Share

Chapter Five

Luna's Pov

"Laura and I will go in the city on Saturday. Kailangan mong sumama saakin para walang maghinala."

Iyan ang eksaktong sinabi ni Alexander saakin noong inaya niya akong kumain ng tanghalian. Dahil sa sinabi niya ay nawalan ako ng ganang kumain at naging matamlay buong maghapon.

Ang kapal ng mukha niya. Hindi man lang ako tinanong kong gusto kong sumama. Gagawin nanaman akong chaperon? Gusto ko tuloy siyang pagsasampalin dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Miss Guada, hindi pa ba tapos magbihis ang reyna? Sabihin mong bilisan niya dahil mahuhuli na kami." Malakas na sambit ni Alexander sa labas ng pintuan ng aking silid.

Hindi ko napigilang mapaikot ng mga mata. Sinasadiya ko talagang tagalan ang paglalagay ng make-up sa aking mukha. Bahala siyang maghintay sa labas siya ang may kailangan saakin kaya matuto siyang maghintay.

"Your ma----"

"Narinig ko, hayaan mo siyang maghintay diyan, hindi pa ako tapos." Putol ko sa sasabihin sana ni Miss Guada.

"Pero mahal na reyna, kanina pa naghihintay ang mahal na hari sainyo." Hindi mapakaling sagot ni Miss Guada.

Ngumisi ako.

"Hayaan mo siya. Ituloy mo na lang kung anuman ang ginagawa mo. Ako na ang bahala sa kanya."

May pagdadalawang isip man ay sumunod parin si Miss Guada sa akin, pero napapansin ko ang maya't maya niyang pagsulyap sulyap saakin. Nakikita ko kasi ang repleksiyon niya sa salamin.

"M-mahal na reyna, maawa na kayo sa mahal na hari. Dalawang oras na siyang naghihintay." Maya-maya ay hindi na nakatiis na wika ni Miss Guada.

I let out an exasperated sigh.

"Oo na. Eto na. Tapos na ako." Nakasimangot na sagot ko.

Tumayo ako at pumaikot sa harap ng aking salamin para tignan kong bagay ba saakin ang suot kong damit.

I am wearing a coat-inspired peach Carolina Herrera dress and paired it with my white Manolo Blahnik pumps. I bun my hair in a french twist hairstyle to match my outfit.

Nang sa palagay ko ay wala nang mas gaganda pa sa akin ay kinuha ko na ang aking LV sling bag at naglakad palabas sa aking kwarto.

Alexander's crumpled face welcomed me. He was sporting a blue button down long sleeves, grey stretch pants and sperry burnished-Leather boat shoes. His messy undercut hair is fixed on one side giving him the impression of a Mr. Nice Guy, but I know better. As what they always say, looks can be decieving.

"What took you so long? Sobrang late na tayo." Galit na wika niya.

Napakunot ang nuo niya ng padaanan ako ng tingin mula taas at pababa.

"Why did you overdressed? We will go in the city, it's not as if we will attend an important event." Inis na sambit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me, a queen don't overdressed herself." Mataray naman na sagot ko.

Nilagpasan ko siya at ako na mismo ang nagbukas ng front door.

Nakaabang na agad sina Alwar at Diego saamin sa labas ng pintuan. Sa syudad kami pupunta kaya hindi pwedeng hindi sumama ang dalawa.

Medyo nanibago ako sa suot nilang damit ngayon. Hindi kasi sila nakasuot ng pang royal guard na uniporme. Ang suot nila ngayon ay all black suit at nangingintab sa linis ang itim na sapatos nila. Sa kaliwang tainga nila ay nakakabit ang isang earpiece. Kulang na lang ng itim na shades at kamukha na nila ang mga men in a black suit sa mga movies na napanood ko na.

Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi ang itsura ng dalawa. Army cut ang gupit ng buhok nila at halos magkasing tangkad lang sila. Medyo hapit ang suot nila kaya kita ang matikas nilang pangangatawan. Mukhang kahit busy sila sa pagbabantay saamin ay may oras parin sila para mag ehersisyo. Ang kulay abo nilang mga mata ay napaka seryosong tumingin na nagbibigay ng impresyon na isnabero sila.

"You will ride in my car. Diego and Alwar will tail us." Nawala ang atensiyon ko sa dalawa ng magsalita si Alexander.

Hindi ako sumagot. Umalis si Alwar at wala pang limang minuto ay huminto sa harap namin ang gray porsche cabriolet convertible car sakay ang lalake.

Nang bumaba si Alwar ay pumaikot naman si Diego at pinagbuksan ako ng pintuan sa passenger side. Isinara din agad niya ang pinto nang makapasok ako.

