"Pre naalala nyo ba,noong dinala dito ni Den yung kaibigan nya, tapos nakitulog sa bahay nila ni Eloy, itong si Eloy naman ang torpe! lumalapit sa kanya ang babae pero hindi pa ginalaw! ",rinig nyang kwento ni Bert sa mga kaibigan. Nagkukwentuhan ang mga ito sa mga karanasan nila sa mga babae at tsaka nagtatawanan.
" Kaya nga pre kung sa akin yun, naku,ihi lang pahinga nun!", si Sandy naman yun. At tsaka nagtatawanan na ang mga iyon. Nag-iinuman sila sa kubo nila ni Matet kasama ang live in partner nya. Halos araw araw na lang silang andoon. Kinausap nya noong nakaraan ang LP nya na sana hindi naman ganung araw-araw sila mag-iinom para naman makapagpahinga naman sya ng maaga. May anak pa syang maliit. Pero sininghalan lang sya nito at ang sabi ay saglit lang naman sila nag-iinom doon, hindi naman sila inuumaga. Pero sa totoo lang halos mag-aala-una ng umaga kung tumigil sila. Dagdag pa nito na pwede naman syang matulog dahil hindi naman sya ginagambala. Paano naman sya makakatulog sa lakas ng ingay nila. Nakaramdam sya ng gutom kaya bumaba sya sa kanilang tinutulugan para kumuha ng makain nya. Tulog naman ang anak nya kaya pwede nya itong iwan saglit. Maliit lang kubo nila at hindi pa iyon maayos, tulugan lang nila at tsaka maliit na kusina. Wala pang pinto ang tulugan nila kaya nilagyan nya lang ito ng tela pangtakip para hindi sila makita sa loob. Lalapit na sana sya sa kusina para kukuha ng pagkain pero nagdadalawang-isip sya dahil doon lang din nakaupo sa mahabang papag malapit sa kusina ang LP nya at ang mga kaibigan nito habang umiinom ng alak. Pero mas nanaig ang gutom nya kaya nagtuloy na sya doon. Hindi nya inaasahan ang ginawa ng LP nya paglapit nya. Bigla lang nito niluluhos ang suot nyang shorts. Buti na lang nahawakan nya ito agad kaya hindi ito tuluyang naibaba. "Ano ba?!", singhal nya dito at tinapunan ng matalim na tingin. Nagtawanan ang mga barkada nito kaya nagtiim ang mga bagang nya. Dali-dali na syang kumuha ng pagkain at bumalik sa tinutulugan nila at doon na kumain. Parang gusto nyang sipain ang LP nya sa ginawa nito. Subrang inis nya dito. Hindi na sya ginalang. Pero hindi sya kumibo dahil lasing ito, bukas nya ito sumbatan kapag hindi na lasing. Pagkatapos nyang kumain, hindi nya na nilagay sa kusina ang pinagkainan, sa gilid ng tinutulugan nya na lang ito inilapag. Pasado alas dose na ng tumahimik ang mga ito kaya bumaba sya para tingnan. Halos lahat ng barkada nito ay nakahandusay na sa damuhan ganun din ang LP nya. Si Remy na lng ang nakita niyang nakaupo sa papag. Nagtaas ito ng tingin ng mapansin sya at ngumisi ito. Itinaas nito ang palad ng kanang kamay at itinusok ang hintuturo nito doon. Inaaya sya nito na makipagtalik. Tinapunan nya ito ng matalim na tingin at bumalik sa tinutulugan nila. Buti naman at hindi sya sinundan kasi kung sinundan sya hindi sya magdadalawang isip na tagain ito. May taga na inilagay doon sa tulugan nila ang LP nya. Takot kasi ito na kapag natutulog sila may umakyat na masamang tao sa doon. Nadagdagan ang inis nya sa LP nya dahil sa ginawa nito, hindi na sya ginalang maging ng kaibigan nito. Tingin tuloy sa kanya kaladkaring babae. " Makikita mo talaga bukas, nagtitimpi lang talaga ako sayo! ", nagtitiimbagang bulong nya sa sarili. " Bakit mo yun ginawa kagabi",mahinahon nyang tanong sa LP nya habang kumakain sila ng pananghalian. Pinalampas nya muna ang init ng ulo nya kaninang umaga dahil tanghali na umalis ang mga barkada nito kaya hinintay nya na sila na lang ang