Nagsibaba na sila sa jeep ng makarating ng pantalan. Bago bumili ng ticket nila kinausap nya muna si Kuya Lito.
"Kuya ito po ang paunang bayad ko sa arkila, sa pagbalik na lang po ang buo", sabi nya dito habang iniabot ang pera. " Salamat day, kailan ko ba kayo sunduin dito", balik tanong nito sa kanya. "Tatlong araw kami doon, so itetext o tatawagan na lang po kita kuya kung magpapasundo na kami", hindi kasi sya sigurado kung uuwi sila agad pagkagaling nila ng resort o magstay pa sila sa bahay ng kapatid nyang nakatira doon sa lungsod. "Sige day, enjoy kayo sa bakasyon nyo at ingat na din", pagsang-ayon nito sa kanya at pagpapaalala. " Salamat po kuya", ngumiti sya dito. nagpasalamat sya sa pagpapakita nito ng concern sa kanila. "Ingat din po".Pinaandar na nito ang sasakyan at bumalik na sa pinanggalingan nila. Lumapit sya sa mga kasama at sinabihan ang sister-in-law nya na ito na muna ang bibili ng ticket nila dahil may tatawagan pa sya. " Le, ikaw na muna bumili ng ticket natin, tatawagan ko pa si Ivy", pakikisuyo nya dito at iniabot ang perang pambili ng ticket. "Opo te", sumunod agad ito sa utos nya, kinuha ang pera sa kamay nya at pumunta sa ticketing outlet. Samantala inaya naman ni Aling Minda ang mga kasama na pumunta sa logging area. Kailangan nila kasi mag-login sa log book para incase may emergency sa kanilang byahe may details ng mga pasahero ang mga coastguard na makukuha. Compulsory talaga iyon. Kinuha naman ni Matet ang kanyang selpon sa bag at i-dinial ang numero ng kaibigan, si Ivy. Nakilala nya lang ito online pero naging close sila. Sya kasi palagi ang takbuhan nito sa tuwing may problema ito sa boyfriend nito. Kahit minsan naiirita sya dito dahil panay iyak sa kanya kapag nag-away sila ng bf nito pero hindi naman nito pinakikinggan ang payo nya.Kaya hinayaan nya na lang. Ito ang nagrekomenda sa kanya sa resort na pupuntahan nila. At nagpresenta din ito na sila na din ang hahatid sa kanila sa resort. May van daw ang pinsan nito na pwede nilang sakyan papuntang resort. "Hello", hindi pa sya nakapagsalita ay nagbunganga na ito sa kanya. " Asan na ba kayo?, kanina pa kami dito nag-aantay ni Marvin, akala ko bukas pa kayo darating!", sunod-sunod nito na litanya sa kanya. "Kalma muna vy", sabi nya dito habang natatawa dahil sa pagtataray nito. " Dito na kami sa pantalan, papaluwas na kami jan, medjo nadelayed lang po ng kaunti", malumanay na sabi nya sa kaibigan. "Tsskk, sabi mo aagahan nyo pa tapos pinaghintay mo kami dito ng matagal, halos isang oras na kami dito", panunumbat nito. " Huwag na po magalit, sige ka hindi kita dadalhan ng mangga jan", paglalambing nya dito. "Talaga! may mangga kang pasalubong sa akin?, nag-iba na ang tono nito, at alam nyang natuwa ito. " Oo naman, ikaw pa ba, malakas ka sa akin", pagbibiro nya. "Sige na aakyat na kami sa pumpboat", pagtatapos nya sa usapan. Pagkatapos ng usapan nila ay agad sya pumasok sa pasalubong center na nandun. Bumili sya ng tatlong kilo ng hinog na mangga. Kilala ang lugar nila na may pinakamatamis na mangga sa bansa. At pang-export quality talaga ang mangga nila doon. Ng mabayadan ang mangga at iniabot ng tindera sa kanya ang binili nya ay agad syang sumakay ng pumpboat, nauna na ang kanyang mga kasama doon. Punuan na yon ng umakyat sya. Dalawang linya ng bangko