Beranda / Other / The Family Heirlooms / Kabanata 5: Swimwear

Share

Kabanata 5: Swimwear

Penulis: Ma Ri Tes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-09 07:22:25

Pagbukas nila sa kwarto, bumungad sa kanila ang malaki at maaliwas na loob nito.Lumaki ang mga mata ng kasama nya at napamangha.

"Tita dito tayo matutulog?",tanong ni thea na parang ayaw maniwala. Halata sa mukha nito ang pagkamangha.

" Oo",maikli nyang sagot. "Maganda ba? ".

" Opo.Ang laki ng kama,may malaking TV at may aircon pa!Sarap matulog dito".

Mahirap lang sila kaya alam nyang bagong experience sa mga kasama nya ang bakasyon nila. Dahil nasa mamahaling resorts pala sila.

Noong una akala nya simpleng resort lang yun kasi ang mura lang ng room reservation na nakuha nya pero hindi nya in-expect na pang first class resort pala iyon. Nagtataka nga sya kung bakit ang mura ng reservation ng resort at may papromo pa. Wala naman syang mahagilap na rason at wala naman syang mapagtanungan kaya imbis na i-voice out ang laman ng utak nya ay pinili nya na lang tumahimik.

"Sigurado ka bang mura lang ang bayad mo dito? ", tanong ng kanyang ina sa tonong hindi kumbinsido.

" Oo nga po", sagot nyang parang nakukulitan na sa mga ito. At ipinakita nya ang recibo ng reservation nya, sa mga ito para maniwala sa kanya. Tiningnan nya ang kabilang kwarto at doon nya pinatuloy sina Lea.

Pagkatapos nilang ayusin ang mga gamit nila ay inaya nya ang mga kasama na bababa na sila sa canteen para makapanghalian na sila. Alam nyang lahat ay gutom na dahil past two na ng hapon.

"Bilisan nyo na jan, bababa na tayo para kakain".

"Dito na tayo kakain, may niluto akong pagkain kanina sa bahay at dinala namin", sabi ng nanay nya na may hawak na tupperware at may lamang suman sa niyog at suman sa dahon ng saging.

" Nanay talaga, nag-abala pang pagurin ang sarili sa pagluluto ", bahagyang reklamo nya sa ina. Ganyan palagi ang ina nya kapag may okasyon o may lakad sila palagi itong may baon. Bagay sa kanya ang kasabihang " Always ready"-may handa ito palagi.

"Hindi naman sa ganun tet, para naman makatipid ka kahit ngayong araw lang. Alam kung ang mahal ng pagkain sa restaurant sa baba ", paliwanag nito

" Nay, kasama na po sa room package na nakuha ko ang food natin kaya d mo na po kelangan mag-alala sa gastos sa pagkain",malambing nyang sabi sa ina na halata pa rin ang pag-alala sa mukha na gagastos sya ng malaki sa bakasyon nilang iyon.

"Ganun ba yun? Pwede pala ang ganun?akala ko ibang bayad ang sa pagkain", sunod-sunod nitong turan.

" Depende po. May promo po kasi ang resort na'to at may iba't ibang packages sila, kaya ang kinuha ko po ay yung may free food package ", maikli nyang paliwanag.

" Ganun pala yun. Pero bukas na tayo kakain dun, ito muna kakainin natin ngayon baka kasi hindi ito pwede sa baba kapag dinala natin doon. Sayang kung mapanis".

"Sige po nay. Tatawagin ko lang po sina Lea sa kabilang kwarto para dito na tayo kakain lahat", pagsang-ayon nya sa ina at pinuntahan sina Lea.

Naghati kasi sila sa dalawang kwarto. Kasama nya sa kwarto ang dalawa nyang anak, ang pamangkin na si Thea dahil hindi ito gustong mahiwalay sa anak nyang panganay at ang bunso nyang kapatid.

Sa kabilang kwarto naman ay si Lea at ang anak nito, ang nanay nya at si Ronnie. May adjacent room kasi doon sa kwarto nila ni Lea, kumbaga family room doon-masters bedroom at room ng mga bata. Doon sa room ng mga bata sa Ronnie.Doon din tutuloy si Mark at Yanyan kung dadating ang mga ito mamaya.

