Share

Chapter 5

Adaline

Ganoon na lamang ang pag iling ko habang naririnig ko ang pagtatalo ni Terrance at ni Mama Teresita.

Pagkatapos kasing ibalita ni Mama Teresita na sa pamamahay muna nila ako pansamantalang mananatili ay halatang gulat na gulat ang dati kong asawa at ilang minuto din siya bago makahuma. He, then invited his own mother for a serious talk at hindi lingid sa akin na tungkol sa akin ang pag-uusapan nila.

"Ma! Bakit ka pumayag na dito siya magstay?" It was Terrance's voice.

"Lower down your voice, Terrance! Baka marinig ka ni Ada at isipin niyang ayaw mong naririto siya!" Mariin ngunit mahinang boses ni Mama Teresita ang aking narinig.

"I don't care! At talaga namang ayoko na andito sya. Jesus, Mama! Ano nalang ang iiisipin ni Brianna kapag nalaman niyang andito si Adaline?" Punong-puno ng inis at frustration na saad ni Terrance at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakatiim ang kanyang mga bagang. He was always like that whenever he's mad o may hindi siya nagustuhan.

"Ano namang pakialam ko sa nararamdaman ng Brianna na iyon? Pamamahay ko ito kaya may karapatan akong patirahin ang kung sino mang gusto ko." Mama Teresita said.

Hindi ko napigilan mapairap. Ayaw pa talaga nilang marinig ko ang pagtatalo nila sa lagay na yan, ha?

Hindi na ako nakatiis at tumayo na ako. Gustuhin ko mang kumain pa but I think this is the right time to practice my acting skills. Inayos ko muna ang aking mga kasuotan. I am wearing a two inches above the knee floral dress na tinernuhan ko ng heels na 6 inches ang haba. Tamang-tama lang para hindi ako magmukhang unano sa harapan ni Terrance na talaga namang pinagpala sa 6'1 na height niya habang ako ay 5'4 lang ang kinaya.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa living room kung saan nag tatalo pa rin ang mag-ina habang pinipigilan parin nila ang mga nagtataasa nilang boses.

Nang ilang dipa na lamang ang layo ko sa kanilang dalawa ay saka ako tumikhim upang makuha ang atensyon nilang dalawa. Napatigil naman sila sa pagtatalo at bumaling sa akin.

Bumaha ang pag-aalala sa mukha ni Mama Teresita habang napakatalim ng titig ang ibinigay sa akin ni Terrance.

I looked at Mama Teresita and I made sure na nakakaawa ang mukha ko. Napakainosente at napakabait, yung para ako pa rin ang dating Adaline. "Ahm, hindi naman po sa nakikinig po ako sa usapan ninyo, Mama." Mahina ang boses ko while my attention is on Mama Teresita na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Pero kasi po, rinig na rinig ko po ang mga boses ninyo hanggang sa komedor." Binalingan ko ng tingin si Terrance at isang nahihiya at peke na nakakaintinding ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Tama naman po kasi si Terrance, Mama. Baka po hindi magustuhan ni Brianna kapag nalaman niyang dito ako nanunuluyan, lalo pa at malapit na ang kasal nila. So I think it would be better na umalis nalang po ako. Marami naman pong hotel na pwede kong pansamantalang tuluyan habang nandito po ako sa Pilipinas." I said with a small smile on my lips na tila ba unawang-unawa ko si Terrance kahit pa ang totoo ay gusto ko talaga siyang tuhuran.

Bigla namang naalarma si Mama Teresita. Nilapitan niya ako saka hinawakan ang aking kanang balikat. "No! You don't have to do that. Mag-aalala lang ako kapag sa hotel ka nag stay. Sa panahon pa naman ngayon ay konti nalang ang mga lugar na masasabi nating ligtas. At isa pa, bahay mo na rin naman ito so you can stay here as long as you want."

"Mama!" Biglang sabat ni Terrance.

Muling binalingan ni Mama Teresita si Terrance at pinandilatan niya ang dati kong asawa. "Shut up, Terrance! My decision is final. Adaline will stay here at wala akong pakialam kahit pa magalit ang demonyita mong nobya." Mama Teresita said with conviction.

"Her name is Brianna, Mama and not demonyita." Sagot naman ni Terrance na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Mama.

"Whatever!" Ang tanging sagot ni Mama saka ako muling hinarap at matamis akong nginitian. "Wag mo nang pansinin ang tanga kong anak, Adaline. Tara at ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na. Mamaya ay darating na rin ang Papa Ronaldo mo. Siguradong matutuwa iyon pag nakita na niya kung gaano kalaki ang pinagbago mo." Mama said at masuyo na akong hinila patungo sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan at inihatid ako sa aking kwarto kung saan naroroon na ang aking dalawang maleta.