nandoon para sumbatan ito. "Ang alin?, balik tanong nito sa kanya. Hindi nya alam kung wala talaga ifong naalala o nagmaang-maangan lang. " Bakit mo ibinaba ang shorts ko sa harap ng mga kaibigan mo?, tanong nya ulit dito. Pinipigilan nya lang tumulo ang luha nya dahil sa subrang inis. " Joke ko lang naman yun! ", sagot nito na parang ok lang yun sa kanya. " Ano? Joke?, joke lang yun? joke lang yun sayo na huhubaran mo ako sa harap ng barkada mo?, sarkastiko nyang sabi dito. "Ano ba pinagpuputok ng butse mo ha! Eh joke nga lang yun! ", nagtaas na ito ng boses. " Ganun ang joke sayo?Hindi mo nakita? Tinawanan nila ako ng ginawa mo yun!Hindi mo ako ginalang sa harap nila! Gusto mo bang magpaKANTI ako sa mga barkada mo sa harap mo mismo?! ", diniinan nya ang salitang *Kanti* para ipahiwatig iton sa LP nya at hindi na sya nakapagpgil sa pagtulo ng luha nya. " Huwag na huwag mo yang gawin dahil malilintikan ka sa'kin!",pagbabanta nito."Hindi naman kita hinubaran ah!", sigaw nito sa kanya. "Oo, hindi mo ko hinubaran, pero muntikan na. Kung gusto mo ako igalang ng mga barkada mo, Dapat igalang mo din ako! Hindi yung babastusin mo ako! Huwag mo akong tratuhin na parang parausan mo lang!!! *** " Ma", tawag ng anak nya pero hindi nya narinig. "Ma", nilakasan na nito ang boses kaya mapaigtad sya. " May sinasabi ka", baling nya dito. Kanina pa pala ito sa tabi nya na tinatawag sya. Hindi nya ito narinig dahil sa pagbabalik tanaw nya sa bitter past nya. "Ang lalim ng iniisip mo Ma, excited ka na ata sa bakasyon natin". " Ah... ah, Oo nak", pagsisinungaling nya. "Ano nga pala ang sinasabi mo? " Ito po ang bag na dadalhin ko at mga gamit ko gusto ko sana tingnan mo", paglalambing nito sa kanya. Kinuha nya ang bag at tiningnan ang laman. "Hmmm, dalaga na talaga tong anak ko, marunong na sa mga gamit", pagpuri nya dito. " Syempre naman Ma, mana to sayo!", pambobola nito sa kanya. "Naakkkss naman, binola pa ako", sabi nya at pinisil ang ilong ng anak kaya natawa ito sa ginawa nya. " Sige na tawagin mo na ang kapatid mo at maligo na kayo para makaalis na tayo", utos nya. At ipinagpatuloy nya ang ginagawa. Nag-aayos sila ng mga gamit para dadalhin nila sa resort na pupuntahan. Magrerelax muna sila doon ng tatlong araw. Yun kasi ang ipinangako nya sa anak at magulang nya. Ikatlong araw pa lang ngayon ng pag-uwi nya galing ibang bansa. Kahit pagod pa at may jetlag ay kailangan nyang tuparin ang ipinangako."Doon na lng ako magpapahinga", sabi ng utak nya. "Opo Mama". Tumalima naman ang bata at tinawag ang kapatid. " Toto, halika na, maliligo na tayo", tawag nito sa kapatid. "Saglit po te, tatapusin ko lang ang nilalaro ko", sagot nito na ayaw papigil sa paglalaro ng celpon. " Mama, si Toto ayaw pa po maligo!", sumbong nito sa kanya. "Toto itigil mo na yang kakalaro mo, mamaya mo na yan ipagpatuloy sa byahe", tawag nya sa bunsong anak pero parang wala lang itong narinig kaya medyo uminit ang ulo nya. Napansin nyang nag-iba ang ugali nito. Noong hindi pa sya nakapangibang bansa, isang tawag nya lang dito at utos ay sumusunod ito agad pero ngayon lagi itong nagbingi-bingihan at sumasagot pa. Paano ba naman kasi spinoiled ng ama, hindi sinasaway sa ginagawa nito, hinahayaan lang palagi.Kaya nagiging tamad. Palaging selpon ang hawak at hindi sumusunod sa utos ng nakakatandang kapatid.Ipinapakita talaga nito na may favoritism sa mga anak. Kaya nahihirapan syang disiplinahin ito. "Ayaw mong itigil yan", mataas na ang tinig nya. " Sige iwan ka na lang namin dito