalubilo sa mga okasyon simula ng malaman nilang may asawa na siya. Paulit-ulit ring nalalagay sa alanganin ang kanyang lalaki. Napi-pressure rin siya sa tuwing tatanungin kung may anak na sila.

“Oh, really! Anyway, thank you very much for coming Sir. Sana po sa susunod ay mag-stay din kayo. Isama rin po ninyo si Ma’am.” Kinamayan siyang muli.

“We’ll try next time.”

“Miss Watanabe, kindly lead the way for Mr. Aragorn.” At muli niyang nakita ang batang babae sa kanyang tabi.

“Sir!” Kalabit ni Naomi. “Nahalata ba ninyo? Parang kamukha niya ‘yong dalawang batang lalaki kanina?” bulong ng sekretarya sa kanya.

Tamang – tama namang nagdaan sila sa tapat ng upuan nito.

“Ate…” mahinang sigaw ng batang lalaki. “Ate…” kaway pa nito. Dumiretso lang siya ng tingin at hindi nilingon ang tumatawag sa kanya.

“Kapatid mo ba iyon?” tanong ni Matthew ng makalabas sila sa bulwagan.

“Yes, Sir. We’re triplets.”

Inihatid siya ng batang babae hanggang sa bukana ng paaralan at nagtungo na sila sa parking area.

Tahimik si Matthew sa loob ng sasakyan. How he wished to have kids too. Matagal na rin silang kasal ni Dea. Palagi silang nag-aaway sa tuwing napapadako ang usapan tungkol sa hindi nito pagbubuntis. Sampung taon na ngunit wala pa rin silang anak.

Kasing edad na sana ng mga batang iyon ang kanilang mga supling kung nagkaroon sila ng honeymoon baby. Nangarap siya na magkaroon ng anak na babae, tulad ni Thea at ng mga kapatid na lalaki nito.

Pinindot niya ang numero ng asawa. “I’ll come and meet you there.” Nasa mall pa ito at kasalukuyang nasa pictorial.

Pagpasok pa lang ng mall, sumalubong na sa kanya ang halimuyak ng mga sariwang bulaklak. Napahinto siya sa flowershop. 

“Welcome to Eufloria. May I help you, Sir.” Tiningnan niya ang iba’t ibang mga uri ng bulaklak sa mga decorative cans na nasa labas pa lang ng shop na iyon. Nakakatuwa sa mata ang kulay at nakaka-relax ang amoy ng mga ito.

“May I have a dozen of roses, please?”

Ginamitan lang ng simpleng flower arrangement ang mga bulaklak at maging ang pambalot ay simple rin ngunit kapag naitupi at naiayos na ay mapapa-wow na ang pagbibigyan nito.

Dea is always easy to please with flowers.

Hinanap niya kung saang store kasalukuyang nagkakaroon ng pictorial ang kanyang asawa. Nasa mas malaking flowershop pala siya ng Blooms.Inc kaya bigla niyang naitago ang bulaklak na hawak nito.

Abala pa sa loob ng flowershop kaya umalis muna siya. Ayaw rin niyang makipagsiksikan. Ayaw niyang pagkaguluhan ng mga tao dahil asawa siya ng sikat na fashion model na si Judea Cooper.

Many people even believed that the Aragorn-Cooper wedding is the most extravagant, most popular, and most talk of the town during that time. Mala-fairytale raw ang kasal nilang dalawa. People believed that such a wedding also ends with a happy ending. 

But that is a sad reality.

Naglakad-lakad siya at saka humanap ng coffeeshop. Umorder siya ng dalawang Frapuccino at humanap ng mauupuan. Inilapag ang mga bulaklak sa ibabaw ng mesa.

“Nandito ako sa Café Mia. Punta ka na lang dito kapag tapos ka na diyan,” saka niya ibinaba ang tawag.

Tumingin na lang siya sa labas ng salamin at inaliw ang sarili sa mga nagdaraang mag-anak na namamasyal nang araw na iyon. Napabuntung-hininga siya. Paano niya maiintindihan ang pakiramdam? Wala naman siyang anak na puwedeng ipasyal. Hindi niya namalayan ang pagdating ni Dea. 

She just sat down feeling exhausted. “Let’s eat pizza,Honey,” ungot ni Dea na animo’y bata. Hinila na niya ang asawa at at nagmadaling lumabas ng café. 

Nakalimutan na nila ang bulaklak ngunit wala na ring planong kunin pa ito ni Matthew. Hindi kasi iyon ang paborito ng asawa at madalas siyang magkamali ng inoorder na bulaklak.

Pumasok na sila sa loob ng restaurant at humanap ng upuan. Si Matthew na umorder ng kakainin nila. Saglit lang naman at isinunod na niya ang pagkaing gusto nito.

Ngunit hindi niya inasahan ang tagpong iyon. 

“Mr. Aragorn!” Napakaway tuloy siya. Humaba ang kanyang leeg at abot-tenga ang kanyang ngiti. Lumapit ang bata sa kanya. ”Hello, Ma’am.”

“Who is she?” tanong ni Dea at hindi pinansin ang bata. 

“Estudyante ng Trinity High.”

“Scholar po ako ni Sir.” Inilahad nito ang kamay ngunit hindi niya pinansin ang bata. 

“Who’s with you?”

“My mom and my siblings.” Kumaway ang dalawang batang lalaki at lumingon ang babaeng nakatalikod sa kanyang kinaroroonan. 

Ngunit binawi kaagad ng babae ang kanyang matamis na ngiti at hindi na siya muling lumingon pa hanggang makaalis sila.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(30)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
30 Peringkat · 30 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
Alliza Mujar
Ang ganda! more stories author ...
2023-05-22 10:41:15
1
default avatar
grracechoi
Thank you po sa pagbabasa at walang sawang pagsuporta.
2023-02-05 12:14:48
0
user avatar
RoronoaZoro
Ang ganda talaga nito
2022-08-21 10:44:18
2
user avatar
Big Boss
it is not available in english
2022-07-23 22:01:31
1
user avatar
Big Boss
6hours to go...
2022-06-26 17:46:46
1
user avatar
Big Boss
Angtindi pala ng mga eksena dito di ko ma-imagine. napaisip na lang ako
2022-06-26 11:36:15
2
default avatar
lodshawty
Wow,completed na!
2022-03-13 21:44:27
1
user avatar
Bb.Taklesa
Thank you Ate Edvlogs for following the story here.
2022-02-12 00:07:19
0
default avatar
lodshawty
Akala ko tpos na...magdadagdag kp pa po ba ng chapters...
2022-02-01 18:13:13
1
default avatar
lodshawty
dami kong napalampas
2022-01-06 18:37:40
2
user avatar
Jea Aragon
nice story
2022-01-02 22:55:40
3
user avatar
Bb.Taklesa
To my dear Readers, the story is available in Filipino language only until the book is finish and finally concluded its ending. I hope I can translate it to English.
2022-01-02 14:19:06
2
user avatar
Shareez C Jacobs
change the language to English
2022-01-01 20:35:28
2
user avatar
Bb.Taklesa
Be sure to wait for the next chapters. Mr.Aragorn and Prim 's reuniting and their fight against Primo Severino. Let's what awaits their family.
2021-12-31 08:36:56
0
user avatar
Bb.Taklesa
Happy New Year everyone!
2021-12-31 08:20:02
1
  • 1
  • 2
133 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status