“Hindi ko alam kung ganitong style ba ‘yung mga tipo mo. Ito ‘yung ibinigay nila sa akin dahil inilarawan kita para maisip nila kung ano ang bagay sa iyo,” saad ni Cyrus habang ipinapakita sa akin ang mga damit na binili niya. Ang una niyang ipinakita ay ang mga pangbaba na kung hindi paldang mahahaba ay mga pantalon naman. Ang iba ay may disenyong laso sa may bewang na sa palagay ko ay para sa mga babae.
Sunod niyang ipinakita ay ang mga pang-itaas na karamihan ay blusa na may mahahabang manggas na ayon din sa gusto ko. Iilan lamang ang mga bestida ngunit sa palagay ko ay hindi ko naman maisusuot ito sa kanyang tahanan dahil base sa aking na-obserbahan ay mga simpleng damit at maluluwag lamang ang sinusuot sa bahay, at ang mga ito ay ang mga pang-alis o panglakad na. Sumilip kami ni Mira kanina sa labas kung kaya’t iyon ang naobserbahan ko.
Binilang ko ang mga iyon at ang dami ng binili niyang damit ay sasakto sa sampung araw na suotan.
“Hindi ko alam kung h
Ano sa inyong palagay ang mga susunod na mangyayari? Makakabalik pa ba si Fajra sa kanilang mundo? Sino ang tumulong sa kanya at bumuhay? Mayroon bang tumatakbo sa inyong isip na mga ideya at tiyorya? Aking ikatutuwa ang inyong mga magiging sagot.
Katulad ng aking inasahan ay sa paglabas ko ng silid ni Cyrus ngayong umaga ay wala na siya sa sala at sa kanyang tahanan. Ang naabutan ko na lamang ay ang iniwan niyang sulat na nasa mesa sa kainan na nagbibilin sa akin kung saan nakalagay ang kanyang mga niluto at mga gamot ko, at kung paano bubuksan o papaganahin ang mga kagamitan niya rito upang aking magamit, tulad na lamang ng kalan para sa pag-iinit ng niluto niya.Gusto ko pa ngang matawa dahil ang unang pangungusap sa kanyang sulat ay, “Hindi ko alam kung pati pagbabasa ay nakalimutan mo, pero kung hindi, mabuti naman at maiintindihan mo ito.”Matapos basahin at intindihin lahat ng kanyang sinulat ay sinunod ko ang mga iyon. Mula sa pagbubukas ng tangke ng kanilang ginagamit sa pagluto, hanggang sa pagbukas ng kalan at pag-init ng tinatawag niyang noodles. Nang masiguradong kumukulo na ito ay pinatay ko na agad ang kalan at isinalin ang niluto niya sa isang mangkok.Madali lang nama
Sampung araw na pananatili rito sa mundo ng mga tao at anim na araw mula nang magising ako. Ang ilan sa mga sugat ko ay naghilom na, habang ang iba na natamo ko mula sa saksak ay kahit papano’y malapit na ring gumaling. Tumigil na ang mga iyon sa pagdudugo at simpleng mga pangtakip na lamang ang nilalagay at hindi na kailangang bendahan. Ang sunog naman na natamo ko sa pulso ay malapit na ring gumaling. Namumula na lamang iyon. Ang lakas ko ay paunti-unti na ring bumabalik kung kaya’t ang ilan sa kapangyarihan ko ay nagagawa ko nang magamit, ngunit may limitasyon pa rin. Maayos na rin ang paglalakad ko at mas nakakatapos ng mga gawaing bahay ng mabilisan. Sampung araw na ang nakakaraan ngunit kung susumahin ay masyado na itong matagal para sa pagpapagaling at pagpapanumbalik ng lakas ko, at nakakasigurado akong ang pinakarason nito ay dahil sa hindi ako nakakainom ng kahit anong dugo. Bilang bampira, lalo na’t may dugo akong maharlika at pinakamalakas sa aming lahi ay ang du
“Akala ko ba’y wala kang natatandaan? Eh, bakit hayan at sanay kang magluto? Pinaglololoko mo ba ako?” Awtomatiko akong napatigil sa paghihiwa ng gulay nang magsalita si Cyrus sa tabi ko. Kasalukuyan siyang naghihimay ng manok na kakatapos lang palamigin mula sa paglalaga nang sabihin niya iyon. Gusto niya raw kasi akong tulungan sa lulutuin ko pero mula nang lumapit siya rito ay bukod sa napakadami niyang tanong ay kung ano-ano ang mga idinududa niya sa akin. Wala siyang tigil sa pag-iisip ng kung ano-ano imbes na ituon ang atensyon sa kanyang ginagawa.Ibinaba ko ang kutsilyo sa may sangkalan at nilingon siya. Agad na tinaasan ko siya ng kilay.“Bakit? Ang ibig sabihin ba ng walang natatandaan ay wala ng kakayahan sa ibang mga gawain? Naging tuluyang mangmang at miski ganitong bagay ay hindi magagawa?” tanong ko sa kanya pabalik. Agad naman siyang napasimangot sa akin at muling hinarap ang manok na pinapahimay ko.“Hindi rin