"Tapos na ba kayo jan? Kakain na tayo", bungad nya dito pagpasok nya sa kwarto.

" Saan tayo kakain Teh?, tanong ni Lea sa kanya.

"Doon na tayo sa kabilang kwarto, yung pagkaing dala ni nanay muna kakainin natin. Bukas na tayo kakain sa baba".

" Sige po", tumayo na ito kahit hindi pa tapos ang ginagawa at sumunod sa kanya.

"Pagkatapos nating kumain pwede na kayong bumaba sa pool area kapag gusto nyong maligo", sabi nya sa mga ito.

" Talaga Ma?!, pwede na kaming maligo doon? bulalas ni Laine.

"Oo naman basta huwag kayong lalapit sa adult pool baka malalim doon. Sa waterslide na lang kayo o sa play area", paalala nya sa mga ito.

" Hindi ka sasama Tet?", tanong ng nanay nya na may pagtataka.

"Susunod po ako, tatawagan ko lang po muna si Ate Bel", tatanungin nya kasi kung anong oras ang mga ito darating. Ito ang kapatid nya na may bahay dito sa lungsod at kasama nito ang pamangkin nyang si Mark at Yanyan. Inaya nya rin ang mga ito at ang sabi ay susunod lang sila.

"Ah, sige, mauna na kami sa baba", tsaka bumaba na ang mga kasama nya.

" Huwag nyong kalimutan ang room card nyo, hindi kayo makakapasok sa room nyo kapag wala yun", pahabol nyang paalala kina Lea.

Inayos nya muna ang lahat ng mga nakakalat na gamit bago lumabas ng kwarto nila. Sinigurado nya na hindi nya nakalimutan ang room card nila at tsaka naglakad na pababa ng pool area habang tinatawagan ang kapatid.

"Hello Ate Bel", bati nya sa kausap. " Mga anong oras po kayo darating dito?, tanong nya.

"Ay Tet, bukas na kami makakasunod jan", sambit nito. " Sayang kasi ang mabebenta ko pa ngayong hapon kung magsasara na kami", paliwanag nito.

"Ganun po ba Te, sige po naiintindihan ko. Agahan nyo lang po pagpunta dito bukas Te", malungkot nyang turan sa kapatid. Naiintindihan nya naman ito. Sa maliit na karinderya lang kasi sila kumukuha ng kanilang kabuhayan kaya hindi nito ito basta-basta lang isara para lang sa pagbubulakbol. Ay! hindi pala bulakbol, bakasyon pala.

"Sige sige', kita tayo bukas. Gustong-gusto na nga nina Yanyan at Mark pupunta jan pero sabi ko bukas na lang. Hindi na ako magbubukas ng karinderya bukas para makapunta kami jan ng maaga pa", dagdag pa nito.

" Ok po, aabangan ko kayo bukas sa reception area para hindi kayo mahirapan sa paghahanap sa amin"

"Mas maganda ngang abangan mo kami jan. Sige na may kustomer pa kasi akong inaasikaso", pagtatapos nito ng usapan nila at ibinababa na ang selpon.

Dumiretso na sya sa mga kasama nya na kasalukuyang nag-eenjoy sa water play area. Naglalaro ang mga ito sa tubig, kaya napangiti sya ng maluwang habang pinagmamasdan ang mga ito. Masaya syang makita na nag-eenjoy ang mga ito. She felt fulfilled when she saw them happy.

"Buti dito kana Tet. Maglilibot ako sa buong lugar, gusto mo bang sumama? ", aya ng ina nya sa kanya pagkadating niya.

" Kayo na lang po nay, dito na lang po ako at makikipaglaro din ako sa mga bata ", tugon nya dito.

" O sige, babalik lang ako dito mamaya", sabi nito saka umalis na at naglibot.

"Mama, halika ka dito", tawag ng kanyang bunsong anak sa kanya.

" Sige, anjan na ako", lalapit na sana sya sa mga anak at akmang lulusong na sa tubig pero pinigilan sya ng nagbabantay doon.

