Share

Ika-tatlumpu't dalawang kabanata (unang parte)

Paano nga ba ako makakabalik sa aming mundo? Kung iisiping mabuti, ang mga ilog sa imortal na mundo ay malabong maging konektado rito. Hindi ko rin naman alam kung saan ang lagusan dito sa mundo ng mga tao dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakapunta, at wala sa mga pinag-aralan ko noon dahil ang lokasyon na iyon ay nababago. Sa aming mundo naman ay ang lagusan papunta rito ay nasa loob ng Enchanted Forest sa hangganan ng lupain ng mga Witch at Enchantress, at hindi rin basta-basta makakalabas doon ng dahil sa sariling kagustuhan. May nagbabantay sa lagusan na iyon na makapangyarihang Enchantress na kadugo ni Danie na binigyang kapangyarihan ng lumikha para sa gano’ng gawain. Kung kaya’t paano ba ako napunta rito? Masyadong malayo ang gubat kung saan ako namatay mula sa lagusan.

Pagtulong nga ba ang ginawa sa akin o hindi? Kung ang mga kakampi at kaalyansa namin iyon ay hindi nila ako dadalhin dito, pero kung isang kaaway na gustong alisin ang mg

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status