Share

Chapter Four

Luna Amaranthine's Pov

"I don't need to explain myself. Think what you want to think." Malamig na sagot ko.

Nainis ako dahil parang binibigyan niya ng malisya ang ginawang panggagamot ni Prince Gilmore sa aking mga paa. Matagal na kaming magkakilala ng lalaki. Nakilala ko siya sa unibersidad na pinasukan ko noong nag-aaral pa ako ng kolehiyo.

Kumukuha siya ng masterals degree noon at naging magka-klase kami sa isang subject.

Masiyahin ang lalake at very approachable kaya madali ko siyang napalagayan ng loob.

Ang huling balita ko sa kanya ay noong pumunta siya sa New York para magtrabaho bilang isang doktor sa pinaka-malaking ospital doon.

Aksidente lang ang pagkikita namin ngayon. Binisita pala niya si inang reyna at papauwi na ito nang hindi sinasadiyang mapagawi siya dito sa Sunken Garden at nakita ang ginagawa kong paglalagay ng ointment sa aking mga paa.

Hindi lingid sa kaalaman niya na ako ang asawa ni Alexander. Hindi lang siya nakadalo sa kasal namin noon dahil nasa importanteng kombensyon pala ito noon.

Nagpresinta lang si Prince Gilmore na siya na ang maglalagay ng gamot sa aking paa at wala naman akong nakikitang mali doon dahil doktor naman siya. At wala din akong malisyang nararamdaman dahil parang kapatid na lalaki na ang turing ko sa kanya, pero ang lalaking nasa tabi ko ngayon ay iba ang iniisip kaya naman naiinis ako.

"I just saw the two of you in a very akward position. Don't I deserve an explanation?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin.

Kailan pa naging akward ang paglalagay ng gamot sa paa ko?

"He is just treating my wound. Why are you making it a big deal?"

"And why did you let him treat your wound? Nagkukulang na ba tayo ng doktor dito sa palasyo?"

I frustratedly sigh.

"I let him because I see no wrong in it. He is a doctor. Did you already forget about that?"

He shot me a glare.

"You can't see what's wrong?" He asked raising his voice."The fact that you and him are alone here is already wrong. Paano kong may nakakita sainyong dalawa dito at mag-isip sila ng masama? You are a queen of this country Luna. Lahat ng galaw mo mapapansin nila. Kahit pa pinsan ko at kakilala mo si Prince Gilmore hindi parin magandang ideya na kayong dalawa lang ang magkasama dito. You told me to be careful with my actions, but you...you aren't even careful with your actions too." Sumbat niya.

I let out a defeated sigh. Okay fine. He has a point. I already get what he really meant.

"I'm sorry, okay? Hindi na mauulit."

Ako ang nakagawa ng mali kaya magpapakumbaba ako ngayon.

"May sasabihin ka pa ba? Kung wala na aalis na ako." Sambit ko nang bigla akong makaramdam ng pagka-asiwa.

Hindi siya sumagot kaya ipinagpalagay ko na wala na siyang sasabihin.

Bitbit ang supot na pinaglagyan ng gamot ay tumalikod ako, pero napatigil ako ng bigla niyang hinawakan ang aking braso. Agad din niyang binitawan wala pang tatlong segundo.

"Let's eat lunch together tomorrow. I want to discuss something with you." Sambit niya bago walang lingon likod na naglakad ito palayo.

Naiwan ako doong nakatunganga dahil sa pagkabigla. Ofcourse, bakit naman kasi hindi ako mabibigla, ito ang unang pagkakataon na inimbitahan niya akong kumain nang kami lang dalawa. Sa weekends ko lang siya nakakasabay kumain at sa umaga lang dahil sa sinusunod naming tradisyon.

Nacurious ako bigla. Ano naman kaya ang mahalagang pag-uusapan namin?

Napuyat tuloy ako kaiisip ng sinabi niya kaya naman hindi agad ako nagising ng maaga kinabukasan.

Hindi pa sana ako babangon kong hindi ko lang narinig ang malakas na boses ni Miss Guada.

"Your majesty, tatanghaliin na kayo kong hindi pa kayo babangon."

Nag-inat ako habang nakahiga pa sa aking kama.

Tinatamad akong bumangon. Limang oras lang ang itinulog ko kaya inaantok pa ako.

Ipipikit ko na sana ulit ang aking mga mata ng bigla na lang hilahin ni Miss Guada ang aking comforter.

"Nakahanda na ang iyong pampaligo mahal na reyna. Lalamig ang tubig kapag hindi pa kayo bumangon diyan."

My eyes landed to where Miss Guada is. Nakatayo siya sa paanan ng aking kama habang hawak hawak ang aking kumot.

"Okay fine." Nagdadabog na bumangon ako.

I am comfortable showing my childishness to my personal maid. Mabait naman kasi siya kaya lang minsan naiirita ako sa kanya lalo na kapag ginigising ako sa umaga. Hindi man lang kasi niya ako binibigyan ng pagkakataon na makapagnilay nilay bago ako bumangon. Ang gusto kasi niya kapag ginising na ako ay dapat bumangon na ako. Hindi naman ako makapagreklamo dahil sumusunod lang ito sa patakaran sa palasyo.