"Ma'am, excuse me po. Kelangan nyo po muna magsuot ng proper clothing ", sabi nitong nakangiti sa kanya.

Huminto sya at tiningnan ang bantay.Kumunot ang noo nya. " Ok naman tong suot ko ah! ", saad nya dito. Nakashort at t-shirt lang sya.

"Ma'am kelangan nyo po magsuot ng proper swimming clothes", paliwanag nito.

Tiningnan nya ang mga guest na andoon. And yes nakapang-swimming wear nga ang mga ito,mayroong naka-one piece suit at ang iba nakabikini. Ang mga kasama nya ganun din. Nakahanda kasi ang mga ito para sa paliligo nila. Ganun din ang mga anak nya, binilhan nya talaga ang mga ito ng pang-swimming pero hindi sya bumili ng kanya kasi naisip nya na ok lang naman siguro magshort at t-shirt sya na maligo.

Bumaling sya kausap at nakiusap na yun lang ang susuotin nya. "Pwede bang ganito lang ang susuotin ko please!".

" Sorry po ma'am but we really strictly implementing rules here at kapag hindi po namin sinunod kami po ang mapapagalitan ni Boss Javi ",paliwanag nito sa kanya.

" Pwede bang i-except mo ako jan", pangungulit pa nya.

"Sorry po talaga Ma'am but I can't, baka po mapaalis ako sa di sa oras kapag ginawa ko yan. Kawawa ang mga anak ko kapag mawalan ako ng trabaho", turan nito.

Yumuko sya at mahinang bumuntunghininga. Ayaw nya ng mangulit pa, baka mapagalitan nga ito ng Boss nya at mapatalsik pa sa trabaho,makokonsensya pa sya. "Alright mukhang wala talaga akong mapagpipilian nito kundi ang magbihis. Pero wala akong dala swimwear, saan ba ako pwede makabili rito? ", saad nya sa malungkot na boses.

"You can buy there in resort store ma'am", sabi nito sabay turo ng store sa kanya.

" Ok salamat". Nagpaalam muna sya kay Lea na bibili ng swimming wear nya bago umalis.

****

Pumasok sya sa store at naghanap ng maisusuot sa paliligo. Lumapit sya sa nakahilirang one-piece suit at pumili.

"Hmmmm, ang hirap naman pumili nito. " Hindi naman ako mahilig sa mga ganito eh, ba't ba kasi bawal ang magshort at t-shirt ", naiinis nyang sabi sa sarili.

Napansin sya ng saleslady na nahihirapang pumili ng maisusuot kaya lumapit ito sa kanya.

" Good day po ma'am, mukhang nahihirapan po kayong pumili ng panswimming nyo ah", sabi nito na magiliw na nakangiti sa kanya.

Bumaling sya dito at ngumiti rin.

"Hindi naman sa ganun pero hindi kasi ako sanay na sumusuot ng mga ganito and nahihiya po kasi ako. Baka magmukha akong butanding",sagot nya sa saleslady at hininaan ang huling sinabi.

Tumawa ito ng mahina. " I can help you choose ma'am, if you like", sabi nito na pinipigilan ang pagtawa ng malakas.

"Talaga! pero ayaw ko ng pagkaliberated na swimsuit na halos kita lahat sa akin", nahihiya nyang sabi. " Baka mapagkamalan akong balyena o butanding, pagbibiro nya sa saleslady.

"Si Ma'am, sobrang mapagbiro", sabi nito at pinasadahan ng tingin ang mga nakahilerang one-piece suit.

" Mmm, then you can have this swim dress ma'am", kinuha nito ang kulay blue na swim dress at ibinigay sa kanya. It is good for conservative person like you ma'am. But it emphasize your body shape", bahagyang paliwanag nito sa kanya.

"You can also have this blouson suit. It's good for hiding your tummy but in you ma'am, d mo po need na itago yang tummy mo, super fit nyo po kasi at hindi po kayo butanding at balyena",hininaan din nito ang huling sinabi at tiningnan sya ng mabuti na parang kinakalkula ang vital statistics nya.