ang inupuan nilang magpamilya. Pano ba naman siyam lang naman sila. "Ito talagang kaibigan ko, ang kupad!", pagsusumbong ni Ivy sa pinsan ng matapos ang pag-uusap nila ng kaibigan. " Naku, nagsalita ang hindi makupad", pang-asar sa kanya ng pinsan. "Ba't bumalik sa akin?! ", tumawa sya sa sinabi ng pinsan. Pero totoo naman yung sinabi nito. " Reklamo ka jan eh, magkatulad lang ata kayo", tumawa na din ito. "Oo na insan", saway nya dito para matigil ito sa pang-aasar sa kanya. "Bibili ako ng makakain habang inaantay natin sila, anu gusto mo bibilhin ko para sa sayo? "pag-iiba nya ng usapan. " Dalawang stick ng sigarilyo lang, ok na ako dun". "Oh, sya saglit lang", tumalikod agad sya sa pinsan para pumunta sa store na andoon. Pagbalik nya, tinitingnan nya ng mabuti lahat ng dumadaong na pumpboat baka nakadaong na ang sinakyan ng kaibigan. Hindi nga sya nagkamali dahil nakita nya na ito na papalapit sa kanila at kumakaway pa. "Anjan na pala ang bruha insan", sabi nya ng makalapit na sya ng tuluyan sa pinsan. Napatingin naman ito sa direksyon kung saan sya nakatingin. " Makabruha ka wagas ah! parang mas bruha ka sa kanya tingnan ", pambabara na naman nito sa sinabi nya. Kahit kailan talaga hindi ito kampi sa kanya. Pero alam nya namang nagbibiro lang ito. Papadaong na ang pumpboat na sinasakyan nila kaya sinuyod ng mga mata nya ang kaibigan sa mga taong nakatambay sa daungan. Nakita nya ito na lumalakad papalapit sa isang lalaki na nakatayo malapit sa pantalan. "Bilisan nyo, andoon na sina Ivy oh",sabi nya sa mga kasama ng tuluyan ng nakadaong ang pumpboat, itinuro pa nya ang kinaroroonan ng kaibigan para mapansin ng mga ito. At tsaka kumaway sya sa kaibigan para makita sila. Nagmamadali naman ang mga itong bumaba sa pumpboat at sumunod sa kanya. Hawak-hawak nya ang kamay ng anak na lalaki para hindi ito mawala. Hindi pa nga sila nakalapit sa kaibigan ay nakita nyang namamaluktot na ang noo nito. "Oh, ba't ganyan ang itsura mo?, para kang nakakita ng sampung kaaway", pang-aasar nya dito ng makalapit na sila ng tuluyan. " Ang tagal nyo kasi! ", pagmamaktol nito. " Ito oh?!", iniabot nya dito ang plastik ng mangga na binili nya kanina para mawala ang pagtatampo sa kanya. "Binabayaran mo ako? Don't bribe me ha. Hindi mo ako madadala jan",pagbibiro nito na nakangiti na. At tinanggap ang iniabot nyang plastik ng mangga. " Di daw tatanggapin!!Pero tinanggap!!",pang-asar nya sa kaibigan. "Nay, si Ivy nga pala, sya ang kinukwento ko sa inyo. ", pagpapakilala nya sa kaibigan nya. " Iv si nanay, mga pamangkin ko, kapatid ko, sister-in-law at mga anak ko", itinuro nya isa isa ang mga kasama bilang pagpapakilala nya sa kaibigan nya. " Kumusta day? ", pagbati ni Aling Minda sa kaibigan ng anak sabay lahad ng kamay.. " Ok lang naman po, ito po maganda pa rin? ", pagbibiro nito habang tinanggap ang pakikipagkamay ng ina ng kaibigan. Nagsitawanan naman sila sa simpleng biro nito. " Talaga lang insan ha, palagi talagang dumadaan si --Pareng Kulas Dayaw", pambabara ulit ng pinsan nya. *Pareng Kulas Dayaw * ang kadalasang tawag ng mga Pilipino sa taong palaging bilib sa sarili. "Ikaw talaga insan, palagi panira ng trip eh", tinapunan nya ng matalim na tingin ang pinsan dahil hindi nya nagustuhan ang pambabara nito sa kanya. "Tet, si Marvin pala, ang