"Your majesty, kumain muna kayo bago maglagay ng kolorete sa mukha niyo." Natigil ang akmang paglalagay ko ng foundation sa aking mukha nang marinig ang sinabi ni Miss Guada.

Muntik ko nang makalimutan ang presensya niya kong hindi lang ito nagsalita.

"Pakiabot na lang ng mainit na gatas. Hindi ako nagugutom." Sagot ko sa kanya.

Mabilis naman ang kilos na kinuha niya ang gatas na nakalagay sa tray at iniabot sa akin. Usually, kapag ganitong umaga, minsan lang ako kumakain ng agahan at dito ako sa silid ko kumakain.

"Okay na ako, Miss Guada. Pwede mo na akong iwan dito. Alam kong marami ka pang gagawin."

"Kung ganun, iiwan ko na kayo dito mahal na reyna. Si Diego na ang bahala sainyo mamaya." Magalang na sagot niya bago umalis.

Alam kong pagkatapos niya akong tulungan sa mga pangangailangan ko sa umaga ay maglilinis pa siya ng kwarto ko. Sa gabi ay babalik ulit siya para asikasuhin ako kaya naman kapag kaya ko naman nang gawin ang isang bagay ay hindi ko na siya inaabala pa.

Nang maubos ko ang isang basong gatas ay humarap ulit ako sa salamin at pinagmasdan ang aking mukhang walang bahid make-up.

Sino ang mag-aakala na ibang iba ang aking mukha kapag wala akong make-up? Maliban kay Miss Guada ay wala pang nakakakita ng totoo kong mukha dito sa palasyo. Sinasadiya ko kasi ang paglalagay ng makapal na make-up upang inisin si Alexander dahil palagi na lang niyang pinupuna ang aking mukha.

I wouldn't dare say that I am ugly. I have the kind of beauty that every human being will take a second glance at. Medyo tsinita ako, pero kapag naglalagay ako ng eye liner ay pinapalaki nito ang aking mga mata. My eyelashes is naturally long and thick pero naglalagay parin ako ng maskara. Maliit ang aking ilong pero matangos ito. At ang aking mga labi ay maliit at manipis, pero kumakapal ito kapag naglalagay na ako ng lipstick.

Sinasadiya ko ring palaging pula ang kulay na inilalagay sa aking labi dahil alam kong nabwibwisit si Alexander kapag nakikita ang pulang pula na labi ko.

Nang makuntento ako sa ayos ng mukha ko ay tumayo ako at kinuha ang aking bag sabay labas sa aking kwarto. Nadaanan ko pa si Miss Guada na nagpupunas ng mga figurines sa living area.

Pagkalabas ko sa main door ay sumunod agad si Diego saakin.

Napakatahimik ng paligid at tanging tunog lang ng takong ng aking Hermes high cuts boots ang naririnig sa hallway.

Medyo hinihingal na ako ng dumating ako sa aking opisina. Isa pa ito sa mga ikinaiinis ko, bakit wala man lang nakaisip na magpagawa ng elevator? Sumasakit ang mga paa ko sa kaka akyat-baba sa hagdanan. Hindi pa man nagsisimula ang trabaho ko ay pagod na ako. At sa kaisipang ganito ang magiging routine ko hanggang sa tumanda ako ay pakiramdam ko pasan ko na ang buong mundo.

"Good morning, your majesty." Bati agad ni Miss Olga pagkabukas na pagkabukas ni Diego sa pintuan ng aking opisina.

Kinuha agad niya ang aking bag at tinulungan akong alisin ang aking suot na blazer.

"Did someone call?" Tanong ko nang makaupo ako sa aking swivel chair.

Nakaramdam ako ng ginhawa ng sumandal ako doon.

"Yes, Prince Gilmore wants to set an appointment with you. He said he wants to have a lunch with you today."

Natigilan ako sa sinabi niya. A lunch would be a great idea since I also wants to catch up with him, but Alexander already told me first.

"Did you agree?"

"No, your majesty. I told him that I will ask you first."

Nakahinga ako ng maluwag sa isinagot niya. Atleast hindi ako makakaramdam ng guilt dahil hindi ko talaga siya pwedeng sabayan ngayon.

"Aside from that, wala na bang tumawag?"

"Wala na mahal na reyna, pero may sulat na dumating."

Napakunot ang nuo ko.

"Sulat para saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko alam. Mas mabuting ikaw na ang tumingin. Nandiyan na sa lamesa mo."

Hinanap ko ang sinasabi niya at nakita ko naman agad.

The address was from La Palma Island. Nang buklatin ko ito ay isa pala itong imbitasyon para sa darating na La Palma Almond Blossom Festival. It will be held on February two, and it is already one week from now.

I want to go. Sa pagkaka-alam ko ay may paligsahan na magaganap doon. Matagal ko nang gustong pumunta sa La Palma kaso nga lang ayaw akong payagan ni daddy noon dahil malayo daw. At ngayong nabigyan ako ng pagkakataon ay pupunta ako.

