Home / Other / The Family Heirlooms / Kabanata 6: Waterplay

Share

Kabanata 6: Waterplay

Author: Ma Ri Tes
last update Last Updated: 2025-03-11 07:01:13

" Ok, I'll be there tomorrow for the event. Hinding-hindi ako mawawala. Gusto ko makita ang mga reaksyon ng mga bata bukas", sabi ni Javi sa kausap sa selpon nya. He will be attending Christmas event for the kids tomorrow sa isang mall. Isa syang main sponsor ng event na yun at nagpahanda sya ng regalo para sa mga bata na dadalo.

Ngunit napatigil sya sa pagsasalita ng mapansin na ang mga kalalakihan sa pool ay nakatingin sa iisang direksyon kaya tinanaw nya kung sino ang tinititigan ng mga ito.

A woman walking towards the water play area. Napanganga din sya ng makita ang babae. She walks like a model with a perfect body. Nakakabighani tingnan ang babae.

"Hell, who is she?Do I have a model guest here?", tanong nya sa sarili. Nakita nya rin ang isang binata na naghihintay dito. " Is he, her boyfriend? pero parang ang bata pa naman ng lalaking yan compare to that woman. ", mga tanong nya sa isip na hindi nya alam sagutin.

" Hello sir, Are you still there? ", napaigtad sya ng magsalita ang kausap nya sa selpon. Nakalimutan nya tuloy na on call pa pala sya.

" Yes, I'm still here. Ok see you tomorrow ", pagtatapos nya ng usapan sa selpon at ibinababa na ito. Dumeritso na sya sa kanyang opisina para tapusin ang mga dokumentong dapat nyang pirmahan.

Umupo sya agad sa kanyang swivel chair para umpisahan na ang trabaho pero hindi nya mapipigilan ang hindi sumulyap sa direksyon ng babae kanina na kasalukuyan ng nakikipaglaro sa mga batang kasama. Hindi nya na rin nakita ang binatang kausap nito. Mula sa kanyang opisina,matatanaw pa rin ang kabuuan ng resort. Tinted ang crystal wall ng opisina nya sa labas pero hindi sa loob,kaya kitang-kita nya pa rin ang ginagawa ng kanyang mga guest. Naaaliw at nagigiliw syang pagmasdan ang babaeng yun.

"She's like a child", ngingiti-ngiti nyang bulong sa sarili habang nakatingin pa rin sa direksyon na yun.

Habang sa labas ng opisina, hindi rin napipigilan ni Alex na silipin ang among nasa loob. Pumasok ito kanina ng opisina na hindi sya pinansin. Kadalasan kapag nandoon yun ay palagi yun may iniutos sa kanya dahil wala itong sekretarya kaya sya palagi ang napag-uutusan pero wala ngayong araw ay mistulang hindi pa sya nito nakita kaya nagtaka sya.

Dumeritso itong umupo sa swivel chair at humawak agad ng ballpen pero napapansin nyang panay ang sulyap nito sa waterplay area at napapangiti.

Sinilip nya ang direksyon na yun para makita kung sino ang tinatanaw ng amo at napangiti sya ng makita kung sino yun.

"Mukhang may nakakuha din ng atensyon ng boss ko ah", bulong nya sa sarili na napapangiti. Matagal na panahon na syang naninilbihan sa amo nya at maraming babae ang nagpapansin dito pero ni minsan hindi ito nagpakita ng interes sa mga babae. Napapaisip nga sya kung lalaki ba talaga ang amo nya o silahis. Not until now, na nakikita nyang ngumingiti itong mag-isa while looking to that woman playing with the kids in waterplay area.

"Ano kaya ang gagawin ko para magkakilala yang dalawa", lumabas ang nakakalokong ngiti sa labi nya sa nabuong plano sa isip nya.

***

Napagod si Matet sa pakikipaglaro sa mga bata kaya naisipan nyang umahon sa tubig sakto naman ang pagdating ng kapatid na may dalang malalaking tsitsirya.

"Wow may pagkain pero walang pantulak?", reklamo nya sa kapatid na sinalubong ito sabay kuha ng tsitsiryang hawak.

" Hahanap ka ng pantulak, kulang naman ang perang binigay mo", angil din nito sa kanya.