Sumilip ako nang hindi agad pumasok si Alexander sa sasakyan. May sinasabi ito kay Alwar at Diego. Seryoso namang tumatango-tango ang dalawa.

Maya maya pa ay tumalikod na ang mga ito at sumakay sa itim na sasakyan na nasa likod namin.

Nang pumasok si Alexander sa loob ng sasakyan ay nakulong agad ang amoy ng pabango niya. Lihim akong napaismid. Mukhang ipinanligo na niya ang pabango sa buong katawan niya.

Nang paandarin niya ang sasakyan ay tumingin ako sa labas. Wala akong planong makipag-usap sa kanya. Hindi rin naman niya sinubukang magsalita na ipinagpasalamat ko.

Not after thirty minutes, he stopped the car at a well known five star hotel. I am familiar with the place because I've been here twice with my father before.

The hotel was famous for gathering big events for businessmens and celebrities. Their security is tight so Alexander made a good choice.

"Where is Laura?" Tanong ko nang hindi makita ang babae sa paligid.

"She's already inside. Let's go."

Nauna siyang naglakad. Sumunod ako. Sa likod namin ay sina Alwar at Diego na sinusundan kami.

Nginingitian ko ang mga taong humihinto para magbigay respeto saamin. Si Alexander kasi ay tuloy tuloy lang ang paglalakad na parang walang nakikita. Kung wala lang siguro kami sa pampublikong lugar ay baka kanina ko pa siya tinuktukan sa sobrang inis ko.

Hindi man lang siya magbigay ng magandang impresiyon sa mga tao. Kahit pa siya ang nakakataas sa kanila ay wala parin siyang karapatan na isnabin ang mga tao niya. Nakakakulo talaga ng dugo ang pagiging isnabero niya.

Wala akong imik habang binibilinan ni Alexander ang dalawa. Hinatid lang nila kami sa elevator at agad ding silang umalis.

Alexander pressed the Penthouse suite button. Ngayong kaming dalawa na lang ang nasa loob ay kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kausapin siya

"Hindi ko gusto ang ginawa mong pang iisnab sa mga tao kanina." Simula ko.

"I am not in the mood to entertain them." Masungit na sagot niya.

Hindi makapaniwalang sinulyapan ko siya.

"You don't need to talk to them. You should have atleast smiled and not just passed at them as if you didn't saw them. You are giving a bad impression to your people as their king." Naiinis na sagot ko.

"Okay fine. Just stop nagging. I didn't come here for that."

Umismid ako bilang sagot.

Pagkabukas ng elevator ay namataan ko agad si Laura sa hindi kalayuan na naghihintay na saamin. Agad nagliwanag ang mukha niya ng makita kami.

Palihim kong pinagmasdan ang kabuuan niya habang naglalakad papalapit saamin. Nakasuot siya ng mint green laid back dress with puff shoulders. The sweatheart neckline accentuated her bust. Pinaresan niya ito ng silver cross strap stiletto's at nakalugay lang ang straight at itim na itim na buhok niya. Tanging liptint lang ang inilagay niyang kolorete sa mukha pero napakaganda parin niyang tignan.

I assumed that she isn't fond of using make-up's hindi tulad ko na hindi lalabas kapag walang bahid make-up ang aking mukha.

Nang tuluyan siyang makalapit saamin ay naagaw agad ng pansin ko ang suot niyang solitaire diamond necklace. Napakunot ang nuo ko. That necklace worth is less than two million dollars if I am notmustaken. Hindi ko tuloy napigilang mapahaplos saaking kwintas na pagmamay-ari pa ng aking ina.

How did she afford a diamond necklace? May nabuong hinala agad sa utak ko. Ofcourse, walang ibang makaka afford na magbibigay sa kanya niyan kung hindi si Alexander lang.

Lihim tuloy akong napaismid. Napaka swerte naman talaga ng babaeng ito.

"Your majesty," she said softly acknowledging my presence before she bowed her head before me to show her respect, and when he turned to Alexander, she smiled and hugged him. Kung makaasta naman ito ay parang siya ang totoong asawa. Hindi ba siya nahihiya saakin? O baka naman katulad din ni Alexander ay makapal din ang mukha niya?

"I missed you, Ali." Malambing na saad niya.

"I missed you too." Ganting sagot naman ni Alexander na yumakap din ng mahigpit sa babae.

Napaikot ang mga mata ko. Naaalibadbaran ako sa senaryo na nakikita ko kaya naman nauna na akong pumasok sa loob.

Bumungad agad saakin ang featured floor-to-ceiling windows. The blinds were split into two kaya naman kitang kita ko ang mga naglalakihang buildings sa labas.

The wide space on the left side is partitioned into living room and dining room. The living room has a sofa bed, coffee table and an interactive tv system with dvd player.

