Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 122 - Random Sweet Nothings

Share

Chapter 122 - Random Sweet Nothings

Author: Olivia Thrive
last update Huling Na-update: 2025-07-11 21:29:46
Mula pa lang alas otso ng umaga, sunod-sunod na ang pag-vibrate ng phone ni Alexis sa loob ng kanyang handbag. Akala niya ay may urgent client email o group chat sa team, pero nang silipin niya ito, napataas ang kilay niya. Ralph panay send ng pampakilig na mensahe.

8:00 AM —

“I love how your eyes squint a little when you laugh. I swear, kahit may pinagdadaanan ako, napapatawa mo pa rin ako. –R”

"At anong pakulo ito?" reply ni Alexis.

Napangiti siya. Iniling ang ulo, sabay balik sa ginagawa sa desk. Pero hindi pa man lumilipas ang isang oras, heto na naman. May bagong mensahe.

9:00 AM —

“I love how you say ‘Kaya natin ‘to’ kahit obvious namang pagod ka na. Ang lakas ng loob ko dahil sa’yo. –R”

Napapikit si Alexis at tinakpan ng kamay ang bibig para hindi mapahagikhik. Lumingon siya sa paligid. Buti na lang, busy rin ang mga katrabaho niya.

"This is crazy." ani Alexis sa sarili. Hindi na makareply si Alexis dahil naging abala na sa trabaho.

10:00 AM —

“I love the way
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 149 - Parting with Old Home and Memories

    Maagang nagising si Alexis sa huling araw nila sa dating bahay. Habang nakaupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan niya ang silid na ilang taon ding naging saksi sa bawat tagumpay, luha, pagtatalo, at pagmamahalan nila ni Ralph. Ang mga dingding na noon ay pininturahan nila nang sabay, ang kisameng minsang inaabot ni Ralph habang nag-aayos ng ilaw, at ang bintanang palagi nilang sinisilip tuwing umaga upang tignan ang panahon — lahat ng iyon ay bahagi na ng kanilang kasaysayan bilang mag-asawa.“Gising ka na pala,” bungad ni Ralph mula sa pintuan habang may bitbit na dalawang tasa ng kape.Ngumiti si Alexis, tinanggap ang mainit na tasa. “Last coffee sa bahay na ’to.”“Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot,” tugon ni Ralph habang umupo sa tabi niya. “Ang daming alaala dito, Lex.”Napatingin si Alexis sa sulok ng kwarto, kung saan minsang doon nila nilagay ang crib ni Anjo noong bagong panganak siya. “Dito rin natin dinala si Anjo nung una. Akala ko nga hindi na tayo aalis dito.”T

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 148 - New Home

    Habang naglalakad sila Alexis at Ralph sa isang tila ordinaryong bakanteng lote sa gilid ng lungsod, napataas ang kilay ni Alexis. Suot niya ang isang simpleng blouse at puting pantalon, at ang kanyang mga mata ay lumilipad sa paligid, nagtatanong.“Sigurado ka bang tama ang daan natin?” tanong ni Alexis habang kinakabig ang kamay ni Ralph.Ngumiti si Ralph, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. “Oo. May ipapakita lang ako sa’yo.”Napansin ni Alexis ang mga construction cones at mga bakod na may telang puti. May ilang trabahador din sa paligid, tila may tinatapos pa. Sa gitna ng lote, naroon ang isang modernong bahay na may dalawang palapag. Hindi pa ito ganap na tapos, pero makikita na ang istruktura at ganda ng disenyo—may malalawak na bintana, beige na pintura, at isang hardin sa gilid na nagsisimula nang magkaroon ng anyo.Natigilan si Alexis. Dahan-dahan siyang humakbang palapit, tila hindi makapaniwala. “Ralph… ano ’to?”Huminga nang malalim si Ralph, saka marahang itinuro ang ba