"Eh d wow!,d ba pwedeng ikaw na ang magprovide sa drinks eh!.

" Wala nga akong pera ate eh".

"Anung wala, style mo bulok ha! Alam kong may pera ka. Akala mo d ko alam ng-eekstra ka sa pagmemekaniko", pambubuking nya sa kapatid.

Ngumisi ito pero hindi pa rin nagpabuking. " Wala pang sahod te".

"Hmmmmpp", inirapan nya na lng ito.

" Te, samahan mo nga ako sa adult pool ", aya sa kanya ni Ronnie. " Hindi ako makalangoy dito. Magmumukha akong dolphin na naabutan ng lowtide kapag dito ako lalangoy ".

Naibuga nya sa mukha ng kapatid ang tsitsiryang kinakain nya dahil sa sinabi nito tsaka sya tumawa.

" Ate naman! binugahan pa ako!", inis nitong sabi.

Halos hindi sya makapagsalita dahil sa kakatawa, natawa pa sya lalo dahil sa nakitang inis ng kapatid.

"Ikaw ba naman kasi, sinong hindi tatawa sa mukhang dolphin na inabutan ng lowtide", patuloy pa rin sya sa pagtawa.

"Ikaw talaga ate hindi mabiro eh joke ko lang yun".Alam mo naman ang babaw ng tubig dito, paano ako makakalangoy dito".

" Sige na samahan na kita doon". Binalingan nya si Lea at hinabilin ang mga bata dito at tsaka nagpaalam na lilipat sila sa adult pool area.

Inakbayan nya ang kapatid habang naglalakad patungong adult pool. "Bakit hindi ka makipagkaibigan o makipagkilala sa mga dalagang andito", pang-eengganyo nya dito.

" Te, loyal tong kapatid mo. Stick to one", may pagmamalaking wika nito.

"Ahhhsuusss! talagang bang loyal sa gf yan?! Eh pano kung may makita kang artista dito?, hindi sya kumbinsido sa pagiging loyal nito. Alam naman nyang may gf ang kapatid nya, gusto nya lang itong subukan.

" Huwag mo akong itulad sa iba Te ha, ayaw ko sa mga palikero ".

" Talaga lang ha! sabi mo yan! Pero dapat ganyan nga. Kakahiya naman na maging police ka tapos hindi ka pinagkakatiwalaan dahil babaero ka". Criminology course ang kinuha ng kapatid nya at nasa 2nd year college na ito.

"Oo naman te no. Hindi ko sisirain ang tiwala ng mga tao sa akin lalo na kayo at ng girlfriend ko", determinado nitong wika.

Tinapik nya na lang ang balikat ng kapatid bilang tugon sa sinabi nito at lumusong na agad sa tubig ng adult pool pagkarating nila doon. Sila lang ang nandoon. Kadalasan sa mga guest ay nasa beach naglalagi.

Binasyahan nya ng tubig ang kapatid dahil nakita nyang may pag-alangan sa kilos nito na lumusong. "Anu pang inaantay mo, lusong na".

" Hindi ba maginaw Te", tanong nito sa kanya na bahagyang yumuko sa tubig.

Sinunggaban nya ang kamay ng kapatid at hinatak ito sa tubig at inilubog ito bigla pagbagsak nito sa pool bago pakawalan.

Pupungas-pungas ito ng pumaibabaw sa tubig kaya tinawanan nya ito.

"Ate naman, pinagtitripan pa ako!, galit nitong asik sa kanya.

"Aya-ayain mo ako dito tapos takot ka pa lang lumusong eh".

" Kumukuha pa nga ako ng buwelo eh, hinatak mo na ako agad", binasyahan sya nito ng tubig tsaka akmang aabutin sya. Agad syang lumangoy palayo sa kapatid dahil alam nyang, babawian sya nito.

Pero paglingon nya dito ay wala na ito at may biglang humila sa mga binti nya pababa kaya sya lumubog. Agad nyang tiningnan sa ilalim ng tubig kung sino ang humuhila sa kanya. Hindi nga sya nagkamali, si Ronnie nga ang humihila sa kanya. Agad nyang sinipa ng kabilang paa nya ang kamay nitong nakahawak sa binti nya at ng mabitiwan sya ay lumangoy sya paibabaw at umahon kaagad sa tubig para maiwasan ang kapatid.

