Nagmamadali na silang lumakad patungong highway kung saan naghihintay ang kanilang inarkilang jeep. Mahigit kumulang sampung minuto ang layo ng kanilang bahay sa kalsada. Nasa medyo bukirin na kasi sila na bahagi ng probinsya nakatira.
"Toto, bilis-bilisan mo ang lakad mo", tawag nya sa anak ng mapansin itong naglalaro pa habang naglalakad. " Opo", patakbo na itong sumunod sa kanila kasi nahuhuli na ito. Malapit na sila sa highway at tanaw nya na ang nakaparadang sasakyan doon. Nakita nya rin si Kuya Lito sa driver's set na nag-aantay na sa kanila. "Kuya, kanina pa po ba kayo dito? ", tanong nya sa tono na nag-alala ng makarating na sila sa sasakyan. Alas otso ng umaga ang usapan nila pero alas otso y medya na sila dumating. Nalate sila ng tatlumpung minuto. " Hindi naman masyado day", mga pitong minuto pa lang siguro. "May dadaanan pa ba tayo? ", alam nito kasi na kung may lakad sya palagi nyang inaaya ang mga magulang nya. " Opo, dadaan po tayo kina nanay", ang tugon nya dito. "Sige sige, dadaanan natin sila. At inistart na nito ang makina ng sasakyan. Umakyat naman sila dito at pumuwesto ng maayos. Habang sa byahe ay kinuha nya ang kanyang selpon at tinawagan ang ina. " Hello Noy, nakahanda na ba kayo jan", ang kapatid nya na lalaki ang kanyang tinawagan. Hindi pa kasi marunong gumamit ang kanyang ina ng touchscreen phone, nakasanayan nitong gamitin ang keypad phone pa. "Patapos na po sa pag-aayos ang nanay te", sagot nito sa kabilang linya. " Oh, sige, pakausap ako saglit sa kanya", narinig nya na ibinigay nito ang selpon sa ina. "Nanay, si ate", rinig nyang sabi nito. " Hello tet", sabi ng nasa kabilang linya. "Nanay, papunta na po kami jan, abangan nyo po kami sa highway ". " Sige, patapos na din ako sa pag-aayos. Pupunta na kami agad sa highway ", pagsang-ayon nito sa suhestiyon nya. "Nonoy tawagin mo sina Ate mo Lea, at Thea, aalis na tayo", rinig nyang sabi nito bago putulin ang tawag sa selpon. " Sa highway na ba sila mag-aabang? ", tanong ni Kuya Lito sa kanya ng ibinaba nya ang selpon, narinig nito ang usapan nila. " Opo Kuya, medjo mahirap kasi ang daan papasok doon, lalo na't umulan kagabi". "Mabuti naman at hindi na ako mahirapan", sabi nito. Kapag umuulan medyo maputik na ang daan papasok sa bahay ng kanyang ina, hindi sementado ang daan patungo doon. **Sa bahay ni Aling Minda** " Tara na, baka andoon na sa highway sina ate nyo", tawag ni Aling Minda sa mga kasama, halata sa kilos nito ang excitement. Ngayon lang sya makapagbakasyon sa isang resort at tatlong araw pa. Talagang tinupad ng anak ang ipinangako sa kanila. Umayaw sya ng sabihin nito na nagbook ito ng kwarto sa isang resort para sa kanila. Iniisip nya kasi ang laki ng gagastusin ng anak dahil marami sila. Sinuwestyon nya dito na doon na lang sa beach na kadalasan nilang pinuntahan kapag may okasyon ang pamilya para walang gastos pero nagpumilit ito. Pinag-ipunan nya daw ang araw na yun at deserve nilang pamilya ang bakasyon. Halos maiyak sya ng sinabi yon ng anak. At alam nyang hindi nya mabago ang isip nito, may paninindigan ito. Kilala nya ang anak, kung anu desisyon nito mahihirapan na silang salungatin iyon! Mula pa pagkabata nito, ganoon na ang ugali. May isang salita at may paninindigan. Alam nya na may pagkakataon na nahihirapan na ito, pero ni minsan hindi nya narinig na nagreklamo. Hanga sya sa ugali ng anak. Mabilis ang kanilang lakad papuntang highway. Buti na lang wala pa doon ang sasakyan na sinasakyan ng anak. Pero hindi nagtagal ay nakita na nila ang papalapit na sasakyan. "Sila na ata yun Nay", turo ni Monmon sa paparating na sasakyan, anak yun ni Lea, apo na ni Aling Minda pero Nanay ang tawag nito sa lola. " Mukha nga sila na yan", pagsang-ayon ng mga kasama. " Anjan na sila lahat sa gilid ng highway Ma, nakaabang sa atin", sabi ni Laine ng makita ang mga nakatumpok na tao sa gilid ng kalsada. "Oo, pero bakit parang kulang sila?", tanong nya sa anak na kahit alam nyang hindi ito makasagot sa tanong nya. Hinanap ng mata nya ang kapatid na si Ana at ang dalawa nitong anak pero hindi nya ito nakita. " Si Mama, paano ko yun