Share

Chapter Six

Luna's Pov

"Maraming salamat sa mga ibinigay niyo. I will make sure to eat all of this." Nakangiting sambit ko.

Nangingiting nagtanguan naman ang mga ito.

"Maraming salamat din mahal na reyna dahil naisipan mong bumisita dito. Napakalaking karangalan para saamin ang pagpunta mo dito." Nasisiyahang sambit ng matandang babaeng nagbigay saakin ng mga prutas kanina.

"Huwag kayong mag-alala, mula ngayon dadalasan ko na ang pagpunta dito, pero hindi ba kayo nangangamba na baka hingiin ko lahat ang mga paninda niyo? Wala pa naman akong perang pambili." Pagbibiro ko sa kanila na ikinatawa nila ng malakas.

Nakisabay din ako sa pagtawa sa kanila. Parang kanina lang ay takot ang nakalarawan kanilang mga mukha ng marinig nila ang pagdating ko, pero kita mo naman ngayon at halos sapuin na nila ang kanilang mga tiyan dahil sa katatawa.

"Kamahalan, kailangan na nating umalis. Baka hinahanap na tayo ng mahal na hari." Mahinang sambit saakin ni Diego.

Lumingon ako sa kanya. Siya lang yata ang bukod tangi dito na hindi ngumiti at tumawa. Napakaseryoso ng mukha nito. I wonder kung marunong ba siyang ngumiti.

"Sige. Magpapaalam lang ako sa kanila." Sagot ko bago binalingan ang mga tao.

"Sige po, mauna na po kami at baka hinahanap na ako ng mahal na hari." Paalam ko sa kanila.

Nangisay sila sa kilig ng banggitin ko ang hari. If only they know our real situations with their king, siguradong hindi iyan ang magiging reaksiyon nila.

"Mag-iingat kayo mahal na reyna. Hihintayin namin ang susunod mong pagpunta dito." Sabay sabay na sambit nila.

Nakangiting tumango ako bago ko binalingan si Diego.

"Kaya mo bang bitbitin ang lahat ng mga ito?" Itinuro ko ang mga prutas at gulay na ibinigay nila.

Tinignan naman nito ang tinutukoy ko. Medyo madami rin kasi ang mga ito at baka hindi niya kayang bitbitin kaya naman kinuha ko ang tatlong supot na puro prutas ang laman, pero agad itong inagaw saakin ni Diego.

"Hindi na mahal na reyna. Kaya ko lahat na bitbitin ito." Sagot niya.

Dalawang kamay ang ginamit ni Diego para dalhin lahat ang mga ibinigay nila. Hindi ko alam kong nabibigatan ba siya dahil wala naman siyang reklamo.

Nagsimula na kaming maglakad paalis at hustong paglabas namin sa bungad ay bigla na lang sumulpot ang mga hindi mabilang na sasakyan sa harapan namin at mula doon ay lumabas ang mga hindi mabilang na palace guard. Napakunot ang nuo ko.

What is happening here?

"Your majesty. I think the king is here." Pagbibigay-alam saakin ni Diego.

Pagkasabi niya iyon ay lumabas si Alexander mula sa mismong sasakyan na huminto sa harapan namin. Napakaseryoso ng mukha niya at nang magtama ang aming mga mata ay bigla nalang tumiim ang panga niya.

I put on a straight face when he started walking in our direction. At nang makalapit siya ay hindi ko napaghandaan ng bigla na lang niyang pinisil ang aking braso dahilan para mapangiwi ako dahil medyo masakit. Hinaplos ko ang parteng pinisil niya.

How dare he lay his hands to my precious body? Pasalamat siya at marami ang nakatingin sa amin dahil kong kaming dalawa lang sana ang nandito ngayon ay baka kanina ko pa siya sinampal.

"What are you thinking? Why did you go in a crowded place?" Mahinang bulong niya, pero mababakas ang galit sa tono ng boses niya.

"I got bored so I decided to tour around." I calmly answered even if my insides are burning with anger.

"Without informing me?"

Sinalubong ko ang galit niyang mga tingin.

"Do we really need to discuss my reason here? The people are watching at us."

Iginala naman niya ang tingin sa paligid at nang makita niya na nakatingin nga ang mga tao saamin including the palace guards ay kumalma agad siya.

"Escort the queen back to the palace." Pagkuwan ay utos niya bago kami tinalikuran.

Sumunod ang ibang palace guard sa kanya habang naiwan naman ang iba saakin.

"Let's go your majesty." Kalmadong aya saakin ni Diego.

My mood just got better, but why did he have to ruin it again?

***********

"Miss Guada. Pakihanda ng pampaligo ko." Utos ko agad saaking personal maid ng makapasok ako sa aking kwarto.

"Masusunod mahal na reyna." Agad na sagot niya.