sa papa mo", may diin nyang turan sa anak. Ng marinig ang sinabi nya, agad nitong inilapag ang selpon sa mesa at agad na nagtungo sa tubig poso para maligo na. "Maliligo na po ako ma", sabi nito sabay takbo papunta sa tubig poso " Bilisan nyo". Sa tubig poso ang mga ito naliligo. Mayroon naman silang tubig sa banyo pero mas pinili ng mga ito na doon maligo kasi mas mainit ang tubig na lumalabas doon kumpara sa stock na tubig sa banyo na malamig na at mas malamig pa ngayon kasi buwan ng Disyembre. Pagkatapos nyang ayusin ang lahat ng dadalhin nilang gamit ay inihanda nya na rin ang hapag kainan nila para makapag-agahan sila ng mga bata pagkatapos ng mga ito maligo. Naihanda nya na rin ang isusuot ng mga ito. Ganyan ang ginagawa nya noong hindi pa sya nangibang bansa. Kapag may lakad sila, lahat ng gagamitin nila ay inihahanda nya na yun in advance para wala syang makalimutan. Pati mga gamit at susuotin ng mga anak nya, gustong-gusto nyang ginagawa yun. Pero natigil iyon ng nangibang bansa sya, kulang na kulang ang kita nya doon para matugunan ang pangangailangan ng mga anak nya. Kapag pasukan sa paaralan, lagi pinaglumaan ng mga tiyahin ng mga gamit ng mga ito. Wala naman kasing pakialam ang asawa nya sa ganuong bagay, pagkain lang nila at pang-ulam ang pinoprovide nito. Kaya kahit mahirap para sa kanya ay nangibang bansa sya. Ng makabihis na ang mga bata ay inutusan nya na tawagin ang kanilang ama, na kasalukuyang nagpapaligo sa alaga nitong tandang na pansabong. "Tawagin nyo na yung ama nyo para makasabay na sa pag-agahan natin". " Opo", sagot ng bunsong anak at nilapitan ang ama. Kahit hindi sila magkasundo ng asawa nya kailangan nya pa rin itong pakisamahan ng maayos para sa mga anak nila. Sa totoo nga nyan ay ilang beses nya na itong pinrangka na gusto nya ng makipaghiwalay, kahit noong nasa ibang bansa pa sya. Pero ayaw sya nitong pakawalan. Alam nya kasi sa sarili nya na hindi nya na ito mahal. Kahit ilang beses nyang hagilapin sa sarili nya kung may kaunti pa syang nararamdaman sa asawa, pero wala na talaga. Ayaw nya na mabilanggo sa relasyon na iyon. Umaasa sya na sa tamang panahon ay masabi nya rin sa mga anak ang status nilang mag-asawa, lalo na sa bunso nya, mas malapit kasi ito sa ama. Sa panganay nya, ay naikwento nya na dito ang tungkol sa sitwasyon nila at naiintindihan naman sya nito. Saksi ito sa lahat ng hirap na naranasan nya sa asawa. Nakita kasi nito kung paano silang mag-away na mag-asawa, na kung iisipin hindi iyon dapat na makita ng bata lalo na ang mga pambubugbog na naranasan nya, mga masasakit na salita na binato sa kanya, at mga pagtataboy. "Papa, kakain na po tayo", narinig nyang sabi ng anak dito. " Mauna na kayo, tatapusin ko pa tong pagpapaligo sa mga alaga ko", sagot nito na hindi man lang tiningnan ang anak at patuloy pa rin sa ginagawa. Isa pa yun sa mga bagay na ayaw nya sa asawa, mas inuuna ang ibang bagay kumpara sa paglaan ng konting oras para sa kanila. Importante iyon para sa bonding ng buong pamilya at pagbuo ng malakas na komunikasyon sa bawat isa. Pero hindi iyon nakikita ng asawa nya bagkus mas may maraming oras pa ito sa barkada. Inaasahan nya na ang sagot na iyon. Iyon naman palagi ang nangyayari sa kanila kahit pa ng hindi pa sya nakaalis. Bumalik sa hapag kainan ang bata at sinabi nito na mauna na daw sila kasi tatapusin pa ng ama ang kanyang ginagawa. Kaya kumain na lang sila na hindi ito kasama. Pagkatapos nilang kumain, ang mga bata na ang nag-ayos ng hapag kainan, sya naman