Share

Ika-apatnapu't apat na kabanata

“Ama, ayon sa librong binabasa ko ay hindi natin dapat basta-basta nilalagay sa ating mga kamay ang batas. Ibig sabihin ho ba nito ay kailangan muna natin ng matibay na patunay at mga pruweba sa pagkakasalang ginawa ng nasasakdal bago sila hatulan?” tanong ko sa aking ama na nasa katapat ko nakaupo. Narito kami ngayon sa silid aklatan. Kasalukuyan kong binabasa ang libro tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang namumuno patungkol sa mga nagkakasala, at siya naman ay nagbabasa ng mga ipinasang batas at kasulatan sa kanya mula sa konseho.

Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. Ibinaba niya ang scroll na hawak niya sa may mesa bago sumandal sa kanyang upuan.

“Iyan ang nakasaad sa ating kasulatan at tamang gawin, ngunit may mga pagkakataon na maaari natin iyang baliin, katulad na lamang kung harap-harapan nating nakita na nagtataksil sila sa ating mundo o kapag may mga kalabang sumugod sa atin at kailangan na ng ating mga nasasakupan,

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status