Hindi naman nagtagal roon si Mama. Sinabihan niya lamang ako na magpahinga at tuluyan na akong iniwan ngunit hindi rin naman ako makapagpahinga kaya inayos ko na lamang ang aking mga damit sa walk in closet na naroroon at pati mga personal kong gamit ay inayos ko na rin.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay napaupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko ang kabuuan ng dati kong silid.

Wala pa rin itong pinagbago. Kung ano ito noong huli akong pumunta rito ay ganoon pa rin ito ngayon. Tanging ang bedsheet at punda lamang ng mga unan ang napalitan but other than that, wala nang nagbago sa buong silid.

Maraming mga alaala ang sumagi sa aking isipan habang naglalakbay ang aking tingin sa buong silid. This room has a lot of memories, happy and painful memories. Ang silid rin na ito ang siyang saksi sa una naming p********k ni Terrance, sa kwartong ito inanunsyo ni Mama Teresita at Papa Rinaldo na magpapakasal kami ng kanilang unico hijo, at ng silid rin na ito ang naging saksi noong una at huling beses akong pagbuhatan ng kamay ni Terrance.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang alaalang iyon.

Nang datnan kami ng mga magulang ni Terrance na nasa iisang kama at kapwa h***d at nakita nila na may bahid ng mantsa ng dugo sa bedsheet ay hindi na nagdalawang-isip pa ang mga ito na ipakasal kami. Kahit anong pagtanggi ni Terrance sa kagustuhan ng kanyang mga magulang ay wala na siyang nagawa, lalo pa at pinal na ang desisyon ng mga ito. Maging ako ay hindi na rin nakatutol pa pero inaamin ko namang may konting saya rin akong nadarama nang mga panahong iyon.

I have been loving Terrance for a very long time, and the thought that we will get married somehow made me feel a little bit of happiness kahit pa alam ko namang wala siyang nararamdaman ni katiting na pagmamahal para sa akin dahil si Brianna na ang nagmamay-ari ng puso niya.

Pagkatapos sabihin nina Mama Teresita at Papa Rinaldo ang tungkol sa kasal namin ay iniwan na rin nila kami. Gusto ko sana siyang kausapin noon at humingi ng tawad dahil sa nangyari pero bago pa iyon mangyari ay bigla na siyang nagwala. Binasag niya lahat ng kagamitan sa aking kwarto including the picture frame kung saan nakapaskil ang larawan namin ni Lola Avelinda. Pinilit ko siyang pigilan noon ngunit bigla na lang niya akong inihambalos sa sahig at hindi pa siya nakuntento roon, he even slapped me na sanhi upang magdugo ang aking mga labi.

Takot na takot ako noong mga panahong iyon. Nanlilisik ang kanyang mga mata na tila ba anumang oras ay papatay siya. Ako ang sinisisi niya sa nangyari. Muli pa sana akong makakatikim ng sampal sa kanya kung hindi lang sumaklolo si Mama Teresita at Papa Rinaldo.

Kaagad akong dinaluhan ni Mama Teresita habang si Papa Rinaldo naman ay inuundayan ng suntok si Terrance habang paulit-ulit na minumura ang sariling anak. At sa sobrang katangahan ko noon ay nagawa ko pang maawa kay Terrance nang makita ko ang nagdudugo na niyang mga labi.

Mapait akong napangiti.

I can't believe how weak and how stupid I was before. But oh well, lahat naman ng tao dumadaan sa pagiging tanga at kabilang na ako roon, yun nga lang ay nasobrahan ata ang katangahan ko noon at pinaabot ko pa ng ilang taon ang pagpapakamartyr ko sa walang kwenta at gagong asawa ko.

Pero natuto na ako at yun naman ang importante, hindi ba? Ang may natutunan ako sa katangahan ko. I wouldn't be the strong, brave, and bold Ada right now kung hindi dumaan sa kabobohan si Adaline noon.

Tumayo na ako at kumuha ako ng aking pamalit na damit saka ko tiningnan ang pintuan kung nakasara ba ito. Hindi na rin ako nag-abalang tingnan kung naka lock ang pinto. Marunong namang kumatok ang mga tao rito.

Kaagad kong hinubad ang aking mga kasuotan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusuot ng aking bra nang bigla na lamang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang galit na si Terrance.

Ngunit kaagad ring nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha nang bumaba ang kanyang mga mata sa aking katawan. Tanging kulay krema na panty lamang ang aking suot habang ang kulay krema ko ring bra ay kasalukuyan ko pa lamang inilolock.

I was about to ask him what he wants nang muli na naman akong nakaisip ng kapilyahan.