pinakapangit kong pinsan", pagpapakilala nya sa pinsan na may kasamang pang-aasar. " Pangit talaga ha, saan ko ba nakuha ang kapangitan ko, di ba sa lahi natin, ibig sabihin pangit ka din! ", lagi talaga itong may baon na pambara sa pinsan na lalo naman itong kinainis ni Ivy. At natawa ito ng mahina ng makita ang reaksyon ng pinsan. " Hi", bati nito sa kanila para maiba ang ihip ng hangin. Ready na ba kayo?, sila ang tinutukoy nito. "Aba, syempre Iho", si Aling Minda ang sumagot. "Kanina pa nga excited ang mga ito. Halos hindi na makapaghintay na makarating sa resort".Itinuro pa nito ang mga kasama. "Kung ganun, halina kayo", aya nito sa kanila at nauna nang tumungo sa van na nakaparada.MATET " Dito na lang ako Mr. Dixon", wika nya sa lalaki. "Can you please stop calling me Mr. Dixon. Call me by my name, Javi". " But I should't call you by that. You need to be respected, you're rich and well known! ", she argued. " Does it matter if I'm rich or I have high status in the society ", he asked. " uhhhuhh", she nodded. He stopped the car but didn't unlocked the door. "Can you please unlocked the door", she pleaded. Nilinga ni Javi ang paningin sa paligid na parang may hinahanap. Binaliwala nito ang pakiusap nya. " Saan ang bahay ng ate mo? " he asked. Wala syang balak na sabihin kung saan banda ang bahay ng kapatid nya. Alam nyang, ihahatid sya nitong hanggang doon. Ayaw nya yun. Pakiramdam nya habang tumatagal ang pagsasama nila ng lalaking ito, nagkakaroon sya ng malaking utang na loob dito. Ayaw nya rin ang nararamdamang napapalapit sya sa lalaki. "Hindi mo kailangang alamin kung saan naroon ang bahay ng kapatid ko. It's too much already that
MATET "Uhmm. . .Mr. Dixon hindi na ako magtatagal. May pupuntahan pa kasi ako", saad niya. " Ok, pero ihahatid kita". "Ha? Naku, huwag na. Baka nakaabala ako sayo". " No , Wala naman akong ginagawa doon sa resort ", pagpupumilit nito. 'Uhm, nakakahiya naman kasi. . . mamimili pa ako eh", ayaw nya talagang ihahatid sya nito " It's ok, sasamahan kita", determinado ito sa sinasabi. "Uhh,. . . Ok", nagdadalawang-isip man, hindi na sya nagreklamo pa. " Le-Let's go". Nag-grocery muna sya ng mga kakailanganin nila sa loob ng bahay. Next stop nya, pumasok sya sa school supplies area para bilhan ng bagong sapatos at bag ang mga anak. Sumunod lang sa kanya si Javi at ito pa ang humihila ng cart nya. Almost 15 minutes ang pamimili nya bago pumila sa counter. "Hintayin mo na lang ako sa labas Mr. Dixon, babayaran ko lang to", pakiusap nya sa lalaki. " No, sasamahan pa rin kita". "No need, Kaya ko na to. " "But I insist". " Umusad naman kayo. Ang dami pang magbabayad
JAVI Past eleven na ng umaga ng dumating sya sa DFA. Mabilis lang naiproseso ang dokumento nya dahil may kaibigan siyang kilala sa departamento. Lumabas sya ng DFA ng matapos ang appointment niya. Dumaan sya sa harap ng POEA at may nahagip ang kanyang mata na isang babae na pamilyar sa kanya ang pigura. Tumigil sya sa paglalakad upang pagmasdan ng mabuti ang babaeng yun. Ng tumayo ito dahil sa paglapit ng isang lalaki, doon nya na tuluyang nakilala ang babae. "(What is she doing here? ) ", tanong nya sa sarili. Dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan nito. Pinag-aaralan nya rin ang galaw ng lalaking kausap nito. " (Another pervert! ) ", nagtitimbagang sya ng marealize na hinaharas na naman ito. " (Ganito ba palagi ang senaryo kapag nagkikita kami?), inis nyang tanong. Hinila nya ng marahas ang lalaking halos hahalik sa braso ni Matet. Hawak din nito ang kamay ng babae. "You're B***sh*t! Wala kang karapatang hawakan ang kamay nyan dahil ako lang ang may karapatan", mahina