"For me your vital is " 34,25" 36", tama ba Ma'am?, talagang nagbigay pa ito ng vitals nya.

Ngiti lang sa sagot nya dito. Kinuha nya ang one-piece suit na hawak nito. Tiningnan nya ng mabuti ang mga ito at pumili ng isang piraso.

Habang sinisipat naman sya ng tingin ng saleslady bago ito nagsalita. " Alam mo ma'am kung ako ang may katawan na ganyan. Hay naku! mag-to-two piece talaga ako. Ibabalandra ko talaga ang ganda ng katawan ko. Hindi talaga ako mahihiya na i-display ang BODY ko", sabi nito.

"Ma'am palit na lang kaya tayo nga katawan".

Natawa sya sa huli nitong sinabi.

" Total tinatago mo naman yang sexy body mo. O di kaya'y ipahiram mo na lang sa akin ng isang oras, magpapansin lang ako kay crush. Kahit anong gawin kung pagpapansin kasi dun, deadma lang eh, baka sakali kung ganyan katawan ko, mapansin nya ako", kinikilig pa ito habang nagsasalita.

"Hehehe, gagamitin mo pala sa pang-akit ang katawan ko ha", natatawa sya sa pagiging madaldal ng saleslady. Parang matagal ma silang magkilala kung kausapin sya nito.

" Ay, hehe, sorry po ma'am ",nakita nyang nahiya ito ng mapagtanto ang sinasabi nito. " "Napasobra ata ang daldal ko" .

"Hahaha, ok lang oi. Mas maganda ngang makwento ka para naman hindi maboring ang kustomer mo. O heto ang bibilhin ko", iniabot nya dito ang napili nyang swim dress. Black and white ang top nun with the shades of purple in the skirt.

Dinala nito sa counter at sumunod sya doon para bayaran. "Thanks po ma'am", sabi ng cashier na nakangiti ng iabot ang binili nyang swimwear. Lumingon sya sa saleslady na nag-assist sa kanya pero may inasikaso na itong ibang kustomer. Binalingan nya ang cashier at ngumiti dito bilang tugon. Dumeritso na sya sa isang changing area na andoon para makapagbihis.

" Nasaan si Ate", tanong ni Ronnie kay Lea pagkalapit nya sa water play area. Hihingi sya ng pambili ng makain nila dahil nakaramdam sya ng gutom.

"Hayun, papalapit na", nginuso ni Lea ang direksyon ng babaeng papalapit sa kanila.

Napatingin ang binata sa direksyon na nginuso ng bayaw nya at nakita nya ang ate nyang papalapit. Nahagip din ng mga mata nya ang tingin ng mga kalalakihan na puno ng pagnanasa sa ate nya kaya sumipol sya para makuha ang atensyon ng mga ito.

Kunsabagay,hindi naman nya masisisi ang mga ito. Sino ba naman ang hindi titingin sa ate nya "Eh katawan pa lang ulam na". May dalawa na nga itong anak pero may ipagmamalaki pa rin ito. Mula sa dibdib nito na hindi naman kalakihan at hindi rin maliit-kumbaga tamang-tama lang, sa maliit nitong bewang hanggang sa malapad nitong balakang. Bonus pa ang bilogan nitong mukha, singkit na mata(pero minsan bilog din kapag galit ito) na palaging nangungusap,kissable lips at katamtamang tangos ng ilong.Kung i-didescribe nya ang Ate nya, she's a perfect model pero simple lang itong babae.

Hindi naman sya nabigo na kunin ang atensyon ng mga kalalakihan na nakatingin sa ate nya dahil sabay ng pagsipol nya lumingon ang mga ito sa kanyang direksyon.

" Wow chiczzzz", biro nyang nakangiti sa kapatid ng makalapit na ito. Ngunit pasimple nyang pinukolan ng matalim na tingin ang mga kalalakihan para ibatid sa mga ito ang intensyon nya na huwag na huwag nilang babastusin ang ate nya dahil nakabantay sya.

"Ang sexy naman. Saan ba ang rampa natin", pang-aasar nya dito.

