Share

Chapter One

Luna Amaranthine's POV

"Your majesty, gising na po ba kayo? Papasok na po kami."

Itinalukbong ko ang comforter sa buong katawan ko ng marinig ang boses ni Miss Guada.

Miss Guada is already in her mid-fortee's and she has been my personal maid since I became a queen.

Naramdaman kong dahan dahan na bumukas ang akong pintuan pero hindi ako gumalaw.

"Open the blinds." Narinig kong utos niya sa mga kasama niya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntunghininga. Wala na akong nagawa kong hindi ang tanggalin ang comforter na nakatalukbong sa aking katawan. Sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko nang bumangon.

The heavy draperies split into two. Bumungad agad ang floor to ceiling glass window ko na nakakonekta sa balcony. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata ng masilaw ako sa sinag ng papasikat na araw na pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Your majesty, nakahanda na po ang mga gagamitin mo sa loob ng banyo." Magalang na sabi Miss Guada.

"What is the day today?" Tinatamad kong tanong.

Naghikab ako at iniunat ang aking mga kamay.

"Today is Saturday."

Agad akong napasimangot sa isinagot niya.

"Aish! I hate weekends." Bumubulong bulong na sambit ko habang papasok sa banyo.

Tuwing Sabado at Linggo kasi ay nakaschedule ang pagkikita namin ng hari. We will share the same breakfast together. After that, I will accompany him to where he wants to go. Ipinagbawal niya na walang sinuman na tagapaglingkod sa palasyo ang susunod sa amin. What everyone knows is that the king only wants an alone time with me, but that is what they only knew because----

"Wala na bang mas ibibilis pa niyang paglalakad mo?" Pagrereklamo ni Alexander.

"Hindi mo ba nakikitang naka heels ako? Malamang mahihirapan ako sa paglalakad." Ganting reklamo ko rin sa kanya.

Kapag ganitong kaming dalawa lang at nasa labas kami ng palasyo ay hindi ko talaga siya iginagalang. At wala akong planong igalang siya dahil kawalan ng respesto sa akin bilang isang reyna ang ginagawa niya.

Pagod na ako. Wala na yatang katapusan ang paglalakad namin. Puro katalahiban pa ang ibang nadaanan namin kanina, mabuti na lang at nakasuot ako ng fitted jeans at long sleeves. Sumasakit na din ang mga binti ko at siguradong magkakapaltos na ang mga paa ko pagkatapos. Kung bakit kasi niya naisipang maglakad kami e pwede naman sana kaming sumakay sa kabayo.

"And who told you to wear high heels? Can't you atleast be simple when you are not in the palace?" May bahid inis na ganting sagot niya.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

"At ako pa talaga ang sinisi mo? E kong sinabi mo sana na sa isang bundok kayo magkikita ng babae mo edi sana nagsuot ako ng tsinelas?"

Tumalim ang mga mata niya nang dumapo ang kanyang tingin sa akin.

"She is not just my woman. She is the woman I love." Matigas niyang sagot.

"Whatever. Malayo pa ba tayo? Masakit na ang mga paa ko. Baka pwedeng magpahinga muna tayo?" Paglilihis ko sa usapan.

"Hindi pwede. Siguradong kanina pa siya naghihintay. Ang bagal mo kasing maglakad." Sagot naman niya at itinuloy ulit ang paglalakad.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya Ang kapal ng mukha niya. Ito na nga ang tinutulungan ko may gana pa siyang sisihin ako.

"Kung gano'n mauna ka na. Iwan mo na ako dito."

Hinihingal akong umupo sa natumbang puno. Hindi ko na talaga kayang maglakad.

Masama ang tingin na lumingon siya saakin.

"Are you nuts? Hindi kita pwedeng iwan dito. Paano kong mawala ka? Paano kong may mga ligaw na ahas o mga mababangis na hayop dito at lapain ka? Ano ang sasabihin nila saakin? Na kaya kong alagaan ang mga nasasakupan ko pero ang mismong reyna ay hindi ko maprotektahan?"

My heart sank of what he said. Akala ko pa man din ay totoong nag-aalala siya saakin. Ang sasabihin pala ng ibang tao sa kanya ang totoong ipinag-aalala niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis.

"Don't worry. I won't let it happen. Sige na. Mauna ka na. Bilisan mo para mabalikan mo agad ako dito." Sagot ko ng hindi siya tinitignan.

