Sa isang Sabado ng hapon, napagdesisyunan nina Alexis at Ralph na dalhin ang mga bata sa mall bilang simpleng family bonding. Matagal na rin mula nang huli silang namasyal nang buo, at ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat—lalo na si Alexis matapos ang pinagdaanan nitong PTSD—gusto nilang sulitin ang bawat sandali.Si Anjo, na ngayon ay dalawang taong gulang pa lamang ay tuwang-tuwa habang nakasakay sa stroller. Si Ayesha naman ay panay ang hirit ng mga lugar na gusto niyang puntahan—arcade, bookstore, at syempre, ice cream kiosk.Habang magkasabay na kumakain ng fries sina Alexis at Ralph, sandaling hinayaan nila si Anjo na bumaba sa stroller para makalakad-lakad. Hindi naman sila nag-alala dahil nasa loob sila ng department store, at kasama naman nila si Ayesha na laging masigasig na bantay.“Anjo, don’t go too far,” paalala ni Alexis habang inaabot ang isang damit mula sa rack.“ yes, Mommy!” sigaw ni Anjo sabay tawa.Mabilis ang kilos ng bata—habang si Ralph ay naki
Dalawang taong gulang pa lang si Anjo, pero para na siyang may sariling mundo—at sariling batas. May sarili siyang schedule, sarili niyang gusto, at sariling "language" na kahit si Alexis minsan ay kailangan pang i-Google para lang maintindihan.Pero kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan, aba, may improvement na ang bagets. Oo, may mini-meltdown moments pa rin gaya ng biglang pag-iyak dahil mali ang kulay ng baso na pinaglagyan ng gatas (kasi daw dapat blue, hindi red!), pero mas madalas na ngayon ang “Yes, Mama” at “Okay, Dada” kaysa sa “Ayaw!” na may kasamang tadyak.Credit ito sa napakagandang team-up nina Ralph at Alexis—isang team na minsan din ay nag-aaway kung sino ang "kontrabida" sa buhay ni Anjo. Dati kasi, si Ralph ang “spoiler” at siya “sergeant.” Pero ngayon, balance na. Nagkasundo na sila na kapag si Ralph ang nagsabi ng "No," hindi siya kukontrahin ni Alexis ng "Okay lang, sige na nga," at vice versa. Teamwork makes the tantrum work—este, teamwork beats the tantrum!Is
Sa paglipas ng mga buwan, napansin nina Alexis at Ralph na unti-unting nagiging malikot si Anjo. Kung dati’y tahimik itong nakikinig habang binabasahan ni Alexis ng kwento, ngayon ay hindi na ito mapakali sa loob ng limang minuto. Kahit sa simpleng pagkain, tila may pakpak na ang mga paa ng bata at gustong laging tumakbo. Sa umpisa, napapangiti pa sila. Pero habang lumala ang pagiging “hyper” ng bata, doon na nagsimulang magkaroon ng tensyon.“Anjo, don’t throw your toys!” singhal ni Alexis isang hapon nang mabagsakan siya ng laruang kotse sa paa.“Baby pa sya, Lex,” ani Ralph habang kinarga si Anjo. “He doesn’t know any better.”“Ralph, ilang beses na natin siyang pinagsabihan. Hindi na siya baby. He needs to learn boundaries.”“He’s two,” mariing sagot ni Ralph. “Masyado mong pinipressure.”Alexis crossed her arms and looked away. “And you’re enabling him.”Tumahimik si Ralph. Si Anjo, walang muwang na nilalaro ang kwelyo ng polo shirt ng ama habang nakaakbay ito sa kanya. Sa loob n
Isang Sabado ng gabi, napagdesisyunan ni Ralph na isama sina Alexis, Ayesha, at Anjo sa isang bagong bukas na family-friendly restaurant na kilala sa mga wood-fired pizzas at homey ambiance. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ng kanilang pamilya nitong mga nakaraang buwan, gusto lang niyang ibalik ang simpleng saya ng pagkain sa labas na kasama ang buong pamilya.“ I like it here, Mommy,” bulong ni Ayesha habang hinahaplos ang rustic na mesa na gawa sa kahoy.“Tamang-tama lang ang vibe, no?” tugon ni Alexis, nakangiti habang karga si Anjo.Napatingin si Ralph sa dalawa niyang anak. Sa gitna ng mga ilaw ng restaurant at ang mabining jazz music na pinatutugtog, pakiramdam niya’y bumabalik na rin sa normal ang buhay nila. O kahit papaano, nasa direksyon na sila ng “panibagong normal.”Umorder sila ng pizza, creamy truffle pasta, roasted chicken, at apple juice para sa mga bata. Habang naghihintay ng pagkain, nagsimula silang magkwentuhan.“Alam mo ba, Daddy,” panimula ni Ayesha habang ng
Matapos basahin ni Ralph ang liham, hindi siya agad nagsalita.Hindi kumibo. Nakaupo siya sa may sofa sa kanilang sala, hawak-hawak pa rin ang papel, bahagyang nakayuko. Nakakunot ang noo niya—hindi dahil sa galit o gulo ng isip, kundi dahil tinatantiya niya kung paano sasabihin ang lahat ng nararamdaman niya… nang hindi masyadong madramang pakinggan.Si Alexis, mula sa kusina, patagong sumilip. Nakatunghay kay Ralph sa magiging reaksyon nito. Hindi alam kung lalapit ba siya o hahayaan munang lumamig ang eksena. Hindi rin siya sigurado kung na-touch si Ralph, o kung… na-overwhelm.Pero sa sunod na sandali, tumayo si Ralph.Tahimik pa rin.Lumapit siya kay Alexis, mabagal, walang ngiti, pero hindi naman masyadong seryoso. Walang dramatikong yakap, walang halik. Tumigil lang siya sa tapat ng asawa, tinignan ito sa mata, saka iniabot muli ang liham gamit ang dalawang kamay, dahan-dahan.“Salamat,” mahinang sabi niya.‘Yun lang ngunit ramdam ni Alexis ang malalim na kahulugan ng pasasala
Habang natutulog sina Ayesha at Anjo sa kanilang kwarto, si Alexis ay naroon sa study area ng kanilang condo. Bukas ang laptop sa harap niya, pero hindi sa email o sa design project gaya ng dati. Sa halip, isang simpleng Word document lang ang laman ng screen. Walang images, walang color swatches—tanging mga salita lang na matagal nang gustong kumawala mula sa puso niya.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga.Sinulyapan niya ang isang litrato sa gilid ng mesa ay ang unang family photo nila ni Ralph, kasama si Ayesha. Sariwa pa sa isip niya ang lahat. Kung paano sila nagsimula sa isang kontrata, isang kasunduang dapat sana’y pansamantala lamang. Pero heto siya ngayon, halos hindi na matukoy kung saan natapos ang kontrata at kailan nagsimula ang totoong pagmamahal.At sa wakas, nagsimula siyang mag-type:To my dearest husband,I don’t think I’ve ever truly thanked you. Not the way you deserve.We started with a lie we both thought we could handle. A deal. A contract. A timeline. Th