****

Malayo pa lang sya nakita nya na ang kanyang nakababatang kapatid na may nakakalokong ngiti sa labi. Sumipol pa ito ng makalapit na sya.

"Wow chiczzzz", sabi pa nito. Kaya hinampas nya ito ng damit nyang hinubad nya kanina. Pinuri pa sya pero inasar din sa huli.

" Aray", sabi nito na napaatras at humagikhik sa reaksyon nya.

"Bwiissit ka talaga Ronnie", asik nya dito.

" Ito naman si Ate, biro lang yun". "Pero ang totoo Ate, akala ko kung sinong model ang papalapit eh", ngingiti nyang wika sa nakakatandang kapatid.

" Sus, binola pa ako. Alam kong may hihingin ka kaya mo ko binobola", pagtataray nya sa kapatid.

"Ate,manghuhula ka na ngayon ah, Alam mo agad", tatawa-tawa nitong sabi.

" Sabi ko na nga eh! Ano ba yun?

"May pera ka jan Te? nagugutom kasi ako, bibili lang ng pagkain".

Natawa sya ng hinaan ng kapatid ang boses. Nahiya ito na may makarinig na nanghihingi ito ng pera sa kanya. Paano ba naman eh, binata na, manghihingi pa ng pera.

" Yun lang pala kelangan mo, binola mo pa ako", asar nyang hinampas ang kapatid. At tsaka kinuha ang wallet at binigyan ito ng pera.

"Hindi yun pambobola Te ha. Akala ko talaga model ang papalapit sa amin", ulit nito sa sinabi kanina. " Hindi mo ata namalayan lahat ng mata ng kalalakihang nadadaanan mo, sayo nakatutok", dagdag pa nito at pinandilatan ng mata ang mga kalalakihan sa paligid.

"Akala ko hindi ka nag-susuot ng ganyan. Ni minsan hindi pa kita nakita na nakasuot ng katulad nyan. Tingnan mo nga at kita ang hubog mg katawan mo", sinipat pa sya nito ng tingin.

" May choice ba ako? eh pinagbawalan ako ng bantay magsuot ng t-shirt sa paliligo dito. Need daw talaga proper clothing at istrikto nila iyong pinapatupad dahil nasa rules ng resort yan", naiinis nyang sabi habang hinanap ng mga mata nya ang bantay kanina pero hindi nya nakita.

"Kaya pala", tumango-tango ang kapatid nya. " Buti naman para kahit papano may makikita naman kaaya-aya ang mga manyakis na lalaki dito", pang-aasar ni Ronnie sa kanya.

"Langhiya ka, gusto mo pa ako matsansingan ng mga manyakis dito", akma nyang susugurin ang kapatid pero tumakbo na ito palayo sa kanya.

" Bibili lang ako ng tsitsirya, babalik ako jan", sigaw nito ng lumingon sa kanila at dumeritso ang takbo patungong kanteen.

Napailing na lang sya sa kakulitan at pang-aasar ng kapatid nya. Bumaling sya sa bayaw na kanina pa pangiti-ngiti dahil sa asaran nilang magkapatid. Nakaupo parin ito sa tabi at walang planong lumusong sa pool.

"Ayaw mo maligo Le? ", tanong nya dito.

" Mamaya na te, parang ang ginaw eh", sabi nito na kunwari nanginginig sa ginaw.

May pumasok na kalokohan sa utak nya. Lumusong sya sa tubig at binasyahan ang bayaw na nakaupo. "Maginaw ba? ", tanong nya dito na patuloy ang pagbasya ng tubig.

" Ate!!!!! ", sigaw nito na pilit isinasangga ng kamay ang tubig na binabasya nya.

" Hindi ka lulusong dito, hindi kita titigilan ", pangungulit nya dito.

Nakita ng bunso nya at ng pamangkin nyang si Monmon ang ginawa nya kay Lea kaya agad ang mga ito lumapit at tinulungan pa syang basyahan ito ng tubig.