Napadaing ako ng dahan dahan kong tinanggal ang suot kong black LV high heels boots at halos maiyak ako ng makita ko kong gaano kalaki ang mga paltos sa aking paa. Because of him, I need to endure wearing high heels for the coming working days. Hindi naman ako pwedeng magsuot ng flat sandals habang nakasuot ako ng pormal na damit.

Sinulyapan ko si Alexander nang wala akong narinig na sagot at ang walang hiya, wala na pala siya. Sinunod talaga niya ang aking sinabi.

Maaatim niya talagang iwan ako dito para sa babaeng iyon?

Lumaylay ang aking mga balikat. I felt helpless all of a sudden. The people of this country is treating me like a precious gem and yet the king always treat me like a trash. How pitiful could that be?

I wrapped the shawl tightly around my shoulder when the cold breeze suddenly blew.

Nang tignan ko ang oras sa suot kong relo ay tatlong oras na pala ang nakalipas magmula ng umalis si Alexander. Mag-aalas singko na ng hapon at malapit ng dumilim pero wala parin siya.

Nagsimula na akong makaramdam ng takot. Paano kong wala na siyang planong balikan ako dito? Hindi ko alam ang daan pauwi. Sa isiping iyon ay nanginig ang mga labi ko sa takot na naramdaman.

Inilingap ko ang tingin sa paligid sa pag-asang baka may naligaw na tao na pwede kong hingan ng tulong pero puro naglalakihang mga kahoy ang nakikita ko.

Tumayo ako at pinilit na maglakad kahit kumikirot ang mga paa ko. Kailangan ko nang umalis dahil kong hindi ko pa sisimulang maglakad ngayon ay siguradong gagabihin na ako pauwi, pero nakakalimang hakbang pa lang ako ng may marinig akong padyak ng kabayo sa likuran ko.

Nang lumingon ako ay namukhaan ko agad si Alwar, ang royal guard ni Alexander.

Blangko ang mukha na hinintay ko ang lalake habang papalapit.

Alwar pulled the rope to stop the horse when he was already infront of me. He immediately dived down into the horse and bowed his head to me.

"Your majesty I apologize for taking too long." Agad na paumanhin nito.

"Why are you here? Where is the king?"

"Your majesty, the king ordered me to take you home."

Tumalim agad ang aking mga mata.

"Where is he?" Matigas kong tanong.

Nag-iwas agad siya ng tingin ng makita ang galit sa aking mga mata.

"My apologies, but I am not in the position to answer your question. It is better if you ask the king itself."

"Alwar." May warning ang tono ng boses na bigkas ko sa pangalan niya.

"I'm sorry your majesty." Nakayukong sagot niya.

I chuckled sarcastically. Ofcourse, Alwar won't tell me. His loyalty is with Alexander.

Kumulo tuloy ang dugo ko sa inis at galit na nararamdaman. How dare that brute. I won't let this slip away. Maghihiganti ako. Makikita niya.

********

Alexander Viturin's Pov

"Mr. Gonzalo, how is the queen?" Tanong ko sa aking personal assistant habang nakatutok ang aking mga matasa librong binabasa ko.

Gonzalo is already in his late fiftee's. He was the late king's personal assistant before he became mine.

We are currently at the old royal library. Nakaupo ako habang nakatayo naman sa kanan ko si Mr. Gonzalo.

When I was still a crown prince, this place is one of my favorite spot. And until now, that I became a king, mas gusto ko parin na dito magbasa dahil mas komportable na ako dito.

"Your majesty, her personal maid reported that the queen was in her chamber and hasn't been out of her room since this morning." Magalang na pagbibigay-alam ni Mr. Gonzalo.

Ibinaba ko ang librong binabasa at sumandal sa aking kinauupuan pagkatapos ay sunod sunod ang ginawa kong pagbuntunghininga.

"Mr. Gonzalo, what do you think? Shall I apologize to the queen?" Malayo ang tingin na tanong ko sa kanya.

Hindi ako makapag concentrate sa pagbabasa dahil maya't mayang pumapasok sa isip ko ang reyna. Hindi ko man aminin, pero nagi guilty ako sa nangyari kahapon.

Hindi ko na siya nabalikan dahil nagpahatid si Laura hanggang sa kanilang bahay. Wala tuloy akong nagawa kong hindi ang utusan si Alwar para sunduin siya.

Naguguluhang napatingin si Mr. Gonzalo saakin. Wala siyang alam sa nangyari kahapon kaya hindi niya alam kong ano ba ang kailangan kong ipaghingi ng tawad sa reyna.