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 147- Anjo got Lost

    Sa isang Sabado ng hapon, napagdesisyunan nina Alexis at Ralph na dalhin ang mga bata sa mall bilang simpleng family bonding. Matagal na rin mula nang huli silang namasyal nang buo, at ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat—lalo na si Alexis matapos ang pinagdaanan nitong PTSD—gusto nilang sulitin ang bawat sandali.Si Anjo, na ngayon ay dalawang taong gulang pa lamang ay tuwang-tuwa habang nakasakay sa stroller. Si Ayesha naman ay panay ang hirit ng mga lugar na gusto niyang puntahan—arcade, bookstore, at syempre, ice cream kiosk.Habang magkasabay na kumakain ng fries sina Alexis at Ralph, sandaling hinayaan nila si Anjo na bumaba sa stroller para makalakad-lakad. Hindi naman sila nag-alala dahil nasa loob sila ng department store, at kasama naman nila si Ayesha na laging masigasig na bantay.“Anjo, don’t go too far,” paalala ni Alexis habang inaabot ang isang damit mula sa rack.“ yes, Mommy!” sigaw ni Anjo sabay tawa.Mabilis ang kilos ng bata—habang si Ralph ay naki

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 146- Hotdog in Spaghetti

    Dalawang taong gulang pa lang si Anjo, pero para na siyang may sariling mundo—at sariling batas. May sarili siyang schedule, sarili niyang gusto, at sariling "language" na kahit si Alexis minsan ay kailangan pang i-Google para lang maintindihan.Pero kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan, aba, may improvement na ang bagets. Oo, may mini-meltdown moments pa rin gaya ng biglang pag-iyak dahil mali ang kulay ng baso na pinaglagyan ng gatas (kasi daw dapat blue, hindi red!), pero mas madalas na ngayon ang “Yes, Mama” at “Okay, Dada” kaysa sa “Ayaw!” na may kasamang tadyak.Credit ito sa napakagandang team-up nina Ralph at Alexis—isang team na minsan din ay nag-aaway kung sino ang "kontrabida" sa buhay ni Anjo. Dati kasi, si Ralph ang “spoiler” at siya “sergeant.” Pero ngayon, balance na. Nagkasundo na sila na kapag si Ralph ang nagsabi ng "No," hindi siya kukontrahin ni Alexis ng "Okay lang, sige na nga," at vice versa. Teamwork makes the tantrum work—este, teamwork beats the tantrum!Is

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 145 - Parenting Style

    Sa paglipas ng mga buwan, napansin nina Alexis at Ralph na unti-unting nagiging malikot si Anjo. Kung dati’y tahimik itong nakikinig habang binabasahan ni Alexis ng kwento, ngayon ay hindi na ito mapakali sa loob ng limang minuto. Kahit sa simpleng pagkain, tila may pakpak na ang mga paa ng bata at gustong laging tumakbo. Sa umpisa, napapangiti pa sila. Pero habang lumala ang pagiging “hyper” ng bata, doon na nagsimulang magkaroon ng tensyon.“Anjo, don’t throw your toys!” singhal ni Alexis isang hapon nang mabagsakan siya ng laruang kotse sa paa.“Baby pa sya, Lex,” ani Ralph habang kinarga si Anjo. “He doesn’t know any better.”“Ralph, ilang beses na natin siyang pinagsabihan. Hindi na siya baby. He needs to learn boundaries.”“He’s two,” mariing sagot ni Ralph. “Masyado mong pinipressure.”Alexis crossed her arms and looked away. “And you’re enabling him.”Tumahimik si Ralph. Si Anjo, walang muwang na nilalaro ang kwelyo ng polo shirt ng ama habang nakaakbay ito sa kanya. Sa loob n

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 144- Restaurant Chaos

    Isang Sabado ng gabi, napagdesisyunan ni Ralph na isama sina Alexis, Ayesha, at Anjo sa isang bagong bukas na family-friendly restaurant na kilala sa mga wood-fired pizzas at homey ambiance. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ng kanilang pamilya nitong mga nakaraang buwan, gusto lang niyang ibalik ang simpleng saya ng pagkain sa labas na kasama ang buong pamilya.“ I like it here, Mommy,” bulong ni Ayesha habang hinahaplos ang rustic na mesa na gawa sa kahoy.“Tamang-tama lang ang vibe, no?” tugon ni Alexis, nakangiti habang karga si Anjo.Napatingin si Ralph sa dalawa niyang anak. Sa gitna ng mga ilaw ng restaurant at ang mabining jazz music na pinatutugtog, pakiramdam niya’y bumabalik na rin sa normal ang buhay nila. O kahit papaano, nasa direksyon na sila ng “panibagong normal.”Umorder sila ng pizza, creamy truffle pasta, roasted chicken, at apple juice para sa mga bata. Habang naghihintay ng pagkain, nagsimula silang magkwentuhan.“Alam mo ba, Daddy,” panimula ni Ayesha habang ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status