Basta ko na lang itinapon ang aking bag sa kung saan. Umupo ako sa aking kama at tinanggal ang aking suot na pumps.

Hustong pag-angat ko ng tingin ay bigla na lang marahas na bumukas ang aking pintuan at mula doon ay pumasok si Alexander.

Dere-deretso ang lakad niya patungo sa direksiyon ko at nang makalapit siya ay hinaklit niya ang aking braso at pwersahang pinatayo ako.

"Ano ba? Let go of my arm." Galit kong utos.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa aking braso, pero parang bakal ang kamay niya dahil hindi ko matanggal tanggal.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla niyang ilapit ang katawan saakin. Inangat ko ang aking tingin sa kanyang mukha at muntik na akong mapasinghap dahil sobrang lapit na pala ng mga mukha namin. Kunting galaw na lang ay mag-aabot na ang mga labi namin.

"If you go out again without informing me. You will see what you are looking for." He warned at me through his gritted teeth.

Hindi ko napaghandaan ng malakas niyang binitawan ang aking kamay dahilan para mapaupo ako sa aking kama.

Sinapo ko ang dibdib ko para pakalmahin ang malalakas na tibok ng puso ko. Mabuti na lang at hindi kami nakita ni Miss Guada. I don't want to give her a conclusion that Alexander has the tendency to become harsh sometimes. Kahit gaano pa siguro ako kagalit kay Alexander ay ayaw ko paring mabahiran ang magandang imaheng nakatatak na sa mga utak ng mga naninilbihan dito sa palasiyo sa kanya.

**************

Alexander's Pov

"Tell Diego to come to my office, now." Utos ko kay Alwar pagkapasok ko sa aking opisina.

"Yes, your majesty."

Umupo ako sa aking upuan at sinapo ang aking ulo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kong bakit bigla na lang akong nakaramdam ng takot ng malamang pumunta si Luna sa isang mataong lugar. Wala naman dapat akong pakialam sa babae.

Napaangat ang aking tingin ko ng unti unting bumukas ang aking pintuan.

"Your majesty." Diego uttered and bowed his head before me.

Umayos ako sa aking pagkakaupo at seryosong tinignan ang lalake.

"What happened Diego? You disobeyed my royal command." Pang-uusig ko sa kanya.

Lumuhod si Diego saaking harapan.

"Forgive me your majesty. I deserve to be punished."

Nagpakawala ako ng isang buntunghininga.

"Get up. I will let it pass of what happened today, but I hope it won't happen again." Maawtoridad na sagot ko sa kanya. Unti unti naman siyang tumayo.

"Thank you for your endless generosity your majesty. I assure you that it won't happen again."

I nodded satisfied with his answer.

"That is what I only wanted to hear. We don't want to risk the queen's life, right? I don't want to be blamed if something happens to her."

For now, I should act as if I am concerned with Luna while executing my plans.

"I understand your majesty."

"Alright, you can now go back to the queen's chamber."

He vowed his head and leave.

Sumandig naman ako sa aking upuan at nagpakawala ng isang malakas na buntunghininga ng mawala si Diego sa aking paningin.

"Alwar." Malakas na tawag ko sa aking royal guard.

Agad bumukas ang pintuan.

"Tell the maids to prepare my bath. I also want whiskey. The one I always drink." Utos ko sa kanya.

Kalahating minuto pa ang inilagi ko sa aking opisina bago ko naisipang lumabas.

I immediately head to my bathroom as soon as I entered my room.

The maids already prepared what I needed. I removed my clothes not leaving anything underneath me. The light is dim, but it is not a reason to hinder my perfectly sculptured chest. My toned biceps flexed when I reached for my wine glass and poured it with my favorite whiskey. I drank it in one gulp without blinking my eyes.

Sumandig ako sa gilid ng bath tub at ipinikit ang aking mga mata. I feel so relaxed na hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

*****************

"Your majesty, this is not the way to the royal court. Why did you change your route? Mas mapapalayo ka dito." Nagtatakang tanong saakin ni Mr. Gonzalo.

Huminto ako at iginala ang tingin sa paligid, totoo nga. Daan ito papunta sa opisina ni Luna. What is happening to me? Hindi naman ako lasing kagabi para maging lutang ang utak ko ngayon.

"Ganun ba? Hindi ko napansin."

Gonzalo knowingly stared at me. His eyes is telling me that he is not convinced kaya naman nag-iwas ako ng tingin.

"It's okay your majesty. This is the way to the queen's office. Do you want to stop by and talk to her? You still have time."

"What? No! Let's go. Malelate na ako." Mabilis kong sagot at nauna nang naglakad pabalik.

Mr.Gonzalo's idea is ridiculous. Why would I want to talk to the queen in this very early? Sure, I have something to tell to her, but I am planning to talk to her after I finished my works.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status