"Your majesty, in my honest opinion, if you think that you hurt the queen intentionally then, she really deserve your apology." Buong katapatang sagot niya.

Wala sa loob na napatango ako sa isinagot niya. Ilang minuto pa akong tumitig sa kawalan bago ko naisipang tumayo.

"Let's head to the queen's chamber. I need to see the queen." Deklara ko.

"Yes, your highness." Agad naman niyang pagsang-ayon.

Malalaki ang mga hakbang na naglakad ako palabas ng silid-aklatan habang hindi naman magkandaugaga si Mr. Gonzalo sa pagsunod saakin. Medyo matanda na kasi ito at hindi na tulad ng dati na malakas at matibay pa ang kanyang mga buto.

Nang makarating kami sa silid ng reyna ay agad nagbigay galang ang royal guard ni Luna na si Diego.

"Announce my presence." Utos ko sa kanya.

"His majesty, the king is coming in." Malakas na sambit niya.

Pagkasabi niya iyon ay agad bumukas ang pintuan. Namukhaan ko agad si Miss Guada; ang nakatokang personal maid ni Luna.

Nagbigay galang ang matanda sa akin bago siya gumilid sa pinto para bigyan ako ng daan. Naiwan sa labas si Mr. Gonzalo dahil pinili niyang hindi na sumunod. Isinara naman agad ni Miss Guada ang pintuan ng makapasok ako.

"Wait here your majesty. I will announce to the queen your presence." Magalang na paalam niya.

Napatango ako bilang sagot. Nakita kong pumasok siya sa nag-iisang puting pinto na nasa dulo. Ipinagpalagay kong iyon na siguro ang kwarto ni Luna.

Habang naghihintay ay iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa kwarto ni Luna.

The room is wide and tidy. I was amazed with the way how it was beautifully decorated. The white and peach color of the wall gives a vibrant vibes in the eyes. There is a partition that divides the dining area and a large living area with sofa bed and a double height coffee table. On the left corner, is a mini library room.

"Your majesty. I apologize, but the queen says she was exhausted so she won't accept any visitor today." Napabaling ang aking tingin kay Miss Guada na nasa gilid ko na pala.

Masiyadong akong engrossed sa pagtingin sa paligid kaya hindi ko napansing lumabas na pala ito ng kwarto.

"How is the queen? Is she fine? Did a royal doctor check on her already?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Pero napaisip ako bigla. Ang sabi ni Mr. Gonzalo ay buong maghapon na nagkulong ito sa kwarto nito. Ano ang ginawa niya para mapagod siya? O baka naman ayaw lang talaga niya ako harapin dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya kahapon?

Nang hindi agad sumagot si Miss Guada ay namuo agad ang hinala sa utak ko.

"Y-your m-majesty, the queen is fine. She just wanted to sleep." Halos mautal utal na sagot niya kaya naman mas lalong lumakas ang hinala ko na ayaw lang talaga akong harapin ni Luna. Gayunpaman ay hindi na ako nagpumilit pa.

"Alright. I will go now. Tell me immediately if something happened to her." Bilin ko na lang.

"Yes, your majesty." Sinulyapan ko ulit ang kwarto ni Luna bago ako tumalikod at lumabas sa silid niya.

Ang hindi mapakaling mga mata agad ni Alwar ang nabungaran ko pagkalabas ko.

"Your majesty." Paunang sabi nito.

"Yes, Alwar. Do you want to say something?"

Tumingin ito kay Gonzalo at nakuha ko naman agad ang ibig sabihin niya.

"Mr. Gonzalo, you are now dismissed."

Agad lumiwanag ang mga mata ni Mr. Gonzalo sa sinabi ko. Alam kong pagod na rin ito dahil kanina pang umaga siya nakasunod saakin. Gabi na rin naman at wala na akong gagawin kaya hindi ko na siya kailangan.

"What is it Alwar?" Tanong ko agad nang wala na si Mr. Gonzalo.

Nagsimula na rin kaming maglakad palayo sa silid ni Luna.

"Your Majesty, there is a message from the dove's house. She needs you right now."

Agad lumarawan ang pagkabahala sa mukha ko.

"Why? What happened? Is she okay?" Tarantang sunod-sunod kong tanong.

Napabilis tuloy ang paghakbang ko.

"Nevermind. Prepare the car. I will leave." Bagkus ay may pagmamadaling utos ko

"But your majesty, there is a cabinet meeting at the royal court tomorrow." May pag-aalalang sagot ni Alwar.

