Home / Other / The Family Heirlooms / Chapter 39: Surpresang Pagbabalik

Share

Chapter 39: Surpresang Pagbabalik

Author: Ma Ri Tes
last update Huling Na-update: 2025-08-10 09:15:40

Pagkatapos ng pagsamba, hinatid sya ni Javi sa karinderya ng ate nya. Bumungad ang mapanghusgang tingin ng mga kustomer na nandun. Binaliwala nya lang iyon.

"Magkape ka muna bago ka umuwi", alok nya sa lalaki.

Tumango ito. Sumunod sa kanya sa loob ng karinderya at pumuwesto sa isang bakanteng table na andun.

" Walang kaming cappuccino coffee dito ha, kaya original coffee lang ang ititimpla ko sayo", ani nyang nakangiti. Sumingaw ang matamis na ngiti sa labi nito.

Napansin nyang panay ang sulyap ng mga dalaga sa lalaki. Nagpapansin ang mga ito kay Javi. Samantalang patay malisya lang ang lalaki.

"𝘏𝘮𝘮, 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘨𝘪𝘳𝘭𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 ", bulong nya sa isip habang tumalikod sa lalaki.

Nasa counter ang kanyang ate na may makahulugang tingin sa kanya. " Ano yan ha? mukhang madalas na ang pagkikita nyo nyan? ".

Ginawa muna nya ang kape ng lalaki bago sumagot sa kap
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Family Heirlooms   Chapter 43: Unraveling Emotions

    MATETAlas-singko na ng umaga nang magising siya. Agad niyang inayos ang sarili, puno ng determinasyon na bumaba sa kusina upang ipaghanda ang agahan nila—lalo na ang almusal ni Javi. Naisip niya na dapat na niyang simulan ang pag-aalaga at pag-asikaso sa mga pangangailangan ng lalaki, upang pagdating ng mga magulang nito, maging tila natural at kaswal na lamang ang kanyang mga galaw.Nasa kusina na si Nanay Alma, masigasig na naghuhugas ng mga sangkap para sa kanilang agahan. Si Trina naman ay nakikita niyang nagwawalis sa bakuran sa labas ng mansion. "Good morning po, Nanay Alma!" ang bati niya, nagulat ang matanda sa kanyang boses.“Good morning, Tet! Ang aga mo namang nagising,” sagot nito."Opo, plano ko pong ipagluto ng almusal si Javi," sagot niyang nakangiti. "Ano po ang karaniwang kinakain niya sa almusal?"Ngumiti si Nanay Alma, tila naintindihan ang layunin niya. “Itlog, tinapay, at kape ang madalas na kinakain ni Señorito, Tet. Minsan, toasted bread lang,” sabi nito habang

  • The Family Heirlooms   Chapter 42: Under the Same Roof

    JAVIMaaga pa siyang umuwi sa mansion, nag-aalalang baka hindi lumabas si Matet mula sa kanyang kwarto. Iniwan niya itong biglaan at hindi naipakilala nang maayos sa mga kasambahay. Baka nahirapan itong makisama sa kanila.Pagbaba niya mula sa kotse, agad siyang dumeretso sa guest room kung saan naroon si Matet. Ngunit sa pinto pa lang ng mansion, rinig na rinig na niya ang matinis na tawanan mula sa kusina. Dahan-dahan siyang lumapit doon at tumambad sa kanyang paningin si Matet, kasama ang dalawa niyang kasambahay, na masayang nakikipag-kwentuhan habang naghahanda ng kanilang hapunan. Hindi na niya sila ginambala; sa halip, nanatili siyang nakatayo sa pintuan, nakangiti at nakikinig sa kanilang masiglang usapan."Alam mo, Tet, itong si Trina, napalo 'yan ng nanay niya noon kasi ipinatawag sila sa school. Gumawa ba naman ng love letter para sa crush niya at sa ibang tao pa niya ito naibigay! At nang bawiin niya, akala ng nabigyan—para talaga sa kanya ito—pinagtawanan siya. Buti na la