ay naligo na at nag-ayos ng sarili para sa pag-alis nila. "Tara na, bitbitin nyo na ang mga dalahin natin", pagnaka-naka yaya nya sa mga anak ng matapos na sya sa pagbihis. " Baka kanina pa naghihintay si Kuya Lito sa kalsada", ang drayber ng jeep na inarkila nya para maghatid sa kanila sa pantalan papuntang lungsod. Sumunod naman ang mga bata at humanda na sila sa pag-alis. Papalabas na sila ng pinto ng pumasok naman ang kanyang asawa. "Kailan kayo uuwi?", tanong nito sa kanya na walang ekspresyon ang mukha. " 3 araw kami doon, pagkatapos uuwi na rin kami", malamig nyang sagot.Hindi nya na ito inaya dahil siguradong mag-aaway lang sila palagi at aatupagin lang naman nito ang pag-iinom. Isa pa hindi kasama sa budget nya ang pangbisyo nito. At kung naiinis o nagagalit ito ay minumura sya kahit na sa maraming tao, wala iyong pakialam sa pakiramdam nya. At ayaw nya na mangyari yun, masisira lang ang bakasyon nilang magpamilya. "Ok", maikli lang nitong sabi at dumeretso sa kusina nila. Tumuloy na rin sila sa pag-alis. "MATETAlas-singko na ng umaga nang magising siya. Agad niyang inayos ang sarili, puno ng determinasyon na bumaba sa kusina upang ipaghanda ang agahan nila—lalo na ang almusal ni Javi. Naisip niya na dapat na niyang simulan ang pag-aalaga at pag-asikaso sa mga pangangailangan ng lalaki, upang pagdating ng mga magulang nito, maging tila natural at kaswal na lamang ang kanyang mga galaw.Nasa kusina na si Nanay Alma, masigasig na naghuhugas ng mga sangkap para sa kanilang agahan. Si Trina naman ay nakikita niyang nagwawalis sa bakuran sa labas ng mansion. "Good morning po, Nanay Alma!" ang bati niya, nagulat ang matanda sa kanyang boses.“Good morning, Tet! Ang aga mo namang nagising,” sagot nito."Opo, plano ko pong ipagluto ng almusal si Javi," sagot niyang nakangiti. "Ano po ang karaniwang kinakain niya sa almusal?"Ngumiti si Nanay Alma, tila naintindihan ang layunin niya. “Itlog, tinapay, at kape ang madalas na kinakain ni Señorito, Tet. Minsan, toasted bread lang,” sabi nito habang
JAVIMaaga pa siyang umuwi sa mansion, nag-aalalang baka hindi lumabas si Matet mula sa kanyang kwarto. Iniwan niya itong biglaan at hindi naipakilala nang maayos sa mga kasambahay. Baka nahirapan itong makisama sa kanila.Pagbaba niya mula sa kotse, agad siyang dumeretso sa guest room kung saan naroon si Matet. Ngunit sa pinto pa lang ng mansion, rinig na rinig na niya ang matinis na tawanan mula sa kusina. Dahan-dahan siyang lumapit doon at tumambad sa kanyang paningin si Matet, kasama ang dalawa niyang kasambahay, na masayang nakikipag-kwentuhan habang naghahanda ng kanilang hapunan. Hindi na niya sila ginambala; sa halip, nanatili siyang nakatayo sa pintuan, nakangiti at nakikinig sa kanilang masiglang usapan."Alam mo, Tet, itong si Trina, napalo 'yan ng nanay niya noon kasi ipinatawag sila sa school. Gumawa ba naman ng love letter para sa crush niya at sa ibang tao pa niya ito naibigay! At nang bawiin niya, akala ng nabigyan—para talaga sa kanya ito—pinagtawanan siya. Buti na la