Iniinat ni Matet ang katawan pagkatapos nyang gawin ang lahat ng gawaing bahay. Umupo sya sa duyan na nasa lilim ng punong mangga. "Hmmm, paubos na ang ipon ko, pero hindi pa rin nagparamdam ang agency na inaaplayan ko", bulong nya. Kinuha nya ang cellphone upang i-message ang kaibigan na nagrekomenda sa kanya sa agency. " [Sis gandang araw. Kumusta na? ]"panimula nyang mensahe. "[Ok lang sis, Ikaw kumusta naman jan? ]", balik tanong nito. Mabuti't online din ito sa mga oras na yun. " [Ok lang naman sis. Uhh, . . . sis kamusta nga pala ang application ko? ]" "[Ahh, sis nasa line up ka pa for selection kaya antay lang ng kaunti.]", paliwanag ng kaibigan nya. " [Suggest ko sis, kumuha ka na ng CoC sa POEA para kung maselect ka na mas madali ka ng makaalis]", suhestiyon nito. "[Sige sis, aasikasuhin ko ang CoC ko]", reply nya. Napabuntong-hininga sya. Isinilid nya ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa. " Mukhang matatagalan pa ako dito ah", she mumbled. "Kelangan
"Jhon, huwag mong idamay ang anak natin sa galit mo sa'kin", galit nyang singhal sa asawa. " Yang mga anak mo! nakuha yang pag-uugali mo! Nakakasuka, kaya lumayas kayo dito! ". " Sumusubra ka na John! Walang kinalaman ang mga anak natin sa away natin! ". Bumangon si John at tumayo. Itinulak nito si Bryle. " Aray", natumba ang bata sa gilid ng kabinet. Agad nyang sinaklolohan ito. " Nak may masakit ba? ", kaagad nyang siniyasat ang katawan ng anak baka nasugatan. " Ok lang po ako mama",malungkot nitong turan. "Salamat kung ganun", pinatayo nya ang anak at inilabas sa kwarto nila. " Sa labas lang muna kayo ha", pakiusap nya sa anak. Tumango naman ito at sinunod ang siya. Nakita nya kinuha ni John ang kanyang mga damit at itinapon ito sa labas, pati ang damit ng kanilang mga anak. "Magsilayas kayo rito. Mga wala kayong silbi! ", sigaw nito. " Papa, ano ba? Huwag mo naman tong gawin sa amin! ", rinig nyang pagsusumamo ni Laine. Pinupulot nito ang mga damit na tina
Tinupad nga ng Ate Bel nya ang pangako nito na uuwi sa probinsya upang sabay nilang salubungin ang bagong taon. Ganun din ang iba pa nyang kapatid. Matatawag silang isang tunay na pamilyang Pilipino. May close family ties. Nag-aaway man pero sa huli ay naayos nila ang kanilang problema. Sa pagsalubong ng bagong taon ay may kanya-kanya silang menu. Nagsipagluto sila sa kani-kanilang tahanan at dinala ang handa sa bahay ng kanilang ina. Ang kanyang Ate Bel ay nagluto ng puto at kutchinta. Si Lea ay nagluto ng spaghetti. Si Ana ay nagluto ng salad. Ang Ate Marie nya ang bumili ng cake at sya naman ay nagluto ng ulam na may sabaw at gulaman para sa dessert nila. Masaya nilang sinalubong ang bagong taon na sama-sama. Ang mga natirang pagkain sa pagsalubong ng bagong taon ay dinala nila sa beach na malapit lang sa kanila kinabukasan. Doon sila kadalasan pumupunta kapag may okasyon. Bumalik sila sa kani-kanilang buhay matapos ang bagong taon. At naging busy ang lahat. Isang