  • The Family Heirlooms   Chapter 41: Uncharted Paths

    Matet"Nanay Alma, paki hatid po ang señorita niyo sa guest room," tawag ni Javi sa isang katulong ng mansion. Mabilis itong lumapit sa kanila, puno ng kasigasigan."Opo, Señorito," mabilis na sagot nito, may ngiti sa kanyang mga labi."Gandang hapon po," bati niya, bahagyang yumuko bilang paggalang."Magandang hapon din sa iyo, Señorita," balik bati ng katulong. "Sumunod po kayo," sabay kuha sa dala niyang maleta.Bago siya sumunod, nagsalita si Javi, nag-aalangan sa tono. "Magpahinga ka muna sa guest room. Sa hapunan na natin pag-uusapan ang set-up natin." Isang mabilis na tingin ang ibinigay niya bago lumabas ng mansion. Mukhang nagmamadali siya. Hindi na hinintay ang kanyang sagot.Habang sumusunod sa katulong, inilinga niya ang mga mata sa loob ng bahay. Mga mamahaling gamit ang nakapaligid – mula sa mga mapanlikhang muwebles, sa makintab na chandelier, sa mga makasining na paintings, maging sa magagandang kurtina. Napahanga siya ngunit pinilit niyang itago iyon. Ayaw niyang mag-

  • The Family Heirlooms   Chapter 40: Embracing the Role

    MATET Maaga pa siyang bumangon kinaumagahan upang ipaghanda ng almusal ang mga bata para sa kanilang pagpasok sa paaralan at upang ayusin ang mga gamit na dadalhin sa mansion ng mga Dixon. “Good morning, Ma,” bati ng kanyang anak nang pumasok ito sa kusina. Tapos na itong maligo at nakabihis na. Lumapit ito sa kanya at tumulong sa paghahanda ng mesa. “Good morning,” sagot niya habang ngumiti. “Nasaan na ang kapatid mo?” “Nagbibihis na rin po,” sagot nito. “Ma, every weekend ba, uuwi ka?” “I'm not sure, nak, pero susubukan ko,” sagot niya, na may ngiti sa labi. Hindi nagtagal, dumating sina Angie, Thea, at Bryle upang mag-agahan. Pagkatapos ng agahan ng mga bata, agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagpaalam sa kanyang ina. “Nay, ikaw na bahala sa mga bata, ha? Tawagan niyo ako kaagad kung nagpapasaway ang mga 'yan,” bilin niya, puno ng pag-aalala. “Naku, huwag kang mag-alala. Mababait ang mga anak mo,” sagot ng kanyang ina. “Mabuti naman kung ganun. Alis na po ako,” an

  • The Family Heirlooms   Chapter 39: Surpresang Pagbabalik

    Pagkatapos ng pagsamba, hinatid sya ni Javi sa karinderya ng ate nya. Bumungad ang mapanghusgang tingin ng mga kustomer na nandun. Binaliwala nya lang iyon. "Magkape ka muna bago ka umuwi", alok nya sa lalaki. Tumango ito. Sumunod sa kanya sa loob ng karinderya at pumuwesto sa isang bakanteng table na andun. " Walang kaming cappuccino coffee dito ha, kaya original coffee lang ang ititimpla ko sayo", ani nyang nakangiti. Sumingaw ang matamis na ngiti sa labi nito. Napansin nyang panay ang sulyap ng mga dalaga sa lalaki. Nagpapansin ang mga ito kay Javi. Samantalang patay malisya lang ang lalaki. "𝘏𝘮𝘮, 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘨𝘪𝘳𝘭𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 ", bulong nya sa isip habang tumalikod sa lalaki. Nasa counter ang kanyang ate na may makahulugang tingin sa kanya. " Ano yan ha? mukhang madalas na ang pagkikita nyo nyan? ". Ginawa muna nya ang kape ng lalaki bago sumagot sa kap

  • The Family Heirlooms   Chapter 38: Ang Alok

    "Alex, sa palagay mo, papayag kaya siyang magpanggap na asawa ko?" tanong niya kay Alex.Napatingin si Alex sa kanya, naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya."Sino po ang tinutukoy mo, boss? Si Ms. Matet ba?" ito kasi ang babaeng napag-usapan nilang dalawa noong nakaraang araw.Marahan siyang tumango. Pilit niyang pinupukos ang isip sa mga report na nasa harap niya, ngunit patuloy pa rin siyang nadidistract."Sa totoo lang, boss, hindi ko alam. Kakaiba ang babaeng iyon," matapat na sagot ni Alex. "Subukan mo lang na kausapin siya."Nag-isip siya ulit. "May numero ka ba niya?" tanong niya."Wala, boss. Pero sigurado akong makikita natin ang numero o contact information niya sa reception. Lahat ng guests natin, nakalog-in ang mga personal details doon.""Tawagin mo nga si Roxie at sabihan mong hanapin ang contact details ng babae sa guests list," utos niya.Agad na tumalima si Alex. Pagbalik nito, may dala itong papel na naglalaman ng contact info na kailangan niya. Matagal siyang nak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status