"I hope you don't mind your majesty, pero nag-order na ako ng mga pagkain baka kasi gutom na kayo pagkadating niyo dito." Sambit ni Laura nang makaupo ako sa bakanteng upuan.

"It's okay. I don't mind." Labas sa ilong na sagot ko.

Tapos na siyang mag-order ng pagkain nang hindi man lang ako tinatanong kong anong gusto ko. Kung magrereklamo ako ay masasayang ang mga pagkain na inorder niya. Pasalamat siya at hindi ako mapili sa pagkain.

"Maraming salamat pala at sinamahan mo si Alexander kamahalan." Nakangiting sambit niya.

Sinulyapan ko si Alexander na nakatingin din pala saakin. Balak ko naman talagang sabihin na hindi naman ako binigyan ng pagpipilian ni Alexander pero ng makita ko ang warning sa mga mata niya na parang sinasabi nito na huwag na huwag akong magkakamali ng sagot ay hindi ko na itinuloy ang gusto kong sabihin.

Ibinaling ko ang tingin kay Laura at matipid siyang nginitian.

"Don't mention it. I also wanted to go out so I agreed." Ang pinili kong isinagot.

"Alright. Let's eat. The time is ticking. We don't have enough time." Biglang singit ni Alexander.

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ng lagyan niya ng pagkain ang pinggan ni Laura, pero ako ay hindi man lang pinagka-abalahang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. No offense meant, pero hindi man lang ba siya nakakaramdam ng hiya sa harap harapang pang-iinsulto niya saakin? Kahit hindi na respeto bilang babae ang ibigay niya kundi ay respeto na lang bilang reyna ng buong bansa. Ang kapal kapal talaga ng mukha niya.

Gustong gusto ko nang umalis ng matapos kami sa pagkain, pero may plano pa palang magtagal ang dalawa dito.

"We will just go in the room and rest a little bit. You can also rest in the other room if you want." Alexander offered at me after we finished eating lunch.

Rest? Ako pa ba ang gagaguhin niya? Mabuti sana kong magpapahinga talaga sila. Hindi na ako bata pa. Alam kong may ibang gagawin pa ang dalawa, pero wala na akong pakialam. Siguraduhin lang niya na walang ibang makaka-alam ng mga pinaggagawa niya kung hindi ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para maghiwalay ang dalawa.

Okay lang kung ako lang at ng dalawang royal guard namin ang nakaka-alam ng relasiyon nila pero kapag may nakaalam na ibang tao at worst malaman ng aking ama at inang reyna, magdasal na ang mga ito dahil hinding hindi ko hahayaang mapahiya at kaawaan ako ng mga taong mahalaga saakin.

"No, I'm fine. I will wait at the living area." I answered casually.

Nagpunas ako ng table napkin sa aking bibig bago ako tumayo at naglakad papunta sa living area. May interactive tv system naman at dvd player. Aaliwin ko na lang muna ang sarili sa panonood.

Dumaan ang tatlong oras at nagsisimula na akong makaramdam nang pagkainip. Ano kaya kong maglakad lakad muna ako sa labas?

Sinulyapan ko ang kwartong kinaroroonan ng dalawa. Nagdadalawang-isip ako kong kakatok ba ako para magpaalam pero huwag na lang at baka makarinig pa ako ng hindi kaaya-ayang pakinggan.

Tumayo ako at isinuot ang aking Prada aviator para walang masiyadong makapansin saakin. Tahimik na lumabas ako ng kwarto, pero muntik na akong mapasigaw sa gulat ng makitang nakatayo sa magkabilang gilid ng pintuan sina Alwar at Diego. Sinapo ko ang dibdib para pakalmahin ang malakas na tibok ng puso ko.

"Kanina pa ba kayo nakatayo dito?"

"Yes, your majesty. Dumiretso agad kami dito pagkatapos naming kumain." Sagot ni Diego.

"Ganun ba? Gusto kong maglakad lakad sa labas. Samahan mo ako. At Alwar," Binalingan ko siya." Nakatulog si Alexander. Hintayin mo siyang magising. Babalik din kami agad." Bilin ko sa kanya.

"But your majesty. The king will not be glad if he find out that you go outside alone."

"I am not alone Alwar. Nakikita mo naman siguro si Diego na kasama ko." Sarkastikong sagot ko.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumango sa isa't-isa.

"Huwag lang kayong lalayo mahal na reyna." Sagot niya.

"Fine. Diego, let's go."

****************

Alexander's Pov

"Ali, is it really okay with the queen seeing us together? Hindi ba siya magsusumbong?" Biglang pagbasag ni Laura sa katahimikan na namamagitan saamin.