masasagot", bahagyang nakatawa na sagot ng anak. "Gagi, oo nga noh! ", natampal nya ang noo ng maalala na mali pala ang tanong nya. Kaya nagtawanan silang tatlo ng anak nya dahil sa reaksyon nya. Nakamasid lang naman sa kanila sa front mirror si Kuya Lito. Pumarada ang sasakyan sa tapat ng mga kasamang nakaabang sa kanila. Tinawag nya na ang mga ito para sumakay na din. "Halina kayo, mamaya aabutan tayo ng 50/50 dito", pagbibiro nya sa mga ito na nakangiti. Makikita sa mukha ng mga kasama niya ang excitement at kasayahan kaya masaya rin sya. " Si tita naman eh, ang aga pa po kaya ", si Thea ang sumagot sa biro nya habang papaakyat sa sasakyan. "Matagal pa po ang maghapon", pamangkin nya ito, anak ng kapatid nyang nagtatrabaho din sa ibang bansa. Nauna yung umuwi sa kanya noong nakaraang taon at hindi na sila nagpang-abot dahil bumalik ito sa kanyang amo pagkatapos ng 3 buwan na bakasyon. " Hindi ka naman mabiro Thea", hinampas nya ito sa hita ng mapalapit sa kanya. Umupo kasi ito sa tabi ng panganay niya. Close talaga ang dalawang bata, at halos magkaedad lang sila. Dalawang taon lang ang tanda ng anak nya rito. Ng makita ni Kuya Lito na nakaupo na ng maayos ang kanyang mga pasahero ay pinaandar nya na ang sasakyan at nagpatuloy. "Nay asan po si Ana", nagtatakang tanong nya sa ina. " May pupuntahan daw sila ni Rowel kaya hindi sila makasama, sa bagong taon na lng daw sila uuwi para magkakasama tayong sasalubong ng bagong taon", mahabang paliwanag ng ina. Bawat pagsalubong ng bagong taon palagi talaga silang nagtitipon sa bahay ng ina. Nag-aambag ambag sila sa mga lulutuin at gagastusin para hindi mahirapan ang isa lang. Larawan sila ng tunay na pamilyang Pilipino. May close family ties kumbaga. "Sayang, mas masaya sana kung andito sila", may pagtatampo sa boses nya. Nagbibiruan at nagtatawanan sila sa buong byahe hanggang makarating sila ng pantalan ng pumpboat.It's a happy ride, walang bored moment sa buong byahe nila. Oo, sasakay pa sila ng pumpboat paluwas ng lungsod. hindi lang isang probinsya ang lugar nila, isa din itong isla. Marami ding magagandang beach doon pero mas pinili nyang doon sa inirekomenda ng kaibigan nyang resort. Balak nya kasing pag-uwi nila ay ipagmomall nya din ang mga ito. Nakaless din naman sya kasi may promo ang resort na yun.MATET " Dito na lang ako Mr. Dixon", wika nya sa lalaki. "Can you please stop calling me Mr. Dixon. Call me by my name, Javi". " But I should't call you by that. You need to be respected, you're rich and well known! ", she argued. " Does it matter if I'm rich or I have high status in the society ", he asked. " uhhhuhh", she nodded. He stopped the car but didn't unlocked the door. "Can you please unlocked the door", she pleaded. Nilinga ni Javi ang paningin sa paligid na parang may hinahanap. Binaliwala nito ang pakiusap nya. " Saan ang bahay ng ate mo? " he asked. Wala syang balak na sabihin kung saan banda ang bahay ng kapatid nya. Alam nyang, ihahatid sya nitong hanggang doon. Ayaw nya yun. Pakiramdam nya habang tumatagal ang pagsasama nila ng lalaking ito, nagkakaroon sya ng malaking utang na loob dito. Ayaw nya rin ang nararamdamang napapalapit sya sa lalaki. "Hindi mo kailangang alamin kung saan naroon ang bahay ng kapatid ko. It's too much already that
MATET "Uhmm. . .Mr. Dixon hindi na ako magtatagal. May pupuntahan pa kasi ako", saad niya. " Ok, pero ihahatid kita". "Ha? Naku, huwag na. Baka nakaabala ako sayo". " No , Wala naman akong ginagawa doon sa resort ", pagpupumilit nito. 'Uhm, nakakahiya naman kasi. . . mamimili pa ako eh", ayaw nya talagang ihahatid sya nito " It's ok, sasamahan kita", determinado ito sa sinasabi. "Uhh,. . . Ok", nagdadalawang-isip man, hindi na sya nagreklamo pa. " Le-Let's go". Nag-grocery muna sya ng mga kakailanganin nila sa loob ng bahay. Next stop nya, pumasok sya sa school supplies area para bilhan ng bagong sapatos at bag ang mga anak. Sumunod lang sa kanya si Javi at ito pa ang humihila ng cart nya. Almost 15 minutes ang pamimili nya bago pumila sa counter. "Hintayin mo na lang ako sa labas Mr. Dixon, babayaran ko lang to", pakiusap nya sa lalaki. " No, sasamahan pa rin kita". "No need, Kaya ko na to. " "But I insist". " Umusad naman kayo. Ang dami pang magbabayad