Pagkalabas ng ulo nito sa ibabaw ng tubig ay tinanaw sya nito agad at tinawanan.

"Ang daya mo te, kakaumpisa ko pa nga lang eh", reklamo nito sa kanya.

" Ayaw ko nga noh, talo ako sayo! hindi kaya ako marunong lumangoy at ayaw kung ilubog mo ako ulit baka matuluyan ako".

"Ikaw tong nag-umpisa eh, tapos aayaw!. Balik ka na dito sa tubig Te", pangungumbinsi pa nito sa kanya.

" Ayaw mo kasing lumusong. Aya-ayain mo ako dito tapos ayaw mo naman lumangoy ".

"Kumukuha pa nga ako ng buwelo tapos hinila mo ako. Balik ka dito!

" Ayaw ko!!! bleeeehhhh

"Daya mo talaga", sabi ni Ronnie na patuloy pa rin sa pagtawa at sinabuyan ng tubig ang kapatid na nasa gilid ng pool. Umahon na rin ito sa tubig.

***

Ng makita ni Matet na paahon sa tubig ang kapatid agad syang tumakbo palayo dito baka kasi itulak sya nito sa pool. Pero tumigil sya ng makita ang kapatid na patungo ito sa beach.

"Saan ka pupunta? Hoy!!! ", tawag nya dito.

" Hahanapin ko si nanay, kanina pa yun umalis pero hindi pa nakabalik. Baka nanlalaki na yun', pabiro nitong sabi tsaka humalakhak.

"Isumbong kita kay nanay sa sinabi mo", pahabol nya dito pero hindi na sya nito nilingon.

Lumusong sya ulit sa tubig, nagpalutang-lutang at ipinikit ang mga mata.

****

Nilinga ni Laine ang paligid ng waterplay area ng mapagod sa kakalaro sa tita Angel nya at sa pinsan na si Thea para hanapin ang ina pero hindi nya ito nakita kaya lumapit sya sa tita Lea nya na nakaupo sa pool chair na nandoon.

"Tita, asan po ang Mama? ".

Tumingin ito sa kanya ng bahagya. " Si mama mo?, ulit nito sa tanong nya.

"Opo tita".

"Andoon sa adult pool area kasama si Tito Ronnie mo", sagot nito.

" Pupuntahan ko po sila Tita", paalam nya sa tiyahin.

"Sige", maikli lang nitong tugon.

Nakafucos ang mga mata nya sa daan patungo sa adult pool kung nasaan ang mama nya. Nakita nya itong palutang-lutang sa ibabaw ng tubig.

Halos malapit na sya sa kinaroroonan ng ina ng may biglang sumulpot na tatlong lalaki sa harapan nya na nakangisi.

"Hi ganda", bungad ng lalaking nakatayo sa harapan nya. Habang ang dalawa naman ay nasa likod nito. Hindi nya gusto ang hilatsa ng mukha ng mga ito at kinakabahan sya.

" A-ano ang kailangan nyo? ", pautal-utal nyang tanong na halata ang kaba sa boses.

" Mangingilala lang sa magandang babaeng nasa harap ko", may nakalolokong ngiti na sabi nito at hinawi ng bahagya ang buhok ni Laine na nakatabon sa mata. Napaatras si Laine dahil sa ginawa ng lalaki.

"Huwag mo akong hawakan! ", singhal nya sa lalaki. At iwinaksi ang kamay nito.

Nagulat sya ng biglang hawakan ng lalaki ang braso nya kaya mas lalo siyang kinabahan.

" Huwag kang matakot, kakaibiganin lang kita", nakangising wika nito sa kanya.

Mas lalo lang nadagdagan ang takot nya dahil hinigpitan ng lalaki ang paghawak sa mga braso nya. Kaya lumingon sya sa direksyon ng ina at tinawag ito.

" M-ma", tawag nya dito sa nanginig na tinig pero hindi sya nito narinig at patuloy pa rin ito sa pagpapalutang-lutang sa tubig. Takot na ngayon ang nararamdaman nya halos nanginginig na ang kanyang mga tuhod. Nararamdaman nyang may masamang balak ang mga lalaking ito sa kanya kaya mas nilakasan pa nya ang pagtawag sa ina.