Strapless ang aking bra at kapag binitawan ko ito ay siguradong sa sahig ang bagsak nito at malalantad sa nag-aapoy na mga mata ng aking dating asawa ang aking mga dibdib.

Tumikhim muna ako upang makuha ko ang kanyang atensyon at hindi naman ako nabigo dahil muling bumalik sa aking mukha ang kanyang nagbabagang mga tingin. Hindi ko lang masigurado kung dulot ba iyon ng galit o pagnanasa.

I gave her the sweetest smile that I could ever give bago ko sadyang binitiwan ang aking bra sanhi upang tuluyan itong mahulog.

Now, my breast were naked and hanging freely right before his eyes.

Hindi ko maitago ang ngisi sa aking mga labi as I saw how his eyes darkened in lust as his naked and fiery eyes were on my breasts.

"Aren't you going to be a gentleman and get my bra for me?" I said with a very innocent tone.

I saw how he gulped as he stared at my breasts. Bumaba pa sa aking pagkababae na natatabingan lamang ng kaunting saplot ang kanyang tingin. Umigting ang kanyang mga panga at kinuyom niya ang kanyang mga kamao na tila ba nagpipigil siya.

Tumingala siya saka niya ipinikit ang kanyang mga mata habang mabilis ang kanyang bawat paghinga. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang unti-unting pag-umbok ng kanyang hinaharap.

Lumawak ang aking ngisi dahil sa nakikita kong reaksyon ng kanyang katawan.

Ilang minuto na nanatili sa ganoong posisyon si Terrance at nang buksan niya ang kanyang mga mata ay sa aking mukha na lamang niya pinanatili ang kanyang tingin.

He did not even bother to get my bra at halata na pinipigilan niya ang mapatingin sa aking katawan.

"Looks like I've awakened something." I said habang nakatingin sa kanyang p*********i na nakaumbok pa rin.

"I know you're planning something evil against me and Brianna pero ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo, wala ka nang magagawa para sirain ang relasyon namin. It's been six years, Adaline. Bakit hindi ka pa rin nakakapagmove on?"

Napatawa ako sa kanyang sinabi. I laughed so hard na ikinakunot ng kanyang noo.

Nang tila mahimasmasan ako ay saka ko pinulot ang aking bra at isinuot habang umiiling. "Masyado naman atang malakas ang kumpiyansa mo, Terrance. What makes you think na ikaw ang dahilan kung bakit ako umuwi rito sa Pilipinas? You are too full of yourself, my dearest, ex-husband." Isinunod kong suotin ang kulay itim kong shorts.

"Oh please, Adaline! Stop playing games with me. I know what you are trying to do. You will seduce me just like what you did to me at the bar. I know it's you ex-wife. You did those things to ruin me and my relationship with Brianna. Well, let me tell you this, kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi mo kami mapaghihiwalay ni Brianna." Mariin niyang sabi.

When I was done putting my t-shirt on ay dahan-dahan ako na naglakad patungo kay Terrance habang may nakapaskil na ngisi sa aking mga labi. Nang magdikit na ang aming mga katawan ay tumingkayad ako upang kahit papaano ay maabot ko ang leeg niya.

I can feel the erratic beating of his heart and his erection is slowly brushing on my shorts.

"Really, ex-husband?" "Because from what I recall of what happened to us the other night, you were completely insane over my body; you fucked me so hard that I could still feel you getting in and out of my pussy until now, and you fucked me so rough that I am still sore." Bulong ko sa kanya saka ko siya hinarap at hinaplos ang kanyang pisngi na nagpatensiyon sa kanyang katawan. "Don't deny it, Terrance. We both know that we both like what happened. But don't worry, I will keep it as our dirty little secret. Hindi ko sisirain ang nalalapit ninyong kasal." I distanced myself from him at binigyan siya ng matamis na ngiti. "So no worries, Terrance. Wala akong pagsasabihan. Now, will you please leave? Kailangan ko pa kasing magpahinga. Hindi pa rin kasi nakakabawi ang katawan ko sa pagod dulot ng ginawa natin sa bar." I told him with the sweetest tone that I could ever have.

Ilang segundo kaming nagkatitigan at siya na rin ang unang sumuko. Nakaigting pa rin ang kanyang mga panga habang lumalabas siya ng aking kwarto.

Napailing pa ako ng marahas niyang isinara ang pinto.

The game has finally begun. 

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Myla Cacatian
gusto Kong ituloy Ang pag bbasa ko
goodnovel comment avatar
Jerelyn Mengullo
pa unlock pls
goodnovel comment avatar
Sunsam Rhema Habagat
Pa unlock po plsss.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status