"Call them. Tell them that I will go." Utos ko kay Miss Olga.

May nakalagay na telephone number kaya madali na lang tumawag.

"Yes, your majesty."

Mag-aalas onse na ng ideklara ni Diego na nasa labas ng aking opisina si Prince Gilmore. Agad kong inihinto ang aking ginagawa at hinintay ang pagpasok ng lalake.

"Forgive me for coming here without your permission. Hindi ko na kasi mahintay ang sagot mo sa imbitasiyon ko." Agad na sambit ni Prince Gilmore nang makalapit saakin.

Napaka presko niyang tignan sa suot na white long sleeves at black slim-fit trouser na pinaresan nito ng black loafer shoes with panel detailing. Nagpakita ang biloy sa magkabilang pisngi niya ng ngumiti siya saakin.

Kung ibang babae lang ang kaharap niya ay baka kanina pa nagkikisay sa kilig, pero iba ako. Wala akong anumang atraksiyon na nararamdaman sa kanya kaya komportable akong kausap siya.

"It's okay. Why don't you take a seat first?" Imbita ko.

Umupo naman siya sa upuan na nasa harap ko. Bale pinagitnaan namin ang aking office table.

"So, will you accept my invitation to have a lunch with you?" He hopefully asked.

Napag isipan ko na ang isasagot kaya naman madali na lang saakin na bigkasin iyon, pero bago ko pa iyon maisatinig ay may nauna ng nagsalita para saakin.

"I'm afraid she can't." Alexander uttered intevening to our conversations.

Sabay pa kami ni Prince Gilmore na napasulyap sa kanya.

His hair was already dishelved, but he still looked handsome. He looks dignified in his white long sleeves that was folded into three and black pleated trousers paired with black tassel loafer's.

"She is going to have a lunch with me." Dagdag pa niya sa tonong hindi mababali.

Pagkasabi niya nun ay may tatlong babaeng pumasok sa opisina ko habang tulak tulak ang tig-iisang food cart. Agad kong namukhaan ang mga ito dahil sa suot nilang uniporme. Sa pagkaka -alam ko ay mga katulong ito na nakatoka sa royal kitchen.

May mini dining area ako dito sa opisina ko at doon dumiretso ang mga katulong na may bitbit na pagkain.

Nang tumayo si Prince Gilmore ay tumayo rin ako. Wala na ang ngiting kanina ay nakapaskil sa mukha niya.

"If that's the case, I should leave now." Pormal na saad ni Prince Gilmore.

He bowed his head to Alexander before he stormed out of my office.

I felt pity for him. Pwede naman kaming magsasabay sabay sana tutal magpinsan naman sila kaso nga lang ay nagdalawang isip akong isatinig iyon dahil iba ang aura na nararamdaman ko sa dalawa. Kahapon pa malamig ang pakikitungo ni Alexander kay Prince Gilmore. Kung anuman ang dahilan, wala na akong planong alamin. Bahala sila sa buhay nila. Malalaki na sila.

**************

Alexander Viturin's Pov

"Ano iyong mahalagang sasabihin mo saakin?" Napatigil ang pagsasalin ko ng pagkain sa aking pinggan ng marinig ang tanong ni Luna.

I cleared my throat before I continue putting food on my plate.

"Mamaya ko na sasabihin. Kumain muna tayo at lalamig ang mga pagkain." Sagot ko.

Hindi umimik si Luna. Tahimik siya nang magsalin siya ng pagkain sa pinggan niya.

Lihim ko siyang sinulyapan. Paano ko ba sasabihin na wala naman talaga akong sasabihin sa kanya?

Bigla na lang kasing nanulas sa bibig ko ang mga katagang iyon dahil sa pagkataranta ng bigla ko na lang hawakan ang braso nito.

Binigyan ko pa tuloy ng problema ang aking sarili. Ano ngayon ang idadahilan ko? Malapit na kaming matapos kumain pero wala pa akong naiisip.

Nasa huling subo na ako ng aking pagkain ng bigla na lang pumasok si Alwar sa pinagkakainan namin.

Nagtatakang napasulyap si Luna sa kanya.

Nagbigay respeto muna si Alwar saaming dalawa bago ako hinarap.

"Forgive me for interrupting, your majesty, but this is important."

Nagpasintabi muna ako kay Luna bago ako tumayo. Iginaya ko si Alwar sa pwesto na hindi maririnig ng babae ang pag-uusapan namin.

Ibinilin ko sa aking royal guard noon na pwede niya akong abalahin kahit ano ang ginagawa ko basta si Laura ang pinag-uusapan kaya nagka-ideya agad ako na baka tungkol sa babae ang ipinunta niya at hindi ako nagkamali.

"Your majesty, the dove's house sent a message. Miss Laura wants to see you."

Agad nagliwanag ang mukha ko. I have an alibi now. Thanks to Alwar. He just saved me from a possible embarassing moment.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status