" Halika na Mama", aya ni Monmon sa ina habang lumalapit sa ina at hinatak para sumunod sa kanya na lumusong sa tubig. Wala ng magawa si Lea kundi ang sumunod na lang dahil basa na rin sya.

"Si Ate talaga eh", pagmamaktol nya kay Matet na ngayon ay tawang-tawa dahil napilit sya na lumusong sa tubig.

" Sabayan mo kasi tong mga bata. Kahit minsan lang aasal tayong kasing edad nila para mas ma-eenjoy nila ang bakasyon na ito.

Nakipagsabayan na sila sa mga bata at nakipaglaro.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Family Heirlooms   Kabanata 36: Call Me by My Name

    MATET " Dito na lang ako Mr. Dixon", wika nya sa lalaki. "Can you please stop calling me Mr. Dixon. Call me by my name, Javi". " But I should't call you by that. You need to be respected, you're rich and well known! ", she argued. " Does it matter if I'm rich or I have high status in the society ", he asked. " uhhhuhh", she nodded. He stopped the car but didn't unlocked the door. "Can you please unlocked the door", she pleaded. Nilinga ni Javi ang paningin sa paligid na parang may hinahanap. Binaliwala nito ang pakiusap nya. " Saan ang bahay ng ate mo? " he asked. Wala syang balak na sabihin kung saan banda ang bahay ng kapatid nya. Alam nyang, ihahatid sya nitong hanggang doon. Ayaw nya yun. Pakiramdam nya habang tumatagal ang pagsasama nila ng lalaking ito, nagkakaroon sya ng malaking utang na loob dito. Ayaw nya rin ang nararamdamang napapalapit sya sa lalaki. "Hindi mo kailangang alamin kung saan naroon ang bahay ng kapatid ko. It's too much already that

  • The Family Heirlooms   Kabanata 35: Job Hiring

    MATET "Uhmm. . .Mr. Dixon hindi na ako magtatagal. May pupuntahan pa kasi ako", saad niya. " Ok, pero ihahatid kita". "Ha? Naku, huwag na. Baka nakaabala ako sayo". " No , Wala naman akong ginagawa doon sa resort ", pagpupumilit nito. 'Uhm, nakakahiya naman kasi. . . mamimili pa ako eh", ayaw nya talagang ihahatid sya nito " It's ok, sasamahan kita", determinado ito sa sinasabi. "Uhh,. . . Ok", nagdadalawang-isip man, hindi na sya nagreklamo pa. " Le-Let's go". Nag-grocery muna sya ng mga kakailanganin nila sa loob ng bahay. Next stop nya, pumasok sya sa school supplies area para bilhan ng bagong sapatos at bag ang mga anak. Sumunod lang sa kanya si Javi at ito pa ang humihila ng cart nya. Almost 15 minutes ang pamimili nya bago pumila sa counter. "Hintayin mo na lang ako sa labas Mr. Dixon, babayaran ko lang to", pakiusap nya sa lalaki. " No, sasamahan pa rin kita". "No need, Kaya ko na to. " "But I insist". " Umusad naman kayo. Ang dami pang magbabayad

  • The Family Heirlooms   Kabanata 34: Unexpected Meet-up

    JAVI Past eleven na ng umaga ng dumating sya sa DFA. Mabilis lang naiproseso ang dokumento nya dahil may kaibigan siyang kilala sa departamento. Lumabas sya ng DFA ng matapos ang appointment niya. Dumaan sya sa harap ng POEA at may nahagip ang kanyang mata na isang babae na pamilyar sa kanya ang pigura. Tumigil sya sa paglalakad upang pagmasdan ng mabuti ang babaeng yun. Ng tumayo ito dahil sa paglapit ng isang lalaki, doon nya na tuluyang nakilala ang babae. "(What is she doing here? ) ", tanong nya sa sarili. Dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan nito. Pinag-aaralan nya rin ang galaw ng lalaking kausap nito. " (Another pervert! ) ", nagtitimbagang sya ng marealize na hinaharas na naman ito. " (Ganito ba palagi ang senaryo kapag nagkikita kami?), inis nyang tanong. Hinila nya ng marahas ang lalaking halos hahalik sa braso ni Matet. Hawak din nito ang kamay ng babae. "You're B***sh*t! Wala kang karapatang hawakan ang kamay nyan dahil ako lang ang may karapatan", mahina