Katulad ng nakagawian ay si Cyrus ang naghugas ng pinagkainan at pinaglutuan namin habang ako naman ang nagwalis at nag-alikabok sa bahay. Saglit lang naman ang naging paglilinis na ginawa dahil sakto lang naman ang laki ng bahay niya. Bagong palit na rin naman kahapon ang mga kurtina at sapin sa higaan kung kaya’t ilang minuto lamang ang tinagal ko sa paglilinis.“Tapos ka na r’yan?” tanong ni Cyrus sa akin pagkasabit ko ng walis sa likod ng pinto. Humarap ako sa kanya at tumango.“Oo, tapos na,” sagot ko. Bumalik ako sa may kusina at naghugas ng kamay. Agad naman siyang sumunod sa akin at pinunasan ang mga hinugasan niya bago iyon ibinalik sa tauban.“Sige. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na kumikirot ang kahit anong sugat mo? Hindi na nagdudugo?” sunod na tanong niya. Hinarap ko siya at tumango.“Wala. Galing na ako at iilan na lang naman ang sugat na hindi pa tuluyang naghihilom pero tuyo na
Sa pag-apak pa lang ng mga paa ko sa loob ng tinatawag nilang mall ay hindi ko na naiwasan ang mamangha sa paligid. Malamig ang hangin dito kung kaya’t naging pamilyar ang katawan ko sa temperatura. Sa paligid ng mall na ito ay mayroong iba’t-ibang tindahan na makikita. Mayroong mga pwesto na nagtitinda ng mga damit, gamit, at ang iba ay mga kainan. Marami ring mga mortal ang nag-iikot sa paligid. Karamihan ng aking nakikita ay pamilyang nagliliwaliw at nag-iikot, ang iba’y magkakatambal, at ang karamihan ay magkakaibigan. Mayroong maririnig na mahinang tugtog sa paligid ngunit mas nangingibabaw ang ingay ng pinagsama-samang boses ng mga naririto sa loob. Hindi naman sobrang dami ng tao ngunit sa palagay ko’y normal lang sa lugar na ito ang ingay. “Anong masasabi mo sa mall?” tanong ni Cyrus. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at nagkibit balikat. “Maraming tao, malamig, maganda, at maingay,” sagot ko. Napangiti na lamang siya sa sagot ko at nagpaunang maglakad. Aga
Ika-labing dalawang araw ng pananatili ko sa mundo ng mga mortal. Ayon kay Cyrus kahapon nang tanungin ko siya ay alas siyete ng umaga siya aalis para pumasok sa trabaho, kung kaya’t alas singko y medya pa lang ay bumangon na ako at naghanda ng almusal. Palaging pinapaalala sa akin ni Danie na bago simulan ang ano mang gawain at trabaho ay kailangang may laman ang tiyan dahil ito ang magbibigay enerhiya upang masimulan ng maayos ang kung ano mang gawain. Noong mga nakaraan ay hindi ko siya napagluluto dahil nagbabawi pa ako ng lakas, ngunit ngayong tuluyan ng maayos ang lagay ko ay sisimulan ko na ang pagluluto ng kanyang almusal sa araw-araw hanggat nandito pa ako nanunuluyan sa kanyang tahanan.Hindi ko pa alam kung ano ang hilig niyang kainin sa umaga o ang paboritong kombinasyon ng pagkain, kung kaya’t kung ano muna ang nandito na alam kong lutuin ay siya kong ihahanda.Ang itlog na narito ay hinaluan ko ng sibuyas, kamatis, siling berde, at sinamahan n
Para sa mga bampirang katulad ko, isang biyaya ang magkaroon ng mga kakayahan tulad ng mabilis na pagkilos, paghalo sa hangin para mabilis makapunta kung saan namin nais, malinaw na paningin at pandinig, at ang hindi pagkakaroon ng sakit na hindi mula sa mga tama ng kung anong mapaminsalang gamit o sumpa. Nakadepende rin sa dugong nananalaytay sa amin kung ano pa ang ibang mga kakayahanan o kapangayrihan na mayroon kami. Kung ako mayroong kapangyarihan na nakuha ko sa aking mga magulang tulad ng pagkontrol sa anino at apoy, pagbubukas ng mga portal, pagkontrol ng isip, at iba pa, na natatangi sa iba, ay ang ibang bampira naman ay wala nito. May mga kakayahan naman sila na minsa’y ako naman ang wala.Ang isa pang lubos na ipinagpapasalamat namin ay hindi tumatanda ang aming mga itsura, at ang imortalidad ay hindi mabilis maputol kung hindi sasadyaing tapusin. Ngunit sa bawat biyaya na mayroon kami ay may kaakibat naman na sumpa. Isa na sa itinuturing naming na sumpa ay a
“Sa paglipas ng panahon, sigurado akong ang mga kakayahan at kapangyarihan na mayroon ka ngayon ay mas lalakas at mas dadami. Sa ngayon ay kakayahan pa lamang ng iyong ina ang mayroon ka, pero nakakasigurado akong makukuha mo ang akin kung magpapatuloy ka sa pag-eensayo,” saad ni ama habang isang ngiti ang nakaguhit sa labi niya nang maabutan niya ako rito sa aking silid ensayuhan na sumusubok gamitin ang mga patalim at ibang kagamitan sa pakikipaglaban. Inihagis ko ang huling kutsilyo na hawak ko sa may tudlaan bago sinundan ng tingin ang pagkilos niya. Kinuha niya ang espada sa may gilid at inihagis sa akin papunta ang isa, kung kaya’t agad na sinalo ko iyon. Kinuha naman niya ang isa pa bago lumapit sa akin. Nabigla ako nang mabilis siyang sumugod sa akin, kung kaya’t wala akong nagawa kung hindi labanan siya pabalik dahil kapag nanatili akong nakatayo lamang ay maaaring mahiwa o bumaon sa akin ang espada niyang gamit.