Alam kasi niya na kapag nagpupunta ako sa bahay nina Laura ay hindi agad ako nakakauwi.

"I don't care Alwar. Laura needs me. She is more important." Matigas kong sagot sa kanya.

"Yes, your majesty. I will prepare the car now." Pagsukong sagot niya.

Nagderetso agad ako sa private garage ko habang si Alwar naman ay kinuha ang aking sasakyan. Maya maya pa ay huminto na sa aking harapan ang aking gray porsche 911 4S Cabriolet convertible car.

"Alwar. Don't tell anyone where I went. I will go home as soon as possible." Bilin ko agad ng makababa siya sa aking sasakyan.

"Yes your majesty."

Lumulan ako sa aking kotse at agad pinaharurot palayo. Malayo pa lang ang kotse ko ay bumukas na ang main gate ng palasyo. Binigyan ko na noon ng instruksiyon ang mga gwardiya na nakatoka sa main gate kaya alam na ng mga ito ang gagawin kapag makikita ang aking kotse na lumalabas sa dis-oras ng gabi.

Wala nang masiyadong sasakyan ang nagdaraan sa labas kaya naman dere-deretso ang aking pagmamaneho. Wala pang kalahating minuto ay nakarating na agad ako sa bahay nina Laura. Inihinto ko ang sasakyan sa mismong tapat ng bahay nila bago may pagmamadaling lumabas ako sa kotse.

Walang gate kaya naman kita ko agad ang kabuuan ng bahay nila.

Laura's family is living in a two story house. They are not rich, but they are not poor either.

Laura is an only child. She works as a private tutor. Her father is working in an office while her mother is a principal in a private school.

I met Laura one time when I was in disguised while walking in the streets. I was still a crown prince back then. I was immediately starstrucked by her beauty the moment I laid my eyes at her and in that instance I didn't stop following and chasing her until she didn't became mine.

And I can't believe that it was already six years since our relationship started. We go through up's and down's with our relationship, but I swore that I won't leave her no matter what happens.

Naagaw ang pansin ko ng bumukas ang front door at mula doon ay lumabas si Laura.

Nakasuot siya ng puting bestida na pantulog habang nakalugay ang buhok niya.

"A-alexander." Mahina ang boses na tawag niya saakin.

Agad akong naglakad papalapit sa kanya. Sumalubong naman siya at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"A-alexander." Kumalas ako sa aming pagyayakapan at may masuyong ginagap ang kanyang mukha.

May kong anong mabigat na bagay ang dumapo sa aking dibdib nang makitang namumugto ang mga mata niya. Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi niya.

"Ssshhh..stop crying. Let's go inside. Malamig dito sa labas baka magkasakit ka." Malambing kong saad.

Iginaya ko siya papasok sa loob ng bahay nila. Walang tao sa living room nila malamang nasa kasarapan na ng tulog ang mga magulang niya.

Alam ko na ang kwarto ni Laura dahil ilang beses na akong nakapasok sa silid niya. Doon ko siya iginaya at ng makapasok kami ay iniupo ko siya sa maliit niyang kama na kasya lang sa dalawang tao.

"Tell me what happened." Buong lambing na tanong ko ng makaupo kaming dalawa.

Humihikbing yumakap nanaman ito sa akin.

"A-alexander. D-don't leave me." Basag ang boses na sambit niya.

"I won't leave you Laura, never." Buong katapatang sagot ko sa kanya.

Wala talaga akong balak na iwan siya kahit kasal na ako sa iba. They may call me selfish, but Laura is only mine.

"I-i..i had a dream. I-in my dream, y-you..you l-leave me." Humihikbing kumpisal niya.

"Shhh..It won't gonna happen. I will never leave you Laura. I promise." Madamdaming sagot ko at niyakap ito ng mahigpit.

Matagal kami na nasa ganoong ayos hanggang sa maramdaman kong lumaylay ang ulo niya. Nakatulog na siya sa kakaiyak.

Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama at kinumutan hanggang balikat niya.

Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya at marahang hinaplos ang pisngi niya.

I loves this girl so much and I can't imagine living my life without her. It pains me that I won't be able to keep my promise that she should be my queen.

Nagpakawala ako ng isang malungkot na buntunghininga. Humiga ako sa tabi ni Laura at hinarap siya.

"The only thing I am able to do is to keep you by my side and love you until my last breath." Mahinang bulong ko sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status