Kasalukuyan kaming nakaupo at nakasandig sa headrest ng kama. Siguro ang alam ng iba ay may nangyari na saamin, pero wala pa kahit minsan. I love and respect Laura and I wouldn't dare take advantage of her.

We kissed and make out and it ended there. Ang gusto ko bago may mangyari saamin ay may pinanghahawakan na siya saakin.

"Don't worry about her dahil hindi siya magsusumbong." I answered assuring her.

Napangiti ako ng sumandig si Laura sa aking dibdib at ipinaikot ang mga braso nito sa aking baywang. I sigh in contentment.

"Before I forgot, do you want to be my personal secretary?" Tanong ko sa kanya.

Lumayo si Luna at nagtatanong ang mga mata na tumingin saakin.

"P-personal Secretary? I thought you already have one?"

"I am planning to give him a vacation."

"But the queen-----"

"Don't worry about her. I will talk to her and make sure that she will agree to help me." Putol ko agad sa anumang sasabihin niya.

"A-are you really sure? Did you forget that I am a teacher? I don't know the job of a secretary."

"Don't worry. I am here to assist you."

Ngumuso siya dahilan para mapatawa ako.

"Hindi ba at parang baliktad naman? Kaya nga kukunin mo akong secretary para may mag-aasist sa'yo?"

Napatawa nanaman ako dahilan para mahampas niya ako sa balikat.

"Bakit mo ako tinatawanan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nakasimangot na tanong niya.

I held Laura's chin, but she slapped my hand. Napailing ako.

"Don't worry. You don't need to do anything. Just stay by my side and that is all that matters to me."

Natigilan si Laura. Lumamlam ang mga mata niya at hindi naglipas saglit ay biglang namuo ang mga luha doon.

"Y-you always make me feel that I am enough for you. What did I do in my past life to deserve you?"

I softly chuckled. Hinila ko siya at isinandig ulit ang ulo niya sa aking dibdib.

"Because you are more than enough for me. You deserve everything in this world, and as long as I am alive; I will do everything even the impossible thing. So hold still my future queen, as long as our feelings are the same, I will never let you go."

Napangiti ako nang malakas nang mapasinghap si Laura. Alam kong mabibigla siya sa deklarasiyon ko, but there is no turning back now. After all, I really intended her to be a queen.

After the officials bring out the topic about producing an heir, I suddenly thought about Laura giving me an heir and not Luna. I know they will condemned me if they found out my relationnship to Laura that's why I am making my plan step by step and the first thing that I need to do is to make her my personal secretary first.

"F-future queen?" Mahinang sambit niya. Akmang kakalas siya sa aking pagkakayakap, pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya para hindi siya makawala.

"Yes Laura. You will soon be my future queen."

"But how about Luna?"

"Don't worry too much. Ako na ang bahala."

Hindi sumagot si Laura bagkus ay humigpit lang ang pagkakayakap niya saakin. Natahimik na rin ako. We stayed this way hugging each other feeling each other's warmth for about an hour until we decided to go home.

"Huwag mo na akong ihatid sa labas at baka may makakita pa saatin." Sambit ni Laura habang inaayos ang kanyang sarili.

"Are you sure?"

She smiled and gave me a peck on the lips na siyang nakapag pangiti rin saakin.

"Yes my king." Sagot niya na nakapagpahalakhak saakin.

This is the first time that she called me my king at nakakabakla mang isipin, pero kinilig ako dahil doon. Damn. It was so good hearing her calling me my king with possessiveness.

Hindi na nga siya nagpahatid at hindi na rin ako nagpumilit pa dahil pagkatapos naman nito ay palagi ko na siyang makikita.

Lalabas na rin sana ako, pero naalala ko si Luna. Iginala ko ang tingin sa paligid at ng hindi ko siya makita ay lumabas ako.

"Your majesty." Sambit agad ni Alwar ng makita ako.

"Did you see Luna went outside?" Tanong ko.

"Yes, your majesty. She went outside for a walk with Diego."

Napatiim ang aking bagang. Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo niya.

"Why did you let her?" Nagpipigil sa galit na tanong ko.

"Forgive me your majesty, but the queen is persistent." Nakayukong sagot niya.

"Trace her."

Mabilis ang kilos na kinuha ni Diego ang maliit na device sa bulsa niya at may pinindot pindot bago may lumabas na huni na parang nagwawarning.

"Your majesty, she is at the Mercat Central. 2km drive away from here."

Napakunot ang aking nuo.

"Isn't it that one of the largest market in our place?"

"You are right, your majesty."

Napahilot ako sa aking sentido sa konsumisyon.

"Alert the palace guards. Tell the chief guard to send atleast twenty guards in Mercat Central now. And don't tell Diego. We will follow them."

"Yes, your majesty."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status