JAVI Past eleven na ng umaga ng dumating sya sa DFA. Mabilis lang naiproseso ang dokumento nya dahil may kaibigan siyang kilala sa departamento. Lumabas sya ng DFA ng matapos ang appointment niya. Dumaan sya sa harap ng POEA at may nahagip ang kanyang mata na isang babae na pamilyar sa kanya ang pigura. Tumigil sya sa paglalakad upang pagmasdan ng mabuti ang babaeng yun. Ng tumayo ito dahil sa paglapit ng isang lalaki, doon nya na tuluyang nakilala ang babae. "(What is she doing here? ) ", tanong nya sa sarili. Dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan nito. Pinag-aaralan nya rin ang galaw ng lalaking kausap nito. " (Another pervert! ) ", nagtitimbagang sya ng marealize na hinaharas na naman ito. " (Ganito ba palagi ang senaryo kapag nagkikita kami?), inis nyang tanong. Hinila nya ng marahas ang lalaking halos hahalik sa braso ni Matet. Hawak din nito ang kamay ng babae. "You're B***sh*t! Wala kang karapatang hawakan ang kamay nyan dahil ako lang ang may karapatan", mahina
Iniinat ni Matet ang katawan pagkatapos nyang gawin ang lahat ng gawaing bahay. Umupo sya sa duyan na nasa lilim ng punong mangga. "Hmmm, paubos na ang ipon ko, pero hindi pa rin nagparamdam ang agency na inaaplayan ko", bulong nya. Kinuha nya ang cellphone upang i-message ang kaibigan na nagrekomenda sa kanya sa agency. " [Sis gandang araw. Kumusta na? ]"panimula nyang mensahe. "[Ok lang sis, Ikaw kumusta naman jan? ]", balik tanong nito. Mabuti't online din ito sa mga oras na yun. " [Ok lang naman sis. Uhh, . . . sis kamusta nga pala ang application ko? ]" "[Ahh, sis nasa line up ka pa for selection kaya antay lang ng kaunti.]", paliwanag ng kaibigan nya. " [Suggest ko sis, kumuha ka na ng CoC sa POEA para kung maselect ka na mas madali ka ng makaalis]", suhestiyon nito. "[Sige sis, aasikasuhin ko ang CoC ko]", reply nya. Napabuntong-hininga sya. Isinilid nya ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa. " Mukhang matatagalan pa ako dito ah", she mumbled. "Kelangan
"Jhon, huwag mong idamay ang anak natin sa galit mo sa'kin", galit nyang singhal sa asawa. " Yang mga anak mo! nakuha yang pag-uugali mo! Nakakasuka, kaya lumayas kayo dito! ". " Sumusubra ka na John! Walang kinalaman ang mga anak natin sa away natin! ". Bumangon si John at tumayo. Itinulak nito si Bryle. " Aray", natumba ang bata sa gilid ng kabinet. Agad nyang sinaklolohan ito. " Nak may masakit ba? ", kaagad nyang siniyasat ang katawan ng anak baka nasugatan. " Ok lang po ako mama",malungkot nitong turan. "Salamat kung ganun", pinatayo nya ang anak at inilabas sa kwarto nila. " Sa labas lang muna kayo ha", pakiusap nya sa anak. Tumango naman ito at sinunod ang siya. Nakita nya kinuha ni John ang kanyang mga damit at itinapon ito sa labas, pati ang damit ng kanilang mga anak. "Magsilayas kayo rito. Mga wala kayong silbi! ", sigaw nito. " Papa, ano ba? Huwag mo naman tong gawin sa amin! ", rinig nyang pagsusumamo ni Laine. Pinupulot nito ang mga damit na tina
Tinupad nga ng Ate Bel nya ang pangako nito na uuwi sa probinsya upang sabay nilang salubungin ang bagong taon. Ganun din ang iba pa nyang kapatid. Matatawag silang isang tunay na pamilyang Pilipino. May close family ties. Nag-aaway man pero sa huli ay naayos nila ang kanilang problema. Sa pagsalubong ng bagong taon ay may kanya-kanya silang menu. Nagsipagluto sila sa kani-kanilang tahanan at dinala ang handa sa bahay ng kanilang ina. Ang kanyang Ate Bel ay nagluto ng puto at kutchinta. Si Lea ay nagluto ng spaghetti. Si Ana ay nagluto ng salad. Ang Ate Marie nya ang bumili ng cake at sya naman ay nagluto ng ulam na may sabaw at gulaman para sa dessert nila. Masaya nilang sinalubong ang bagong taon na sama-sama. Ang mga natirang pagkain sa pagsalubong ng bagong taon ay dinala nila sa beach na malapit lang sa kanila kinabukasan. Doon sila kadalasan pumupunta kapag may okasyon. Bumalik sila sa kani-kanilang buhay matapos ang bagong taon. At naging busy ang lahat. Isang