"MAMA", nakita nyang umangat ang ulo ng Mama nya at lumingon ito sa kinaroroonan nya kaya bahagya syang nakaramdam ng saya.

" Mama tulungan mo ako? ", tawag nya ulit dito.

" Aba pre, mama's girl pala", nakangising sambit ng kasama nitong nasa kanan nakatayo.

***

"MAMA".

Parang may naririnig si Matet na tumatawag sa kanya kaya bahagya nyang minulat ang mga mata at iniangat ang ulo para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya.

Sobra ang kabang naramdaman nya ng makita ang panganay na anak na hinahawakan ng lalaki sa braso. Wala syang inaksayang oras, agad syang umahon sa tubig at tumakbo patungo sa kinaroroonan ng anak nya.

"

"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Family Heirlooms   Chapter 43: Unraveling Emotions

    MATETAlas-singko na ng umaga nang magising siya. Agad niyang inayos ang sarili, puno ng determinasyon na bumaba sa kusina upang ipaghanda ang agahan nila—lalo na ang almusal ni Javi. Naisip niya na dapat na niyang simulan ang pag-aalaga at pag-asikaso sa mga pangangailangan ng lalaki, upang pagdating ng mga magulang nito, maging tila natural at kaswal na lamang ang kanyang mga galaw.Nasa kusina na si Nanay Alma, masigasig na naghuhugas ng mga sangkap para sa kanilang agahan. Si Trina naman ay nakikita niyang nagwawalis sa bakuran sa labas ng mansion. "Good morning po, Nanay Alma!" ang bati niya, nagulat ang matanda sa kanyang boses.“Good morning, Tet! Ang aga mo namang nagising,” sagot nito."Opo, plano ko pong ipagluto ng almusal si Javi," sagot niyang nakangiti. "Ano po ang karaniwang kinakain niya sa almusal?"Ngumiti si Nanay Alma, tila naintindihan ang layunin niya. “Itlog, tinapay, at kape ang madalas na kinakain ni Señorito, Tet. Minsan, toasted bread lang,” sabi nito habang

  • The Family Heirlooms   Chapter 42: Under the Same Roof

    JAVIMaaga pa siyang umuwi sa mansion, nag-aalalang baka hindi lumabas si Matet mula sa kanyang kwarto. Iniwan niya itong biglaan at hindi naipakilala nang maayos sa mga kasambahay. Baka nahirapan itong makisama sa kanila.Pagbaba niya mula sa kotse, agad siyang dumeretso sa guest room kung saan naroon si Matet. Ngunit sa pinto pa lang ng mansion, rinig na rinig na niya ang matinis na tawanan mula sa kusina. Dahan-dahan siyang lumapit doon at tumambad sa kanyang paningin si Matet, kasama ang dalawa niyang kasambahay, na masayang nakikipag-kwentuhan habang naghahanda ng kanilang hapunan. Hindi na niya sila ginambala; sa halip, nanatili siyang nakatayo sa pintuan, nakangiti at nakikinig sa kanilang masiglang usapan."Alam mo, Tet, itong si Trina, napalo 'yan ng nanay niya noon kasi ipinatawag sila sa school. Gumawa ba naman ng love letter para sa crush niya at sa ibang tao pa niya ito naibigay! At nang bawiin niya, akala ng nabigyan—para talaga sa kanya ito—pinagtawanan siya. Buti na la

  • The Family Heirlooms   Chapter 41: Uncharted Paths

    Matet"Nanay Alma, paki hatid po ang señorita niyo sa guest room," tawag ni Javi sa isang katulong ng mansion. Mabilis itong lumapit sa kanila, puno ng kasigasigan."Opo, Señorito," mabilis na sagot nito, may ngiti sa kanyang mga labi."Gandang hapon po," bati niya, bahagyang yumuko bilang paggalang."Magandang hapon din sa iyo, Señorita," balik bati ng katulong. "Sumunod po kayo," sabay kuha sa dala niyang maleta.Bago siya sumunod, nagsalita si Javi, nag-aalangan sa tono. "Magpahinga ka muna sa guest room. Sa hapunan na natin pag-uusapan ang set-up natin." Isang mabilis na tingin ang ibinigay niya bago lumabas ng mansion. Mukhang nagmamadali siya. Hindi na hinintay ang kanyang sagot.Habang sumusunod sa katulong, inilinga niya ang mga mata sa loob ng bahay. Mga mamahaling gamit ang nakapaligid – mula sa mga mapanlikhang muwebles, sa makintab na chandelier, sa mga makasining na paintings, maging sa magagandang kurtina. Napahanga siya ngunit pinilit niyang itago iyon. Ayaw niyang mag-