  • The Family Heirlooms   Kabanata 33: Bad news and good news

    Iniinat ni Matet ang katawan pagkatapos nyang gawin ang lahat ng gawaing bahay. Umupo sya sa duyan na nasa lilim ng punong mangga. "Hmmm, paubos na ang ipon ko, pero hindi pa rin nagparamdam ang agency na inaaplayan ko", bulong nya. Kinuha nya ang cellphone upang i-message ang kaibigan na nagrekomenda sa kanya sa agency. " [Sis gandang araw. Kumusta na? ]"panimula nyang mensahe. "[Ok lang sis, Ikaw kumusta naman jan? ]", balik tanong nito. Mabuti't online din ito sa mga oras na yun. " [Ok lang naman sis. Uhh, . . . sis kamusta nga pala ang application ko? ]" "[Ahh, sis nasa line up ka pa for selection kaya antay lang ng kaunti.]", paliwanag ng kaibigan nya. " [Suggest ko sis, kumuha ka na ng CoC sa POEA para kung maselect ka na mas madali ka ng makaalis]", suhestiyon nito. "[Sige sis, aasikasuhin ko ang CoC ko]", reply nya. Napabuntong-hininga sya. Isinilid nya ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa. " Mukhang matatagalan pa ako dito ah", she mumbled. "Kelangan

  • The Family Heirlooms   Kabanata 32 : Wasted chances

    "Jhon, huwag mong idamay ang anak natin sa galit mo sa'kin", galit nyang singhal sa asawa. " Yang mga anak mo! nakuha yang pag-uugali mo! Nakakasuka, kaya lumayas kayo dito! ". " Sumusubra ka na John! Walang kinalaman ang mga anak natin sa away natin! ". Bumangon si John at tumayo. Itinulak nito si Bryle. " Aray", natumba ang bata sa gilid ng kabinet. Agad nyang sinaklolohan ito. " Nak may masakit ba? ", kaagad nyang siniyasat ang katawan ng anak baka nasugatan. " Ok lang po ako mama",malungkot nitong turan. "Salamat kung ganun", pinatayo nya ang anak at inilabas sa kwarto nila. " Sa labas lang muna kayo ha", pakiusap nya sa anak. Tumango naman ito at sinunod ang siya. Nakita nya kinuha ni John ang kanyang mga damit at itinapon ito sa labas, pati ang damit ng kanilang mga anak. "Magsilayas kayo rito. Mga wala kayong silbi! ", sigaw nito. " Papa, ano ba? Huwag mo naman tong gawin sa amin! ", rinig nyang pagsusumamo ni Laine. Pinupulot nito ang mga damit na tina

  • The Family Heirlooms   Kabanata 31: Back Again

    Tinupad nga ng Ate Bel nya ang pangako nito na uuwi sa probinsya upang sabay nilang salubungin ang bagong taon. Ganun din ang iba pa nyang kapatid. Matatawag silang isang tunay na pamilyang Pilipino. May close family ties. Nag-aaway man pero sa huli ay naayos nila ang kanilang problema. Sa pagsalubong ng bagong taon ay may kanya-kanya silang menu. Nagsipagluto sila sa kani-kanilang tahanan at dinala ang handa sa bahay ng kanilang ina. Ang kanyang Ate Bel ay nagluto ng puto at kutchinta. Si Lea ay nagluto ng spaghetti. Si Ana ay nagluto ng salad. Ang Ate Marie nya ang bumili ng cake at sya naman ay nagluto ng ulam na may sabaw at gulaman para sa dessert nila. Masaya nilang sinalubong ang bagong taon na sama-sama. Ang mga natirang pagkain sa pagsalubong ng bagong taon ay dinala nila sa beach na malapit lang sa kanila kinabukasan. Doon sila kadalasan pumupunta kapag may okasyon. Bumalik sila sa kani-kanilang buhay matapos ang bagong taon. At naging busy ang lahat. Isang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status