Matet"Nanay Alma, paki hatid po ang señorita niyo sa guest room," tawag ni Javi sa isang katulong ng mansion. Mabilis itong lumapit sa kanila, puno ng kasigasigan."Opo, Señorito," mabilis na sagot nito, may ngiti sa kanyang mga labi."Gandang hapon po," bati niya, bahagyang yumuko bilang paggalang."Magandang hapon din sa iyo, Señorita," balik bati ng katulong. "Sumunod po kayo," sabay kuha sa dala niyang maleta.Bago siya sumunod, nagsalita si Javi, nag-aalangan sa tono. "Magpahinga ka muna sa guest room. Sa hapunan na natin pag-uusapan ang set-up natin." Isang mabilis na tingin ang ibinigay niya bago lumabas ng mansion. Mukhang nagmamadali siya. Hindi na hinintay ang kanyang sagot.Habang sumusunod sa katulong, inilinga niya ang mga mata sa loob ng bahay. Mga mamahaling gamit ang nakapaligid – mula sa mga mapanlikhang muwebles, sa makintab na chandelier, sa mga makasining na paintings, maging sa magagandang kurtina. Napahanga siya ngunit pinilit niyang itago iyon. Ayaw niyang mag-
MATET Maaga pa siyang bumangon kinaumagahan upang ipaghanda ng almusal ang mga bata para sa kanilang pagpasok sa paaralan at upang ayusin ang mga gamit na dadalhin sa mansion ng mga Dixon. “Good morning, Ma,” bati ng kanyang anak nang pumasok ito sa kusina. Tapos na itong maligo at nakabihis na. Lumapit ito sa kanya at tumulong sa paghahanda ng mesa. “Good morning,” sagot niya habang ngumiti. “Nasaan na ang kapatid mo?” “Nagbibihis na rin po,” sagot nito. “Ma, every weekend ba, uuwi ka?” “I'm not sure, nak, pero susubukan ko,” sagot niya, na may ngiti sa labi. Hindi nagtagal, dumating sina Angie, Thea, at Bryle upang mag-agahan. Pagkatapos ng agahan ng mga bata, agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagpaalam sa kanyang ina. “Nay, ikaw na bahala sa mga bata, ha? Tawagan niyo ako kaagad kung nagpapasaway ang mga 'yan,” bilin niya, puno ng pag-aalala. “Naku, huwag kang mag-alala. Mababait ang mga anak mo,” sagot ng kanyang ina. “Mabuti naman kung ganun. Alis na po ako,” an
Pagkatapos ng pagsamba, hinatid sya ni Javi sa karinderya ng ate nya. Bumungad ang mapanghusgang tingin ng mga kustomer na nandun. Binaliwala nya lang iyon. "Magkape ka muna bago ka umuwi", alok nya sa lalaki. Tumango ito. Sumunod sa kanya sa loob ng karinderya at pumuwesto sa isang bakanteng table na andun. " Walang kaming cappuccino coffee dito ha, kaya original coffee lang ang ititimpla ko sayo", ani nyang nakangiti. Sumingaw ang matamis na ngiti sa labi nito. Napansin nyang panay ang sulyap ng mga dalaga sa lalaki. Nagpapansin ang mga ito kay Javi. Samantalang patay malisya lang ang lalaki. "𝘏𝘮𝘮, 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘨𝘪𝘳𝘭𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 ", bulong nya sa isip habang tumalikod sa lalaki. Nasa counter ang kanyang ate na may makahulugang tingin sa kanya. " Ano yan ha? mukhang madalas na ang pagkikita nyo nyan? ". Ginawa muna nya ang kape ng lalaki bago sumagot sa kap
"Alex, sa palagay mo, papayag kaya siyang magpanggap na asawa ko?" tanong niya kay Alex.Napatingin si Alex sa kanya, naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya."Sino po ang tinutukoy mo, boss? Si Ms. Matet ba?" ito kasi ang babaeng napag-usapan nilang dalawa noong nakaraang araw.Marahan siyang tumango. Pilit niyang pinupukos ang isip sa mga report na nasa harap niya, ngunit patuloy pa rin siyang nadidistract."Sa totoo lang, boss, hindi ko alam. Kakaiba ang babaeng iyon," matapat na sagot ni Alex. "Subukan mo lang na kausapin siya."Nag-isip siya ulit. "May numero ka ba niya?" tanong niya."Wala, boss. Pero sigurado akong makikita natin ang numero o contact information niya sa reception. Lahat ng guests natin, nakalog-in ang mga personal details doon.""Tawagin mo nga si Roxie at sabihan mong hanapin ang contact details ng babae sa guests list," utos niya.Agad na tumalima si Alex. Pagbalik nito, may dala itong papel na naglalaman ng contact info na kailangan niya. Matagal siyang nak