  • The Family Heirlooms   Chapter 40: Embracing the Role

    MATET Maaga pa siyang bumangon kinaumagahan upang ipaghanda ng almusal ang mga bata para sa kanilang pagpasok sa paaralan at upang ayusin ang mga gamit na dadalhin sa mansion ng mga Dixon. “Good morning, Ma,” bati ng kanyang anak nang pumasok ito sa kusina. Tapos na itong maligo at nakabihis na. Lumapit ito sa kanya at tumulong sa paghahanda ng mesa. “Good morning,” sagot niya habang ngumiti. “Nasaan na ang kapatid mo?” “Nagbibihis na rin po,” sagot nito. “Ma, every weekend ba, uuwi ka?” “I'm not sure, nak, pero susubukan ko,” sagot niya, na may ngiti sa labi. Hindi nagtagal, dumating sina Angie, Thea, at Bryle upang mag-agahan. Pagkatapos ng agahan ng mga bata, agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagpaalam sa kanyang ina. “Nay, ikaw na bahala sa mga bata, ha? Tawagan niyo ako kaagad kung nagpapasaway ang mga 'yan,” bilin niya, puno ng pag-aalala. “Naku, huwag kang mag-alala. Mababait ang mga anak mo,” sagot ng kanyang ina. “Mabuti naman kung ganun. Alis na po ako,” an

  • The Family Heirlooms   Chapter 39: Surpresang Pagbabalik

    Pagkatapos ng pagsamba, hinatid sya ni Javi sa karinderya ng ate nya. Bumungad ang mapanghusgang tingin ng mga kustomer na nandun. Binaliwala nya lang iyon. "Magkape ka muna bago ka umuwi", alok nya sa lalaki. Tumango ito. Sumunod sa kanya sa loob ng karinderya at pumuwesto sa isang bakanteng table na andun. " Walang kaming cappuccino coffee dito ha, kaya original coffee lang ang ititimpla ko sayo", ani nyang nakangiti. Sumingaw ang matamis na ngiti sa labi nito. Napansin nyang panay ang sulyap ng mga dalaga sa lalaki. Nagpapansin ang mga ito kay Javi. Samantalang patay malisya lang ang lalaki. "𝘏𝘮𝘮, 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘨𝘪𝘳𝘭𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 ", bulong nya sa isip habang tumalikod sa lalaki. Nasa counter ang kanyang ate na may makahulugang tingin sa kanya. " Ano yan ha? mukhang madalas na ang pagkikita nyo nyan? ". Ginawa muna nya ang kape ng lalaki bago sumagot sa kap

  • The Family Heirlooms   Chapter 38: Ang Alok

    "Alex, sa palagay mo, papayag kaya siyang magpanggap na asawa ko?" tanong niya kay Alex.Napatingin si Alex sa kanya, naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya."Sino po ang tinutukoy mo, boss? Si Ms. Matet ba?" ito kasi ang babaeng napag-usapan nilang dalawa noong nakaraang araw.Marahan siyang tumango. Pilit niyang pinupukos ang isip sa mga report na nasa harap niya, ngunit patuloy pa rin siyang nadidistract."Sa totoo lang, boss, hindi ko alam. Kakaiba ang babaeng iyon," matapat na sagot ni Alex. "Subukan mo lang na kausapin siya."Nag-isip siya ulit. "May numero ka ba niya?" tanong niya."Wala, boss. Pero sigurado akong makikita natin ang numero o contact information niya sa reception. Lahat ng guests natin, nakalog-in ang mga personal details doon.""Tawagin mo nga si Roxie at sabihan mong hanapin ang contact details ng babae sa guests list," utos niya.Agad na tumalima si Alex. Pagbalik nito, may dala itong papel na naglalaman ng contact info na kailangan niya. Matagal siyang nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status